Campus Gangsters

Od fragilemindandheart

41.1K 569 18

Více

Campus Gangsters
Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Epilogue
Author's Note #1
Author's Note #2
Author's Note #3
Preview: SERENDIPITY
Preview #2: SERENDIPITY

Chapter ten

1.2K 16 0
Od fragilemindandheart

Mahal niya ako? Teka, bakit niya ako mahal? Biglaan naman ang lahat. Hindi ko nga naramdaman na may gusto siya sa akin tapos sasabihin niya sakin na mahal niya ako?

"I'm sorry kung nabigla ka" Seth

"Ahm, sorry. Pwede pag-usapan natin 'to next time?"

Tumango siya. Umalis agad ako. Pumasok ako nang bahay at tumungo sa kitchen. Kumuha ako ng tubig at saka ininom ito. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Seth.

'Tama ba na may magmahal sayo ng isang taong kakampi at kaibigan mo simula noon?' sabi ng utak ko.

Napaisip ako bigla. Tama ba? Kung sakaling magkagusto ako sa kanya, magiging masaya ba ako sa lovelife ko? Paano kung masisira lang 'to dahil may iba ring nagmamahal sakin? Malabo naman siguro noh? Walang ibang magkakagusto sakin maliban na lang kung matagal na. Haay, bakit ko ba 'to inisip?

Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Ano bang iniisip mo?", tanong ni Clyde

"Ahm, wala" pagsisinungaling ko

Napakunot-noo si Clyde. Alam kong alam niya na may iniisip ako. Hindi ko naman maiwasang hindi magpanic. Ayokong ibahagi ang iniisip ko ngayon lalo na si Aque ang taong ito.

"Alam kong meron. Don't be selfish. I know you when you have.."

Tumango ako. Umikot siya mula sa likod at umupo sa harap ko.

"So tell me"

Sasabihin ko ba?

"Eh kasi, sinabi sakin ni Seth na may nararamdaman siya sakin"

"Si Seth?"

"A-akala ko a-alam niyo??"

"Itong si Seth talaga. Kahit hindi niya sabihin, alam na rin namin. Halata naman eh. Naalala mo pa ba nung sa celebration ng pagkapanalo mo? Siya ang may ideya nun"

Talaga? Grabi nga naman. Bakit di ko yun nalaman?

"Ah ganun ba? Bakit di niyo sinabi sakin?"

Nagkibit-balikat lang si Clyde. Siguro sekreto lang talaga 'to.

"Sige matulog ka na. Tapos na yung celebration. Kailangan mo pang tumaas oh?"

Binatukan ko siya.

"Ouch! Sakit nun ha"

"Nakakainis ka eh"

Tapos nagtawanan kami. Tumungo na ako sa kwarto. Tulog na pala sila. Ang tahimik na kasi. Hindi ko pa naman naenjoy yung celebration.

Humiga ako. Ang sarap nga naman ng bagong taon ko. Kung may nagmamahal, sigurado akong matutunan ko ring magmahal..

**

After three days, balik-klase na. Sobrang nag enjoy ako kahit maraming nangyari sa mga nakalipas na araw.

"Kristen, bilisan mo na. Malapit na yung oras oh??", sigaw ni Lily sa baba

Wala pang 45mins, tapos na akong maligo at magbihis. 15mins left bago yung oras. Hindi na ako kakain. Bahala na 'to!

Pumunta na kami ng paaralan. Buti na lang at nahabol pa namin ang flag ceremony. Nakakainis, bakit may ganito pa??

Tumungo agad kami ng quadrangle at naghanap ng mauupo. Nakita ko ang grupo nina Georgette. As usual, naghari-harian at daig pa ang presidente ng Pilipinas kung makapag-utos ng iba.

"Easy. Wag mo na lang silang tingnan", sabi ni Clyde

"Bagong taon na ah? Di ba sila magbabago? Baka gusto nila ng ramble ngayon? Bibigyan ko talaga sila!"

"Ano ka ba, calm down. Tayo na nga yung mabait diba?"

Oo nga naman. Umiwas ako nang mapansin kong nakatingin sakin si Craig.

Natapos agad yung flag ceremony. Nauna akong pumunta ng special class ko dahil ayokong harangan ng grupo nila Georgette. Sabi ko nga, hindi pa ako makikipag-away hangga't hindi pa nakakauwi sina Krissy. Asan na kasi sila?

Pero mali pala ako. Hindi pa ako nakakarating ng room, nakaharang na sila, kasama na doon si Craig.

"Anong gagawin niyo?"

Tumawa si Georgette. Uminit bigla ang ulo ko.

"Well, bagong taon bagong simula. Gusto lang namin kamustahin yung pagiging mahina mo. Nag enjoy ka ba sa bakasyon mo?"

"You know what, if you are talking nonsense right now I'd better go. Bagong taon bagong buhay. Matagal na ang nakaraan but still you're in the middle of your past. Move on bitch!"

Tsaka ako tuluyang pumasok ng room. Tama siya, bagong simula. Pero sisiguraduhin ko na ang bagong simula ay magiging mas matindi. Hindi niya ako matatalo at ipaglalaban ko ang trono bilang.. QUEEN OF GANGSTERS.

Maaga kaming pinauwi dahil maraming meetings ang professors namin. Naglakad ako sa hallway upang hanapin ang ibang kasama. Pababa na ako ng hagdan nang nadatnan ko si Seth. Ano bang ginagawa niya dito? Diba may practice sila ni Clyde sa basketball?

Nakaupo siya sa hagdan. Halatang may iniisip siya. Siguro tungkol 'to sa sinabi niya sakin. Lumapit ako sa kanya at umupo. Medyo nagulat siya sa presensya ko at ngumiti.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ah, hinihintay kita. Ihahatid sana kita pauwi bago ako pupunta ng gym"

Ganun ba? Hinintay niya ako para ihatid pauwi?

"Uhm Seth, wag na. Kasama ko naman sina Lily at susunduin din ako ng driver. Doon daw muna sila para naman may kasama ako sa bahay at saka may practice kayo sa basketball diba?"

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha matapos kung sabihin ang mga katagang iyon. Aalis na sana siya pero nahawakan ko ang braso niya. Lumingon ulit siya at yumuko.

"Alam ko naman na hindi mo ako mahal. Sorry kung nabigla kita pero–"

"Alam ko. Pero kung pwede bigyan mo ako nang konting oras para mag-isip. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin"

Niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya at nagpaalam na. Umalis na rin ako at naghintay sa sasakyan. Ilang minuto na rin, dumating na. Agad akong sumakay sa front seat.

Tahimik lang ako buong biyahe. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Bakit ganito? Bakit iniisip ko agad? Sa kalagitnaan ng biyahe, napansin ng driver na may iniisip ako.

"Uhm, Mam Kristen, may iniisip po ba kayo? Tahimik niyo kasi"

"Pagod lang ako", saka ako ngumiti. Humarap na lamang ako sa bintana para hindi na niya ako mapansin.

Biglang nag-ring yung phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng bag at sinagot.

"Oh bakit Violet?"

"Wag ka munang umuwi. Nakita kong pupunta sina Georgette sa bahay niyo"

Ano na naman bang binabalak nila?

"Uuwi ako"

"Please, Kristen. Wag muna ngayon"

"I'm going"

At saka ko inend yung call. Nakarating na kami ng bahay at nakita ko agad ang grupo sila. Talagang hinihintay nila ako ha? Tssk.

"Mam Kristen, mukhang nasa panganib kayo"

"Umalis ka na bago pa may mangyari sa iyo", sabi ko sa driver namin

Lumabas ako nang sasakyan at agad lumapit sa kanila. Hindi ko alam kung anong kailangan nila pero alam kong gusto lang nila ng gulo.

"Well well well. Andito na ang hinihintay natin" sabi ni Brett, ang baklang engot!

"Ano bang kailangan niyo?"

Napayukom ang mga kamao ko. Nag-iinit ang buong katawan ko na para bang gusto ko nang manuntok. Pero hindi pwede. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

"Gusto lang namin sabihin sayo na sooner or later, makukuha ko na ang trono kaya wag ka nang umasa. Simula ngayon, tumigil ka na dahil wala ka ng mapapala"

"Paano kung hindi ako titigil? Akala mo sa simpleng utos mo tatanggi ako? No way bitch dahil kahit kailan hindi ako titigil hangga't hindi ko makukuha ang trono"

Sunod na narinig ko ay ang halakhak nilang lahat. Hindi ko na talaga kakayanin. Pilit kong pigilan pero nag-aapoy na ako. Susugod na sana ako nang may pumigil sakin.

"Wag"

Nakahawak ang kamay ni Craig sa kamao ko. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na nandito siya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako pinigilan?"

"Dahil mahal kita Kristen. Ayokong mapahamak ka"

"Ano?!"

Nagulat ako. Anong pinagsasabi niya? Dahan-dahan niyang binaba ang kamay ko. Natauhan ako sandali. Hindi ako makagalaw. Bigla na lang niya akong niyakap. Pero mas nabigla ako nang wala na sina Georgette. Napakunot-noo ako at inilayo siya sakin. Sinampal ko siya nang malakas na ikinagugulat niya.

"Stop fooling around"

Agad akong pumasok ng gate. Tumakbo ako papuntang kwarto. Niyakap ko ang sarili ko at umiyak. Galit ako sa sarili ko. Ngayon ko lang nalaman na ang tanga ko rin minsan. Hindi ko man lang naisip na yun ang gagawin nila. O baka dahil lang 'to sa galit ko kanina?

Ilang sandali lang, dumating na sina Lily, Violet at Cassandra. Niyakap nila ako.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba nila?", tanong ni Violet

"Ano bang sabi nila?", sunod na tanong ni Lily

"I'm fine."

Lumabas kami ng kwarto at bumaba. Tumungo kami ng dining room. Tamang-tama dahil nagluto si Yaya Perla ng makakain namin. Masaya kaming nagkwentuhan at nagtawanan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Kahit naman may problema ako, pinapasaya pa rin nila ako. Tunay nga silang kaibigan.

**

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Lahat kami ay nag-alala dahil baka babaha. Nasa low-lying areas pa naman kami so aabutan talaga kami ng baha nito.

"Ano, papasok pa ba tayo o hindi?" tanong ni Clyde

"Wag na. Lakas na nga ng ulan tapos papasok pa tayo. Ayoko pa naman mabasa noh!", sagot ni Violet

Nakatunganga lang ako habang nakaupo sa sofa. Gusto ko kasing pumasok pero tinatamad na ako dahil sa panahon. Kamusta naman ang grades ko? Patay na ako nito. Sinosolo ko pa naman ang pagiging top sa klase namin kahit na hindi talaga ako matalino.

Bigla na lang pinitik ni Seth ang noo ko kaya natauhan ako.

"Aray, ang sakit ha?" then I rolled my eyes.

"Sorry. Para ka kasing timang. May problema ba?"

Umayos ako sa pagkakaupo. Sayang yung poise, ang ganda-ganda ko pa naman.

"Eh kasi, nag-aalala ako sa grades ko. Alam mo naman na priority ko ang pagiging top kasi nasa special class ako. Ayokong mapahiya"

"Isa lang solusyon nyan!" sabi niya

"Hoy! Hayan ka na naman eh! Alam mo kung pinoproblema mo ang pagiging top mo, let's go"

Hinila niya ako sa sofa at kinaladkad palabas. Nagulat naman ang iba sa ginawa niya pero agad ding napalitan ng ngiti. Problema nila? Kinaladkad na nga ako tapos ngingiti-ngiti pa sila?

Mabilis siyang naglakad kaya naman halos mapsubsob na ang mukha ko sa sahig. Ano ba talaga Seth, gentleman ka ba o hindi?

"Teka, Seth" sabay hila ko sa kamay na hinawakan niya

"Oh bakit?"

"Eh bakit mo ba ako ginaganito?"

Napakunot-noo siya. Pero bigla ding sumeryoso ang mukha niya.

"Nag-alala lang ako sayo. Ayoko makita kang nag-alala sa isang bagay na hindi mo naman dapat alalahanin"

Ngumiti na lang ako bilang ganti. Naalala ko na lang bigla yung pagcoconfess niya sakin. Ganyan ba niya ako kamahal para alalahanin niya ako?

Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Syempre gumamit kami ng payong para hindi mabasa. Pinagbuksan niya ako ng pintuan tsaka ako sumakay. Sumakay na rin siya at nagsimulang magdrive. Tahimik lang kami buong biyahe. Naiilang ata ako. Feeling ko kasi nahihiya ako sa mga ginagawa niya. Una, binantayan niya ako sa hospital nung nahimatay ako. Pangalawa, sinorpresa niya ako sa aking pagkapanalo sa sinalihang contest at pangatlo, ang ngayon.

"We're here" sabi niya.

Wala nang ulan pagkarating namin. Nauna ako lumabas. Inayos ko ang uniform tsaka kinuha ang bag. Napansin kong hindi pa lumalabas si Seth kaya bumalik ako sa loob. Pero bigla na lang siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Next time, kapag ako ang kasama mo, hintayin mong pagbubuksan kita ng pinto, ok?"

Lumabas na ulit ako ng sasakyan at nagsimulang maglakad. Anong oras na ba?

"Oh no! Sige Seth mauna na ako! Late na pala ako. Bye!"

"Sunduin kita mamaya ah?"

Hindi na ako sumagot. Tumakbo ako nang napakabilis at sa wakas nakarating na rin ako. Kakatok na sana ako pero biglang may nagbukas.

"Craig?"

Nagulat ako at ganun din siya. Anong ginagawa niya sa klaseng 'to?
"Anong ginagawa mo dito?"

Sumandal siya sa gilid ng pintuan bago magsalita.

"Magkaklase na tayo"

Hindi na ako nagtanong pa. Napabuntong-hininga. Ilang segundo lang, pumasok si Ms. Clinton.

"Excuse me Mr. Stein and Ms. Morris. What're you doing here? Mag-uusap na lang ba kayo jan or would you mind getting inside and sit?".

Pumasok na kami at umupo. Worst thing? Magkatabi kami ng upuan. Naku, gulo na naman 'to. Napansin kong nakatingin si Georgette at ang buong klase samin. Kaya tumayo ako at naghanap ng ibang upuan. Pero wala na eh, no choice kundi mananatili ako dito. Wala kasi kaming permanent seat.

Nagsimula ng magdiscuss si Ms. Clinton. Nakinig ako at nasagutan lahat ng tanong sa quiz. Grabi ha, naisipan pa talaga ni Ms. Clinton na magbigay mg quiz kahit na 5mins. na lang ang natitirang oras.

Dumaan ang ilang oras at natapos na rin ang klase.

Naglakad ako sa hallway para hanapin si Seth nang mabangga ko si Craig. Bakit ba sa lahat ng estudyante dito siya pa?

"Sorry"

Aalis na sana ako pero nahawakan niya ang braso ko.

"Bakit? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Kaibigan kita Craig pero hindi 'to tama. Baka mapahamak pa tayo kung ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo"

This time, hindi na niya ako pinigilan. Mabilis akong naglakad at nabangga na naman ulit ako.

"Kristen! Kanina pa kita hinahanap", sabi ni Seth

Kinuha niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko. "Tara hatid na kita pauwi"

Nakarating agad kami sa bahay. Nakaramdam ako ng pagod kaya't dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko naaalala na may bisita pala ako.

Kinabukasan, nagising ako nang alas dose. Hinanap ko ang aking phone.

20 missed calls from Seth.

Siguro nag-alala na naman yun. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Hindi pa ako kumakain kaya naghanda ako ng simpleng ulam.

Matapos kong kumain, bumalik ako ng kwarto. Kailangan kong matulog ulit dahil maaga pa ako bukas. Pero bago ako natulog, kinuha ko muna ang phone ko. Ilang sandali lang, tumawag si Seth. Sinagot ko naman ito.

"Oh bakit gising ka pa?"

"Nagising ako"

"Kumain ka na ba?"

"Oo. Eh bakit gising ka pa rin?"

"Hindi ako makatulog"

"Bakit?"

"Iniisip kita"

"Alam ko kamatis na yang mukha mo"

Tumawa na lang ako.

"Sige na matulog ka na. Maaga kitang susunduin bukas"

Inend na niya ang call. Hindi pa nga ako nakapagsalita. Maya-maya ay nagtext siya.

From: Seth
Goodnight. Sana malaman mo na kung ano talaga ang nararamdaman mo. Mahal na mahal kita Kristen.

Bigla ko na lang naramdaman ang tibok ng puso ko. In love na ata ako.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

121K 3.1K 46
Zynecia De Loughrey promises herself that she's going to find the truth behind her mother's tragic death. She goes into the unknown in an effort to f...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
35.9K 2.1K 51
Will the burden of the past keep Avril and Sean apart forever, or will they be able to overcome the obstacles put up by their families? A tale of re...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...