She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.4M 53.4K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 27

20.2K 859 30
By InsaneSoldier

Reflections

--

South's


Sa panaginip ko, palagi kong nakikita kung paano nawala si Mama. I always see how she smiled, how she whispered her very last words. How she closed her eyes...

How she never woke up again.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. I can feel my eyes sting. Napatingala ako sa kisame at kumurap para lang huwag maiyak. Ako lang ang mag-isa sa kwarto.

What time is it? One in the morning? Two? I don't know. I don't care. Because no matter what time is it, even how many seconds painfully passed, when I'm alone, I can't change the fact that I'm still stuck with the past. Like it all just happened yesterday...

I want to help Mama. Gusto kong magkaroon ng silbi. Gusto kong malaman niya na uliran akong anak. Na siya ang pinapanigan ko. Na mahal ko si Mama...

"Thank you."

Kahit sa huling sandali ng buhay niya.

She smiled as she drank all the pills. Hindi ko alam kung gaano kadami, pero alam kong halos maubos ang laman ng hawak niya. She managed to smile at me while crying.

Nandidilim ang ilalim ng mata niya. Bakas ang lungkot sa buong pagkatao nito. Even her smile. I want to end her misery. Kung kinakailangang dalhin ko habambuhay itong nakikita ko at ginawa ko, gagawin ko. Basta...basta ayokong mahirapan si Mama.

"Come here, South," She beckonedNanginginig man ang tuhod, pinilit kong makalapit sa kanya. Pabagsak akong napaluhod sa harapan niya. Her shaky hands caressed my face. "South..."

"Ma..." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipilit huwag umiyak. Alam ko anumang oras, mawawala na siya. Ayoko. Wala akong ibang gagawin para pigilan siya. Ililigtas ko si Mama. "Ma... maging masaya ka na, ah?"

That's one thing I learned in life. Kahit na maraming nagmamahal sa iyo, kahit na maraming kakapit sa'yo para iahon ka sa sakit, sa lungkot, sa kawalan ng pag-asa, kung hindi mo kayang tulungan ang sarili mo...wala. Walang mangyayari. Hindi sapat.

Hindi sapat na may nagmamahal lang sa'yo.

Hindi kaya ni Mama na tulungan ang sarili niya. Kaya gusto kong tulungan siya.

Nakita ko yung pagtango ni Mama. Kahit papaano ay napangiti ako. "Huwag mo akong gagayahin, South, anak...huwag."

"Maging masaya ka, Mama." Nasabi ko na lang. "Ako nang bahala. Akong bahala pagkatapos nito."

"M-mahal na mahal ko kayo ng...ng mga kapatid mo. Mahal na mahal..."

I kissed her forehead. "We love you so much, too." Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit, dahil huli na ito.

"I'm sorry, South. Kailangan mo itong danasin." Umiiyak si Mama. "S-sorry..."

Kulang na lang ay pigilan ko ang paghinga ko. Kung pwede ko lang ihinto ang oras. Pero hindi. Dahil ang oras na lumipas, kailanman ay hindi na maibabalik pa.

"I want to sleep..."

And again, I kissed her forehead and gave her my one last smile. "Sleep well, Mama. Sweet dreams."

Namalayan kong kanina pa pala ako nakapikit. I opened my eyes and saw the blurry ceiling. Since when did I start crying? Mabilis akong nagpahid ng luha. No. Bawal kang umiyak, South. Walang magagawa 'yan. At isa pa, masaya na si Mama. Sana mas masiyahan pa siya sa gagawin ko.

Bumangon ako at nag-ayos bago lumabas ng kwarto. Sandali akong napahinto at pinagmasdan yung room na katapat ko.

It's Jade's room.

Bigla akong napangiti. Pero mabilis ko ring inalis iyon because first, that's just so weird to suddenly smile. Maybe because I can really feel her concern to me, that's why. There's a certain part of me that is craving for her presence. And another part, asking, what's the sense? Sure, she is somewhat special. But just like my mother, that's not enough.

I want to open the door and steal a glance but stopped myself. Why do I need to see her? Napailing na lang ako. Mahirap kapag unti-unti ka nang naa-attach sa isang tao.

I closed my fist. Mabigat ang hakbang na naglakad ako palayo at pumuntang kusina. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay naupo ako. Gusto kong mag-relax pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay pagod ako. Pagod sa kakaisip ng mga bagay-bagay na nagpapalungkot at nagbibigay ng galit sa akin.

Pakiramdam ko mababaliw ako, kaya ayoko ng walang ginagawa. And yet my body's too exhausted.

Bumalik sa isip ko yung kaarawan ni Luis Hansen noong Saturday. Maisip ko palang na tawagin siyang Dad ay nagagalit na ako. If I can kill him then I will.

Pero masyado iyong madali.

Noong araw na umalis ako para maggala, na idinahilan ko lang kay Jade para hindi na siya mang-usisa, iyon din ang araw na simula ng pagganti ko.

I swear I'll make him suffer.

Kasalanan niya lahat. Kasalanan niya kaya naging mahina si Mama. Kasalanan niya lahat. Dahil wala siyang pagpapahalaga sa amin. Dahil mas pinili niya ang pamilya niya ngayon. Napangisi ako. Kakapanganak nga lang pala ng bagong asawa niya. I bet they're happy right now. Lumalaki na ang pamilya nila.

Kami? Wala. Hindi ko sila kailangan. Sapat nang kasama ko ang mga kapatid ko. Mas magiging masaya kami kung kami-kami lang.

I sipped my drink. Isang alaala na naman ang pumasok sa isip ko...

"South Hansen."

Nasa pinakatuktok na floor kami ng gusali. Pinagmasdan ko lang siya. Hinihintay na lingunin ako. At hindi ako nabigo.

"Tito."

Aldrin Alvarez. Ang kasalukuyang may hawak ng isa sa pinakamatagumpay na negosyo sa bansa.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na galing kami sa prominenteng pamilya but we managed to live with our profile low. Kung tutuusin, hindi hamak na mas nangunguna ang company ni Tito kaysa sa pinapatakbo ni Luis. But I won't deny the fact that my father's a big time businessman, too.

Namalayan ko na lang na nakalapit na siya sa akin para yakapin ako. "Kahawig mo talaga ang Mama mo."

Napangiti ako ngunit hindi na nag-abalang sumagot.

Pagkatapos ng yakapan ay bumalik na siya sa table niya. Lumapit ako. Sinilip ko ang view mula sa salaming bintana. Ang taas namin. At nagmukhang miniature ang mga nasa baba.

"I would like to congratulate you for your success in the project that I gave you." Pormal na pagkakasabi niya, "You are amazing. Balancing your time as a student, a varsity player, and being able to do the project on time.Tumango lang ako"You passed."

"Thank you."

"And as a promise, ibibigay ko ang tulong na gusto mo. Like what we've talked about almost two years ago..."

Malapit na.

Kapag natapos ang lahat, matatahimik na ako. Katulad ng pangako ko kay Mama na ako na ang bahala sa lahat.

"Huwag mo akong gagayahin, South, anak... huwag."

Huminga ako ng malalim. It's just too late.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 193K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
10.1K 613 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...
76.2K 3.4K 17
Valle d'Aosta Series 5
247K 17.9K 36
[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nish...