Chapter Ninety-Three

306 15 2
                                    


Allisha's POV

"Kamusta naman ang blood test results mo? Babalik na ba sa dati?" Nakasakay na kami ng taxi ni Kuya Patrick ngayon. Hindi raw kasi kami papayagan ni mama kung sasakay kami ng jeep. Maulan na at baka biglang magbaha. Sinundo na naman si mama ni papa at may mga aayusin pa nga sila.

"May mga bagay na hindi na mababalik sa dati, katulad lang ng girlfriend este ex mo na pala." Biro ko, pero lalo lang uminit ang ulo ni kuya. Sige na nga, hindi na ako magbibiro. "Joke lang po."

"Hindi naman siya worth it." Sinasabi mo lang 'yan ngayon kasi tapos na kayo. Siguro, para rin gumaan ang loob mo, but hindi lang naman siya ang may kasalanan. Ikaw rin. You allowed this to happen. "Hindi pa tama ang timing."

"May tinatanong nga si papa tungkol sa inyong dalawa ni Christine kanina eh." Nahahalata na kasi kayo. Kailan ba kayo aamin?

"Ano namang sinabi mo?" Alam na alam kung ano 'yong tinanong. "Hindi mo naman sinabi yung nangyari sa party, right?" Wala po akong sinabi!

"Sinabi ko na friends lang kayo, na walang kayo." Mas lalo atang nasaktan.

"Hindi ba naisip ni Christine na meant to be kami? Magkikita-kita ulit tayo sa Canada. All roads to her. Nag-break na naman sila ni Kyle. What's stopping her?" Nag-break na sila?!

"Since when?" Tanong ko. Walang binabanggit si Christine tungkol sa breakup nila. Ang masakit pa, nalaman ko pa sa iba. "Baka ayaw niyang maging rebound ka. Perhaps, she wants to take you seriously this time." Pero nag-break na sila ni Kyle?! Bakit?! "At ayaw niyang maging rebound mo siya."

"If not now, then when?" In the right time.

"Maka-react ka ah! Akala mo nanligaw ka na sa kanya!" Tinawanan ko na lang siya, hoping that it will hurt him less.

"Ehhh..."

Sa wakas, dumating na kami sa SM Manila. Nakakalungkot isiping baka huling punta ko na muna 'to after a few years, pero babalik pa naman ako. Yes, I shall return. A better and more mature Allisha will come back.

Napadaan kami sa event center ng mall. Dito ka siya unang nakita. Doon kasi sa stage na 'yon nag-perform ang Face Off. Parang kailan lang. Ang bilis ng panahon. Ang bilis ng mga pangyayari, parang hindi totoo.

Nasa tapat na kami ng restaurant kung saan kami nagkaroon ni Kuya Rupert ng maraming selfies. Dito rin kami nagkaroon ng first ever picture together. Nag-flashback yung kinukulit niya ako at yung mga fans na pumunta para sa kanila. Ang daming nagbago.

"Christine, nandito na kami." Tinawagan na ni Kuya Patrick si Christine. Aba, parang dati lang, sa akin niya pinadadaan. Ngayon, siya na mismo ang tumatawag! "Okay, see you."

"Baka gusto mong sabihan ng I love you." Hindi pa pala niya pinuputol ang call, pero hindi ko pa rin binawi ang sinabi ko.

"Ewan ko sa iyo, Allisha." He rolled his eyes and continued talking to Christine. "Nasaan ka na ba?" Parang boyfriend kung mag-alala. "Okay." Naghintay kami ng ilang minutes para kay Christine.

Sa wakas, dumating na siya. "Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman. Ayos lang 'yon." Anakng. Kapag ako, ilang minutes lang na-late, naiinip ka na, Kuya Patrick, pero kapag kay Christine, ayos lang ata kahit ilang oras pa bago siya dumating.

"Parating na si Kuya Matt. Malapit na raw siya." Hindi niya pinansing nilalandi na siya ng kuya ko, hahahaha! Buti nga sa'yo! "Allisha, samahan mo naman ako sa C.R."

It Started With A ReplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon