Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 2

2.2K 69 13
By swaegmonster


Chapter 2 - Perfect Couple


"Bes!" sigaw ni Roxy pagkapasok na pagpasok ng room. "May magandang balita akes bes!" tili niya pa,

"Ano 'yon?" matamlay na tanong ko.

Jacin has a girlfriend... iyon ang masakit at malungkot na katotohanang kailangan kong tanggapin.

Dalawang araw na rin ang nakakaraan simula nung makasama ko siya sa detention. Balik sa dati, nakatanaw ulit ako sa kanya mula sa malayo. Ako lang ulit ang nakatingin sa kanya, habang siya abalang nakatingin sa iba.

Palagi saking sinasabi sakin ni Roxy na 'wag daw akong malungkot dahil lang may girlfriend si Jacin. Girlfriend pa lang naman daw kasi, sigurado daw na maghihiwalay din sila. Kung ang mag-asawa nga daw naghihiwalay e.

Pero tingin ko kasi, hindi sila maghihiwalay e. Tingin ko, tinadhana na sila para sa isa't isa.

Perfect couple nga ang tawag sa kanila.

Jacin is Luxford High's Mr. Perfect... while his girlfriend, Ayu is Luxford's Ms. Perfect.

Bagay na bagay talaga sila... and they are truly a perfect couple. First month of the year when they started dating, dalawang buwan bago matapos ang ikatlong taon namin sa middle school. Ilang months palang sila pero kahit sino ay masasabing perfect din ang relasyon nila.

Ano lang ba ako kung ikukumpara kay Ayu? She's popular, rich, smart at sobrang ganda. Unlike me, na kabaligtaran niya.

"Hoy Bes, ano ba? Nakatunganga ka na naman! Napapadalas ang pagtunganga mo ah? Nakikinig ka ba?"

Tumango ako. "Oo, nakikinig ako."

"Kung nakikinig ka, e bakit ganyan pa rin ang itsura mo?"

"Ha?"

Binatukan niya ko ng malakas, ang brutal talaga nitong si Bes!

"Hindi ka kasi nakikinig!"

"Nakikinig ako!"

"O sige, ano 'yung sinabi ko?"

"Sabi mo may magandang balita ka."

"Tapos?"

"Tapos... ano... hehehe." Natawa na lang ako at napakamot sa batok. "Aray!" binatukan niya na naman ako! "Rox Mathew sumosobra ka na ah!"

"Batukan kaya ulit kita? Sabi nang 'wag mo akong tinatawag sa buong pangalan ko e!"

"Ano ba 'yung sasabihin mo?"

Tumikhim siya at ngumiti ng malawak, "Break na ang Perfect Couple."

Napailing ako, "Tsismis lang 'yan sigurado. Sila magb-break?"

E mahal na mahal kaya ni Jacin si Ayu.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit sa puso ng naisip ko.

Nakatikim ako ng pangatlong malakas na batok.

"Roxy!" reklamo ko. Kanina pa siya e.

"Kilala mo ko, Andrea June! Kapag nangalap ako ng balita, sinisigurado kong totoo!"

Napakurap ako. "Imposible. Hindi sila pwedeng mag-break."

"Ay bes, masokista ka na ba ngayon? Hindi ba dapat masaya ka at break na sila sa wakas? Haller?! 'Yung mga Jacin stans nga, ayun sa labas nagdidiwang. Humayo ka na at sumama sa kanila, gora!"

Hindi pa rin ako naniniwala. "Bakit daw sila nagbreak?"

"Importante pa ba 'yon ngayon?! Ang mahalaga, break na sila. Tapos! Kkeut! Fin! Tapos na ang on-going relationship nila, completed na! It's your time to shine na, Bes!"

"Bakit sila magbe-break? Ang perfect kaya nila."

"Bakit parang ayaw mo yata? This only means wala talagang forever! Basta ang alam ko, si Ayu ang dahilan, parang ayaw na niya kay Jacin, gano'n? Kaya magpasalamat ka kasi tanga siya at pinakawalan niya pa ang isang Jacin Mendes. Jusko Bes, akala ko ba Ms. Perfect at matalino siya? Gano siya katanga para pakawalan ang isang Jacin Mendes?!"

Tumango-tango ako. Tama si Roxy sa mga sinabi nya. Kung totoo man ang balita, na hindi ko pa rin mapaniwalaan, pano niya nagawang pakawalan Jacin? Mahal na mahal siya ni Jacin, at isa ako sa mga saksi doon.

"Sa lahat ng may gusto kay Jacin, ikaw lang yata ang malungkot! Psh. Hay nako, wala talagang forever!"

Tinalikod ko ang phone ko. Ginamit ko ang hinlalaki ko para damhin ang pulang band aid na nakadikit sa casing nito... agad akong napangiti dahil sa naalala ko, pero agad ding nawala.

Siguradong nasasaktan at nalulungkot siya ngayon.

Umiiyak kaya sya? Nakanta niya kaya kay Ayu ang Lost Stars?

Wala sa sariling napatayo ako. "Washroom lang ako."

"Bilisan mo bes, parating na si Prof."

Tumango at tumakbo na ko palabas. Dinala ako ng mga paa ko sa Pyxie Point pero walang tao. Wala naman akong ibang alam na tambayan niya, dito lang.

Nasan siya?

Habang naglalakad ako, naririnig ko ang usapan ng mga estudyante, at ang break up ng perfect couple ang pinag-uusapan nila.

Dumaan ako sa classroom nila Jacin pero wala din sya do'n. Tanging si Ayu lang ang nakita ko na mukhang masaya pang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase.

Paano pa siya nakakangiti? They just broke up! Totoo kaya ang mga ngiti niyang 'yon?

Jacin, nasan ka na ba?

Huminto ako sa paglalakad.

Ano bang ginagawa ko?

Kung makita ko man si Jacin, ano namang gagawin ko? Am I going to comfort him? Pano ko gagawin 'yun? Friends ba kami? I'm sure his friends are comforting him right now.

Iiling iling akong bumalik sa classroom.

I really hope he's okay.


~*~


Dismissal na pero si Jacin pa rin ang nasa isip ko. Hindi tuloy ako nakapakinig ng maayos sa klase. Kahit nga pala makinig ako, hindi ko rin maiintindihan.

"Bye bes! Ingat you!" paalam sakin ni Roxy,

"Teka Bes!" pigil ko sa kanya, "Pakisabi kay Papa, mga eight PM ako sunduin."

"Bakit?"

"A-ano, marami kasing bagong dating na aklat sa library. G-gusto kong magbasa-basa."

Tinaasan niya ko ng kilay, "Siguraduhin mo lang Bes, 'wag nang kung san-san pupunta!"

"Opo! Bilisan mo na, naghihintay na si Papa!"

Pag-alis ni Roxy ay tumakbo na ako papuntang library.

"Good afternoon po, Ms. Fe." Bati ko sa librarian.

"Good afternoon, June."

Isa akong student assistant, kailangan ko 'yun para mabawasan ang napakamahal na tuition fee ko. Isang oras o higit pa ang kailangan kong gugulin dito kada-araw. Madali lang naman ang trabaho dito, kaunting encode, ayos ng libro, linis at magagaang trabaho lang.

Hindi ako nakakapasa tuwing maga-apply ako ng scholarship... kasi nga, hindi naman ako matalino. Kaya nag-apply na lang ako bilang SA.

Binaba ko ang bag ko at inisa-isa ang mga shelf kung maayos ba ang pagkakabalik ng mga nanghiram sa mga libro. Malaki ang library ng Luxford, pero kaunti lang ang estudyanteng pumupunta kaya hindi rin gaanong nagagalaw ang mga aklat. Inaalikabok lang ang karamihan sa kanila, pero syempre nandito ko para linisin sila.

Fifteen minutes before seven PM natapos ang mga gawain ko kaya nagpaalam na ko kay Ms. Fe.

Meron akong one hour at fifteen minutes para hanapin si Jacin. Makita ko lang siyang okay, matatahimik na ko. Pero imposibleng maging okay siya ngayon.

I only have one hour and fifteen minutes para hanapin siya sa pagka-laki laking Luxford High. Ni hindi nga ako sigurado kung nandito pa siya sa school. Pero malakas ang pakiramdam kong nandito pa siya o sadyang pinapaasa ko lang ang sarili ko?

San ako mag-uumpisang maghanap?

Kapag brokenhearted ako, san ba ko pupunta?

No'ng araw na malaman kong may girlfriend si Jacin, saan ba 'ko pumunta?

Sa washroom. Umiyak ako maghapon do'n. Nabatukan pa nga ako ni Bes nung makita niyang magang maga ang mata ko e.

Pero malabo namang doon pumunta si Jacin.

Sinubukan ko ulit sa Pyxie Point, at nakita ko ang Pyxis na pasakay sa mga kotse nila.

Kasama nila si Jacin!

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya. He looked so... sad... lalo na ang mga mata niya.

Sinusubukan siyang patawanin ng mga kaibigan niya, ngingiti siya pero alam kong pilit lang 'yun. Bibig niya lang ang ngumingiti, hindi kasama ang mata.

Uuwi na ba sila?

Napatakbo ako no'ng isa isa silang umalis.

Mabalis akong lumabas ng school. Tiningnan ko ang wallet ko kung may pan-taxi pa ba ko. Meron pa naman kaya agad akong pumara ng isa. Pinasundan ko sa driver 'yung mga sasakyan nila hanggang sa huminto kami sa isang exclusive bar. Tama ang kutob ko, hindi pa nga sila uuwi.

Anong gagawin nila dito?

Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero pakiramdam ko, dapat kong gawin 'to. Tiningnan ko ulit akong wallet ko. Magb-bus na lang ako pabalik sa Luxford para tipid. Malaki-laki ang nalagas sa'kin dahil sa taxi kanina.

After parking their cars, isa isa na silang pumasok sa bar.

Siguradong mahal ang bayad papasok dyan! Pano ko makakapasok? Bat ba kasi sinundan ko pa sila e? Ano bang mapapala ko?

Kilos kasi ako ng kilos bago mag-isip e! Ito tuloy napala ko.

I want to comfort Jacin, and make sure he's okay pero sino nga ba ko para gawin 'yun? I'm just a mere admirer na palaging nakatanaw sa kanya mula sa malayo. Hindi niya ko kailangan dahil nandyan naman ang mga kaibigan nya.

Malungkot akong bumuntong hininga. Kasama niya ang mga kaibigan nya. Magiging ayos lang siya.

Meron na lang din akong thirty minutes at susunduin na ko ni Papa sa school.

Saktong pagtalikod ko sa bar nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

<Roxy: Bes, baka mamaya ka pa masundo ni Tito. May biglaang gatherings sila Mama. Gusto mo sunduin kita?>

Si Roxy!

<Me: Bes! Nasa tapat ako ng bar! Tulungan mo kong makapasok!>

Maya maya pa...

Roxy calling...

<"Andrea June Velasco! Sasandaling oras pa lang nang nagkahiwalay tayo! What the heck are you doing in front of a bar?!">

"Ipapaliwanag ko lahat pagdating mo dito bes!"

Napangiti ako. Hulog talaga sakin ng langit si Roxy!


Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
63.9K 1.7K 45
[ π™ΌπšŽπš—πšπšŠπš• π™·πšŽπšŠπš•πšπš‘ π™°πš πšŠπš›πšŽπš—πšŽπšœπšœ πšœπšπš˜πš›πš’ #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: π˜›π˜¦π˜¦π˜― 𝘍π˜ͺ𝘀𝘡π˜ͺ𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘱π˜ͺ𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔...
101K 7.4K 31
(Finished) A King without a Queen is weak. The country will be in chaos. Book 2 of The King.
3K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...