Chapter Thirteen

11.3K 158 33
                                    

Matt's POV

Nagsoundtrip muna ako bigla naman nagplay yung Forever by SNSD. Naalala ko yung babaeng yun. Naalala ko siya dahil ito yung song na dinedicate ko sa kanya. Bakit kung saan kinalimutan na kita at saka ka babalik? Bakit sinabi nila sa akin na wala ka na? Bakit sinabi nila na patay ka na? Pwede naman nilang sabihin na hindi mo na ako mahal. Mas matatanggap ko pa yun. Bakit niyo ako pinagloloko?

Nakatingin ako sa labas. Nageemote na parang nasa music video at naalala ko yung moments naming dalawa.

-Flashback-

Noong February 7, 2012. Ang araw na yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

"Matt, wag ka muna maingay na tayo na ha." Sabi niya. Bakit naman?

"Gusto ko ngang ipagsigawan sa mundo na tayo na!" Sabi ko at nagpout. Proud ako na mahal ako ng mahal ko.

"Basta, wag muna." Sinunod ko na lang yung sinabi para hindi na kami mag-away.

After a week, nakita ko siya na may kasamang lalaki. Magkaholding hands sila at mukhang nagdadate pa. Hindi na sana ako lalapit pero ang ingay ng phone ko at tumunog kaya bigla na akong tumakbo palayo.

"M-matt? Teka teka!" Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko si Jasmine.

"Ano? Bumalik ka na nga dun sa lalaki mo." Sabi ko. Sino ba naman hindi maiirita kung makikita mo girlfriend mo na kasama ang iba?

"Bestfriend ko lang yun." Sabi niya. Bestfriend? Holding hands? Talaga lang ah.

"Bestfriend bestfriend. Bahala ka na nga diyan." Lumayo na ako pero sinusundan pa din niya pala ako. Paglingon ko, huli na ang lahat.

"YUNG BABAE NASAGASAAN!" Sabi nung lalaki. Lumapit ako kay Jasmine. Puro dugo ang nasa damit niya.

"J-jasmine?" Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

May tumawag ng ambulansya at mabilis naman sila nakarating. Ako yung kasama ni Jasmine sa loob ng ambulansya. Hawak ko yung kamay niya at umaasa na magiging okay siya.

"Matt.. mahal.. na.. mahal.. kita." Dumilat siya ng sandali at biglang pumikit ulit.

"Jasmine. Jasmine. Magiging okay ang lahat. Tandaan mo may pangako pa tayo sa isa't isa." Sabi ko at umiiyak na. Bakit ba kasi hindi ako naniwala sa kanya?

Dumating na kami sa ospital at dinala na siya sa emergency room. Hindi na ako pumasok at naghintay na lang ako sa lobby.

Kung hindi ako nagpakaOA at inintindi ko na lang siya ay hindi siya magkakaganito. Dapat hindi ko pinairal ang selos at galit. Dapat naniwala na lang ako sa kanya.

Ngayon, there's a chance that I'm going to lose someone I love. Someone who understood me and I didn't do the same with her. Sa huli na ang pagsisisi, Matt. Hindi mo na mababalik ang nakaraan. Ang magagawa mo na lang ay maiba ang future depende kung ano ang gagawin mo ngayon.

Dumating na yung pamilya niya.

"Ano nangyari kay Jasmine?" Lumapit sa akin yung nanay niya.

"Nasagasaan po siya ng kotse." Sabi ko.

"Dahil diyan sa lalaking yan!" Napatingin kami sa may right. Siya yung kasama kanina ni Jasmine kanina.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Lumapit na din yung tatay ni Jasmine.

"Martin, paano mo nga pala nalaman na nandito si Jasmine?" Sabi ng nanay ni Jasmine.

"Nagtext po kasi kapatid ni Jasmine. Tinawagan daw siya ng nurse dito." Sabi nung Martin.

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now