Chapter 42

2K 42 1
                                    


Chapter 42

Nagsimula na ang pasukan sa dito sa New York pero nagawan padin ni Mommy at Daddy nang paraan para makapasok ako. Irregular nga lang ako. Though, hindi naman ako nahirapan na makakilala nang mga bagong kaibigan at karamihan sa kanila ay friends ko na talaga dito noon pa.

Andyan si James at ang girlfriend nyang si Laura. Si Laura at purong filipina pero si James at purong amerikano. Si Patricia, Eliz at Maria ay mga purong Amerikana. Pero, ika nga nila. Nakapunta na sila sa Pilipinas at isang beses na nagbakasyon doon. Marurunong sila nang ilang lengguwaheng tagalog pero 'yung mga basics lang katulad nang 'Salamat' at 'Mahal kita.' Si Allen, King at Wright naman ay purong mga Pilipino pero tulad ko, isa din silang Dual Citizen. Pilipino at American. Pero sa ngayon ay dito muna sila naninirahan sa America at bumabalik lang sa Pilipinas tuwing pasko.

Naging mahirap sa akin noong una, tamad akong pumasok nang klase at hindi naman nakikinig sa professor, gusto ko mang mag-club at mag bar pero hindi ko ginawa. Hindi ako nakikipagusap noon sa kahit na sinong hindi ko kilala at si Andrew lang ang nakakasama ko palagi. Isang linggo ang nakalipas at sumunod si Japeth sa akin para i-check kung maayos ang kalagayan ko.

Iba ang aura nya at hindi ko maintindihan. Parang may kung anung nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo na naiwan sya doon sa Pilipinas.

Nakilala ko ang mga kaibigan ko at nagsimula akong bumangon. Ngayon ako ay nasa second year at ganun padin ang kurso ko. Architecture padin. Totoong maganda magaral dito at talagang madami akong natutunan dahil mas magagaling ang mga professors dito kaya sa Pilipinas ay mas marami ang sources nila. Ilang beses ko din nabagsak ang ilan sa mga subject ko at inulit-ulit ko 'yun hanggang sa nakaraos naman ako.

I am a million miles away, sobrang layo ko sa Pilipinas pero andoon palagi ang isip ko. Minsan, talagang lutang ako at hindi ko napapansing natutulala na pala ako. Sa unang taon ko dito ay wala akong inisip kundi sya. Meron akong cellphone pero wala naman akong ibang katawagan kundi si Madie. Nabalitaan kong nasa Maynila na sya ngayon at nakatira sa kanyang tiya. Madalas din kaming nags-skype kahit na wala naman akong nadidinig sa bibig nyang balita kay Caleb. Hindi ko alam kung nagiingat lang talaga sya na hindi magkwento sa akin dahil sa parents ko o, talagang iniiwasan nya lang magkwento dahil alam nyang iiyak na naman ako. Hindi ko din naman sya matanung dahil natatakot din ako sa pwedeng isagot nya sa akin.

Nang magpasko nang nakaraang taon ay hindi ako umuwi. Disappointed si Madz pero wala akong magawa. Hindi din naman umuwi si Japeth noon kaya nag decide na rin kami na dito nalang din magpasko dahil na-miss ko rin naman ang white Christmas dito.

"Are you okay?" Umakbay sa akin si Andrew habang nakaupo ako sa sala at nags-sketch. Binalingan ko sya nang tingin at nakita kong kagat-kagat nya ang kanyang tinapay sa bibig.

Ngumuso ako.

"Stop messing around Drew. I can't concentrate." Ani ko.

Ngumisi sya at ginulo ang buhok ko. Nairita ako at inirapan sya.

"Alright. Alright." Aniya pagkatapos ay natatawang umalis na.

Panay ang lunok ko habang nakatitig lang sa aking sketch book. Nangangatog ang kamay ko at wala akong maiguhit. Binuklat ko ang sketch book ko at nakita ang isang pamilyar na matang ginuhit ko doon. Hindi ako mapalagay, taon na ang lumipas pero binabagabag padin ako nito. Kumusta na kaya sya? What happen to him kung umalis ako? Nagpatuloy ba sya sa pagaaral? Nasa Maynila na ba sya ngayon? O nagasawa na sya? Damn. I don't want to think about it.

Sinara ko 'yun at ibinaba ang aking mechanical pencil. Umiling-iling ako. This won't help.

Bumukas ang pintuan, tinanaw ko kaagad ang kakambal kong si Japeth na pawis na pawis at nakasuot nang pang-jogging nyang damit. Meron syang hawak na Gatorade at hapong-hapo na pumasok nang bahay. Tumingin ako sa likod nya at nakita ko kaagad ang nakabuntot sa kanyang isang bodyguard.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon