Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Thirteen-

140 8 0
By AnnyMeLoveU143

Warm breath brushing through my face. The wind feels cold but why am I feeling warm whenever I'm with him?

He gently caressed my face. Pumikit ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. God, anong ginawa mo Ezekiel at nagkaganito ako?

"Love..." even the way he calls me that. Makes me feel so...weird.

The moment I open my eyes and looked at him, his face was so close to mine that almost touch our noses.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang tinulak dahilan upang mapaupo siya sa lupa. Pusa, what the heck am I doing?!

Umayos siya ng pagkakaupo sa lupa. Nag-indian sit pa siya paharap saken habang nakangiti.

"What are you smiling at?!" Asik ko sakanya.

"You're blushing. And I find it very cute."

Blushing? Napatakip ako sa pisngi ko. Oh dog, my cheeks are burning.

"M-mainit dito sa labas." Palusot ko.

"It's night. Walang araw kaya pano naging mainit ang gabi? Diba dapat malamig?"

Great. Magpapalusot na nga palpak pa. "Paki mo ba? Eh sa mainit talaga eh!" Mabilis akong tumayo. "Matutulog nako. Umuwi ka na." Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad.

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Narinig kong tanong niya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakaupo pa rin siya sa lupa. "Bakit magpapatulong ka pa saken sa pagtayo? May dalawa ka namang paa. Kaya mo nang tumayo mag-isa."

"Pretty please?" He pout his lips at nag-beautiful eyes pa. Putek, paawa effect ang loko.

At sa totoo lang, effective ang ginagawa niya.

"Bahala ka dyan. Ganyan ka na lang hanggang sa sumikat ang araw." Tuluyan nakong pumasok sa loob ng bahay at sinarado ang pinto.

"I'm not leaving here unless you'll help me." Narinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Bahala siya dyan. Manigas siya!

Sumandal ako sa pinto. Nag-bilang ako ng 60 seconds bago ko ulit buksan ang pinto. Siguro naman umalis na siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas pero laking gulat ko kasi andun pa siya at nakaupo pa rin sa lupa. The heck?!

Nilakihan ko ang pagbukas ko ng pinto. "Andyan ka pa rin?!" Gulat na tanong ko.

"I told you, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako tinulungan." Sabi niya habang naka-cross ang dalawang braso sa dibdib.

"Pwede ba, Ezekiel. Umalis ka na! Gabi na. Inaabala mo ang mga kapitbahay. Nakakahiya."

"Ayoko." Sabay iling ng ulo niya.

"Ezekieeel!" I narrowed my eyes on him. Ang loko-loko dinedma ako!

"Ayaw."

Ang kuliiiiit!

Inis kong kinamot ang ulo ko at lumapit sakanya. Tutulungan ko na nga ang loko-lokong 'to para makauwi na siya.

Nilahad niya ang kamay niya saken. Kinuha ko yon at hinila siya patayo. Pagkatayo niya, akala ko bibitawan na niya ang kamay ko pero hindi pa pala. Hinila niya ako palapit tsaka niyakap. Pagkatapos ay hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Good night, Love. Sweet dreams... I love you..."

---

EZEKIEL

Ang ganda ng umaga ko. Masarap ang naging tulog ko dahil kagabi. I know it's gay but damn kinikilig ako!

I can still remember her blushing face when I told her I love her. It was kinda cute. I know she's still doubting my love for her. But that doesn't mean I will give up. I want to prove to her how much I love her and that I'm sincere of my feelings.

I'm here at my office reading some documents nang biglang tumunog ang cellphone ko. It's Cassy.

"Hey, Cass?" I answered.

"Honey, are you busy? Pwede mo ba akong samahan sa photoshoot ko?"

"Why? Where's Debbie?" I'm reffering to her personal assistant.

"I fire her already. Ugh. Ang tanga niya. Super. She just step on my new sandal that I bought yesterday. Hindi niya ba alam na yon ang bagong model na sandal ngayon tapos tatapakan niya lang? The hell."

I sigh. "Cassy, that's the fourth PA you just fired."

"I don't care. I already hired another PA. I want someone who can understand easily at hindi yung tatanga-tanga. Anyway, sasamahan mo ba ako?"

"I still have a lot of paperworks to do."

"Please, honey? Mas importante pa ba yang mga paperworks na yan kesa saken? Nakakatampo ka naman eh."

I sigh again. "Alright. I'll be there in 10 minutes."

"Yey! I love you, honey!"

"Yeah. See you in 10 minutes." Then I ended the call.

I gave instructions to my secretary na siya na muna ang bahala sa mga gagawin dito sa kompanya. Dumaan muna ako sa mall para bilhan ng pasalubong si Cassy na strawberry cake na paborito niya tapos dumiretso nako sa photoshoot. Hindi naman ganun kalayo ang La Pictorial Studio na pagmamay-ari ng pamilya ni Cassy kaya wala pang ten minutes ay nakarating nako don.

"Mr. Montefalcon. Good morning." Bati saken ng isa sa staff ng studio.

"Good morning." I greet back.

Pumasok ako sa isang kwarto kung saan nagaganap ang pictorial. Nakita ko si Cassy na nakasuot ng robe at nakaupo sa isang silya habang inaasikaso ng mga staff.

"Cassy." I called her.

Nang makita niya ako gumuhit ang isang malapad na ngiti sakanyang labi at agad siyang lumapit saken at niyakap ako. "I'm glad you're here, honey!" Then she kiss me on my cheeks.

"I bought your favourite." Sabay pakita ng box na naglalaman ng cake.

"Huhulaan ko, is this strawberry cake?"

"What else do you expect?"

"You're so sweet, honey. Thank you!"

Umupo kami sa isang bakanteng silya at kinain niya ang pasalubong kong strawberry cake. Pagkatapos kumain ay nagsimula na ang pictorial. Cassy really looks sexy with her red two piece. Habang kinukuhanan siya ng litrato, nakatingin lang siya saken. She smile at me.

Since wala akong magawa dito sa loob, kinuha ko ang cellphone ko and text her.

To: Love<3

Good morning. :)

I waited for about a minute for her reply. Pero makalipas ang dalawang minuto hindi man lang siya nag-reply.

To: Love<3

Hey, are you busy?

I waited for another minute for her reply. Inabala ko muna ang sarili ko sa panonood kay Cassy habang nilalagyan siya ng make-up.

*Beep

My phone suddenly beeps. It's a message.

From: Love<3

Oo! Huwag kang istorbo!

I chuckled.

To: Love<3

Kumain ka na?

From: Love<3

Bakit mo naitanong?

To: Love<3

You haven't eaten your breakfast? Love hindi mo dapat ginugutom ang sarili mo.

From: Love<3

Kung makapagsalita kala mo nanay kita. =_= Wala ka bang trabaho kaya ako ang iniistorbo mo?

To: Love<3

No matter how busy I am, I always have time for you.

From: Love<3

Ha? So you left your work because of me?

To: Love<3

Oo. Kasi ganyan kita kamahal. Sobrang mahal. <3 :-*

From: Love<3

Yung emoticon mo walang ilong. -_-

Natawa ako sa reply niya. Napailing ako.

To: Love<3

Wala nga ba? Akala ko ba walang ilong ang mga emoticon? XD

Pagkatapos kong mai-send ang huling message ko para sakanya hindi na siya nagreply. Siguro naging busy na siya. Marami sigurong customers ngayon sa coffee shop.

---

SHANE

From: Ezekiel

Oo. Kasi ganyan kita kamahal. Sobrang mahal. <3 :-*

Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Seriously, hindi ko na talaga maintindihan kung anong nangyayari saken.

Having a heartbeat this fast, is this even normal?

To: Ezekiel

Yung emoticon mo walang ilong. -_-

From: Ezekiel

Wala nga ba? Akala ko ba walang ilong ang mga emoticon? XD

Hindi na lang ako nagreply at ibinulsa ko na lang ang cellphone ko. Wala nakong maireply sakanya.

"Bakit hindi man lang dumalaw si Superman ngayon?" Narinig kong tanong ni Hazel.

"Sinong Superman?" Tanong ko.

"Duh? Yung manliligaw mo na super sa kapogian at super sa kakisigan plus super sa kakyutan in short, si Ezekiel ang tinutukoy ko."

Umikot ang eyeballs ko at nagpatuloy sa pagpunas ng counter. Oo nga noh? Bakit hindi man lang siya nadalaw ngayon? Baka naman busy siya sa opisina niya? Pero kanina katext ko lang siya ah so meaning hindi siya busy. O baka naman ayaw na niyang pumunta dito sa coffee shop?

TEKA, BAKIT KO BA SIYA BIGLANG NA-MISS?

Iniling ko ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagpunas sa mesa sa counter.

"Shane, tawag ka ni manager." Sabi ng isa sa mga katrabaho ko.

Natigil ako sa pagpunas ng counter. "Ha? Bakit daw?"

"Ewan. Basta pumunta ka na lang daw sa office niya."

Kumunot ang noo ko. Bakit kaya?

Nagpunta ako sa office ni manager. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. "Manager, pinatawag niyo daw po ako?"

Natigil si manager sa pagsusulat. "Shane, right on time." Yumuko siya at may kinuha sa ilalil ng lamesa niya. Pagkatapos ay nilagay niya ang isang supot ng plastic sa lamesa. "I want you to deliever this to La Pictorial Studio."

"La Pictorial Studio?" Saan ang lugar na yan?

"Yes. Malapit lang yan dito sa coffee shop natin. It only takes you 30 minutes para makarating ka don."

Mukahng alam ko na ang ipapagawa ni manager ah. "Ide-deliever ko ang plastic na yan?" Sabay turo gamit ang nguso ko sa plastic na nasa lamesa.

"Oo. May kaibigan kasi ako na don na nagtatrabaho bilang isang photographer. Eh umorder siya ditosa coffee shop natin. Wala kasi dito si Basty kasi nga diba nanganak ang asawa niya. Kaya pwede bang ikaw na lang mag-deliever nito? Don't worry ako ang bahala sa pamasahe mo. Hanapin mo lang si CJ Quezon.

"Pero manager, andyan naman si Yael ah. Siya na lang ang utusan niyong mag-deliever."

"Nagrereklamo ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Gulp.

"Sinabi ko ba? Nagsa-suggest lang eh." Tumayo ako habang nakasimangot. Kinuha ko ang plastic tsaka lumabas ng office niya. Taray ni manager. Bakla naman. Hmp.

Nagpunta ako sa kusina. Nakita ko si Yael na may hinihiwang mga sangkap. Lumapit ako sakanya.

"Yael."

"Ay itlog ni Juan!" Muntik na niyang mabitawan ang kutsilyong hawak niya.

Tumingin siya saken habang ako naman ay nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"Bebelabs naman. Huwag ka namang maggulat oh. Pano kung mabitawan ko yung hawak kong kutsilyo? Tapos mamatay ako edi mabawasan ng kaguwapuhan ang Pilipinas dahil patay nako? Huwag ganun. Pakakasalan pa kita."

Tingingnan ko siya na nakapoker face. "Ang drama mo. Huwag kang mag-alala di bale nang mamatay ka eh hindi ka naman kailangan ng Pilipinas."

"Grabe siya oh..."

"Syanga pala, diba may motor ka?"

"Oo. Bakit?"

"Pwede mo ba akong ihatid sa La Pictorial Studio? May idedeliever kasi ako."

"Ngayon na?"

"Oo. Ngayon na. Kaya tara na."

---

LUMABAS kami ni Yael sa coffee shop at nagpunta sa motor niyang nakapark sa likod.

Binigay niya saken ang extrang helmet na dala niya. Tapos sumakay siya at pinaandar ang motor niya. Pagkatapos ay sumakay na din ako.

"Hawak ka ng mabuti, Bebelabs. Baka mahulog ka. Pero huwag kang mag-alala andito naman ako at handa akong saluin ka kung sakaling mahulog ka... saken. Yiieee! Kinilig siya don."

Hinampas ko siya sa braso. "Ang dami mong satsat. Umalis na nga tayo."

Umalis na din kaming dalawa. "Alam mo ba kung saan ang La Pictorial Studio?" Tanong ko sakanya.

"Of course! Ako pa kabisado ko kaya ang mga lugar dito sa buong Pilipinas." Sagot niya.

Ang yabang lang ah.

--

Sa wakas ay nakarating na din kami sa La Pictorial Studio. Sa susunod hindi nako magpapasama kay Yael. Mas lalo lang akong matatagalan eh. Ang sabi niya kabisado niya daw ang daan papuntang La Pictorial Studio. Kabisado daw pero nagpaikot-ikot kami para lang mahanap ang studio na yan. Yun pala straight lang pala ang daan papunta don. Langyang Yeal 'to. Sarap sakalin eh.

Papasok na sana ako nang may pumigil na gwardiya saken.

"Saan po tayo, mam?" Tanong ni manong guard.

"Um... may idedeliever lang po sana akong order." Sabi ko.

"Saan po galing?"

"Sa Prime Coffee Shop." Tinaas ko ang plastic na may printed ng pangalan ng coffee shop namin.

Inenspect niya kung ano ang nasa loob ng plastic.

"Okay. Pwede ka nang pumasok, mam."

"Thank you po."

Pumasok ako sa loob. Ang dami namang rooms dito. Saan ba ako papasok?

"Excuse me, Miss." Tanong ko nang may dumaan na babae. Siguro isa siya sa staff dito.

"Yes?"

"Saan ko po makikita si CJ Quezon?"

"Ah... si Kuya CJ? Andon po siya sa may pictorial room. Sundin niyo lang po ang daan na 'to tapos liko po kayo sa left. May door po na may nakasulat na Pictorial Room."

"Okay. Thank you po."

"Model ka ba dito, mam?"

"Ay hindi po, miss. May idedeliever lang po ako dito."

"Ganun ba? Ang ganda niyo pa naman. Bagay po sa inyo ang maging model."

"Hehe. Wala po kasi akong alam sa pagmomodel tsaka hindi po ako mahilig don."

Totoo naman na wala talaga akong alam sa model-model na yan. Tsaka hindi naman ganun kaganda ang katawan ko kaya huwag na lang.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, mga flash ng camera ang sumalubong saken. Nakakasilaw. Nilibot ko ang mga mata ko sa loob. Ang busy nilang lahat. Dahil sa kakalibot ng paningin ko may nakita akong hindi kaaya-aya. Okay, I did not expect na nandito siya, kasama ang so-called friend niya na nakatwo piece. Infairness, ang sexy ng katawan ng friend niya. Bagay nga sakanya ang maging model. Maganda na, sexy pa.

Napako lang ang tingin ko sakanilang dalawa. Ang saya nila habang kumakain ng cake.

Tapos ang sarap isampal sakanila nung cake eh noh?

"I assume that delievery is for me?" Nadistract ako nang may nagsalitang lalaki sa tabi ko. May hawak pa siyang camera. Infairness, may itsura.

"Po?" Napatingin ako sa hawak kong plastic tapos tingin ulit sa lalaki. "Ikaw ba si CJ Quezon?"

"Carl Joseph Quezon it is, beautiful lady." Hinawakan niya ang kamay ko. Hahalikan niya sana ang kamay ko pero agad ko yon binawi.

Ang bilis niya ah.

"Delievery po para sa inyo." Sabay abot sakanya ang plastic.

"Thank you." Kinuha niya ang plastic. "Can you wait for me here? Kukunin ko lang ang wallet ko sa locker. Okay lang ba?"

"Sure po."

"Umupo ka muna don." Tinuro niya ang bakanteng upuan... malapit sa upuan nina Ezekiel.

"Uh... o-okay."

Umalis na siya at naiwan akong nakatayo. Inaaliw ko ang sarili ko sa loob. Iniiwasan kong huwag tumingin sa direksyon nina Ezekiel. Pero parang may sariling utak ang mga mata ko at napapasulyap ako sakanila. Nakita ko silang nagtatawanan at masayang nagkukwentuhan.

Ewan ko pero parang gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Hindi ko gusto ang nakikita ko.

Sa text sinabihan niya ako na mahal niya ako pero heto siya't nakikipagkwentuhan sa friend niyang kulang na lang ay maghubad sa harap niya.

Tsk. Mga lalaki talaga, mga manloloko! May pa halik-halik pa sa noo, may pahawak-hawak pa sa kanay, may pa-I love you I love you pa sa text yun pala may kalandian pala sa personal!

Dahil sa kakatutok ko sakanilang dalawa biglang may bumangga saken dahilan upang mahulog ang mga bitbit niya. Lahat ng tao dito napatingin samen.

"Naku, pasensya na po mam. Hindi ko po sinasadya." Paumanhin ng babaeng staff.

"Okay lang." Lumuhod ako para tulungan siya sa pagbitbit ng mga gamit niya.

Mga pictures pala 'to ng friend ni Ezekiel. Ang handa niya dito ah.

"What happened here?" Nanigas bigla ang katawan ko.

Binilisan ko ang pagkuha ng mga nalaglag na gamit at binigay agad sa babae.

"Thank you, miss." Nakangiting sabi ng babae.

Ngumiti lang ako. Pagkatapos ay umalis na siya. Nakatayo nako pero nanatili akong nakatalikod sakanya. Ayoko siyang makaharap. Bakit ayoko siyang makaharap? Pati sarili ko hindi ko rin alam ang sagot. Sana hindi niya ako makilala.

"Shane?"

Napapikit ako at napakagat ng labi. Shoot. Nakilala niya talaga ako kahit nakatalikod ako. Nasaan na ba kasi ang CJ na yon? Bakit ang tagal niyang bumalik?

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko tapos pinaharap niya ako sakanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

"Heto na ang bayad, beautiful lady." Biglang dumating si CJ kaya binawi ko agad ang kamay ko sakanya.

"Thank you."

"Salamat din sa delievery."

Nagmadali akong umalis. Narinig ko pa siyang tunawag ako pero hindi ako nag-abalang lumingon.

"Ang tagal mo naman yata, Bebelabs?" Tanong ni Yael habang nakasandal sa motor niya.

"Umalis na tayo." Kinuha ko sakanya ang helmet at sinuot yon.

"Bakit nagmamadali ka yata?"

"Basta umalis na tayo, Yeal. May trabaho pako sa coffee shop."

"Shane, wait..."

Sinundan niya pala ako dito sa labas. Nilingon ko siya.

"Bakit lumabas ka? Bumalik ka na nga don sa loob. Baka hanapin ka ng FRIEND mo." Sabi ko sakanya.

"Nakita mo?"

"Ang alin? Yung nagkukwentuhan kayo ng friend mo habang sinusubuan mo siya ng cake tapos nakasuot pa siya ng two piece na ang kulang na lang ay rumampa siya sa madla na nakahubad? Yun ba ang gusto mong itanong?"

"Love..." Hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko yon.

"Huwag mo akong hawakan." I stare at him. "Hindi ko alam na ganyan ka palang klaseng lalaki. You said you love me? And here you are having fun with your so called friend? Tapos may paligaw-ligaw ka pang nalalaman."

"Love..."

"Alam mo, dahil don sa nakita ko sa loob. Parang ayokong maniwala na mahal mo talaga ako." Nag-init bigla ang mga mata ko. "Pinaglalaruan mo lang yata ako eh."

"Love... no. I'm not playing with you. What you saw inside, it was nothing. Love, please believe me. Mahal na mahal kita." Nakita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. I shook my head. "Ayoko na."

Sumakay ako sa motor ni Yael. "Tara na, Yael."

Hindi nagsalita si Yael at pinaandar na niya ang motor niya.

"Love..."

Hindi ko siya nilingon. Hanggang sa umalis na kami ni Yael at iniwan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
74.7K 5.7K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
3M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...