Kabanata 23

1.3K 98 59
                                    


JIBBSON's Point Of View

HABANG kumakain siya ng ice cream hindi ko mapigilang alisin ang tingin ko sa kaniya. Kahit anong angulo mo tingnan ang cute niya. Ang sarap pang kasama.

Kapal lang talaga ng mukha ng gagong Jared na 'yon at pinaiyak niya si Venice. Kaya simula nang hindi na siya kausapin ni Venice nadagdagan ang lakas ng loob ko. Kahit anong mangyari ilalayo ko si Venice kay Jared.

Ayokong nakikitang umiiyak si Venice ng dahil lang sa lalaking iyon. Venice deserved better than him. Kung hindi man ako basta yung lalaking palaging magpapangiti sa kaniya at laging nandiyan para siya'y suportahan.

I gulped nung makita kong dinilaan niya yung ice cream na kinakain niya. Great! Parang natetempt akong halikan siya. Alam kong hindi lang sampal ang gagawin niya sakin kapag ginawa ko ang gusto kong mangyari ngayon baka nga hindi niya na din ako pansinin.

Pinilig ko ang aking ulo at tinuon ko sa ibang direksiyon ang aking tingin. At sa lahat ng makikita mukha pa talaga ng gago. Kasama niya yung babaeng lagi niyang kausap sa school. Fine. Maganda nga yung kasama niya at sexy pa pero hindi ko type. Mas gusto ko si Venice.

Kinain ko yung ice cream ko habang tinitingnan ang bawat galaw nilang dalawa. Napapansin kong napapatingin si Jared sa gawi namin. Sinamaan ko siya ng tingin. Kapal mong makatingin sa gawi namin eh ikaw ang dahilan kaya malungkot itong kasama ko. Kailangan ko pang magmukhang katawa tawa sa harap niya para para lang mapangiti dahil sa kagaguhan mo.

Umiwas siya ng tingin ng makita niyang tinititigan ko siya. Kinausap niya yung kasama niya at nakita kong tumango yung babae bago sila umalis.

Napalingon ako kay Venice na nakatingin din pala kina Jared. Tumayo ako at hinarangan yung tinitingnan niya. Napatingin siya sakin. Yeah, kailangan ko pa talagang magpapansin para lang mapansin niya.

"Lika na?" Yaya ko sa kaniya.

Napakunot noo siya. "Saan?" Taka niyang tanong.

Ngumiti ako sa kaniya. "Sa lugar kong saan ka sasaya." Sagot ko bago siya kinindatan. Napairap siya sakin tsaka ngumiti. Cute niya talaga. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Ganito ba yung feeling nahawakan yung kamay ng taong gusto mo? Parang kumakain ng cloud9. Ang sarap lang sa feeling.

Hindi niya hinawi o binawi ang kaniyang kamay ng hawakan ko iyon. Great! Pinalampas niya. Maslalo akong sumaya. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Hinila ko siya habang tumatakbo kami papunta doon sa burol na lagi naming pinupuntahan nina mama nung buhay pa siya. Malapit lang iyon dito.

Mahigpit ko siyang hinawakan habang tumatakbo kaming dalawa papuntang burol.

Itong kamay na hawak-hawak ko ngayon. Pinapangako ko. Kahit kailan hindi ko to bibitawan. Ipaglalaban ko 'to hanggang kaya ko.


VENICE's Point Of View

"SALAMAT," paalam ko kay Jibbson ng makarating na kami ng bahay. Hindi ko namalayan ang oras tanghali na pala. 12:45 na ng makauwi ako. Kumaway siya pabalik bago umalis. Hindi pa din mawala ang ngiti ko sa labi. Ang ganda pala talaga nung burol na 'yon. Ang hangin tsaka ang presko. Sinigaw ko doon lahat ng hinanakit ko kaya gumaan talaga ang pakiramdam ko.

"Mukhang masaya ka ah," muntik na akong mapatalon sa gulat sa pagsulpot ng batang masama ang tabas ng bibig.

"Iyon ba yung pinagpalit mo kay Kuya Jared? Hindi naman gwapo." Sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon