Campus King meets Miss Pangit...

By MsjovjovdPanda

4.8M 149K 6.7K

Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpap... More

Trailer
Characters
Campus King Meets Miss Pangit (Book 2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Thank you supporters
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
'Reminder' (Romance Alert)
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Pasasalamat ni Author
About the next more books
'Happy Anniversary'

Chapter 32

43.9K 1.4K 26
By MsjovjovdPanda

Chapter 32

BALAT'S POV

Grabe 'yon si Best friend, iwanan ba naman akong mag-isa sa Shining Company hindi pa ako sinabay sa kanya. Pinapasunod niya ako ngayon sa kanya sa Kang Tower sa office ni Ozu. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para sa kanya.

Nakakainis nga lang dahil ang bagal-bagal ng jeep na nasakyan ko ngayon para sana mabilis akong makarating do'n sa pupuntahan ko. Kung puwede nga lang sana na ako na ang magdrive nito e.

"Manong, puwede bang paliparin mo na 'tong jeep mo?" suhesyon ko sa driver dahilan para pagtinginan ako ng mga pasahero. Hindi na kasi ako mapakali. Baka mamaya kung anong gawin ni Crystal do'n sa babae raw ni Ozu. Walang pipigil do'n kung magpapang-abot sila dahil amazona rin 'yon.

"Eneng! Bakit 'di nalang ikaw ang lumipad?" sagot ni Manong driver habang natatawa. Tapos nagtatawanan din itong mga pasahero rito.

Hindi ko alam kung ano ba'yung pinagtatawanan nila, 'yung sinabi ko ba o 'yung itsura ko?

"Pambihira naman kayong lahat, oh! Nagmamadali lang po kasi ako." Napataas ako ng kilay.

Pero 'di na ako nakatiis. Padabog na akong bumaba.

Nagmamadali na akong maglakad ngayon kasi nga baka kung anong mangyari ro'n sa office ni Ozu. Kailangan kong makarating agad do'n ngayon bago pa mahuli ang lahat.

Nang biglang may bumusina sa likuran ko pero hindi ko 'yon pinapansin.

Akala ko naman hindi babaero 'yung si Ozu. Katulad lang siya ng dalawang King! At kapag talagang napatunayan kong babaero siya at niloloko niya si Best friend, humanda siya sa akin.

"Aaaah!" Nang bigla akong mapasigaw dahil nagulat ako nang mas lumakas 'yung busina na kanina pang bumubusina.

Bastos 'yon ah? Papatayin ba niya ako sa gulat?

Paglingon ko sa likuran ko may kotse palang sumusunod sa akin. Inayos ko muna 'yungmakapal kong salamin at tinitigan kung sino ba 'yon.


Pero nanlaki ang mga mata ko nang isa sa mga King pala 'yon. Si Darren Min. Pambihira siya. Ano kayang ginagawa niya rito? Bakit sinusundan niya ako? Charot. Assuming.


"Balat! Saan ka pupunta?!" sigaw niya habang nando'n siya sa loob ng kotse niya at naglalakad naman ako.

"Ah, sa office ni Ozu!" sigaw ko rin kasi nasa kalsada kami e at maraming sasakyan ang dumadaan kaya maingay.

"Gano'n ba? Sumabay ka na sa akin!"

Ano raw? Isasabay niya ako? Naks, ang suwerte ko naman pala kung gano'n. Makakasama ko ang Chick Magnet King na kaibigan ni Ozu.

Pero siyempre 'di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit na ako. Binubuksan ko na 'yung kotse niya pero ayaw magbukas no'n.

Ang nakakaasar lang do'n agad niya akong pinagtawanan. Kung hindi ko nga lang 'to crush e pektusan ko 'to. Pero hindi naman kasi ako maganda para gawin sa kanya 'yon.

Nang pinagbuksan niya ako ng pintuan umupo na ako sa tabi niya.

Medyo nakakailang nga lang kasi, ang guwapo niya tapos pangit ako, mabango siya, tapos mabaho ako.

"Ihahatid na kita ro'n," alok niya kaya tumango naman ako. Aba, papakipot pa ba ako?

Habang nagmamaneho siya ang daldal niya pala. Kung ano-anong kinukuwento niya tapos ako tumatango lang. Kaya pala lapitin 'to ng mga babae dahil hindi ka maboboring sa kanya kapag kasama mo siya.

"Hey! Are you in your mind?" bigla niyang sabi kaya bumalik ako sa ulirat ko.

"Ha? Y-Yeah, of course," napa-english tuloy ako ng wala sa oras.

"Sabi ko kung may BF kana," tanong niya ulit.

Ba't hindi ko narinig na nagtanong pala siya ng gano'n? "Wala. Bakit mo naitanong?" Gusto niya pala ng daldalan ha, sige, pagbibigyan ko siya.

"Wala naman, pero dapat nagkakaboyfriend ka na. Tignan mo 'yung kaibigan mong si Pangit, may asawa na 'di ba? Kaibigan ko pa."

Ang harsh niya sa part na tinawag niyang pangit ang best friend ko. Bahagya ko siyang nginisian.

"Wala naman nanliligaw sa akin e kaya wala pa akong sasagutin," sarkastiko kong sagot sa kanya. Pero mukhang tini-trip niya ako dahil pangiti-ngiti niya akong tinignan.

"Kung gusto mo mag-apply ka," wala sa sarili kong sabi tapos no'n napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto ko 'yung sinabi ko. Ibig ko kasing sabihin do'n sa sinabi ko—mag-apply siya sa akin bilang boyfriend ko.

Palihim kong kinagat ng mariin 'yung labi ko. Ang gaga ko sa part na 'yon.

Nang muli ko siyang balikan ng tingin nakangiti na naman siya sa akin. "D-Dito na ako," utal kong pagkakasabi. Nandito na rin naman kasi kami.

Tapos pilit kong inaalis 'yung seat belt pero hindi ko alam kung paano 'yon tanggalin kasi siya nagkabit no'n kanina sa akin e. Natataranta ako dahil gusto ko na talagang bumaba dahil nga ro'n sa sinabi ko pero nakakaasar dahil hindi ko 'to matanggal. Paano ba 'to? Wala kasi nito sa bundok e.

"Ako na," suhesyon niya sabay lapit sa akin.

Medyo napaiwas naman ako dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Parang mababaliw ang puso ko dahil ang lakas ng tibok nito.

"Okay na," sabi niya habang mas nilapit 'yung mukha niya sa akin.

"T-Teka! Puwede ba'ng umalis ka sa harapan ko?" Halos mapapikit ako at sumiksik sa pinakagilid nitong upuan.

"Shh, crush mo ako 'no?" aniya kaya agad akong napadilat.

"Ano? Hoy! 'Wag ka ngang feeling diyan!" Pilit ko na ngayong binubuksan 'yung pintuan ng kotse niya para makababa na ako rito dahil na-te-tense na ako pero nakakainis lang dahil paano ba 'to buksan? Wala kami nito e. "B-Buksan mo na 'to!" Natataranta na talaga ako.

"Sure." Kita kong nag-evil smile siya.

Ano ba namang klaseng nilalang 'to? Bakit ang guwapo niya? Mas lalo tuloy akong na-tense. Sa tingin ko sinasadya niyang pagtrip-an ako ngayon.


"P-Puwede ba lumayo ka sa akin!" Paano kasi nilalapit niya ulit 'yung mukha niya sa akin. Pero nang mabuksan na niya 'yung pintuan ng kotse niya agad akong bumaba ro'n.

Mabilis akong nanakbo papalayo. Pumasok agad ako sa loob ng Kang Tower at pinagtanong ko kung saan 'yung office ni Ozu.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

164K 4.9K 54
Titled : Campus Queen : The Beginning Of the end Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 3 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note...
139K 3.3K 37
PLS VOTE AND COMMENT IN THIS STORY PLSS ITS MY FIRST STORY..... THIS IS A CLASH BETWEEN GIRLS AND BOYS........... Ito ang pag-aawayan ng dalawang gru...
51.9K 1.7K 42
Si Briana Sente ay hindi mahilig sa Wattpad pero nagkaroon siya ng kabitbahay na naging Famous Author sa Wattpad. Ang kakaiba pa dito ay lalaki siya...
1.5M 30.7K 44
I'm just a boy.. Standing in front of a girl.. Asking her to shut up and kiss me. Read the prologue! NO SOFTCOPIES. Currently Editing. BOOK 2: "HE'S...