Kabanata 28

1.4K 98 74
                                    


Maraming Salamat majisty <3! ^^

===================================

"Kanina ko pa talaga nahahala yang si number six sobrang sweet sa partner niya." Anang babaeng emcee ng ihatid ako sa harap ni Jibbson. Para akong lumulutang sa alapaap habang linalagay sakin ni Ma'am Pelayo iyong sash saking katawan.

"Congrats Venice," sabi niya ng matapos na ang picture taking. "Salamat po," sabi ko at bumalik na ulit sa pwesto ko kung saan hindi pa din nawawala ang ngisi ni Jibbson sa pisngi.

"'Yong deal ha. Wag mong kakalimutan." Sabi niya. Hindi ko tuloy siya matingnan ng ayos. Napasabak pa ako. Dapat pala hindi nalang ako pumayag eh.

"And that's the end of our special awards. Again, let's give our candidates around of applause!" Anang emcee.

"Now, let's have a popular actor in our industry today para haranahin ang ating mga candidates. Please welcome, Enrique Gil!" Namilog ang mata ko sa sinabi ng emcee. Biglang umalingawngaw ang ingay at tilian. Parang nabuhayan ang mga manunuod.

Enrique Gil? As in Enrique Gil? Iyong artistang six years ko nang crush? Iyong artistang matagal ko nang pangarap na makita? Iyong lalaking halos sambahin ko ang litrato? Iyong lalaking kamukhang kamukha ni Jared?

Enrique Gil? Iyong kapartner ni Liza Soberano na kalookalike ko daw? Hano daw?

Basta! Biglang umalingawngaw ang kanta na Ngiti ni Ronnie Liang.

Napatingin ako sa lumabas na lalaki galing sa backstage. Natawa ako ng lumabas ang isang lalaking kumakanta habang nakamaskara ng mukha ni Enrique Gil.

"Ay akala ko si Enrique Gil!" disappointed na sabi ng iba.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit...

Pero impyernes ha maganda ang boses niya.

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik..

Tapos yung tindig niya at galaw. Maala Enrique Gil talaga.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil

"Whaa Enrique! Ako to si Liza!" Sigaw nung iba.

Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Lumapit siya kay Chantal at hinawakan ito sa kamay habang kumakanta. Sumunod siyang pumunta kay Issy iyong taga class B. Sumunod ang class C , D , class namin at F.

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid

Nung ako na. Halos matawa ako ng hawakan niya ang kamay ko at sinisilip ko ang mukha niya.

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Iba kasi talaga ang pakiramdam ko, eh. Para talaga siyang si Enrique Gil.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon