The Unrequited Love (MayWard...

Oleh MariaAyagil

84K 4.9K 2.2K

[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na... Lebih Banyak

The Unrequited Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Not an Update
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
SK1: Francis and Nicole
SK2: Jibbson and Jessica
SK3: Tanner and Chantal
Wakas
FAQ

Kabanata 10

1.4K 84 14
Oleh MariaAyagil


VENICE's Point Of View

GABI na nang makauwi ako ng apartment. Hindi na ako sumabay kay Jared ng uwi. Talagang sinadya kong gumala muna sa park bago umuwi. Ayoko ko kasing madatnan ni Papa o kaya naman ni Tita Tina o kung sino mang kasama ni Jared sa apartment niya na mugto ang mata ko dahil sa walang humpay na pag-iyak.

Nakailang inhale at exhale pa ako bago naglakad papunta apartment room namin. Papalapit na ako sa pintuan nang makasalubong ko si Matthew. As usual, isang death glare agad ang sinalubong niya sakin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

"Bakit mugto iyang mata mo?" Out of the blueng tanong niya. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

"Napuwing lang ako," pagsisinungaling ko.

"Liar! Ang sabihin mo bumagsak ka lang sa exam ninyo!" Sabi niya bago ako binelatan at tumakbo na siya papasok ng pinto ng apartment ng Kuya niya.

Para akong lantang gulay na humiga saking kama pagkapasok ko ng aking kwarto. Wala naman kaming ginawang nakakapagod sa school pero feeling ko sobra iyong pagod ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa mapadako ang aking tingin sa isang sobreng matagal ko nang hindi nabubuksan.

Bumangon ako at kinuha iyon bago binuksan at binasa ulit habang nakahiga.Pagkatapos basahin hindi ko maiwasang mapaluha. Pumikit ako tsaka tinapon iyon sa basurahan hindi kalayuan sa kama ko at dahil din siguro sa pagod at sama ng pakiramdam nakatulog agad ako.

JARED's Point Of View

"NASAAN si Venice?" Tanong ni Mom pagkaayos niya ng mesa. Sabi niya dito raw kakain sa amin si Venice ngayon.

"Nakita ko siyang mugto ang mata kanina habang papasok ng apartment nila." Sabi ni Matthew.

"Red, call her. Baka hindi pa iyon kumakain."

"Why would I?" I don't want to face her right now. Damn!

"Because I said so," maarteng sabi ni Mom. Tsk. Tinarayan pa ako. "Gagawin mo o hahanapan na kita ng asawa ngayon palang."

"Fine. I'll do it." Sabi ko bago naglakad papunta sa apartment ni Venice. Napailing ako. Kung ano talagang maipilit ni Mom lagi nalang nasusunod.

Magdodoorbell na sana ako nang mapansin kong bukas ang kanilang pinto. Pumasok ako para hanapin siya. Naikot ko na ang buong apartment nila at kwarto nalang niya ang hindi ko napapasukan kaya dumiretso ako doon. Pinihit ko iyong seradula ng pinto. Bukas. Pumasok ako at nakita ko siyang nakahiga sa kaniyang kama.

Lumapit ako sa kama niya at napansin ko iyong kaniyang luha sa mata habang nakapikit. Tsk. Such a crybaby.

Napagdesisyunan ko nang hindi siya gisingin at hayaan nalang matulog. Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang mapansin ko iyong papel na maayos na nakatapon sa trash can. Wala sa sarili akong lumapit doon at pinulot ang papel na iyon. Parang may nagtutulak sa akin na basahin iyon. Weird.

To: Jared Mendiola
From: Venice Martinez

Dear Jared,

Hi, Im Venice Martinez ng class E. Alam kong hindi mo ako kilala pero ikaw sobrang kilala ko na. Batchmate mo ako since elementary tayo. Way back, sobrang hinahangaan talaga kita maslalo na nang ibigay mo ang speech mo sa buong freshmen. Sobrang speechless ako sa kagalingan mo. By that, I really admire you until now. I didn't make this letter para magpaimpress sa'yo but to express my feelings.

Jared, I really like you a lot!

Love,

Venice Martinez


VENICE's Point Of View

KINABUKASAN. Maaga akong nagising sa hindi ko malamang dahilan. Siguro ganito talaga pag masama ang pakiramdam inuumaga nang gising. Wait lang, parang baliktad ata. Dapat diba tanghali na ako magising dahil masama ang pakiramdam ko? Haist!

Parang zombie akong naglakad patungo sa banyo para maligo na. Pagkatapos ng mahabang sandali natapos na akong maligo at makapag-ayos ng gamit tsaka ako nagtungo ng sala. Nadatnan ko ang nakahandang pagkain na natatakluban ng tray habang nakadikit doon ang munting sulat galing kay Papa.Maaga na naman siya siyang umalis para makapagtrabaho.

From: Papa

Kainin mo lahat ng inihanda kong pagkain para sa iyo. Alam kong gutom ka dahil sabi ng Tita Tina mo sa akin hindi ka kumain kagabi.

Love,
Papa

Napahawak ako saking tiyan nang maramdaman ang paghilab nito sanhi ng gutom. Mabilis akong umupo sa harap ng lamesa tsaka kumain.

Matapos kong kumain, maligo at magbihis dali dali na akong lumabas ng apartment para lang din bumalik sa loob dahil nakita ko si Jared na nagaayos ng kaniyang sintas ng sapatos sa harap ng pinto ng apartment niya. pinalampas ko muna nang mahigit dalawang minute bago ulit lumabas. Wala nang Jared akong nakita maliban sa kapatid niyang nakacross armed habang nakatitig sakin. Sinarado kong mabuti ang pintuan tsaka siya linampasan.

"May gusto ka ba kay Kuya Jared, noh?" napatigil ako sa paglalakad at napalingon kay Matthew. Papano niya iyon nalaman?

"Matthew, nandiyan pa ba ang Kuya Jared mo?" tanong ni Tita Tina na kakalabas lang. Napatingin siya sakin.

"Mama si Venice may gusto kay Kuya Jared!" Sumbong ng antipatikong bata sabay dila sakin. Napatingin sakin si Tita Tina na may malapad na ngisi. "Talaga?" masaya niyang sabi. "Ayiee nagbablush ka, Venice. Ang cute mong mamula." Natatawang sabi ni Tita. Agh! Such a tease.

"What? Hindi mo ba siya papagalitan, Ma?" takang usal ni Matthew.

"Bakit ko naman siya papagalitan, baby? Maganda nga iyong may nagkakagusto sa Kuya Red mo. Boto ako sa iyo, Venice." Ani Tita Tina sabay thumbs up. Masaya man pero gusto kong matunaw sa hiya.

"By the way, papunta ka na bang school?" tanong ni Tita.Tumango ako bilang sagot.

"Great! Nakalimutan kasi ni Jared itong lunch box niya." Sabi ni Tita Tina habang hawak hawak iyong lunch box ni Jared. "Pwede bang pakibigay mo nalang ito sa kaniya, Venice?"

"P-Po? Sige po." Hiya ko lang kay Tita Tina kung hindi ako papayag.

"Okay salamat. Mag-ingat ka sa pagpasok, ah." Sabi ni Tita at hinila na si Matthew papasok dahil umaangal pa ito sa kung ano mang pinaglalaban nito.

"Okay po." Sabi ko bago tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana o pinaglalaruan lang niya ako. Gusto ko na ngang iwasan si Jared pero para namang gumagawa ng paraan itong si Tadhana na paglapitin kami. Ano ba talaga? Saan ba talaga ako lulugar?

Pagkatapos ng halos mahigit kalahating oras. Nakarating din ako ng school. Dumaan muna ako sa locker room. Ang plano ko sana ilalagay ko nalang sa locker room ni Jared iyong lunch box niya pero sarado naman iyong locker niya. Wala tuloy akong mapapagpilian kundi iabot sa kaniya ito ng personal.

Habang umaakyat ng hagdan hindi ko maiwasang kabahan. Baka magalit siya kung ibibigay ko ito sa kaniya. Baka sabihin niya na namang nagpapansin ako sa kaniya. Napatingin ako sa room nina Jared at napahinto. Hindi ko sure kung tutuloy pa ba ako o hindi.

"BOOOOO!"

"Ay butiki!" Halos mapatalon ako dahil sa panggugulat ni Jibbson sa akin.

"Hahahaha ang pangit ng reaction mo." Natatawa niyang sabi.

"Tsk. Ang pangit din kasi ng nanggulat sakin." Nakangisi kong tugon.

"Sus, itong mukhang 'to pangit? Asa men! Ano ba iyang dala mo? Ako na magbibigay." Sabi niya bago walang pasabing kinuha iyong lunch box na hawak hawak ko.

"Ibibigay mo ito kay Jared, diba?" Tanong niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Naiwan niya kasi kaya pinakiusapan ako ng mama niya na dalhin iyan para maibigay sa kaniya."

"Ako nalang magbibigay," sabi niya.

"Okay lang ba?" Tanong ko kasi hindi din lingid sa akin na nag-away daw sila kahapon.

"Sa tingin mo magpepresinta pa ba ako kung hindi?" Ay! Ang slow ko talaga.

"Sige. Salamat Jibbson." Ngumiti ako sa kaniya. Ang bait talaga ng kababatang kong 'to.

Ngumiti din siya bago naglakad na paalis. "Jibbson, wait!"

JIBBSON's Point Of View

"JIBBSON, wait!" Dinig kong tawag sakin ni MayMay. Tawag niya palang bumibilis na tibok ng puso ko maslalo naman kapag nakausap ko siya. Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa kaniya ng buong atensyon.

"Wag mo siyang aawayain, ha. Baka mamaya magsuntukan na naman kayo," nag-aalala niyang sabi.

Ngumiti lang ako sa kaniya. "Okay,"

Napasimangot siya sa sagot ko. "Magpromise ka. Magpromise ka sakin na hindi mo siya aawayin. Na hindi mo siya susuntukin." Utos niya. Haist! Bakit ba kasi ang ganda niya?

Tinaas ko iyong kanang kamay ko. "I promise." Sabi ko pero deep inside ayoko ko sanang mangako dahil una sa lahat ang plano ko talaga pagkabigay ko nitong hawak ko sa kupal na Jared na iyon bibigyan ko siya ng suntok na makakapagpalinaw ng isip niya at makakapagpabago ng ugali niyang masama.

Ngumiti si Maymay sakin. Shit na malagkit. Wala na tunaw na ang puso ko. Agh, nakakabading!!

Nang wala na siyang masabi pumasok na ako ng room ng class A. Una, hindi ko talaga hinangad na pumasok sa teritoryo ng mga robot. Pangalawa, ayaw ko talagang makita ang pagmumukha ng Jared na iyan. At pangatlo, ayokong pinagmamasdan ako pagpasok ko palang ng room. Alam kong gwapo ako at takaw atensyon pero hindi naman iyong tipong titingnan nila ako na para bang sa ibang planeta ako galing.

Lahat sila tumingin sakin. Ang tahimik. Lahat ng estudyante aklat at notebook ang hawak. Basa doon basa dito. What a life!

Inikot ko ang paningin ko at nang makita ko ang hinahanap ko wala na akong dalawang isip na lumapit sa kanyang upuan. Siya lang iyong hindi nakatingin sakin.

Linapag ko sa desk niya iyong lunch box niya. Gusto ko talaga siyang suntukin pero pinigilan ko lang iyong sarili kong gawin iyon. Nangako ako kay MayMay ayoko naman iyong mapako dahil lang sa kagustuhan kong makaganti. May isang salita ako kaya gagawin ko kung anumang pinangako ko kanina. Pero, nakakapang-init talaga ng ulo ang pagmumukha ng Jared na ito.

"Kung ayaw mong magulo ang buhay mo ng dahil kay Venice wag kang gumawa ng bagay na pwede siyang mapalapit sa iyo." Seryoso kong sabi sa kaniya bago ako maangas na umalis ng classroom na iyon.


(MariaAyagil's Note:

Hi Guys :) Merry Christmas 💕😊🎉!)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.6K 508 15
•PUBLISHED UNDER KPub PH• ✅ Complete 'Kahit hindi na ako ang mahal mo, patuloy akong aasa na balang araw ako pa rin ang nakatakda para sayo.' Carleig...
Connection Oleh Ara

Fiksi Penggemar

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
9.1K 545 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
6.8K 105 40
"My Pain is you, Van Mentius." - Angel Horfelia The story of "My Pain" revolves around Van Mentius Lim and his journey to finding love and acceptanc...