Chapter 12

2.6K 66 0
                                    

Song used:

Chasing cars by Snow Patrol

____

Chapter 12

"Don't underestimate me, Hunter!" Sigaw ko. Pagkatapos ay diring-diring tumapak sa putik na 'yun.

Halos hindi ako makagalaw habang nakatapak ang dalawa kong paa sa putik na 'yun. Parang hindi ako makagalaw. Parang hindi ako makahinga. Alam kong OA pero talagang isa akong germ freak, Hindi ako mabubuhay nang walang sanitizer. Pero habang pinagmamasdan ko ang dalawa kong paa na nakatapak sa putik na 'to ay hindi ko maiwasang magimagine nang mga bagay-bagay. Baka may ahas or something dito.

Binalingan ko sya nang tingin, cool na cool lang sya habang nakatayo doon habang pinagmamasdan ako sa kalagayan ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay nagsimulang maglakad, mabuti nalang at maiksi ang dress ko kaya hindi inaabot nang putik, tapos hawak-hawak ko ung heels ko.

"Shit." Bulong ko nang maramdamang may sumabit sa paa ko na kung anu.

"Anu na, Sue?" napatingin ako kay Caleb. Pinukol ko sya nang masamang tingin, Punyeta! Hindi manlang ako tulungan?

"Sandali, May something sa paa ko." Utas ko

Ngumisi sya.

"Caleb! Sabi ko parang may something sa paa ko!" sigaw ko sa kanya.

Nakita kong parang nagisip sya sandali bago magsalita. "Ah, nakalimutan kong sabihin, May mga linta kasi sa palayan nang CC, baka un ung kumapit sa paa mo." Aniya.

Nanlaki ang mata ko.

"Linta?"

Tumungo-tungo sya. "Wag ka lang malikot, Hindi yan matatanggal hanggang hindi nahihigop ang dugo mo." Dugtong nya.

Oh my Gosh! Tuluyan akong nangilabot sa sinabi nya, nagpanic ako kaya nagtititili ako pagkatapos.

"Kyah! Tanggalin mo sakin 'to! Shit!" utas ko. Tatakbo sana ako palapit kay Caleb nang matapilok ako, Mabilis pa sa alas kwarto ang pagkatumba ko sa putikan.

"Pota!" dinig kong sabi ni Caleb pagkatapos ay agad akong dinaluhan. Hinawakan nya ang balikat ko pagkatapos ay agad akong itinayo.

"Ayos kalang?" Aniya.

Nanginginig na tumingin ako sa kanya. "Tanggalin mo ung linta sa binti ko, Please." Utas ko. Kumapit ako sa t-shirt nya.

Ayoko nang makita ang sarili ko ngaun. Alam kong ang dumi-dumi ko na, Shit naman Sue! Anu ba 'tong katangahan na ginawa mo?

"Shh. Walang linta. Niloloko lang kita." Lumambing ang boses nya.

"Wala? Ha!" utas ko nang buhatin nya akong parang prinsesa.

Uminit ang mukha ko nang maramdaman ang bisig nyang nakapulupot sa akin at sa hita ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko, Alam ko na ngaun kung anu ung nagwawala sa loob nang tiyan ko. Mga paru-paru, at ang dami nila.

Nagimbal ako nang magsimula syang maglakad. Akala ko mahuhulog ako kaya kumapit ako sa isinabit ko ang dalawa kong kamay sa leeg nya. Huminto sya sa paglalakad pagkatapos ay tumingin sa akin, Ang buong akala ko ipapatanggal nya 'yun pero hindi. Mas inayos nya ang pagbuhat sa akin pagkatapos ay nagsimula nang maglakad.

Nye? What happen to me? As far as I remember dapat sisigawan ko sya, Aawayin ko sya dahil niloko nya ako, Sinabi nyang may linta kahit na wala naman talaga! Gusto nya lang akong lokohin, Gusto nya lang akong umiyak. Pero ngaun? SHIT. Hindi ko alam pero I'm lost for words! Wala akong masabi.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon