Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 18

19.8K 632 297
By jaysanj



Zoe's POV

"Mga baliw na talaga sila." sabi ni Ate Ella habang pinapanood ang mga kaibigan namin na sumasayaw sa dance floor.

Natawa ako kasi totoo naman. Parang mga baliw yung mga kaibigan namin na sumasayaw sa dance floor. Yung tugtog Versace on the Floor tapos inaacting nila yung bawat lyrics, yung iba sumasayaw na parang ngayon lang nakasayaw sa sobrang hindi marunong sumayaw.

"Hon sayaw tayo." sabi ni Ate Joey kay Ate Ella. Nakalahad pa yung kamay nito sa harap ni Ate Ella.

"Ayaw ko hon! ayokong magmukhang baliw kasama ng mga 'yan." sabi nya at nag-pout. Natawa naman si Ate Joey at sya na mismong nanghila kay Ate Ella.

"Wala akong sinabi na sasayaw tayo ng katulad nila." hinila na ni Ate Joey si Ate Ella sa dance floor. Iniligay ni Ate Joey ang mga kamay ni Ate Ella sa balikat nya at sya naman sa waist ni Ate Ella tsaka sila sumayaw ng dahan-dahan. Bigla akong kinilig sa kanilang dalawa. Ang sweet lang kasi.

"Pwede ba kitang maisayaw?" napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Torey pala.

"Nako ayoko, hindi ako marunong sumayaw. Parehas kaliwa ang paa ko. Tsaka ayaw mo bang magpahinga? parang nakainom ka na." pagtanggi ko dahil nahihiya akong sumayaw.

"Okay pa ako. Ako bahala sayo. Please?" ayan nag-please na sya. Napakamot ako ng ulo.

"Baka maapakan ko lang yung paa mo, hindi ka pa makalaro." sisihin pa ako nito kapag hindi sya makalaro.

"Hindi 'yan, sige na Zoe oh." nagmamakaawang sabi nya habang naka-pout. Hays...sige na nga, baka maiyak pa 'to.

"Hindi ko na kasalanan kung mamaga 'yang paa mo ah?" sabi ko at inabot ang kamay nya. Napangiti sya.

"No problem. Tara?" tumango ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa dance floor. Napalitan na ng slow music ang kanta kaya yung mga baliw kanina ay umalis na pero yung iba hinatak ang mga gusto nila isayaw.

Iniligay ko sa balikat ni Torey ang mga kamay ko at sya naman sa bewang ko. Tinitigan ko si Torey. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng malapitan. Kahit na lalaki na ang itsura nya ay kapag tinitigan ito ng matagal ay mahahalata na babae sya dahil sa haba nyang mga pilik mata, mga kilay nya na hindi gaano kakapal, ang ilong nyang matangos, ang medyo namumulang mukha nya dahil siguro nakainom na at syempre ang mga labi nyang kulay pink na kapag tinikman mo ay siguradong malambot.

Natauhan ako sa pagtitig sa mukha nya nung bigla nya akong halikan sa noo. Tumagal 'yon sa noo ko kaya napapikit ako at tama nga ako, malambot nga talaga ang mga labi nya. Tinignan ko sya ng nagtataka bakit nya ginawa 'yon nung lumayo sya.

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa labi ko eh." sabi nya. Namula ako.

"Grabe hindi ba pwedeng denedescribe lang kita?"

"Or you just checking me out?" may pilya sa mga labi nyang tanong.

"Oy! feeling 'to, hindi kaya." grabe talaga 'to, denedescribe ko lang sya eh.

"Yeah whatever Ms. Zoe." nakangising sabi nya. Ayaw nyang maniwala sakin. Napanguso tuloy ako pero nagulat ako nung halikan nya na naman ako pero ngayon ay sa labi na. Saglit lang 'yon hindi katulad sa noo.

"Why did you do that?" takang tanong ko sa kanya.

"Akala ko gusto mong magpahalik eh." napanganga ako at hinampas sya. Natawa naman sya.

"Ewan ko sayo." napangiti na lang ako sa kalokohan nya. Ngumiti na lang din sya at nilingon kung saan nakapwesto ang mag-asawa.

"Mukhang hindi nakatiis yung dalawa." nagtaka ako kaya nilingon ko rin pero wala ang bagong kasal akong nakita. Nagets ko agad ang sinabi ni Torey.

"Ganon naman talaga sa bagong kasal eh. Atat sa honeymoon." natawa ako ng mahina.

Tumigil ako sa pagtawa nung niyakap ako ni Torey.

"Inaantok na ako." bulong nya. Halata sa boses nya na inaantok na nga talaga sya.

"Tara, balik na tayo sa table para makapagpaalam na babalik na tayo sa hotel." tumango sya at humiwalay sakin. Naglakad kami papunta sa table namin.

Naabutan namin sila Alexa, Jayden, Louise, Japan, Ivy at si Ate Rachel sa table.

"Babalik na kami sa hotel. Inaantok na kasi 'tong si Torey. Medyo nakainom na rin 'to kaya sasamahan ko sya sa room nila." sabi ko sa kanilang anim. Nilingon ko si Torey na nakapikit na habang inaalalayan ko.

"Samahan na kita." sabay na sabi ni Alexa at Louise. Nagtaka tuloy kaming lima.

"Teka sasama na rin ako." sabi ni Jayden. Napataas kilay ko. Ano bang problema ng mga 'to?

"At bakit?" mataray na tanong ni Louise.

"Syempre nandoon ka este kaibigan ko 'yan eh." napailing ako sa sagot ni Jayden. Nadulas pa.

"Ako na ang sasama. Nasabi nya kanina na naiwan nya ang susi nya kaya hindi rin kayo makakapasok." sabi ni Alexa. Tumango ako.

"Una na kami." paalam ko. Inalalayan namin ni Alexa si Torey papuntang hotel. Nasa magkabilaan kami ni Torey.

Nung makarating kami sa tapat ng room nila ay agad binuksan ni Alexa yung pinto tsaka kami pumasok at inihiga si Torey sa higaan nya.

"Ang bigat pala ni Torey." reklamo ko. Napansin ko naman na inirapan lang ako ni Alexa. Sungit talaga.

"Babalik ka pa ba sa baba?" tanong nya habang papunta sa banyo. May himig pa rin na sungit ang boses nya.

"Hindi na, babalik na ako sa room namin." sabi ko. "Sige, una na ako." palakad na ako palabas ng pinto nung magsalita sya.

"Saglit. Nagugutom ako, samahan mo ako kumain sa baba. Libre mo." wow ah! magpapasama na lang libre ko pa. Kakaiba rin ang isang 'to eh. "Tara na." hinila nya na ako kaya hindi na ako nakapalag pa. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako masyadong kumain sa reception dahil ang daming kumukuha ng pagkain at isa na roon si Ate Maybelle na hindi na umalis doon.

Nang makarating kami sa restaurant ng hotel ay agad kami nag-order. Tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin sya sa labas ng bintana habang ako nakatingin sa kanya. Ang ganda talaga ni Alexa. Yung ganda nya na hindi lang sapat na ganda ang matatawag. Dyosa siguro kaso ang sungit nya kasi eh.

Bigla syang napatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin. Nahagip naman ng mga mata ko sa paglinggo sila Jayden, Louise at Japan na pabalik na siguro sa room nila. Tumingin na lang ulit ako kay Alexa at nagtaka ako na nakatingin sya sakin tapos inirapan nya ako.

"Sungit." bulong ko pero narinig nya ata kaya sinamaan nya ako ng tingin. Nginitian ko lang sya.

Dumating na ang pagkain namin kaya sinimulan na namin kumain. Hindi ako sanay na tahimik kaya nagtanong ako sa kanya ng kung ano-ano.

"Alexa, may boyfriend ka ba?" tanong ko sa kanya.

"I'm lesbian." sagot nya habang sa pagkain pa din nakatuon.

"Really?" manghang tanong ko. Yes, I mean, wow. Hindi ko napansin 'yon ah. Humihina na ang gaydar ko. "So girlfriend?"

"Wala." sagot nya at sumubo ng pagkain. Ang arte nya lang kumain, napakasosyal.

"Bakit naman? wala ka bang natitipuan?" tanong ko sa kanya.

"Meron." ang tipid naman nito magsalita. Isang tanong isang sagot portion kami rito.

"Sino?" sino naman kaya 'yon? mabuti pa 'yon.

"None of your business." one word. Sungit.

"Si Torey 'no?" ngising tanong ko. Napakunot ang noo nya at tumingin sakin. "Hindi ka kasi sumasama sakin tapos kanina ay sumama ka para ihatid si Torey." explain ko.

Tumawa sya kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya. "I don't like her. I like someone else and she's stupid."

"Stupid pala eh bakit mo nagustuhan?" takang tanong ko. Nakitbitbalikat sya. 

"Ask her." nagpatuloy sya sa pagsubo ng pagkain.

"Paano ko sya tatanungin eh ayaw mo nga sabihin kung sino." inirapan ko sya. Tinignan nya naman ako ng masama kaya napangiti ako.

"Stupid." napasimangot ako.

"Ang sama mo. Sana hindi ka nya magustuhan." pang-aasar ko. Bigla naman syang nalungkot pero nawala rin agad at napalitan ng sungit.

"Shut up. I know that." natahimik na sya pagkatapos non. Hala nasaktan ko ata sya. Napakamot ako ng ulo. Hindi ako sanay na nagkakaganito sya. Mas gusto ko na nagsusungit sya sakin.

Natapos kaming kumain na hindi pa rin umiimik si Alexa kahit na asarin ko sya. Nasaktan ko nga sya sa pang-asar ko. Ako na nagbayad ng bill namin para pambawi sa kanya. Hinatid ko rin sya sa room nila ni Torey kahit na sa kabilang floor pa ang room namin.

"Alexa. Sorry." sabi ko bago sya pumasok sa room nila. Tumingin sya sakin at inirapan ako. Hindi ko alam kung okay na kami dahil iniirapan nya na ako.

"Ilibre mo ako bukas ng breakfast. Goodnight." sabi nya at tsaka ako sinaraduhan ng pinto.

Napangiti ako dahil okay na kami. Kaso libre na naman. Nauto ata ako don ah? Bumalik na lamang ako room namin habang iniisip kung sino ang nagugustuhan ni amazona. Ang swerte naman ng taong iyon. 

Nagtaka ako nung lumabas ng room nila Jayden si Japan. Anong ginagawa nya roon?

Hindi nya ako pinansin at dire-diretsong pumasok sa room namin. Tumingin ako kay Jayden na lumabas ng room nila Louise.

"Gusto mo ba si Torey?" agad na tanong sakin ni Jayden. Nagulat ako roon.

"Pinagsasabi mo?" hindi ko inaasahan yung tanong nya ah.

"Eh kasi nakita namin kayo na naghalikan sa dance floor." sabi nya at nakitbitbalikat.

"Wala lang 'yon tsaka smack lang naman 'yon eh." sagot ko.

"Pero naghalikan pa rin kayo." sabi ni Louise na lumabas din ng room nila.

"Masarap bang humalik si Torey?" ngising tanong ni Jayden. Namula ako kaya natawa sya.

"Bahala nga kayo dyan. Tulog na ako." hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Pumasok na ako sa room namin ni Japan.

Naabutan ko sya na nagsusuot ng tshirt. Napatingin sya sakin saglit tsaka naglakad sa kama. Tinignan ko lang sya tsaka pumasok ng banyo para makapaglinis ng katawan. Nagtagal ako ng kalhating oras doon bago ko naisipan na magbihis na at matulog.

Inabot ko muna ang cellphone ko at tumingin sa twitter. Unang bungad sakin ang tweet ni Ate Rachel.

"Mahirap kapag ang taong mahal mo may mahal ng iba pero ang mahal ng taong mahal mo ay may mahal ding iba at ang mahal din taong iyon ay mahal ka. What a circle of love."

Bigla naman akong natawa. Kakaiba naman 'yon kung ganon. Parang mga tanga lang.




--------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

732K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
475K 10.2K 61
REACHED #27 IN TEEN FICTION Sobrang close si Kat sa kuya niya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi sila katulad ng ibang mag'kapatid na nagsisig...
1.3M 49.2K 45
Stacey Desire Zulueta is a well known playgirl in their school. Kilala sya sa labas at loob ng SU. Many are head over heels with her. She has a beaut...