Chapter 29

2.6K 66 4
                                    


Chapter 29

Hala! Napaatras ako kaagad at tumikhim. Patay! Nadinig ko ang pagsinghap ni Gwen sa likuran ko. Ngumiwi ako habang nakatingin sa mukhang badtrip na mukha ni Caleb. Pinasadahan ko sya nang tingin mula ulo hanggang paa. He's so handsome. Nakasuot sya nang puting t-shirt ngayon at itim na pantalon. Mayroon din syang silver na dog tag sa kanyang leeg. Kahit na nakakunot ang noo nya litaw na litaw padin ang gwapo nyang mukha. Damn.

"Hehe. Hi! Caleb, Pipila ka din? Bibili ka din ba? Ubos na eh." Ani ni Gwen. Hindi sya pinansin ni Caleb diretsyo lang ang titig nito sa akin. Bigla akong naconcious kaya binitawan ko ang placard na hawak ko.

Ngumisi ako. "Hehe. Anu- Ahm. Bibili ka?" tanung ko sa kanya. Nagkamot ako nang ulo dahil sa kahihiyan.

Lumapit sya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko

"Hindi." Simpling tugon nya pagkatapos ay binalingan sina Gwen.

"Malaki na naman ang naitulong nya, pwede ko na ba syang hiramin?" tanung nya dito.

Nakita kong nakaawang ang making bunganga ni Gwen, halatang na-apektuhan din kay Caleb. Umiling-iling ako pagkatapos ay pinandilatan sya, bapatalon sya nang dahil doon.

"Ay! Oo naman papa Caleb! Pwedeng-pwede!" Aniya

Hindi na umimik si Caleb at hinila nalang ako bigla. Suminghap ako lalo na nang makita ang mga babaeng nakatingin sa amin. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay tinignang mabuti ang kamay ni Caleb na nakahawak sa akin. Ngumisi ako. Kinikilig ako. Pisti.

Nang makita kong paakyat kami sa AVR ay nagreact na ako.

"Caleb, Teka." Sabi ko pagkatapos ay hinila ang kamay ko. Nakita kong natigilan sya para doon. Humarap sya sa akin nang nakakunot padin ang noo.

"Aakyat tayo sa AVR? Tutulong pa ako sa boot, eh." Ani ko.

Nakita ko agad ang pagkunot nang noo nya sa sinabi ko. Nakita kong nagkagat sya nang ibabang labi at tinitigan akong mabuti.

"Anung gagawin mo doon? Eh, Ubos na ang paninda nyo?" Batid ko ang tabang sa boses nya.

"Balak naming matimpla nang panibago. Dagdag kita din'yun!" Nakangiting sabi ko.

There. Pakiramdam ko talaga ay nagkaroon nang imaginary usok sa tenga at ilong nya. Banas nyang ginulo-gulo ang kanyang buhok pagkatapos ay humarap sa akin.

"Tapos ano? Anu pang gagawi mo para kumita kayo? Magpapacute? Magpapahalik? O magsasayaw?" singhal nya

Nagsalubong ang kilay ko.

"Hindi nam-"

"Kaya madaming bumibili sa inyo, Hindi naman kasi ung paninda nyo ang gusto nila, Gusto lang nilang maka-score sayo!" dagdag nya.

Ngumisi ako.

"Wala naman masama doon."

"Anung walang masama? Ang akala ko ba wala dapat ibang lalaki, Sue? Hindi kaba talaga marunong tumupad sa usapan?" Aniya

Tinitigan kong mapula ang mapula nyang mukha at tenga, Wooo! Panay ang tili ko sa utak ko. Nagseselos sya Shet! Hihihi. Ngumuso ako sa kanya.

"Wala namang humawak sa akin ah. Wala din namang naka-score. Simpleng pa-cute lang naman ang ginawa ko. Tsaka, para makabenta kami kaya ko ginawa 'yun. Eh, 'yun lang naman ang pwede kong itulong eh." Bulong ko

Tumigil sya pagkatapos ay tumingin sa akin. Bumuntong-hininga ako dahil sa bigat nun.

"Lalaki sila." Inilagay nya ang isa nyang kamay sa kanyang batok pagkatapos ay yumuko. "Sana nakikita mo kung paanu ko iwasan ang mga babae dito. Tapos ikaw.. Tss." dugtong pagkatapos ay tinalikuran ako at nagsimula nang umakyat nang hagdan.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon