Matt’s POV
Hindi ako makapaniwala na nandito na siya ulit sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ulit. Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya
“Jasmine? B-buhay ka?” Nagulat ako sa taong akala kong patay na, buhay pa din pala.
“Sinong Jasmine?” Kilala niya ako pero hindi niya alam ang pangalan niya? Parang ang weird naman nun.
“Teka. Hindi mo alam ang sarili mong pangalan pero kilala mo ako?” Sabi ko.
“Hindi naman kita kilala.” Hindi niya ako kilala pero sinabi niya yung pangalan ko kanina? Anong klase yun? Loka loka na ito!
“Kasasabi mo la…” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, bigla na siyang umalis. Hindi ko na siya hinabol.
“Kilala mo ba yun?” Katabi ko pa nga pala si Allisha.
“Parang. Kasi eh… basta. Nagtext na ba si Patrick?” Iniba ko na yung topic.
“Teka, check ko.” Tinignan niya yung cellphone niya at meron na ngang text sina Patrick.
Tinext ni Patrick na dun kami sa may lobby magkita. Pumunta na kami sa may lobby at nakita na namin na nandun sila.
Allisha’s POV
“O, uwian na ba?” Sabi ko sa kanila. Nakakapagod din umikot ikot ha.
“Uwi na muna tayo sa bahay. Matt, sabi ni mama ay dun ka na daw maghapunan.” Sabi ni Kuya Patrick.
“Sige sige. Mamaya uuwi na ako ha baka kasi hinahanap na ako ni Lyssa.” Sabi ni Kuya Rupert. Nag-iisa niyang kapatid si Ate Lyssa.
Pumunta na kami sa taxi stand at sumakay ng taxi. Nakakapagod din pala umikot ng almost buong araw.
“Pagod na pagod kayo ah.” Sabi ni Kuya Patrick. Siya naman kasi yung sa harap at kami yung nasa likod.
“Sadya ganun.” Sabi ni Christine.
“Pampagising! Audrey, alarm clock ka ba?” Sabi ni Kuya Patrick kay Audrey.
“Bakit naman?” Sabi ni Ate Audrey.
“Ginigising mo kasi ang natutulog kong puso. Yiee!” Nag yiee sa sinabi niya? Patawa ka ata Kuya Patrick eh.
“Ay oo nga pala. Sino yung nanalo kanina sa pa-sweetan niyo, Kyle?” Sabi ni Christine. Pareho naman nila akong pinakilig eh.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo si Allisha.” Sabi ni Kyle. Ang bitter pa rin. Hindi pa rin ata ako pinapatawad, hahaha. Sorry na, Kyle!
“Wala akong mapili sa inyo. Parehas naman kayo magaling dun.” Sabi ko na lang at baka mas sumama pa ang loob sa akin ni Kyle.
“Yay!” Sabi naman ng katabi ko na si Kuya Rupert.
“Sure ka, Allisha?” Sabi ni Christine. Gusto kong maging fair! Wag ka nga bestfriend, hahaha!
“Oo, sure na sure.” Sabi ko na lang. Wag ka na sumagot kung hindi…
“Kasi diba, hindi naman lahat pantay pantay. Palaging may angat sa dalawa. Sa iyo na lang yun kung ayaw mo masaktan ang isa kaya mo sinasabi yan.” Sabi na nga at yan yung sasabihin niyan eh.
“Dito na tayo.” Sabi ni Kuya Patrick.
Binayaran na namin yung taxi at pumasok na sa loob ng bahay. Aalis na sana si Kyle kaso sabi kasi ni mama, dito na rin siya kumain. So ayun, awkward na naman. Dalawa kong crush nasa isang bahay.
Kumain na kami at nag-usap usap. Sabay na kami kumain kasama sina Miguel, Mama, Papa. Naginvestigate na naman tuloy sina mama.
“Rupert, nasaan ang mga parents mo?” Sabi ni papa.
“Nasa abroad po.” Sabi naman ni Kuya Rupert.
“Ikaw, Kyle, nasaan ang mga parents mo?” Sabi naman ni mama. Investigation ba talaga?
“Nandito po. Future mother-in-law at father-in-law ko po nandito.” Nung una hindi nagets nina mama pero nagets din naman sa huli. AY TEKA NGA, ANONG PINAGSASABI NITO?!
“Ha?” Sabi ni Christine. Nagseselos?
“Kayo ba ng anak ko?” Sabi ni papa kay Kyle bigla namang nabagsak ni Kuya Rupert yung kutsara at tinidor.
“Hindi, papa! Hindi pa ako ready sa boyfriend na yan.” Sabi ko. Hindi pa nga ba? Hahaha.
“Talaga lang ah. Mag-aral ka na muna.” Sabi ni papa. Strict si papa!
“Umm. Aalis na nga po pala ako.” Nagmano na si Kuya Rupert. Gagabihin na siya ng uwi kung hindi pa siya aalis ngayon eh.
“Allisha, hatid mo na siya.” Sabi ni mama. Taga hatid na pala ako?
“Malayo po ang Cavite.” Sabi ko kahit alam ko namang hanggang sa labas lang yun.
“Hindi. Diyan lang sa gate. Sige na, dali.” Sabi ni mama at ngumiti na lang ako.
Lumabas na kami sa may gate. Itatanong ko ba yung tungkol sa babae na nakilala namin kanina o mananahimik na lang ako?
“Kuya Rupert.. may kukunin lang ako ah.” Sabi ko at biglang tumakbo sa sala. Kinuha ko yung necklace sa bag ko na binili ko kanina.
“O ano yan?” Sabi niya. Pagkain ito pagkain, hahaha.
“Wala, bigay ko lang sa iyo. Pinasaya mo ko ngayong araw na ito. Salamat.” Binigay ko na yung necklace na nasa paperbag.
“Ah. Sige, alis na ako ha.” Sabi niya at ngumiti.
“Teka!” Ayaw pa paalisin, nakasama na nga ng buong araw tas natulog pa sa bahay nung gabi, ayaw pa paalisin. Allisha nga naman o.
“Bakit?” Sabi niya.
“Wala, wala. Ingat ka pauwi. Chat chat at text text na lang.” Sabi ko at hinug siya. Hindi naman mahigpit yung hug, tama lang.
“Haha. Mamimiss niya ako o. Wag ka na umiyak!” Teka nga, umiiyak ba ako?
“Sige na sige na. Ingat ka.” Sabi ko at kumaway na siya.
Habang naglalakad siya palayo, yung ngiti ko nagiba na. Nalungkot na ako pero lahat naman kasi may katapusan so dapat masanay lang ako. Hindi pa naman ito yung last goodbye diba?
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan kong seryoso ang lahat ng tao dun. Ano meron? Bakit parang may sasabihin sila sa akin na ikalulungkot ko lalo? Bakit kanina ang saya saya nila tapos ngayon napalitan ng lungkot?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE
Yay! 2014 na! Salamat sa mga nagbabasa pa din nito. Natutuwa talaga ako sa inyo eh, kahit sa facebook account ko, minemessage niyo ko about sa ISWAR. Hart hart! Hindi po ako gaano nag-add kaya sorry po pero kung gusto niyo maging friends, sabihin niyo lang.
Sino nakakita nung mga totoy days na pictures ni Rupert? Hahaha. Ang daming naglabasan. Sayang lang na nawala yung first account niya, ang daming pwede makuha dun.
Vote and comment lang po. Magpapadedicate? Comment. Nababasa ko lahat ng comment niyo kahit hindi ako nagrereply.
Tanong ko, may friendship ba na tumatagal kahit malayo kayo sa isa't isa? Ang sumagot ay idededicate ko din ang next chapter. Ang dami na suki ng dedicate dedicate chuchu ah.
This chapter is dedicated to:
DEERestLemonCandy
AJ Rosales
kaisiree089
JustShootAnonymous
littlemisscamille
iamprettyzhairose
ohmydearjaejoong
INSPIRITLaley
wushupanda94
AlyssaOng5
LiannePaulineABuhain
ItsMeRocieLL
mrbinseu
djanecrisologo