My Bodyguard and I

By RJPM18

220K 4.5K 156

Sue Aaliyah Alcantara have it all. Money, fame, popularity, best of Friends, beauty and a loving family. Wala... More

My Bodyguard and I
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 42

2K 42 1
By RJPM18


Chapter 42

Nagsimula na ang pasukan sa dito sa New York pero nagawan padin ni Mommy at Daddy nang paraan para makapasok ako. Irregular nga lang ako. Though, hindi naman ako nahirapan na makakilala nang mga bagong kaibigan at karamihan sa kanila ay friends ko na talaga dito noon pa.

Andyan si James at ang girlfriend nyang si Laura. Si Laura at purong filipina pero si James at purong amerikano. Si Patricia, Eliz at Maria ay mga purong Amerikana. Pero, ika nga nila. Nakapunta na sila sa Pilipinas at isang beses na nagbakasyon doon. Marurunong sila nang ilang lengguwaheng tagalog pero 'yung mga basics lang katulad nang 'Salamat' at 'Mahal kita.' Si Allen, King at Wright naman ay purong mga Pilipino pero tulad ko, isa din silang Dual Citizen. Pilipino at American. Pero sa ngayon ay dito muna sila naninirahan sa America at bumabalik lang sa Pilipinas tuwing pasko.

Naging mahirap sa akin noong una, tamad akong pumasok nang klase at hindi naman nakikinig sa professor, gusto ko mang mag-club at mag bar pero hindi ko ginawa. Hindi ako nakikipagusap noon sa kahit na sinong hindi ko kilala at si Andrew lang ang nakakasama ko palagi. Isang linggo ang nakalipas at sumunod si Japeth sa akin para i-check kung maayos ang kalagayan ko.

Iba ang aura nya at hindi ko maintindihan. Parang may kung anung nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo na naiwan sya doon sa Pilipinas.

Nakilala ko ang mga kaibigan ko at nagsimula akong bumangon. Ngayon ako ay nasa second year at ganun padin ang kurso ko. Architecture padin. Totoong maganda magaral dito at talagang madami akong natutunan dahil mas magagaling ang mga professors dito kaya sa Pilipinas ay mas marami ang sources nila. Ilang beses ko din nabagsak ang ilan sa mga subject ko at inulit-ulit ko 'yun hanggang sa nakaraos naman ako.

I am a million miles away, sobrang layo ko sa Pilipinas pero andoon palagi ang isip ko. Minsan, talagang lutang ako at hindi ko napapansing natutulala na pala ako. Sa unang taon ko dito ay wala akong inisip kundi sya. Meron akong cellphone pero wala naman akong ibang katawagan kundi si Madie. Nabalitaan kong nasa Maynila na sya ngayon at nakatira sa kanyang tiya. Madalas din kaming nags-skype kahit na wala naman akong nadidinig sa bibig nyang balita kay Caleb. Hindi ko alam kung nagiingat lang talaga sya na hindi magkwento sa akin dahil sa parents ko o, talagang iniiwasan nya lang magkwento dahil alam nyang iiyak na naman ako. Hindi ko din naman sya matanung dahil natatakot din ako sa pwedeng isagot nya sa akin.

Nang magpasko nang nakaraang taon ay hindi ako umuwi. Disappointed si Madz pero wala akong magawa. Hindi din naman umuwi si Japeth noon kaya nag decide na rin kami na dito nalang din magpasko dahil na-miss ko rin naman ang white Christmas dito.

"Are you okay?" Umakbay sa akin si Andrew habang nakaupo ako sa sala at nags-sketch. Binalingan ko sya nang tingin at nakita kong kagat-kagat nya ang kanyang tinapay sa bibig.

Ngumuso ako.

"Stop messing around Drew. I can't concentrate." Ani ko.

Ngumisi sya at ginulo ang buhok ko. Nairita ako at inirapan sya.

"Alright. Alright." Aniya pagkatapos ay natatawang umalis na.

Panay ang lunok ko habang nakatitig lang sa aking sketch book. Nangangatog ang kamay ko at wala akong maiguhit. Binuklat ko ang sketch book ko at nakita ang isang pamilyar na matang ginuhit ko doon. Hindi ako mapalagay, taon na ang lumipas pero binabagabag padin ako nito. Kumusta na kaya sya? What happen to him kung umalis ako? Nagpatuloy ba sya sa pagaaral? Nasa Maynila na ba sya ngayon? O nagasawa na sya? Damn. I don't want to think about it.

Sinara ko 'yun at ibinaba ang aking mechanical pencil. Umiling-iling ako. This won't help.

Bumukas ang pintuan, tinanaw ko kaagad ang kakambal kong si Japeth na pawis na pawis at nakasuot nang pang-jogging nyang damit. Meron syang hawak na Gatorade at hapong-hapo na pumasok nang bahay. Tumingin ako sa likod nya at nakita ko kaagad ang nakabuntot sa kanyang isang bodyguard.

Bodygurad. Mayroon din ako pero babae na ang kinuha nila para sa akin, Naaasiwa ako pero wala akong magawa. Ayokong magkaroon nang bodyguard pero mapilit si Dad. Walang pumapasok sa isip ko kundi sya kaya ayaw ko talaga, babae ang kinuha ni Dad para sa akin. Alam ko ang ibig sabihin noon, Pero nagkibit-balikat nalang ako. Hinayaan ko nalang. Last Christmas ay umuwi dito si mommy at daddy, Nag-sorry ako at parang bulang naglaho nalang ang galit nila sa akin. Lalo na ngayong nakikita nilang talagang nagsisikap ako sa pagaaral.

"Drew is such a sweet guy." Ani ni mommy sa akin nang regaluhan ako ni Andrew nang isang set nang mamahaling alahas noong nakaraang pasko. Ngumiti lang ako. Ginalaw-galaw ko ang paa ko at pikakiramdaman ang anklet na nakasuot doon.

"He's good for you, Anak. Bagay kayo." Dugtong ni papa.

Yumuko ako at tinitigang mabuti ang alahas na bigay nya. Ganoon palagi sa tuwing dumadalaw sila o nakikipagusap sa Skype. Palagi nilang sinasabi na bagay kami ni Drew at nararapat kami sa isa't-isa. Ayaw kong patulan iyon. Tuwing kumakain nang sabay ang mga pamilya naming ay iyon nalang palagi ang kanilang bukam-bibig. Hindi ako umiimik kapag ganun. Minsan, nahuhuli ko nalang ang mga mapanuring titig sa akin ni Japeth. Pinagmamasdan nya lang ang magigin reaksyon ko.

Andrew is good guy and his handsome too. Isang taon nalang at gragraduate na sya sa kanyang kursong Business Management pero magaaral pa ulit sya. He's so talented. At the same time, Hindi ko alam na habang nagaaral nang business at umaattend pa pala sya sa isang music school dito sa America. He's into music din kasi pero not to the point na sumasali sya ng banda. It's just his hobby. Hobby nyang gumawa ng kanta. Also, Andrew's family is rich. Maliban sa mga pinsan nyang nasa Entertainment Industry, kilala din sila dahil sa mga restaurants nila at hotels na nakakalat sa buong Maynila. Mayroon na din silang branch sa America at iba pang parte ng Asia. He is such an perfect man. Very ideal para mga babae. But not for me. Siguro isa 'yun sa mga mali sa akin. Nasa harapan ko na nga, naghahanap pa ako ng iba.

Madalas kaming magkasama. Halos sa lahat ng bagay ay kasama ko sya. Sa saya at sa lungkot. We do to gym together, we go to school together, we shop together, magbabakasyon din kami, nagba bar kasama ng mga kaibigan. We just have each other in each other side.

Nunag bakasyon, pinagkakabalahan ni Andrew ang pag gawa nya ng kanta samantalang ako ay nag aaddict namang matuto mag skateboarding. It's very fun at siguro ay na-impluwensyahan lang ako ng mga kaibigan kong addict na dito. Mayroon kasing lugar dito sa New York na madaming kabataan ang nags-skateboarding. Makikita mo kung paanu nila ginagawa ang mga iba't-ibang exhibition nila. Isang taon palang akong nagaaral nito and I'm kind of addicted. Atleast, hindi na pagbabar ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Even my friends are fan of skateboarding too. Well, maliban sa mga lalaki na airsoft naman ang kinahuhumalingan.

Kinagabihan ay humiga ako sa aking kama. Tamang-tama lang ang lamig dito sa America at hindi pa ganun kalamig. Pinikit ko ang mata ko nang marealized na umiilaw ang akong laptop. Binalingan ko 'yun nang tingin. Agad akong napangiti nang makitang nasa kabilang linya lang si Madz.

"Madz." Ani ko

Nakita ko kaagad sya sa camera. Tinagilid nya ang kanyang ulo na para bang may kinuha sa gilid. Ngumisi ako.

"What did you do? You're so damn beautiful!" sabi ko.

Nakita kong pumula ang kanyang mukha.

"Di ah!" aniya

Tinitigan ko syang mabuti. Mahaba padin ang kanyang buhok, ganun pa din si Madz. Maliban nalang sa napapansin kong maaliwalas talaga sya ngayon sa paningin ko. Gumaganda talaga sya. Maybe dahil nasa Maynila na sya? I don't know.

"How are you?" tanung ko.

Ngumuso sya.

"Ayos lang, Sue. Last year of being college." Aniya

"Naiinggit ako. I still have 3 years left." Ani ko.

Nanlaki ang kanyang mata. "Wag ka na kasing magbagsak nang subject."

Tumawa sya. Tumawa din ako.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Matagal ko na 'tong kinikimkim at tinitiis. Wala ni isa sa pamilya ko ang nagsasabi sa akin, hindi nadin ito nababanggit pa kahit kaylan.

All this time, inakala kong sapat na ang isang taon para makalimot pero hindi pala. I'm eager to know kung kumusta sya. Malayo kami sa isa't-isa. Pero sila ni Madz, parehas lang ang lupang tinatapakan nila kaya baka may alam sya. I am just so curious about him.

Tinitigan ako ni Madie.

"Anu? May gusto kang sabihin? Oh, itanung?" Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Wala syang anumang sinasabi tungkol sa pananahimik ko. Alam kong hinihintay lang ni Madie sa mga labi ko mismo lumabas ang mga salitang 'yun. Kumalabog muli ang dibdib ko.

"Uhm- Kumusta sya?" I finally asked.

Tumaas ang kilay ni Madie sa akin.

"You really wanted to know?" Aniya.

Tumungo-tungo ako kahit na nababagabag ako sa tono nang kanyang boses.

"Bakit, Madie? Anu bang nangyari nung umalis ako?" Tanung ko.

Kumurap-kurap muna sya bago nagsalita.

"Nung umalis ka papuntang America, umalis na din si Caleb sa Central. Ang alam ko ay nanatili na sya dito sa Maynila dahil.." tumigil sya.

Pigil ang hininga kong pinapakinggan sya.

"Dahil?"

"Dahil sayo, at dahil nadin sa pamilya mo.. Hindi na pumayag si Mr. Alcantara na makaapak pa si Caleb sa Central, Isa pa. Umalis si Caleb bilang iskolar ni Mr. Alcantara." Aniya

Nanlaki ang mata ko.

"WHAT?"

"Yes, Sue. Pero bago ang lahat nang 'yun. Nung araw nang alis mo, umuwi si Caleb sa Central para puntahan ang Daddy mo. Lumuhod sya at humingi nang tawad. Paulit-ulit nyang sinasabi na nagsisisi sya at mahal ka nya. Pero nang araw din 'yun nalaman nya na umalis ka papuntang America. He even kneel in front of your mother pero wala padin. Pinadampot sya nang mga bodyguard nang Daddy mo, and he even sent to jail." Aniya.

Laglag ang panga ko. Napatakip ako sa bibig ko nang dahil doon. WHAT?

Nangatal si Madie sa harapan ko.

"Umuwi si Caleb dito sa Maynila."

"M-madie, N-nagaaral ba sya ngayon? Kumusta sya? Ang pamilya nya? Saan sya nakatira? Oh my God!" bulalas ko.

Nakita ko kung paanu kumunot ang noo ni Madie sa akin.

"Why do you want to know? Hindi ba't sinabi ko na sayong sana ay hindi mo pagsisihan ang lahat nang ito?" Aniya

Tumulo ang luha. "M-madz, Please. Hindi ko alam ang lahat nang iyan."

"Talagang hindi 'yun sasabihin sa iyo nang Dad mo." Aniya.

Tumunganga ako. Tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ko. This is too much! Napakalupit nang pamilya ko sa kanya. Bullshit!

"Hindi sya nagaaral." Inangat ko ang ulo ko sa sinabi ni Madie.

"What?"

"But.. He's working.." dugtong nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Tinakpan ko ang bibig ko at tumingala para mapigilan ang pagbuhos nang luha pero walang tigil iyon. Wala akong magawa at wala akong alam sa mga nangyari. Hindi ko alam na ganun ang nangyari sa kanya.. Hindi ko alam.

"Oh my God!" paulit-ulit kong sabi.

"Sira ang buhay nya nitong mga nagdaang taon. Palagi kong nababalitaang nakikipagaway sya at palaging lasing. He even hospitalized, Nasaksak sya sa tagiliran."

"Shit!" tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ko.

"H-hindi ko alam, Madie." Halos bumulong na ako.

Humulukipkip sya.

"Nangyari 'yun lahat sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal nya sa 'yo." Aniya

"P-pero.. Hindi, Hindi ako nakapaniw-" Tinakpan ko ang bibig ko nang mahirapan ako sa pagsasalita dahil sa pagiyak.

Humagulgol ako at nakitang nakatitig lang si Madie sa akin.

"Ngayon, Alam mo na kung gaanu ka nya kamahal Sue. Andito sya at andyan ka sa malayo. Sooner or later magkakaroon sya nang panibagong buhay. Lugmok na lugmok si Caleb pero nakikita kong unte-unte na syang bumabangon. Umiiyak sya ngayon pero hindi ko alam kung kakayanin mong makita syang nakangiti na sa susunod. Hindi dahil sayo kundi dahil sa ibang babae. You choose this. Ngayon, Panindigan mo ang desisyon mo Sue Aaliyah.." Aniya.

Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko. Hindi ko alam kung anung nangyari at talagang natibag na ang lahat nang pundasyong pinalibot ko sa puso ko. Sa tuwing ipiniikit ko ang mga mata ko ay hindi ko maiwasang isipin si Caleb. Nakikita ko ang posibleng mukha nya nang araw na 'yun. Umiiyak at nakaluhod sa harapan nang mga magulang ko, umiinom at nakikipag basag ulo.

I was wrong! Dammit. I was wrong. Nang pumunta ako dito ay walang naging laman ang isip ko kundi ang salitang 'Move on' at 'Letting go'. Gusto ko syang makalimutan. In every possible way. Gusto kong takasan ang nakaraan at ibaon itong lahat sa limot. Itinatak ko sa isip ko na ako lang ang nasaktan at talagang ginamit nya lang ako. Napaka makasarili ko at hindi inisip na maaaring sya din ay sobrang nasaktan noon..

Nanginig ang kamay ko habang hawak ang aking sketch book. Lumabo ang mata ko at di kalaunan ay nabasa ang papel dahil sa tuloy-tuloy na pagtulo nang luha dito. Diniin ko ang lapis doon at nakita kung paanu maputol ang tulis nito. Humikbi ako nang humikbi habang nakatitig sa mga pamilyar na matang iginuhit ko. I want to go home.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
66.1K 2.5K 33
In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chance and concealed truths. Meet Aeiou Zeph...
1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
253K 4.4K 23
Dice and Madisson