Chapter Nineteen

9.5K 143 22
                                    

Matt’s POV

Papunta kami ng Batangas ngayon. Kami nina Micko, Gie, Dangel at Jason. Nagbus lang, mahirap kasi kung magdadala ng kotse.

“Anong resort ba yun?” Tanong ko.

“Blue something ata. Jason, ano ulit yun?” Sabi ni Micko. Ano ba yan, hindi pa sure sa resort na pupuntahan, hahaha.

“Blue Coral.” Sagot naman ni Jason.

Magkatabi kaming tatlo nina Micko at Jason. Magkatabi naman si Gie at Dangel. Nagsound trip muna ako, matagal tagal pa ata. Malayo din kaya ang Batangas.

Makalipas ang ilang oras, ginising na ako ni Jason. Nandito na pala kami.

“Uy. Matt, gising na.” Tumayo na ako at bumaba sa bus.

Pumunta na kami sa entrance. Overnight kami dito, hati hati na lang kami sa bayad. Nagbayad na kami at pumunta na sa room.

“Ayos ah!” Dalawa yung kama, ipagtatabi na lang siguro namin. Malaki naman so kasya kaming lima dito.

“Magbibihis na kayo na pangswimming?” Tanong ni Micko.

“Kain muna tayo. Gutom na ako eh.” Sabi ko. Nakakagutom din ang pagbiyahe ah.

“Ge, kasama naman sa binayaran natin yung pagkain.” Sabi naman ni Gie.

Iniwan na namin yung gamit at pumunta na sa kainan.

“Sarap!” Sabi ni Dangel habang kumukuha ng pagkain. Kung ano ano yung pagkain, hindi ko alam ang tawag sa iba pero mukhang masarap naman.

Kumuha na ako ng gusto ko at umupo na kami sa isang table.

“Jason, hinay hinay lang, may bukas pa.” Biro ni Gie. Ang bilis kasi kumain ni Jason, hahaha.

“Gutom eh. Ganyan talaga!” Sabi ni Jason habang kumakain. Tumatalsik pa ata o.

“Matt, diba yun yung hinatid mo sa bahay nila nung Kpop Heyday?” Sabi ni Micko. Tinuro niya yung babaeng nakatalikod. Teka, siya nga ba yun?

“Ha? Paano ko masasabing siya yun kung nakatalikod siya?” Sagot ko.

“Lapitan mo!” Sigaw nilang apat. Tumingin tuloy yung babae. Si Allisha nga. Lumapit siya sa table namin.

“Uy! Nandito ka din pala!” Ngumiti siya, napangiti din tuloy ako.

“Ay wala, nasa langit ako.” Biro ko.

It Started With A ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon