Chapter Twelve

11.4K 165 30
                                    

Matt’s POV

Hindi ako makapaniwala na nandito na siya ulit sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ulit. Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya

“Jasmine? B-buhay ka?” Nagulat ako sa taong akala kong patay na, buhay pa din pala.

“Sinong Jasmine?” Kilala niya ako pero hindi niya alam ang pangalan niya? Parang ang weird naman nun.

“Teka. Hindi mo alam ang sarili mong pangalan pero kilala mo ako?” Sabi ko.

“Hindi naman kita kilala.” Hindi niya ako kilala pero sinabi niya yung pangalan ko kanina? Anong klase yun? Loka loka na ito!

“Kasasabi mo la…” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, bigla na siyang umalis. Hindi ko na siya hinabol.

“Kilala mo ba yun?” Katabi ko pa nga pala si Allisha.

“Parang. Kasi eh… basta. Nagtext na ba si Patrick?” Iniba ko na yung topic.

“Teka, check ko.” Tinignan niya yung cellphone niya at meron na ngang text sina Patrick.

Tinext ni Patrick na dun kami sa may lobby magkita. Pumunta na kami sa may lobby at nakita na namin na nandun sila.

Allisha’s POV

“O, uwian na ba?” Sabi ko sa kanila. Nakakapagod din umikot ikot ha.

“Uwi na muna tayo sa bahay. Matt, sabi ni mama ay dun ka na daw maghapunan.” Sabi ni Kuya Patrick.

“Sige sige. Mamaya uuwi na ako ha baka kasi hinahanap na ako ni Lyssa.” Sabi ni Kuya Rupert. Nag-iisa niyang kapatid si Ate Lyssa.

Pumunta na kami sa taxi stand at sumakay ng taxi. Nakakapagod din pala umikot ng almost buong araw.

“Pagod na pagod kayo ah.” Sabi ni Kuya Patrick. Siya naman kasi yung sa harap at kami yung nasa likod.

“Sadya ganun.” Sabi ni Christine.

“Pampagising! Audrey, alarm clock ka ba?” Sabi ni Kuya Patrick kay Audrey.

“Bakit naman?” Sabi ni Ate Audrey.

“Ginigising mo kasi ang natutulog kong puso. Yiee!” Nag yiee sa sinabi niya? Patawa ka ata Kuya Patrick eh.

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now