Chapter 68

3.1K 63 1
                                    


Dahil talo ang Pilipinas sa Ms. Universe, mag SPG tayo! Hahaha. Char.

WARNING: MAHALAY. Sorry po kung sunod-sunod. Hindi ko rin alam kung bakit ganito. Lol

-

Chapter 68

7PM nung nagising ako. Minulat ko ang mga mata at hindi ko na nakita si Caleb sa tabi ko. Umupo ako sa kama pagkatapos ay ginala ang tingin ko sa paligid. Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko pagkatapos ay lumabas sa kwarto. Sumilip ako sa kusina at nakita ko kaagad sya doon na nagluluto.

"Caleb." Ani ko nang makalapit ako sa counter. Nilingon nya ako pagkatapos ay ngumiti. Pagkatapos nyang patayin ang apoy doon ay agad nya din akong nilapitan at sinalubong nang yakap. Pumikit ako nang maramdaman ang mainit nyang katawan. Hindi ko talaga alam kong bakit ang init-init nang katawan nya.

"Nakatulog ka nang maayos?" tanung nya habang ibinabaon ako sa kanyang dibdib. Ngumiti ako pagkatapos ay tumungo-tungo.

"Oo." Ani ko.

Lumayo sya sa akin pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Ngumuso ako dahil mas gusto kong makatanggap nang halik sa labi. Tss.

"Ihahanda ko na ang pagkain. Kain muna tayo bago pumunta sa Chaos." Aniya.

Tumungo-tungo lang ako habang pinagmamasdan syang ilagay sa plato ang niluto nyang Steak.

Inilagay nya 'yun sa harapan ko. Kinuha ko ang tinidor at tumikim noon.

Nagpangulambaba sya sa harapan ko pagkatapos ay ngumisi.

"Masarap?" tanung nya na para bang iba ang ibig sabihin.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nagiwas ako nang tingin nang makita ang basa nyang mga labi. Mabilis pa sa alas kwatrong humambalos ang puso ko saking dibdib. Shit. Anu ba 'tong epekto ni Caleb sa akin? Titig nya palang naaaning na ako. Geez.

"O-oo. Masarap." Sagot ko.

"Masarap pa sa akin?"

Pumula ang mukha ko nang dahil doon.

"Tss. Ewan ko sayo. Bastos mo talaga." Umirap ako pagkatapos ay nagsimula na ulit sa pagkain.

Hindi ko na inangat ang tingin ko kahit na nakatitig sa sa akin ngayon.

"Aren't you going to eat?" tanung ko nang mapansing hindi sya bumibitaw nang titig. Hindi tuloy ako makakain nang maayos.

"Hmm. I think I want to eat something else." Aniya pagkatapos ay ngumisi.

Binaba ko ang tinidor ko pagkatapos ay nilapitan sya para sapakin sa braso. tawa sya nang tawa habang iniiwasan ang mga sapak ko sa kanya. Lalo akong nainis dahil kagigising ko lang ay inaasar na nya agad ako.

Nang tuluyan akong mainis ay agad nyang hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"Totoo nga ang kasabihan. Biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising." Natatawang sabi nya.

Sumimangot ako. Agad syang lumapit ay niyakap ako. Ayoko sanang yumakap pero kinuha nya ang kamay ko at pinulupot sa kanyang beywang.

"Sorry na. Ligo na tayo para makapunta na tayo sa Chaos." Aniya.

Hindi na ako sumagot pagkatapos ay nagpatinaod nalang sa paghila sya sa akin papasok nang kwarto. pagkarating doon ay kita ko kaagad ang paghubad nya nang kanyang t-shirt. Nagiwas ako nang tingin.

"Hala. 7:30PM na pala. Late na. Sabay na tayong maligo?" Nakangising sabi nya.

Natigil ako sa pamimili nang susuotin ko pagkatapos ay sinimangutan sya.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon