Chapter Ten

12.1K 183 31
                                    

Allisha’s POV

“H-huh? A-ah. S-sige.” Yung kamay mo kasi, nakakadistract! Lalo na yung Pikachu!

“Bakit mo tinitignan Pikachu ko? Mahilig ka din sa Pikachu noh?” Sabi niya. Hindi naman ako gaano mahilig sa Pikachu pero gusto ni crush kaya gugustuhin ko na din.

“Oo naman!” Sabi ko. Pero diba ganun naman yung iba? Kahit hindi gusto ay gugustuhin kapag si crush ang may gusto.

“Kala ko ba kakain?” Sabat talaga si Kuya Patrick kahit kailan.

“Kain na, kain na!” Sabi naman ni Kyle.

Pumunta na kami sa foodcourt at naghanap ng upuan. Iniwan namin yung gamit at naghanap na ng fast food restaurant.

“Ano gusto niyo?” Sabi ni Kuya Patrick.

“Kahit ano na lang kuya.” Sabi ko naman.

“Upo na lang kayo dun! Kami na bahala.” Sabi ni Kyle. Ano ba yan? Pabalik balik, hahahaha.

“Samahan ko na sila.” Sabi ni Kuya Rupert. Gusto ako makasama? Feeler ko, syet.

“Wag na dude. Dito ka na lang.” Sabi ni Kyle. Maka dude? Close na sila? Hahaha.

Matt’s POV

“Okay.” Medyo nainis ako dun sa sinabi niya or baka naman sa taong nagsabi nun. Ang KJ masyado. Bakit ba ang bitter ko sa lalaking ito?

Bumalik na sina Allisha, Audrey at Christine sa upuan.

“Ay teka, may nakalimutan ako.” Bumalik naman si Patrick. Sinasadya mo ba talaga kami iwan nito ni Kyle?

“Hindi pa pala ako maayos na nagpapakilala.. Ako nga pala si Rupert pero mas gusto ko tawagin ako na Matt.” Makikipagkamayan sana ako pero hindi niya naman pinansin. Iniinsulto ba talaga ako nito? Ako na nga ang nagpapakabait dito eh.

“Wag mo nga ako kausapin. Napipilitan lang ako na kausapin ka kasi kaibigan ka ni Allisha pero sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa iyo.” Nagfake smile siya habang nakatingin kila Allisha.

“Sa tingin mo gusto ko sa iyo? Sino naman nagsabi nun?” Inakbayan ko siya na kunware friendly pero gusto ko na siya sakalin. Ang tagal ko na nagtitimpi dito ah. Papalapit na rin kasi si Patrick kaya dapat behave na.

Umorder na kami at dahan dahan naglakad papunta sa table nang biglang..

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now