An Orphan's First Love 2: Dan...

By JeraldineTanL

801K 12.4K 1.5K

LOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1. More

Dangerous Love
[ 1 ] Surprise
[ 2 ] Forgiveness
[ 3 ] Phone Call
[ 4 ] Secret
[ 5 ] Eric
[ 6 ] Confused
[ 7 ] Back To Normal
[ 8 ] Fear
[ 9 ] Video
[ 10 ] Wedding Planner
[ 11 ] Daughter
[ 12 ] Family
[ 13 ] Fool
[ 14 ] Christmas
[ 15 ] Christmas Gift
[ 16 ] Sorry
[ 17.1 ] Visit
[ 17.2 ] Gift
[ 17.3 ] Pride
[ 18 ] Love
[ 19 ] What if?
[ 20 ] Selfish
[ 21 ] Giving
[ 22 ] Breakfast
[ 23 ] Couple Shirt
[ 24.1 ] Simple Date
[ 24.2 ] Change
[ 24.3 ] Wish
[ 26 ] Impression
[ 27 ] Peace of Mind
[ 28 ] Work or Family?
[ 29 ] Karma
[ 30 ] Sick
[ 31 ] Flowers
[ 32 ] Note
[ 33 ] Warning
[ 34 ] Obsession
[ 35.1 ] Prisoner of Love
[ 35.2 ] Hero
[ 35.3 ] Challenge
[ 36 ] Baby
[ 37 ] Protective
[ 38 ] Letting Go
[ 39 ] Brother
[ 40 ] Picnic
[ 41 ] Jealous
[ 42 ] Kidnapped
[ 43 ] Sorry
[ 44 ] Looking Back
Epilogue

[ 25 ] A Bad Mother

12.8K 185 22
By JeraldineTanL

VOTE and COMMENT please? :) <3 Pakikalat na din ang book 2 sa iba na alam niyong reader din ng An Orphan's First Love.

(Faye on the side)

Chapter 25: A Bad Mother

'Bagong taon, bagong buhay. May magbabago nga kaya sa buhay ko ngayong taon?' tanong ni Steffi sa sarili

Nasa kama si Steffi at nakahiga. Kung ano-ano din ang pumapasok sa isip niya. Pangalawang araw na ng taon at pumapasok na ulit sa office si ZAC. Tapos na din kasi ang vacation leave nito kaya kailangan niya ng pumasok. Sa totoo lang ay kailangan na din talaga pumasok ni Steffi pero naisipan niya na bukas na lang pumasok para makapagpahinga pa ng isang araw.

'Nakakatamad pumasok sa office. Mas masaya na nasa bahay lang. Yung magiging housewife lang ako'

Dahil naisip niya ang pagiging housewife, naalala niya na naman ang ginawa nila ni ZAC noong nakaraang gabi. May nangyari sa kanilang dalawa at sa pangalawang pagkakataon na nangyari yun ay ginusto na din ito ni Steffi. Sa tuwing naaalala niya ang nangyari ay kinikilig siya at hindi niya mapigilan na ngumiti pero sa panandaliang saya na yun ay may bumabalik na alaala mula sa nakaraan na ayaw niya nang mabalikan pa.

'Kapag lumabas ang kwento ko mula sa nakaraan, sigurado ako na lalong magkakagulo. Isang alaala na pilit kong kinakalimutan. Isang sikreto na hindi na dapat maungkat pa'

Ano man ang pangyayaring yun ay pilit niyang itinatago sa lahat. Walang ibang nakakaalam noon bukod sa kanya at ang taong involved sa pangyayaring yun. Pilit niya na tinanggal ulit sa isip niya ang mga naiisip niya ngayon at ibinaling sa iba ang atensyon niya. Kinuha niya ang phone niya para tingnan yun. May text siyang natanggap na galing kay ZAC.

From: Zyril

Good morning hon. Binibigyan kita ng isang araw para gawin kung ano man ang gusto mo. Sigurado naman ako na ilalaan mo yun para kay Faye.

Napangiti si Steffi. Alam niya na hindi magtatagal ay matatanggap na din ni ZAC ang anak niya. Umupo siya sa kama at tinawagan si Eric.

"Hello Eric!" masiglang bati ni Steffi

[ Steffi, napatawag ka yata? ]

"Pwede ko bang mahiram si Faye? Kahit ngayong araw lang"

[ Sure, why not? Anak mo naman siya kaya wala akong karapatan na ipagdamot siya sayo. I'm sure that our daughter misses you ]

"Thanks, Eric. Mag-aayos lang ako at pupuntahan ko na siya dyan"

[ Okay, I'll be waiting ]

Tumayo na si Steffi para pumunta sa CR pero bago pa man siya makapasok ay may kumatok sa pinto ng kwarto kaya pinagbuksan niya ito.

"Good morning ma'am Steffi, nagising ko ba kayo?"

"No. Actually, kanina pa ako gising. Why?"

"Bilin kasi samin ni Sir ZAC na gisingin kayo ng ganitong oras para makakain na kayo. May lakad daw po kasi kayo ngayon. Ano po bang gusto niyong kainin nang mailuto ko na?"

"Garlic rice, bacon and egg will do. Thank you"

"Sige ma'am"

Pagkaalis ng katulong ay agad na naligo si Steffi at nag-ayos. Alam niya kasi na pagkatapos ng araw na yun ay magiging busy na naman siya sa trabaho kaya gusto niya na lumabas sila ng anak.

~

Bago pumunta si Steffi sa lugar kung saan nakatira ang anak at si Eric ay naisipan niya na dumaan sa mall para maghanap ng ireregalo dito. Gusto niyang bumawi sa mga naging pagkukulang niya at sa maging pagkukulang niya habang tumatagal.

"Ano kayang mas gugustuhin niya? Doll, doll house, kitchen play set or-- I guess I should ask Eric about this"

Tinawagan niya si Eric na agad din namang sinagot ang tawag niya.

"Where are you? Faye is waiting for you. Kanina ka pa niya hinahanap"

"I'm on my way. Eric, ano sa tingin mo ang magandang regalo para kay Faye?"

"There is one gift that will be the best gift you can give her"

"And what is it? Tell me so I can buy it"

"It's something you can't buy, Steffi"

"Wala ng bagay ang hindi nabibili ng pera ngayon, Eric. Kaya ko bilhin lahat para kay Faye"

"Give her your time. Be a full-time mom to her. That's what she really needs"

"You know I can't give her all of my time. I need to work in our company and ZAC needs me"

"Your daughter needs you more than him!" naiinis na sinabe ni Eric

Hindi nagsalita si Steffi at hinintay ang sunod na sasabihin ni Eric.

"And the company can stand without you! Matagal na akong nagtitimpi kaya tahimik lang ako. Nagbabakasakali ako na magbabago ka pero hanggang ngayon hindi ka pa din natatauhan, Steffi. I really have to tell you something. Masasaktan ka pero kailangan mo tong marinig"

"Ano yun? Tell me"

"Kung mabuti kang ina, hindi mo uunahin ang lalaking yun kaysa sa anak mo. Hindi mo uunahin ang trabaho kaysa kay Faye dahil sa ganitong edad, kailangan niya ng nanay na gagabay sa kanya. Kailangan ka niya higit sa lahat ng bagay"

"Don't question my--"

"Hindi ko kinekwestyon ang pagiging ina mo dahil ikaw mismo ang dapat na may alam sa sagot dyan at dapat alam mo din na mali ang ginagawa mo"

"Let's not talk about this over the phone. Pupunta ako agad dyan at mag-usap tayo ng masinsinan"

Nanginginig sa galit si Steffi. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabe ni Eric at lubos siyang nasaktan dito.

'Who is he to tell me this? Ni hindi ko siya kaano-ano. Isa lang siyang hamak na caretaker ng anak ko'

Sa huli ay bumili na lang siya ng ipit sa buhok at headband para sa anak niya. Nagmadali din siyang pumunta sa tinitirhan nina Faye. Pagdating doon ay agad siyang sinalubong ng anak.

"Mommy! I miss you!" masiglang pagbati sa kanya ng anak

"I missed you, Faye"

Nakita niya na tinitingnan lang siya ni Eric sa malayo. Tiningnan niya ito ng masama sabay ibinalik ang tingin sa anak at nginitian ito.

"Faye, I have a gift for you" sabi ni Steffi sabay labas ng pinamili niya

"Wow! Thank you, Mommy!"

Niyakap siya ng anak niya. Binuhat niya din naman ito at dinala sa kwarto.

"Mommy and Daddy needs to talk. No matter what you hear, don't leave this room, okay? Or else, Mommy will get mad. Do you understand?"

Tumango lang ang anak at nginitian siya.

"I'll be right back. Wait for me here"

"Yes, Mommy"

Isinara ni Steffi ang pinto saka siya lumabas. Nakita niya na naghihintay sa kanya si Eric sa sala kaya agad niya itong nilapitan at sinampal ng malakas na halos bumakat na ang kamay niya sa mukha nito. Naalala niya na naman ang mga pinagsasabi sa kanya ni Eric kanina at ikinagagalit niya yun.

"Nasaktan ka sa sinabe ko? That's right, Steffi. You should be. The truth may hurt but it will set you free. Totoo naman ang sinabe ko, hindi ba? Alam mo sa sarili mo na masama kang ina pero hindi mo matanggap at hindi ka aminado. MASAMA KANG INA, Steffi'

Pilit na pinagdiinan ni Eric ang salitang yun. Gusto niyang tumatak yun kay Steffi para lagi nitong maalala at magising na siya sa katotohanan na maling mali ang ginagawa niya. Sa sobrang galit ay nanginginig na naman si Steffi pero pilit niya na kinokontrol ang sarili. Itinuro niya ang daliri niya kay Eric.

"How dare you tell me those words?! Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan! Hindi kita kaano-ano at mas lalong-- No, nevermind. Isa ka lang namang--"

"Ano? Caretaker ng anak mo? Alam ko yun at kaya ko isakripisyo lahat para kay Faye. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para sa kanya. Umalis pa ako sa trabaho para puntahan ka dito kasama ang anak natin. Naging ama ako sa anak natin. Sana maging ina ka din! Hindi yung kung sino sino ang inaatupag mo!"

Dahil sa inis ni Eric ay nasigawan niya na si Steffi. Mabait si Eric pero sa pagkakataong to, naubos na ang pasensya niya.

"Don't point your finger at me, Steffi. Gawin mo yan kapag may napatunayan ka na. Bakit? Hanggang ngayon ba, ganun pa din ang tingin mo sa anak natin kaya ka nagkakaganito?!"

"You- you!"

Ibinaba ni Steffi ang kamay niya at napaupo siya sa sala. Napasabunot na lang siya sa sarili.

"Aaah!" sigaw niya

Sobrang sama ng loob niya na napaiyak na siya. Walang magawa si Eric kung hindi tingnan lang siya. Gustong gusto niya lapitan si Steffi para patahanin pero alam niya na hindi niya pwedeng gawin yun. Pinilit ni Steffi na kontrolin ulit ang nararamdaman at saka tiningnan si Eric. Tuloy tuloy pa din na tumutulo ang luha niya.

"Tama ka! Ganun pa din ang tingin ko sa kanya! Pagkakamali pa din siya para sakin! Sa tuwing tinitingnan ko ang batang yun, bumabalik ang lahat ng masasamang alaala. Sa tuwing nakikita ko yan, puro galit ang nararamdaman ko! Kung hindi dahil kay Faye, hindi sana ako nahihirapan ng ganito ngayon. She's nothing but a big mistake!"

Dahil sa inis ay nasampal ni Eric si Steffi.

"Ulitin mo ang sinabe mo!" sigaw ni Eric

"Shes. A. Big. Mistake. Gusto mo ulitin ko pa ulit?"

"Magalit ka sakin kung gusto mo! Wag mo na sana idamay ang bata dito. Wala siyang kasalanan sa pinagdadaanan mo ngayon!"

"Okay lang sana kung may nangyari lang satin e. Ang problema, nagbunga pa yun. Kasalanan niya na pinanganak siya sa mundong to! Kung hindi siya--"

Sinampal ni Eric si Steffi para tumigil ito. Kasabay nun ay narinig na din nila ang pag-iyak ni Faye galing sa kwarto.

"Don't blame her. She doesn't know anything. She's just a young girl. Ngayon, kailangan kong bumalik sa America at iiwan ko siya sayo. Hindi ka pwedeng maging ganito Steffi. Sige, mag-usap kayo ni Jico. He's such a know-it-all, isn't he? Baka maliwanagan ka. Tutal, nakikinig ka sa kanya" mahinahong sinabe ni Eric

Agad na umalis doon si Eric para puntahan sa kwarto ang anak at patahanin. Pinunasan na din ni Steffi ang luha saka sinundan si Eric. Nakita niya na pinapatahan ni Eric ang anak pero hindi siya lumapit at tumayo lang siya sa pinto para tingnan sila.

"Ssh. Don't cry, baby. Daddy's here"

"Mommy and Daddy are fighting"

Patuloy na umiiyak ang anak nila. Naririnig nito ang sigawan nina Steffi at Eric sa kwarto pero nanatili siya doon dahil inutos yun ni Steffi.

"No, Faye. We're not fighting"

"No! You're shouting!"

Tiningnan ni Eric si Steffi at sinenyasan na lumapit sa kanila pero kahit na ganun ay hindi lumapit si Steffi. Tiningnan siya ng masama ni Eric na tila ba nagbabanta. Sa huli ay lumapit na din si Steffi dahil hindi pa din ito tumitigil sa pag-iyak.

"Ssh. Don't cry. Your mommy is here. See, were not fighting"

Hinalikan ni Eric sa pisngi si Steffi para mapakita kay Faye na okay sila. Pilit na ngumiti na lang din si Steffi.

"Mommy, you're not fighting?"

"Were not fighting"

Niyakap ni Faye sina Steffi at Eric saka ito tumahan.

"I love you, Mommy. I love you, Daddy"

"We love you too" sagot ni Eric

Nang maging okay na si Faye ay iniwan na sila doon ni Eric. Kinuha ni Steffi ang binili niya para kay Faye. Kumuha din siya ng suklay at inayusan ng buhok ang anak.

"Mommy, am I beautiful?"

"Y-yes, you are beautiful"

"Mommy, do you love Daddy?"

Sandaling nanahimik si Steffi. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot. Sa huli ay hindi na niya sinagot ang tanong ni Faye.

"Mommy, Mommy!"

"Ano?!" naiinis na tanong ni Steffi "What is it?" mahinahong tanong niya

"Mommy. are you angry?"

"No. What is it this time?"

"Where are we going?"

"To your tito Jico's house. You miss Stephen, right? You'll play with him today"

"Yehey! Thank you, Mommy!"

Niyakap ni Faye si Steffi. Lalong nailang si Steffi sa anak dahil naungkat na naman ang tunay niyang nararamdaman sa anak.

'Sana nga matanggap ko din siya. Kung matatanggap siya ni ZAC, tatanggapin ko na din siya bilang anak ko. Siguro nga tama si Eric, naging masama talaga akong ina sa kanya'

---------------------------

Hanggang dito muna. I'm doing my best para habaan ang updates. Ayan, akala niyo tapos na ang pasabog? Nagkakamali kayo. May ilan pa na natitira :) 

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 65.5K 70
{COMPLETED} What happens when Ms NBSB meets Mr Playboy? Read at your own risk. ©prettymari
389K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
195K 1K 7
The Kings Series #1: Jeron Louis Montecastillo
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.