Kabanata 18

1.4K 85 22
                                    


JARED's Point Of View

PAGKALABAS ko ng banyo muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa babaeng nakabaluktot sa aking kama. What the hell? Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Bat diyan 'yan sa kama ko natulog?

Napakamot-ako ng ulo sa inis. Ang dumi ng paa niya at tumutulo pa laway niya sa unan ko. Nakanganga siyang matulog at half open ang kaniyang mga mata.

Siguro napagod sa biyahe. Hinayaan ko nalang siyang matulog sa kama ko. Ipapalit ko nalang sa kaniya mamaya ang bed sheet at pillow case ko.

Beep

Biglang tumunog ang cellphone ko. Matapos kong magbihis pinulot ko iyon at napakunot-noo sa tumatawag.

Calling...
Mama

Wala sa sarili ko iyong sinagot bago ako lumabas ng kwarto ko.

"Hello," bati ko.

["Hello! Red, we are going to visit your Lola Margarette sa probinsiya ng Romblon. Kasama ko ang Dad ni Venice, Matt at si Dad."] Masayang sambit ni Mama.

"What? Nakaalis na kayo?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

["Yup, hindi ko na sinabi sa'yo dahil alam kong sasama ka at walang kasama si Venice sa apartment kung nagkataon kaya ikaw na munang bahala sa kaniya. Babalik kami after 5 days."]

"What? But Mom-"

["No buts. Alam ko na iyang naiisip mo. Susunod kayo sa amin and that is a big NO. Diyan nalang kayong dalawa sa bahay. Last na bus na itong nasakyan namin pauwing probinsiya kaya naman hindi rin kayo makakasunod. Be a good man. At wag kang gagawa ang bagay na ikagagalit ni Venice. Aside siguro from kissing her."] Napahalukipkip ako sa sinabi ni Mom nang maarinig ko siyang humalakhak mula sa kabilang linya. Kiss her? Iyong tulo laway na babaeng iyon? Hell! Ayoko ko pang malason.

"Why did you not inform me about this?" Medyo iritado kong sabi. Isa na naman ba ito sa plano niya? I'm not stupid para hindi malamang pinagpaplanuhan niya lahat ng bagay para mapalapit ako kay Venice which is very obvious.

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Venice kay Mom at gustong gusto siya nito.

["Kasi hindi ka papayag na maiwan. That's why."] Sabi ni mom.

"Mom, ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari? Bakit n'yo ba kasi ako pilit na pinapalapit kay Venice?"

["Because I like here for you. Ang tagal mo nang walang girlfriend. Gusto kong magkaroon kana."]

"And Venice is the one you wanted to be my girlfriend ganoon ba?"

["Yup,"]

I sighed. "Mom, please. Ayokong pinakikialaman n'yo ako. I have the right to choose. Pipiliin ko kung sinong gusto ko hindi iyong gusto n'yo lang para sa akin." I impatiently said.

Ngayon lang ako nainis kay Mom ng ganito. It feels like I'm slave. Ginagawa lahat ng gusto nila. And I can't take it. Maslalo na kung susundin ko ang gusto niyang mapalapit kay Venice.

["What is wrong with Venice? She is adorable, kind and too nice. Diba iyon naman ang hinahanap mo sa babae?"]

"Mom, please. Wag n'yo na pong ipilit 'yang gusto niya. Sinasabi ko sa inyo. I don't like her."

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon