Chapter 8

2.8K 71 2
                                    

Chapter 8

Alam kong OA, Pero pakiramdam ko talaga tumigil ang pagtibok nang puso ko nang madinig ang lyrics ng kanta nyang iyon. Para akong baliw na nakanganga lang habang pinapanuod syang magperform. Ok fine. Hindi ko na talaga itatanggi, Magaling sya. Oo na!

Pakiramdam ko nagsasabog sya ng pheromones sa paligid at nasusufocate ako doon.

"Thank you everyone!" kumaway sya.

Nagtilian agad ang mga babae sa loob nang AVR. Nahuli nya ang mata kong nakatingin sa kanya. Nagkatitigan kami. Nanlaki ang mata ko kaya itinaas ko ang isa kong kilay pero kunwaring nagtataray ako at hindi ko nagustuhan ang pagkanta nya.

Hindi sya bumitaw sa pagtitig sa akin kaya kinagat ko ang ibabang labi ko, sabi ko na nga ba nagagandahan 'to sa akin eh! Inipit ko ang buhok ko sa may tenga. Kaya baka sya nagsusungit sa akin dahil crush nya ako? Oh my.

Nakita kong tinapik sya nung isa nyang kasamahan, Nabaling ang tingin nya doon kaya naputol ang titigan namin. Nakakainis naman.

"Eunice, Nakatitig sayo si Caleb kanina." Dinig ko sa likuran ko.

"Ah? Hindi. B-baka nagkakamali lang kayo."

Agad akong napalingon kung sino ang nagsalitang iyon. Ang lambing kasi nang boses nya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang babaeng kasing tangkad ko lang. Mahaba pa sa akin ang buhok nya, Hindi sya ganun kaputi pero maamo ang mukha nya, maganda ang pagmumukha nya at maganda din ang pangangatawan.

Nagsalubong ang kilay ko pagkatapos ay napatingin ulit sa stage. Nakahinto padin si Caleb doon habang nakatitig-teka! Sinundan ko ng mabuti ang tingin nya, napanganga ako nang makitang hindi sya sa akin nakatingin kundi.. sa babaeng nasa likuran ko.

Para akong tangang nagpabalik-balik nang tingin sa kanilang dalawa.

Naiirita ako kasi feeling ko, ang asumera ko kanina at piling ko sakin nakatitig si Caleb! Pero teka nga, Anu naman kung hindi sya sa akin nakatitig? Anu bang pakialam ko? Tss. Bakit ba ako naiirita? Walang-hiya naman!

Nagcross-arms ako tapos hinarap ang babaeng iyon.

"Excuse me, anung pangalan mo?" tanung ko sa kanya.

Nanlaki ang mata nyang nakatingin sa akin, Halatang nagulat sa tanung ko.

"Ah. Eunice. Eunice Salazar." Aniya.

Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nothing special, Mukha lang syang mahirap. Hindi naman mamahalin ang suot nyang damit. She's so simple.

"Ah. Kilala mo ako?" utas ko pagkatapos ay tinuro ang sarili ko.

Naningkit ang mata nya pagkatapos ay tinitigan akong mabuti, Nanlaki ito pagkatapos.

"Sue? Sue Alcantara?" tumungo-tungo ako.

"Eh, sya. Kilala mo?" tanung ko sabay turo kay Caleb na nasa stage.

Sumulyap sya doon. At bingo! Nakita ko kung paanu pumulang parang kamatis ang mukha nya sa harapan ko. Umismid ako. Gusto ba nya si Caleb? Di nga? Ugali nang taong un nagustuhan nya?

"A-ah. Oo. S-sikat sya dito eh, Si C-caleb."

"Bat ka nauutal?" diretsyong tanung ko.

Yumuko si Eunice na tila nahihiya. Sumingit ung babaeng kausap nya kanina. "May gusto kasi sya kay Caleb." Aniya. Itinaas ko ang isa kong kilay.

"Fan ka rin ba ni Caleb?" dugtong nung babae.

Tinaasan ko sya nang kilay.

"Excuse me? Ako?" Natatawang tanung ko. "Hindi no!"

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon