************************
Kathrice's POV
"ACHOOOOOOOOOOOOOOO!"
Takte, nakakailang bahin ka na ba ngayong araw, Katrina?! Nakakairita na (-______________-). Kasalanan 'to nu'ng kumag na lalaking 'yon eh! Kung hindi sana niya ko inaya na maligo sa beach, edi hindi sana ako peperwisyuhin ng ganito ng sipon na to. TSK!
"Katrina, tulungan mo nga muna ako dito."
Ay! kanina pa pala ako tinatawag ni nanay. Eh kasi naman, talagang nakakatamad bumangon kapag ganitong sinisipon ka, ang sarap humiga maghapon.
"Ano po 'yon?" tanong ko kay nanay nang makarating ako sa kusina.
"Kako, ipagtalop mo ako ng mga manggang hilaw habang niluluto ko ang alamang."
Ngayon ko lang napansin na parang ang daming nakahandang pagkain ngayon dito sa bahay. Fiesta ba? Malabo eh, noong isang buwan lang 'yun.
"Ahm, 'nay? Ano po bang meron at may mga pagkaing nakahanda?"
tanong ko kay nanay.
"Nag-aya kasi ng picnic si ma'am Rowena, para bago man lang daw kayo pumasok bilang kolehiyo eh, makapag-enjoy na muna." Napailing-iling na lang ako.
Kahit kailan kasi talaga, habang tumatanda si ma'am Rowena eh, lalong buma-bagets. Tinulungan ko na si nanay sa mga inihahanda niya. Mapapadami ako ng kain mamaya. Niluto ni nanay 'yung paborito kong pansit bihon, at saka may mangga pa. Tiba-tiba din. BWAHAHAHAHAHA! Bahala na mamaya. Wala namang figure na masisira sa akin kasi hindi naman ako tumataba. Ganoong ata kapag obrang stress na :))
"'Nay.."
Hala? Parang pamilyar ata 'yung boses?
O baka napa-praning lang ako dahil nami-miss ko na siya? HMPF! 'Di ko nga dapat siya nami-miss dahil siya ang may kagagawan kung bakit ako may sipon. Naman ksi!
"Dito anak." halalala? so hindi lang ako inaatake ng guni-guni ko?
Nandito talaga siya? (^____^)
Tse!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi? Ang gulo ng buhay mo, Katrina!
Nakita kong pumasok na sa loob ng kusina si Jonas.
"Mmmmm, bango ah?" sabi ni kumag.
Ayan na, nakapwesto na siya sa harapan ng lamesa at parang ready to fight with the pudtraks na ang eksena.
"Nakakagutom ah." duktong pa niya.
Sus. Kailan ba hindi nagutom ang lalaking 'to? Pareho ata kaming may butas sa bituka at hindi kami mabusog-busog eh. Lumapit ako sa kanya habang tinatalupan ko 'yung pangalawang mangga.
"Lumayo-layo ka nga sa akin, Katrina at baka bigla kang masapian, masaksak mo pa ko."
Ay oo nga pala, naitutok ko sa kanya 'yung kutsilyo.
"Ayaw mo mu'n makakaharap mo na si San Pedro. Pero siyempre, 'di ka mamapasok dahil sa dami ng kasalanan mo." sabi ko sa kanya sabay tawa HAHAHAHA!
Tss, totoo naman eh. Ang dami niya kayang kasalanan sa akin. Lagi niya kong pinagti-tripan, tapos siya rin amg may kasalanan kung bakit hindi pa ko nagkakaroon ng boyfriend ngayon. Paano ba naman kasi? Kapag may poporma sa akin, lagi siyang nakabantay. Para siyang si tatay. Kawawa naman ang lovelife ko. NBSB ang eksena eh. Pati tuloy si Kiko na nanliligaw sa akin, napaatras ata dahil sa kumag na 'to. Pag ako talaga hindi na nagkaroon ng lovelife, guguluhin ko ang matiwasay niyang pamumuhay. WAHAHAHAHA! *evil laugh*
"Edi mamimiss mo ko pag nangyari 'yun?" tanong niya habang nakatingin sa akin at malapad ang pagkakangiti.
"Asa ka na naman? Ano ba 'yan Jonas, aasa ka na lang lagi? Hinding-hindi kita mami-miss. 'Di pa ko nasisiraan ng ulo no." sagot ko sa kanya. Magaling na ba akong magsinungaling? Here comes defense mechanism.
"Sus! Kunwari ka pa, Katrina. Amin-amin din kase." pangaasar niya sa akin. Ano bang problema nitong mokokng na 'to? nako-corner ako ngayon (-_____________-)
"Achooooooo!"
Hala?
Nabitawan ko pa 'yung mangga dahil sa intense na pagbahin na 'yun. Para pa naman akong bata kapag sinisipon. Sobrang namumula 'yung ilong ko, tapos laging naluluha 'yung mata. Kadiri!
"Sinisipon ka?" tanong ni Jonas sa akin.
"Ay hindi, ubo ang tawag dito. 'Di mo ba alam? Kapapalit lang kanina bago ka dumating." loko 'tong lalaking 'to. nakita na ngang bumahin tatanungin pa kung sinisipon. Obvious naman!
Parang 'yung feelings ko lang para sa kanya. Hindi pa ba halata na may gusto ako sa kanya? Tapos siya hanap ng hanap ng iba, nandito naman ako. Ano pa bang kulang? Ako nga 'yung laging nandito sa tabi niya eh. Ako 'yung nakakakita ng mga walang kakwenta-kwentang talent niya. Ako 'yung kasama niya BUONG BUHAY niya. Take note, caps lock pa 'yun at naka-bold, buong buhay 'yun.
Hay nako.. bitter-bitteran Kathrice? Tse! Bahala na nga.
"Huy!" sabi ko sa kanya at pagkuwa'y hinampas siya
"Aray!" reklamo ni Johnas.
Bakla nga siguro 'tong lalaking 'to. Oh ang pag-ibig ko @________@
"Hindi mo ba pinakain 'yang mga alaga mong bulate bago ka pumunta dito?" tanong ko sa kanya. Lagi na lang gutom. Wala ng inatupag kundi pagkain. tss.
"Alam mo, napakadamot mo talaga! Kakain lang eh. Nanay si Kathrice oh! Pinagdadamutan ako!"
Aba't- tignan mo 'tong lalaking 'to. Tinignan ko siya ng humanda-ka-sa-akin stare. pero siyempre, tumingin din siya ng sige-lang-anytime stare. Takte! Loko 'tong kumag na 'to ah?
"Para ka naman kasing hindi kakain mamaya. Ikaw pa naman, lapag ikaw ang naunang kumain, 'yung mga kasunod wala ng makakain."
Mamatay ka sa irap kong loko ka!
"Grabehan best? 'Nu namang tingin mo sa'kin? MASIBA?" tanong ni Jonas sa akin. HAHAHA! Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis eh. Tinignan ko ulit siya, at hayun! Nilalanyakan na niya 'yung mga mangga ko.
H-ha? Mangga-
"HOOOOOOOOOY!" sabay agaw sa mangga. Huhu, kawaawang mga nilalang. Basta-basta na lang silang kinakain nitong walang puso na 'to.
"Hay nako, 'wag ka ngang magtatanong ng obvious!" duktong ko habang inilalayo sa kanya ang mamgga my loves ko.
"Ouch!" sabi niya habang sapo ang dibdib na parang masakit iyon.
"Utut mo, OUCH! Lakas mong manglibang tapos lalantakan mo 'tong mga mangga ko." ang ayoko sa lahat eh 'yung inaagawan ako ng pagkain.
"Excuse me?MANGGA MO? Kailan pa? May pangalan mo?" lokong 'to!
Inilagay ko sa baba ko 'yung isang kapay ko na parang nag-iisip ng ewan.
"Hmm, buti pinaalala mo. NEXT TIME lalagyan ko!"
"Best naman eh!" aray! 'BEST' daw. Ang sakit sa puso :(( Pilit niyang inaabot 'yung mga mangga. Buti pa 'tong mga mangga mahal na mahal niya.
"Tse! Manigas ka diyan! Ayun o! May alamang naman du'n!." sabay turo sa alamang na niluluto ni nanay kanina. Nilingon iyon ni Jonas.
"Ano namang gagawin ko doon?" tanong ni Jonas. Kahit kailan talaga, may pagka-boplaks 'tong bestfriend ko no?
"Ipalaman mo sa dahon! Baliw! Baka pwede mong sulatan 'yung alamang!" HAHAHAHA! Hindi niya maabot-abot 'yung mangga.
Mas mahaba kasi mga galamay ko kesa sa kanya. Pero mas malaki katawan niya sa akin, jusko! Baka mamaya madaganan niya pa ko.
"Tara na-"
Mukhang natigilan si nanay
Ano bang meron sa pwesto namin ni kumag?
Yumuko ako ng kaunti para tignan 'yung pwesto namin ni Jonas.
Nakatayo ako habang hawak sa itaas 'yung tapperware na pinaglalagyan ng mangga..
Tapos siya eh, nakayakap 'yung isang braso sa bewang ko. Habang inaabot ng kaliwang kamay 'yung mangga.
Nag-init 'yung mukha ko..
Halos nakayakap na siya sa akin. Kaya pala biglang natigilan si nanay. Ngayon niya lang kami nakita sa ganitong ayos, ang ABUTIN-MO-KUNG-KAYA-MO set up.
(--_________________--)
Kailangan ko ng kumilos, hindi na kinakaya ng puso ko 'yung kilig na nararamdaman ko. Plus, super nakukuryenta na 'yung katawan ko. May lahi sigurong maligno 'tong si Jonas eh, laging nangunguryente.
"Tara na nay!" sabi ko at saka mabilis na umalis sa tabi ni Jonas.
Bago ako lumabas ng pinto ay nakita ko si Jonas na mukhang natalo sa JOLEN. HAHAHAAH!
KATHRICE- winner ✔ JONAS- loser ✘
Dumiretso na ko sa kotse ni Jonas na nakaparada sa labas ng bahay namin. Maya-maya ay sumunod na din sila nanay at Jonas. Taga-bitbit kasi talaga ang role ni Jonas ngayong araw. Jusko! Parang kinakabahan ako sa mga itatanong ni nanay mamaya kapag kami na lang.
Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya habang inililipat niya 'yung mga pagkain sa kotse.
Mestizo ✔
Gwapo ✔
Magaling maggitara ✔
Malinis ✔
Malambing ✔
Gentleman? O sige na nga ✔
Mahal ko ✔
Ay. Natigilan ako bigla sa huli kong naisip. Bakit naman kasi kailangang ma-in-love pa ko sa bestfriend ko eh. Samantalang ang dami naman lalaki sa mundo. Hindi lang naman siya 'yung nag-iisang gwapo. Ang dami-dami eh. Nndiyan 'yung mga baby ko na sina Alex Pettyfer, Logan Lerman. Basta ang dami pa! Bakit sa kanya pa?
"Matutunaw ako." sabi ni jonas.
Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Simula sa paglabas ng bahay, pati noong naglilipat siya ng mga pagkain sa sasakyan, at ngayong kahit nagmamaneho na siya. Ay! Umaandar na pala, di man lang ako na-inform?
Well, ang sabi nga ng madami, UNLESS YOU LOVE SOMEONE, NOTHING WILL MAKE SENSE.
"'Di kaya masyado kang protective diyan sa mga mangga, Kathrice?" napapailing natanong ni nanay sa akin. Yakap-yakap ko kasi 'yung tapperware ng mga mangga eh.
"'Di, oks lang 'to 'nay. Kesa naman basta na lang kainin ng ISA DIYAN 'yung mga kawawang mangga ko." and then I glared at Jonas.
"If I know Kathrice, gustong-gusto ng mga kawawang mangga na 'yan na kainin sila ng isang gwapong katulad ko." mayabang na sagot niya at saka ngumiti ng pagka-cute cute.
God, ang puso ko, pangalagaan niyo po.
Idinikit ko sa tenga ko 'yung tapperware.
"Binulungan ako ng mga mangga, at ayaw daw nilang magpakain sa PAYATOT na gaya mo." sabi ko kay Jonas hanbang naka-ngisi at tinitignan siya ng ANO-KA-NGAYON look.
"'Nay, sigurado pa po ba kayong nasa tamang pag-iisip pa 'tong si Kathrice? Hindi pa po ba Harmful 'to? Ay! Harmful na pala, pero hindi pa po ba malala?" Tanong ni Jonas kay nanay na nasa Backseat.
"ABA'T- HOY!-" naputol ang sasabihin ko ng dahil kay nanay.
"Kayo talagang mga bata kayo, oo." sabi ni nanay habang napapailing na naman. Nakita ko pang ngumiti si nanay.
Napapangiti din ako pag nakikita kong nakangiti si nanay. Siguro 'yung ngiti niya 'yung dahilan kung bakit na-in love sa kanya s tatay. NAKS! HAHA!
Ilang minuto lang ang naging biyahe namin kasi malapit lang naman sa bahay 'yung resort nila Jonas. Kung tutuusin nga, mas malapit 'yung bahay namin sa resort, kesa sa bahay nila Jonas. Pumunta kami sa silong na ginawa nila tatay noon. Nakita kong napangiti si ma'am Rowena noong makita ako.
"Kathrice!" lumapit siya sa akin at saka niyakap ako. Kasunod niya ay 'yung nurse niya na si Shalani.
At siyempre, hindi na naman maganda ang tingin sakin ng nurse na 'to. As if naman masaya din akong nakikita siya? Tss! NUNCA! NEVER!
Nabanggit ko na bang tuwang-tuwa sa akin si ma'am Rowena simula pa noong bata ako. Ang sabi niya kasi ay nakikita daw niya 'yung sarili niya 'yung kabataan niya sa akin, pati na rin 'yung adopted child niya na si Ate Jaema. Nasa states ngayon si ate Jaema. Kahit na adopted siya, parang maiisip mo talaga na hindi kasi halos kamukha niya na talaga sina Jonas. Parang habang tumatagal, lalong nagiging kamukha niya 'tong kapatid niyang sira-ulo. Para siyang girl version ni Jonas na super ganda.
Ewan ko ba, pure Filipino si Ate Jaema, pero 'yung mga mata niya, kamukha ng mata nila Jonas, at sir Rodrigo. Ewan ko ba. Ang gulo ng pamumuhay nila. HAHAHA joke!
Naupo na kami at nagsimula ng kumain. Katabi ko si Jonas at siyempre, tumabi din sa kanya 'yung bruhilda. Konti lang naman kaming nasa salo-salo ngayong hapon. Ako, si Jonas, si nanay, si ma'am Rowena, si mang Karding at yung bruha.
Parang gusto kong masuka sa nakikita ko!
Nilalandi ni Shalani si Jonas- Yuck! Child abuse neng!
"Ahm, sir Jons, gusto mo pa po ba ng pansit? Sasandukan ko po kayo, sabihin niyo lang." maarteng bulong ni Shalani kay Jonas. Kamuntik ko ng mabali 'yung tinidor na hawak-hawak ko. Naman Kathrice! Bulong na nga lang naririnig mo pa din?
Ang alas ko na lang ay 'yung hindi pagpansin sa kanya ni Jonas.
Aba'y dapat lang!
Nilingon ako ni Jonas habang namumualan siya ng pansit.
"Pansit daw Katrina, gusto mo pa ba?" tanong sa akin ni Jonas.
Aww! So cute Jonas!. Abubey?(#^____^#)Buti na lang talaga at hindi pinapatulan ni Jonas 'tong echuserang 'to. Kundi, baka maghalo ang balat sa tinalupan at makembular ko 'tong babaeng ito.
Inabot ko sa kanya 'yung plato ko at siya naman ay wagas sa pag-irap.
HAHAHA! nakakatawa 'yung itsura niya. 'Di ko mapigilang hindi mapangisi. Lalo pa siyang nag-irap. HAHAHA. Bahala ka diyan.
"Eto na!" at saka padabog na inabot 'yung plato sakin.
Grabite! Gabundok na pansit?
Oo- matakaw ako, pero hindi naman ako nagsasandok ng ganito kadami. Pwede naman kasing bumalik balik na lang eh!.
"Ano nga ulit 'yung kukuhaning mong course Kathrice" tanong sa akin ni ma'am Rowena.
"Nursing po, ma'am." tugon ko sa kanya habang kinakain 'yung ga-bundok na pansit na isinandok nu'ng monster.
"Huy! Muubos mo ba 'yan?" bulong sa akin ni Jonas.
"Itutulad mo pa ko sa'yo? Isisi mo 'to sa stalker mong danggit!" pagtataray ko kay Jonas. Narinig ko nang matawa siya ng mahina. So nag-eenjoy siya kapag naiinis ako.
"Loka ka! Amin na nga!" hinatian ako ni Jonas sa gabundok kong pansit. Sus kunwari pa 'tong lalaking 'to. Tinatamad lang siguro 'to kukuha ng pagkain. Nakita kong ang sama na naman ng tingin sa akin nu'ng bruhilda. HAH! mainggit ka!
"Ano nga ulit 'yung course na kukunin mo, anak?" maya-maya ay tanong ni ma'am Rowena kay Jonas.
"Ma naman, pinag-usapan na natin kanina lang eh. Business and finance po." sabi ni Jonas habang namumualan na naman.
"Ah! Iyon nga. Ewan ko ba naman kung bakit iyon ang napili niya." sabi ni ma'am.
"Para pag tanda ko daw po, ako na ang magma-manage ng negosyo sabi ni daddy."
"'Yang Frank Rodrigo Villamor talaga, oo." Pailing-iling na sabi ni ma'am Rowena.
"Palagi na lang busy sa negosyo, ni hindi na nauuwi dito." miss na miss na siguro niya si sir Rodrigo.
"Uuwi daw si daddy this year ma." sabi niya
"Aba'y dapat lang!" mukha ngang miss na miss na niya.
"Tsaka pala, bago ko makalimutan. Lagi mong isasabay si Kathrice- pagpasok man o hindi." bilin ni ma'am Rowena kay Jonas.
"Opo." Jonas answered coldly. He can even say no for Pete's sake. Hindi naman niya kailangang pilitin 'yung sarili niya eh.
"Pengeng mangga!" maya-maya ay sabi ni Jonas.
Oh hindi! Tatayo ba ko para hindi niya makuha? What to do, What to do? Oh no!
"Ayoko!" sabi ko sa kanya.
"Dali na!" tatayo sana ako kaso napigilan na niya ko sa braso. Hinila ako paupo.
Oh jusko. ang sakit sa pwet nu'n!
paglingon ko sa kanya-
NILALANTAKAN NA NIYA 'YUNG MGA MANGGA KOOOOOOOOOOOOO!
"Subukan mong ubusin 'yan kung gusto mong maputol lahi mo." napatingin bigla sa akin si Jonas. Maya-maya ay napa-bunghalit na ng tawa.
Ilang araw na lang, college na kami.
Hey college years, Please be good to me. (#^_____^#)
*****************
please vote and comment. Thankyou!
likeaBossVienny. <3