Chapter 51

3.5K 62 3
                                    


Chapter 51

Tulala ako hanggang sa makauwi ako sa bahay. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Hay, Pero sinabi ko na. Siguro nga dapat lang na umiwas na ako. Nang buksan ko ang pinto sa bahay ay agad na bumulaga si Japeth sa akin na nakaupo sa sofa habang binabasa ang isang text galing sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan syang hinihimas pa ang ibabang labi nya. Kahit gaanu ko pa kagustong sumbatan at sapakin sya ngayon, pagod na ako para gawin pa 'yun. Oo. Nakakapagod na.

"Oh. Your here." Aniya nang mapansin ako.

"You're early." Sabi ko sa kanya.

"Yeah." Aniya nang nakangisi padin.

Nabanas ako kaya agad ko syang nilapitan ay sinapak sa braso.

"Hey! Bakit?" natatawang sabi nya.

Sinimangutan ko sya. "Dammit, Japeth. Kasam mo si Madie na dumating kanina sa birthday ni Caleb! Ano? Pinapaasa mo na naman ba bestfriend ko?" singhal ko

Ngumuso sya. "Hey! Easy! Anung masama kung sabay kaming pumunta?" Aniya.

Lalo akong nabanas kaya pinaghahampas ko sya nang bag ko. Panay ang halakhak nang demonyo kong kakambal habang naka-ekis ang kanyang kamay at sinasalag ang bawat hampas ko.

"Shit! Japeth ah, I am warning you! Stay away from Madie! Nakakamove on na sya!" Sabi ko.

Humalakhak sya.

"'Yun ay kung makakamove-on sya." Aniya.

Kumunot ang noo ko.

"What?"

"Wag mo ng alalahanin ang bestfriend mo. Alam nya ang ginagawa nya at nasa tamang tao sya ngayon. Ang intindihin mo ung sa inyo ni Caleb." Aniya.

Hindi ako umimik at tinitigan lang sya.

"Why are you saying that? Galit ka sa kanya hindi ba? Ay, oo nga pala. Okay na nga pala kayo, kitang-kita ko kanina, mukha na nga kayong mag bestfriend eh. Ako nga 'tong mukhang kontra-bida kanina dahil galit na galit sya sa akin." Sarkastiko kong sabi.

"Come on, Sue-"

"Forget it, Japeth." Sabi ko.

Tumayo ako pagkatapos ay naglakad papuntang hagdan.

"That's not true. Nag-offer pa nga akong tutulong hindi ba?" aniya.

Umiling-iling ako. "I told you to forget it. It's too late. Infact, Uuwi na ako sa Central." Ani ko.

"What- what?" gulat na sabi nya.

"Oo! Uuwi na ako. Give me a week, magpapaalam lang ako kay Madie. Uuwi ako sa Central.. or sa New York.. Basta! Kahit saan.. kahit sa Mars o Jupiter, wala na akong pakialam!" ani ko pagkatapos ay umakyat na sa itaas.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humilata sa kama. Tumingala ako at tinitigan ang ilaw sa ceiling. Pinagdiin ko ang labi ko nang maramdaman na naiiyak na naman ako. Kumurap-kurap ako nang umagos ang mainit na luha sa gilid nang aking mga mata.. So, this is really goodbye, Caleb? Hanggang dito nalang ba talaga tayo? Sa bagay, anu namang karapatan kong magreklamo? Ako naman ang nangiwan hindi ba? Sa akin naman talaga ang problema. Kaya siguro nga dapat lumayo na ako, dapat talaga hayaan ko nalang syang maging masaya sa iba, kasi kung sa akin, wala lang akong ibang gagawin kundi ang saktan sya.

Tumagilid ako at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.

Nang magising ako kinabukasan ay sobrang hapdi nang aking mga mata. Pinilig ko ang ulo ko at umupo sa kama. Hinawakan ko ang mga mata ko. Natatakot na akong humarap sa salamin, Ang pangit-pangit ko na siguro. Shit.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon