She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.5M 54.6K 9K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 20

24.2K 1K 494
By InsaneSoldier

Prank Bounced Back

--

"Para kang lutang."

"Hindi." Nakangiting sagot ko kay North sa kabila nang weird na pagkakatitig niya sa akin.

Kanina pa nga nakatingin sa akin yung mga ibang professors na nandito sa loob ng faculty. At nandito ako sa faculty nina bespren. Eh, wala. Wala naman akong ka-close doon sa ibang faculty.

Hindi rin ako lutang. Sadyang masaya lang ako. Sa sobrang saya ko ay wala nang makakasira ng araw ko. Except na lang kung ang mismong dahilan ng kasiyahan ko ang sisira no'n. Na madali lang niyang magagawa. Sino pa ba?

Edi si South.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya sa akin na parang kating-kati nang palayasin ako. Hinila niya ako ng kaunti palapit. "Kulang na lang kainin ka ng mga lalaki rito," bulong niya.

Nag-pout lang ako at nagkibit ng balikat. Hindi na naman bago sa akin na marami talagang nagkakagusto sa akin. Hindi ako nagmamayabang pero iyon ang totoo. Maganda rin naman si North pero sa sobrang strict at professional niya ay walang nangingiming lapitan ang kaibigan ko. Kalog naman si North, ang kaso ay inborn na sa kanya ang pagiging strikto.

Hindi ko pinansin yung mga tinging nakukuha ko sa ibang mga tao, tinaasan ko lang ng kilay si North. "Hirap talaga maging maganda."

"Mas mahirap maging baliw."

"Bad ka, Baby North." Nagtatampo kunong reaction ko. "Tanghali na, oh. Kain na tayo."

Tumingin siya sa relo niya. Kinuha niya yung phone niya at nakita kong tine-text si South. Hala, wala pa nga pala akong number niya.

Mabilis pa sa alas-cuatro na pinakatitigan at kinabisado ko ang numerong nasa screen. Inulit-ulit ko ito sa isip ko at nag-victory smile dahil tumatak na yung number sa akin. Mai-text nga siya mamaya.

"Hoy, Jade," Napatingin ako sa kanya. Nakatago na yung selpon niya at mataman nang nakatingin sa akin. "Okay ka lang ba talaga? Para kang nababaliw."

"Mean talaga." Kinabig ko siya sa braso at hinila na paalis. "Kain na tayo. Gutom na me."

Excited na ako kumain! Nabasa ko kasi yung text ni Northy na ini-invite niyang kumain ang kapatid. Knowing that kid, hindi iyon tatanggi sa pagkain lalo na't mala-alien sa katakawan iyon. Yay.

Hay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niyang pag-kiss sa noo ko, to think na ilang araw na ang lumipas. Kinikilig pa rin ako! Gosh, ang tanda ko na para do'n! Ayon nga lang, wala akong nagawa kung hindi maghilamos. Kawawa naman personal hygiene ko kung hindi. Gagawa na lang ako ng paraan para maulit iyon. Sana sa lips naman.

Naabutan namin along the way si Bata. Napangiti siya pagkakita sa kapatid pero nang mapatingin siya sa akin ay, ehem, wala. Edi poker faced.

Parang paslit itong yumakap sa nakatatandang kapatid. "Ate."

North patted her head at nakita ko ang mabilis na pag-smile nito. Napangiti na rin tuloy ako kasi ang sweet nilang magkapatid. "Kamustang klase mo? Okay na ba 'yang paa mo?"

Tumango si South. Naka-crutch pa rin kasi siya hanggang ngayon. Ayos na ang paa niya pero hindi pa rin pwedeng biglain.

"Kain na tayo?" Mabilis na tanong nito at saka ako binalingan ng tingin. Umangat ang kabilang dulo ng labi niya. "Libre mo ba, Ma'am?"

"Hin—"

"Halika na. Gutom na ako."

Wala na kaming nagawa nang mauna itong maglakad kahit pa gumagamit ito ng saklay. Napatingin sa akin si North at ngumisi. "Oh, libre mo raw, best friend."

Hindi na lang ako sumagot. Anong magagawa ko, yung bata na ang may sabi.

Pagdating sa cafeteria ay halos mamulubi ako sa mga pinag-o-order no'ng dalawa. Talagang nilubos nila yung sapilitan kong panlilibre. Humirit pa ng desserts. Ang kapal ng face.

Magkatabi sila habang ako ang nasa tapat nila. Seryoso ko lang na pinapanood kung paano sila mag-bonding. Mukhang maganda ang mood ni South ngayon, ah.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sa akin. At mas nabigla ako nang ngumiti siya.

Si South, nag-smile.

Sa akin.

Napangiti na lang din ako. Habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan.

--

Gabi na rin nang maalala kong na-save ko na nga pala yung number ni South. Nandito na ako sa room ko ngayon, nagpapahinga na. Grabe, feeling ko pagod na pagod ako. Ikaw ba naman mag-klase sa ilang sections.

Kinuha ko ang selpon at sinilip sa contacts si South. Napangiti ako. Finally, after ng ilang buwan ay nakamit ko na rin ang number ng babaeng kinahuhumalingan ko. Kasi naman, eh, hindi man lang pumasok sa isip ko na hingiin ang number niya kasi palagi naman kaming magkasama.

Nag-type ako ng maikling text at kaagad na sinend sa kanya. Titingnan ko lang kung magre-reply siya.

To: South
Hey, good evening! - A

Sent!

Ngiting-ngiti na naghintay ako ng reply. Napasimangot ako nang ma-realized ko yung ginawa ko.

Naman, eh! Ano ako, highschool? Para akong ewan na naghahanap ng text mate o kaya tropang pinatitripan ang barkada. Pero kasi...ah, bahala na.

Automatic na bumilis ang heartbeat ko nang mag-vibrate ang aking cellphone. I immediately swiped it and nanlaki ang mata ko sa nakita. Nag-reply siya! Maikli nga lang.

From: South
?

Haba. Question mark. Yehey, ang galing.

Ang sarap talagang kausap ni South, eh. Pero dahil nasimulan ko na, edi ituloy na.

To: South

Need someone I can talk with. - A

Sent.

Wala pang ilang seconds ay nag-reply na siya.

From: South

Ah.

Napakamot ako sa ulo ko. Ang hirap naman magpahaba ng usapan sa babaeng ito. Conversation ender!

To: South
May I know your name? - A

Kumunot ang noo ko. Matagal bago ito mag-reply. Ano naman kayang ginagawa no'n? Nagdo-drawing? Posible. Walang pinipiling oras si South, eh. Kaya lalong lumalabo ang mata. Nag-vibrate ang phone ko at napangiti dahil siya ang nag-text.

From: South

Call me S. You?

Mabilis akong nag-tap at nag-reply.

To: South

Edi A na lang din.

From: South

Ah, A. As in, Addict?

Napairap ako. Hanggang sa text, masama pa rin ang ugali niya. Pati emoticon, poker faced. Oh, well. At least nakakausap ko siya.

Magre-reply na sana ako nang mag-text ulit siya.

From: South

Where did you get my number btw

Para akong baliw na pataas-baba ng kilay habang nagta-type.

To: South

I have my connections :P

Mabilis itong nag-reply. Pumunta muna akong kusina para mag-timpla ng gatas. Sarado 'yung room ni South kaya hindi na ako nag-abala pang silipin siya. Binasa ko 'yung text niya nang nasa kusina na ako at nakapagtimpla na ng iinumin.

From: South

Connections. You're the 11th number who texted me today. Dang. I ignored them all except you. Lucky A.

Natawa ako sa sinabi niya. So marami pala siyang nakakasalamuhang numero sa araw-araw? Siguro marami talagang nagkakagusto sa kanya bukod doon sa nag-confess sa kanya noong U-Games. Halata naman, eh. Sa dami ba naman ng nagch-cheer sa kanya sa araw pa lang ng practice.

To: South
Why you chose not to ignore me then?

Kikiligin na ba ako kasi ako lang ang ni-reply-an niya? Ang swerte ko naman! Siguro kasi may charms din pati mga messages ko. Haba naman ng hair ko kung ganoon, baka sabunutan na ako ni North niyan. Katakot!

I tapped my finger on the table habang umiinom ng mainit na gatas. Tagal naman mag-reply. Hindi ko na inaalis yung mata ko sa cellphone. Hinihintay ko talaga na may lumitaw na text message galing sa kanya.

"Ma'am."

"S-South?" Muntik na akong mabulunan nang mapansin kong katapat ko na pala si Bata.

Nakatayo lang siya sa tapat ko. Lamesa lang ang nakapagitan sa amin.

Pinagmasdan ko ang suot niyang malaking shirt na itim. Nakalugay ang wavy niyang buhok at parang nagliliwanag ang asul niyang mata. "Bakit h-hindi ka pa natutulog?"

Tumaas naman ang kilay niya at tinaas ang sariling cellphone. "Because your texting me."

"H-ha?" Napalunok ako.

Ngumisi siya. "Matagal ko nang alam ang number mo. Hiningi ko kay Ate North."

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkarinig no'n. What the hell...

Naglakad siya palapit sa akin at tinampal ng mahina ang kaliwang pisngi ko, animo'y naglalaro. "Good night...A."

Naiwan akong nakaupo lang at nakaawang ang labi hanggang sa makaalis na siya. Automatic na gumapang ang init sa mukha ko. Parang gusto kong ibato yung cellphone ko at untugin ang sariling ulo sa pader!

Fuck! Jade Asia Leighton, nakakahiya ka!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
123K 4K 54
Play The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata...
1.5M 54.6K 52
[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat n...
131K 8.3K 19
PUBLISHED UNDER MANILA POP Young Love Series #2: Neariah July Serrano Art is subjective. As an Arts and Design student, Neariah July Serrano has alwa...