Chapter 47

2.5K 48 3
                                    


Chapter 47

Nang makaakyat ako sa taas ay naligo agad ako para sa pagdating ni Drew. Wala akong ganang lumabas pero sa tingin ko ay mabuti nadin ito para paoccupy ang utak ko at baka sakaling matabunan ang lahat nang thoughts ko kay Caleb.

Pagkatapos kong magbihis ay isang simpleng crop top at high waisted shorts lang ang suot ko. Malamang ay sa Mall lang ang punta namin ni Drew. Ayaw kong isiping date ito. I just want to hang-out with him at lumanghap nang sariwang hangin habang nangangapa ako nang dahilan para manatili dito sa Maynila. Sinuot ko ang aking cardigan at itinali ang aking buhok into a bun pagkatapos ko itong i-blower.

Isinabit ko ang bag sa balikat nang madinig ko na ang pagdoor bell sa ibaba. Sinuot ko puti kong sneakers habang nakaupo sa kama pero agad din akong natigilan nang makapa ang anklet ko doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Apat na taon na ang nakalipas pero hindi ko alam kung bakit hindi ko padin ito maalis sa katawan ko. Kung bakit hindi ko padin makita ang dahilan at hindi koi to maiwan-iwanan.

I should stop wearing him. Hindi ito makabubuti sa akin, Alam ko.

Bumaba na ako pagkatapos magsuot nang sneakers, nakita ko kaagad si Drew na nakaupo sa sofa naming habang umiinom nang juice. Ngumisi sya nang makita ako at agad na nilapag ang baso sa mesa.

"Bro, Alis na kami." Aniya nang makita si Japeth pababa nang hagdan.

Sumulyap ako sa nakakunot-noong mukha ni Japeth.

"Okay. Umuwi ka nang maaga, Sue." Aniya.

Tumungo-tungo lang ako. Nakipag hi-five si Drew sa kanya bago lumapit sa akin at dinadausdos ang kaliwa nyang kamay sa aking bewang. Lumabas nadin kami at pumasok sa kanyang kotse na nakapark sa labas nang bahay.

"Do I need to bring my skate?" tanung ko sa kanya

Umiling-iling sya.

"Nope. We're not doing sports, Sue. We'll date." Nakangising sabi nya.

Umismid ako at ngumisi lang sa kanya. Binuksan nya ang pinto nang sasakyan at hinintay akong makapasok doon bago sya umikot at pumasok na din sa may driver's seat.

Binalingan ko sya nang tingin at nakita kong excited ang mukha nya habang pinapaandar ang sasakyan.

"I'm glad dahil masosolo din kita ngayon, Simula nung dumating tayo dito sa Maynila hindi na kita nakakasama nang tayo lang." bulalas nya.

"Bakit nga pala hindi ka umuwi sa New York, Drew? Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo doon?" tanung ko.

Ngumisi sya.

"I'm okay. Gusto kitang makasama dito. Infact, Uuwi naman sila dito." Aniya habang nakangisi padin.

Yumuko ako at ngumiti nalang. Nararamdaman ko, Hindi ako manhid. Alam kong hanggang ngayon ay umaasa padin si Andrew para sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paanu ko sasabihin sa kanya na hindi bukas ang puso ko ngayon para sa kahit na sino, Hindi ko alam kung paanu ko sya didiretsyuhin gayong napakabuti nya sa akin. Sya ang taong nasa tabi ko nang sobrang lugmok na lugmok ako sa New York at sya lang ang nasa tabi ko nang mga panahong 'yun.

Pero, Wala akong kayang ibigay sa kundi kundi pagkakaibigan lang. I don't want to hurt him.. I don't want too.

Pinilig ko ang ulo nang i-park nya ang kotse sa carpark dito sa Metroeast Mall. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang pigilan nya ako. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya. Lumabas sya nang kotse pagkatapos ay umikot para magbuksan ako nang pintuan. Natatawang lumabas ako doon.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon