Chapter 56

3K 49 4
                                    

Chapter 56

Di kalaunan ay nakarating na din si Luke sa condo ni Caleb. Ngising-ngisi sya nang maabutan ako doon. Hindi ko alam kung anu ang naglalaro sa isip nang lalaking 'to pero sinusulsulan pa ni Caleb kaya sa tingin nya talaga ay naging tama ang hinala nya. Nakarating ako sa bahay nang madaling araw na. nagpasalamat ako kay Luke at panay nadin ang hingin ko nang pasensya dahil habang nasa biaje kami ay wala nang ginawa ang magaling na si Caleb kundi ang tumawag at pagbantaan si Luke na iuwi ako nag diretsyo sa bahay.

Magkatext pa kami ni Caleb kaya alas tres na ako nang madaling araw nakatulong. Alas sais naman nang gumising ako para maghanda na sa pagbalik ko sa Central. Hindi pa ako tapos sa pagiimpake ay nadinig ko na ang ingay ni Andrew sa baba.

"Ma'am Sue. Andyan na po si Sir Andrew." Aniya.

"Opo manang. Bababa na po. Sandali nalang." Ani ko.

Nang mailagay ko ang jacket ko sa bag ay agad kong dinampot ang aking cellphone. Ngumisi ako nang makakita nang iilang text doon galing kay Caleb.

Caleb:

Good morning. Sakit nang ulo ko. Ingat ka mamaya, huh? I love you.

Ngumisi ako at nireplyan sya.

Ako:

Paalis na ako. Take care too.

Tumayo ako pagkatapos ay inilagay ang cellphone ko sa bulsa. Pinihit ko ang doorknob at bumaba na nang hagdan, Nakita ko kaagad si Andrew doon na nakangisi sa akin.

"Good morning!" giliw na giliw na sabi ni Andrew pagkatapos tumayo para lapitan ako. Naiilang na lumapit din ako sa kanya.

"Good morning, Drew." sabi ko at tinanggap ang yakap nya.

Lumayo sya nang kaunte pagkatapos ay inakbayan ako.

"Ready? Mom and Dad wants to see you." Aniya.

Ngumiti ako at tumango-tango

"Yeah.. Let's go." Ani ko.

Naglakad na kami papuntang pinto pagkatapos nyang kunin ang gamit ko. Naramdaman ko ang panginginig nang cellphone ko sa aking bulsa. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinuha 'yun nang makapasok na nang sasakyan.

Caleb:

2 days, right? Pwede bang ako ang magsundo sayo?

Nanlaki ang mata ko.

Ako:

Yes, Caleb. Two days. Pero wag na. Just wait for me, Okay?

Pumasok na din si Andrew nang sasakyan, Inayos nya ang kanyang seat belt bago ako binalingan.

"Bakit ang unte nang dala mong damit?" he asked pagkatapos makita na isang maliit na bag lang ang dala ko.

Lumunok ako. "Two days lang ako doon, Drew. I'm sorry. Pero hindi ba at may project ako dito?"

"Uh-huh. Anu nga ulit yun?" tanung nya habang inilalabas ang kotse sa aming gate.

"U-ung bahay ni Caleb.." dugtong ko. Nagwala agad ang systema ko nang maalala 'yun. 'Yung bahay DAW namin.

Nakita kkong ngumuso sya. "Ang bilis naman nun. Pero it's okay. Gusto mong sumama ako sayo paguwi mo dito?"

Nanlaki ang mata ko.

"H-hindi na, Drew! Hindi ba't sinabi ni Japeth na gusto nyang ipakita sayo ang plantation? Oh, Edi doon ka muna! Infact, Samahan mo muna ang parents mo hanggang andito sila. "Ani ko.

My Bodyguard and IWhere stories live. Discover now