Chapter Forty-Three

5.1K 84 14
                                    

Allisha’s POV

Malapit lang bahay nina Matthew sa amin. Siguro, mga 15 minutes lang namin nilakad. 7pm na. Sakto lang. Nagdoorbell na si papa at naghintay kami na may magbukas ng gate.

“Bilisan lang natin dito ha.” Sabi ni Kuya Patrick. Date niyo ba ni Matt?

“Opo.” Ako na lang sumagot.

Si Matthew ang nagbukas kasama si Tita Monica. “Pasok kayo.”

Pumasok na kaming lima at umakyat muna sa ilang hagdan bago makapasok sa sala. Sa labas, mukhang maliit ang bahay nila, pero hindi. Ang tagal ko na rin hindi nakapunta dito. Nasa sala sina Kuya Mason, Ate Margaret, at Tito Michael.

Si Kuya Mason ay mas matanda kay Kuya Patrick kaya siguro hindi sila gaano nagkasundo noon. Si Kuya Patrick at Ate Margaret ang magkaedad. Dati nga, tinutukso silang dalawa na baka balang araw ay magkatuluyan. Paano kaya kung magkatuluyan sila? Tignan na lang natin. Masaya naman si Kuya Patrick kay Ate Audrey kaya huwag na lang natin pakeelamanan.

“Pat!” Niyakap ni Ate Margaret si Kuya Patrick. Yieee. Sumbong kita sa girlfriend mo. Ay teka, mapicturan nga. Kinuha ko agad yung cellphone ko at pinicturan. Kaso nga lang… may flash! Lagot na ako nito.

Tumalikod si Kuya Patrick at tinignan ako. 1..2..3.. Takbo! Tinago ko agad cellphone ko. “Oi! Aki..” Palapit na sana si Kuya Patrick sa akin nang pinigilan siya ni papa. Wew. Buti na lang.

“Patrick, umayos ka.” Binulong pa ni papa, pero narinig naman naming lahat.

“Kain na tayo?” Tanong ni Tito Michael. “Let’s eat!”

Magkakatabi kami nina Kuya Mason, Ako, Matthew, Tita Monica, at Tito Michael. Nasa tapat namin sina Miguel, Ate Margaret, Kuya Patrick, mama, at papa.

Sa simula, wala gaanong nagsasalita, pero nagsalita si papa. “How’s Canada?”

“As far as I know, it’s still a country occupying most of Northern America, extending from the Atlantic Ocean in the east to the Pacific Ocean in the west, and northward into the Artic Ocean.” Sabi ni Tito Michael. Walang natawa. Ang nerdy pala ni Tito.

“Okay.” Mukhang nahihiya si Matthew. “So, you guys are going to migrate in Canada soon?”

“Yep.” Sagot ni Kuya Patrick. Tingin siya nang tingin sa relos niya.

“May pupuntahan pa ba kayo pagkatapos nito?” Tanong ni Tita Monica.

“Umm.. O..” May something ba talaga kayo?

Sumingit si papa, syempre. “Ofcourse not!” Palusot.com

“Mer..” Kuya Patrick, bakit ba gusto mo pumunta sa party na yun?

“Patrick, shh.” Sabi naman ni mama.

“Fine! Ako na lang pupunta!” Tumayo na si Kuya Patrick. Ang drama naman nito. “Allisha, sumama ka sa akin.” Tatayo na din sana ako, kaso tumingin nang masama sa akin sina papa at parang sinasabi na huwag kang sasama. Kung sasama ka, pupunitin ko mga posters mo.

“Saan ba kayo pupunta?” Hinawakan ni Matthew ang kamay ko nang mahigpit. “Is it really important?” The feels. Nakakahypnotize ang mga mata mo.

It Started With A ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon