Chapter Seventy-Four

2.3K 49 18
                                    

Allisha’s POV

“Allisha!” Sino itong umiistorbo sa tulog ko?! “Manliligaw mo nandito na.” Manliligaw? Kuya Rupert? Ay teka, bakit ba siya agad? Hahahaha. Hindi ko nga alam kung nanliligaw yun. “Hindi, si Matthew.” Inimbita siya ni papa? Teka, sinabi ko yun?!

“Bwisit ka.” Tumawa lang palabas si Kuya Patrick. Tumayo na ako, lugo-lugo pa nga. Feel ko babagsak ako. Kung kailan pa ako umiglip, saka sumakit ang ulo. Nagsuklay at nagpabango. Oi, kahit naiinis ako dun, gusto kong maging presentable!

Naghihintay siya sa salas na may bitbit na paperbag. Nanliligaw nga? Alam namang si Kuya Rupert ang pipiliin tapos.. umaasa? Hahard.

“I brought something for you.” Ano ito? Puso mo? Ibabalik ko na lang. May mas deserving pa nyan, or baka may malason lang. Bitter! Inistorbo ako sa beauty rest ko. “Gusto mo daw ito sabi ni Miguel.” Umupo na ako sa tabi niya, binuksan ang paperbag at napasigaw.

“Bwisit!” Fave expression. Nahagis ko sa sahig ang plastic container. “Chicken feet?!” May kuko pa!! “Kailan ko pa nagustuhan yan?!” Syet. Syet. Hindi ko nga matignan yan! Bakit ko kakainin yan?

“Sabi ni Miguel…”

“Naniwala ka naman?!” Makaganti naman yung lalaking yun! “Ayaw ko ng chicken feet!”

“I guess I’ll just give you this..” May kinuha siya sa isa pang paperbag at naglabas ng t-shirt. Woo. Pero nang ipakita niya ang design, napatili na naman ako. “You’re afraid of spiders as well?”

“YES! DAMN IT!” Hindi ko na napigilang magmura. Pta naman! Spider pa?! “Yah!!” Spiders. Chicken feet. In. One. Day. Who. To. Blame. “Nakakainis ka!” Lumabas na muna ako at nagpakalma. Hindi ako pwedeng magpagod. Buti na lang may upuan sa may garden. Muntik na akong mahimatay! Grabe yun.

“Nakakatakot naman kasi!”

“Nakakatakot ngang mawala ka sa buhay ko.” Huh? Lumingon ako sa paligid at walang nakitang tao. Sumilip ako sa gate at nakita si.. Kuya Rupert. “Hindi mo ba ako papapasukin?” Magkadikit yung mata namin dahil sa isang butas na yun. I can feel a connection. “Or pwede rin namang magtitigan lang tayo dito para may pagtingin sa isa’t isa.” Tinusok ko yung mata niya at nagdrama pa. “Wow! My eye hurts, but EYE still love you.” Banat nang banat, hahahahaha.

“Ay sorry! Hindi ko sinasadya!” It’s my time to shine. “Hindi ko sinasadyang mahulog sa iyo!”

“Dun ka lang ba hihingi ng tawad?” May mga iba pa ba akong ginawa sa iyo? “Eh kung ipakulong kaya kita dyan kasi ninakaw mo puso ko?”

“Kung ninakaw ko, bakit buhay ka pa?” Pambasag trip.

“Eh buhay ka pa eh.” Ang galing nga naman mag-isip.

“Bakit pa yung ibang parts ko buhay pa? Yung iba naman patay na patay sa iyo katulad nitong kaluluwa ko?” Kinikilig na yan.

“Papasukin mo na nga ako!” Hinahampas na niya ang gate. “Papasukin mo na nga ako para mayakap kita!” Mayakap daw! Ang sabihin mo, wala ka lang pambanat.

“Magagawa mo ba talaga? Salita ka nang salita. Hindi mo naman kayang gagawin.” Gawin mo kung gusto mo. Kung ayaw mo, wag mo!

“Kahit cactus ka pa, yayakapin pa rin kaya.” Wushu. Regaluhan kita ng cactus tas yakapin mo sa harapan ko. Kaya mo? “Buksan mo na!” Dumilim ang kalangitan at umambon. Wala pa namang cover dun sa bandang kinatatayuan ko, pero hindi yun ang inisip. Binuksan na ang gate at nakita ang isang basang Pikachu na nasa ibabaw ng ulo ang mga kamay. “Halika na nga.” Kung wala gaanong agwat ang mga salitang yun, parang halikan nga. Okay.

It Started With A ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon