Chapter Thirty-Four

6.1K 109 36
                                    

Matt’s POV

“Yeoboseyo at Face sasayawin natin? Mahirap ata sayawin yung Face kapag nakaformal attire.” Magsisimula na kami ng practice ngayon. Ilang araw na lang ay June 1 na kaya kailangan na maghanda.

“Magdala na lang tayo ng extra na damit.” Sagot ko. Kapag sumasayaw kasi, maganda kung comfortable para maganda ang performance.

“Sige.” Sabi nila.

“Practice na!” Pinlay na ni Gie ang Yeoboseyo at nagsimula na. Si Gie ang choreographer namin.

Pagkatapos namin magpractice ay umuwi na. Bukas agad ng cellphone at connect sa internet. Ang daming notifications. Tinignan ko ang inbox ko at hinahanap ang messages niya. Nagchat pa din.

Ilang araw ko na din siya hindi pinapansin. Hindi naman talaga ako nagtampo nun, gusto ko lang malaman kung ganun ba ako kaimportante sa kanya para gawan niya ng effort. Ang kulit ko noh? Paulit-ulit yung chat niya na humihingi ng tawad pero binabasa ko lang. Effort pa!

Allisha Rivera: Kuya Rupert, sorry na please :(

Allisha Rivera: Ayoko na galit ka :(

Allisha Rivera: Seenzoned? Aray ha!

Allisha Rivera: Ganyan ka na! Sabi mo, hindi ka na magiging snob pero ito, snob na. -.-

Allisha Rivera: Gagawin ko lahat para magkabati tayo. Mag-usap naman tayo, please. :(

Hindi ko siya matiis. Ilang araw na ako nagtitiis na hindi siya pansinin pero ang totoo, kahit naman na magtampo o magalit ako, the heart still cares. Boom! Isang sign na kaya ito na may kakaiba na akong feeling para sa kanya?

Nagchat na ako pero pakipot pa din. Gusto ko mag-effort pa.

Rupert Matthew Catanghal Manalili: :)

Ang bilis agad magreply.

Allisha Rivera: Smiley face lang?! Mukhang hindi pa nga nakangiti sa totoong buhay.

Minsan naman kapag nagchachat tayo ay hindi naman ganun ang pinapakita natin sa totoong buhay ah. Hindi naman tayo namumula kapag nagagalit. Hindi naman tayo nagkakaroon ng halo kapag mabait. Hindi naman tayo nagiging demonyo kapag may ginawang masama.

Rupert Matthew Catanghal Manalili: Hello :)

Ayan, hindi lang smiley face.

Allisha Rivera: Bati na tayo, please :( Joke lang naman yung sinabi ko nun. Ayaw kita umalis. Gusto ko nga magtagal ka pa.

It Started With A ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon