Kabanata 34

1.6K 113 130
                                    

ONE week later. Medyo okay na din ako sa class A pero kung gugustuhin ko gusto ko talaga sa class E. Marami na din akong kakilala sa kanila na dahilan para unti unti akong maging kommportable.

Matapos ang klase nagsasama sama ulit kaming lima. Ako, si Jibbson, Francis, Nic at Jess. Hindi nga ako makatingin ng deritso kay Jibbson dahil nahihiya ako. Hanggang ngayon kasi alam kong naghihintay siya ng sagot mula sakin.

"Saan ka sasabay, Venice?" Tanong ni Nicole nang nasa parking lot na kami ng school.

"Sa--"

"Sa akin siya sasabay, Nic." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang magsalita si Jibbson.

Nagkibit-balikat si Nic at hinila na si Jess at Francis. "Una na kami. Ingat kayong dalawa." Aniya tsaka mabilis na pumasok sa kotse ni Francis. Naiwan kami ni Jibbson na nakatanga lang sa kanilang sinakyang kotse hanggang sa mawala sila saming paningin.

"Nakalimutan kong dalhin ang motorbike ko," ani Jibbson na sumira ng katahimikan.

Napalingon ako sa kaniya tsaka ngumiti. "Okay lang. Maglakad nalang tayo." Suhestiyon ko. Tumango siya. "Okay," sabi niya at naglakad na nga kaming dalawa.

"Kamusta kana? Okay ka lang ba sa class A?" Umpisa niya.

"Okay lang. Noong una sobrang kinabahan ako pero nagiging pamilyar na din ako sa kanila."

"Hindi ka ba nila binubully?" Natawa ako tsaka umiiling. "Hindi naman. Naaout of place lang ako minsan dahil hindi ko sila maintindihan. Natatawa sila samantalang ako hindi."

"Gusto mo pa bang lumipat sa clasa E?" Aniya na ikinalingon ko sa kaniya.

"Siyempre naman! Pero wala naman na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang nasa class A na ako." Napalingon din sakin si Jibbson. "Pwede naman natin sigurong kausapin si Ma'am Pelayo para magawan ng paraan."

Umiling ako. Gusto ko ang kaniyang ideya pero ayoko nang bigyan pa ng problema si Ma'am. Hindi porket sobrang bait ni Ma'am aasa nalang kami lagi sa kaniya. "Wag na. Kaya ko naman eh. Tsaka nandiyan naman kayo para sumuporta sakin diba?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin. Hindi na kami nakapag-usap nung sumakay kami sa bus. Nagpatuloy lang ulit ang pag-uusap namin ng naglalakad na kami papuntang bahay.

"V-Venice," tawag niya sa pangalan ko kaya napatigil ako sa paglakad at napatingin sa kaniya.

"Hmm?"

Napakamot siya sa kaniyang noo at para bang nahihiya siya. "I-Iyong sinabi ko sa'yo dati," napalunok ako. Kinakabahan din ako tulad ng sa kaniya. Gusto niya ba marinig ang sagot ko doon?

"P-Pwde ko bang marinig ang sagot mo." Tuliro at nauutal niyang wika.

Anong sasabihin? Kaibigan ko si Jibbson at sa tingin ko hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Ayoko siyang saktan pero ayoko ko namang magsinungaling sa kaniya. Ayoko ko siyang umasa dahil alam ko kung gaano iyon kasakit. Iyong umasa ka sa wala.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon