My Long Lost Boyfriend (ON GO...

By HeartOabel

486 19 0

Si Danna at si Kian ay isang bagong mag aaral sa isang eskwelahan. Nakilala ni Danna ang anak ng may ari ng... More

CHAPTER 2- AGAIN?
CHAPTER 3- Who's Anna?
CHAPTER 4-Childhood bestfriend
CHAPTER 5-Stay with me
CHAPTER 6- Waiting
CHAPTER 7- Harana
CHAPTER 8- Why?
CHAPTER 9- Tambayan
CHAPTER 10- Treehouse
CHAPTER 11- Finally!
CHAPTER 12: T-A-K-E-N
CHAPTER 13: Supportive Best Friend
CHAPTER 14: Mini Falls
CHAPTER 15: Break Up
CHAPTER 16: Fight
CHAPTER 17: Comeback
CHAPTER 18 : VACATION
CHAPTER 19 : Horse Back Ridding
CHAPTER 20: Mangga at Bagoong

CHAPTER 1- FIRST DAY

117 3 0
By HeartOabel

"Aray" sino ba naman kasi yung bumangga sakin. Ang laki laki ng daan nagawa pa kong banggain. Heto tuloy ako at napaupo, nagkasugat pa ko sa tuhod huhuhu.

"Next time kasi wag kang haharang sa dinadaanan ko" sabi nitong lalaki na nasa harap ko. At sino naman sya para utusan ako? Tumayo ako at hinarap ko sya.

"Bakit? Sino ka ba para utusan ako ha?" Sigaw ko na ikinatawa naman nya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?Baliw yata to eh.

"Di mo ba ako kilala?Siguro baguhan ka. At Miss ako lang naman ang anak ng maari ng school na to. At ikaw? Sino ka ba para sigawan ako?" Masungit nyang sabi. Tsk! Porket anak sya ng may ari nito sisigawan at susungitan na nya ko?Aba hindi ako papayag.

"Kahit ikaw pa ang may-ari ng school na to,Mister tandaan mo pareho lang tayong istudyante dito. Dyan kana nga, nag sasayang lang ako ng oras sayo" sabi ko at saka ko sya iniwan. Ang sungit kasi masyado.

"Danna Rose Alvarezzzzz" sigaw nitong baliw kong kaibigan.

"Hoy Kiannara Santiago,kailangan buong pangalan ko talaga?Loko to ah. Tara na nga baka ma late pa tayo"

Ako si Danna Rose Alvarez 16 years old. Grade 10 nako at bago lang kami ni Kian sa school na nilipatan namin. Sana naman maging maayos kami dito sa school na to.

Agad naming hinanap ni Kian ang room namin. Buti na lang at wala pang Teacher, umupo kami ni Kian sa last row. Marami rami na rin kaming nandito sa room. Lalabas pa sana kami ng biglang dumating si Ma'am.

"Okay class, My name is Ma'am Clara Santos, this is our first day so magpakilala na kayo. It will start with you" sabi ni Ma'am Clara sabay turo sakin. Huh? Ako ang mauuna?

Tatayo na sana ako ng may magbukas ng pinto ay may sumipa pala. Hindi nya binati Ma'am at dumiretso lang sya sa kabilang dulo. Diko sya nakita kasi nakatungo sya.

"Mister you're late di ka man lang ba mag so-sorry or magpapakilala man lang?" tanong ni Ma'am dun sa lalaki.

Tumayo sya at humarap. Muntik na akong mapa sigaw ng makita ko ang mukha nya. Siya yun. Siya yung masungit at walang modong lalaki na bumangga sakin kanina. Huhuhu bakit kaklase ko sya? Tsk! Pag minamalas ka nga naman oh.

"Hoy ikaw tanda. Baka nakakalimutan mo. Anak ako ng may ari ng school na to. Baka gusto mong ipatanggal kita dito." Masungit nyang sabi. Aba wala talaga syang galang.

"Hoy Mister kung sino ka man, kahit kayo pa ang may ari ng school na to, wala ka pa ring karapatan na sigawan at sungitan si Ma'am. Baka nakakalimutan mo, istudyante tayo, at si Ma'am ang guro. Kaya kung ako sayo mag sorry kana lang. At isa pa hindi matanda si Ma'am. Tsk! Walang modo" masungit ko ring sabi. Aba bastusin ba naman si Ma'am. Di ako magpapatalo noh!

Tiningnan nya lang ako at saka ngumisi. Aba baliw na talaga toh.

"Hayaan mo na sya. Okay you may introduce yourself now" sabi ni Ma'am sabay ngiti sakin. And what? Parang wala lang sa kanya yung mga sinabi ng mokong na yun? Bahala na nga.

"I'm Danna Alvarez, 16 years old. Bago lang ako dito so please be good to me. Thank you" sabi ko ng may ngiti sa labi. Umupo ako at agad namang tumayo si Kian.

"Hi guys haha. My name is Kiannara Santiago you can call me Kian, 16 years old. And pareho lang kami ng best friend ko na bago lang dito so yun lang haha Thank you" ano ba tong si Kian. Tawa ng tawa, abnormal talaga.

Lahat kami nagpakilala na maliban lang dun sa masungit na lalaking yun.

"Okay class, hindi muna ako mag tuturo ngayon so enjoy your first day. You may take your break now." Sabi ni Ma'am Santos. Unang lumabas yung masungit na yon tapos sumunod sa kanya yung mga kaklase ko na halos malagutan na ng ugat sa kasisigaw. Bakit? Ano bang meron sa lalaking yun?

Naiwan kaming tatlo dito sa loob ng room. Si Ma'am Clara, Kian at ako. Agad naming nilapitan si Ma'am na kasalukuyang nag aayos ng gamit nya.

"Hi Ma'am" panimula ko. Ngumiti sya sa amin.

"Oh hello Kian and Danna, right?" Nakangiti nyang sabi.

"Yes Ma'am/Opo Ma'am haha" sabay naming sabi ni Kian. Kahit kelan talaga puro tawa to.

"Oh bakit di pa kayo lumabas para kumain?" Tanong ni Ma'am sabay ngiti.

"Ahm Ma'am bakit wala lang po sa inyo yung mga sinabi nung masungit na yun? Bakit di nyo po sya pinadala sa office?" Malungkot kong sabi.

"Danna kasi ayokong mawalan ng trabaho. Sakin lang umaasa ang dalawa kong anak, patay na ang asawa ko kaya kailangan kong magtrabaho para sa kanila. Kaya hinayaan ko na lang na bastus-bastusin nya ko, okay lang sakin yun ang mahalaga may maiuuwi akong pagkain para sa mga anak ko. Salamat Danna ha. Sige mauna nako. Kumain na kayo ha." Sabi ni Ma'am. Nginitian ko lang sya at lumabas na rin kami.

"Hoy Danna Rose. Bili na tayo gutom na gutom nako oh!" Sabi ni Kian sabay irap sakin. Aba loko to ah.

"Isa pang tawag mo sakin kasama ang second name ko, babato ko sayo to" sabi ko sabay tara ng hawak kong coke in can.

"Eh oo na. Tara na kasi."

"Nauna kan--" aba hilahin ba naman ako. "Hoy Kian bitaw. Eto na nga oh naglalakad na" binitawan nya naman ako agad.

"Anong gusto mo? Dali treat ko" masiglang sabi ni Kian. Aba anong nakain nito?

"Coke at sandwich lang. Thanks"

"Sige hanap kana ng table natin ako na ang bibili"

Agad naman akong naghanap ng table. Ang malas talaga puno lahat eh. Maliban na lang dun sa table nung lalaking nasa dulo. Ayun mag isa lang naman sya eh. Tsaka pang waluhan kaya yung upuan nya. Yey may table na kami. Agad akong lumapit dun sa lalaking nakatalikod.

"Ahm. Kuya? Pwede po bang maki-share? Wala na kasing ibang table kasi puno na laha--" diko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang humarap sakin. Napatakip ako sa bibig ko aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Sige okay lang Danna, right?" Nakangisi nyang sabi.

"Bitawan mo nga ako! Sa room na lang kami kakain. Ayoko kasing may maka sabay na masungit at walang modong lalaki habang kumakain. Kaya bitaw." Sabi ko agad naman nya akong binitawan. Lalakad na sana ako ng dumating si Kian.

"Oh bes san tayo kakain?" Tanong niya.

"Tara na Kian, sa room na lang tayo kumain, nakaka walang gana kasi dito" sabi ko sabay irap sa masungit na yun.

Naglakad kami papuntang room. Marami kaming nakasalubong na istudyante at nginingitian kami. Ay haba ng hair namin. Umupo na kami sa upuan namin. Binuksan ko yung coke at saka uminom, muntik ko ng matapon yung coke sa sobrang gulat. Pano ba naman nagsisigawan na naman yung mga kaklase ko. Pumasok lang naman pala yung masungit na yun dito sa room. Di ba sila nag sasawa sa kanya?

Madaling natapos ang first day namin. Maaga pa kaya napag isipan namin ni Kian na mag mall muna. And yes samin yung Mall na yun.

"Bes ayun oh ang ganda. Tara bili tayo" hinila ako ni Kian papunta dun sa dress na nagustuhan nya.

"Miss may pink and violet ba kayo nito?" Tanong ni Kian

"Yes Ma'am, wait lang po ha" sabi nung sales lady at saka umalis.

"Dahil nilibre moko kanina, sige libre ko na rin sayo yang dress na yan" sabi ko sa kanya.

"Bes tologooo?" Hinawakan nya yung leeg ko "Hala bes wala ka namang sakit ah. Okay ka lang ba?"

"Ayaw mo? Okay edi bayaran mo." Pang aasar ko.

"Joke lang bes. Naninigurado lang."

"Eto na po Ma'am. Ay Good afternoon po Young Lady." Sabi nya sakin at nag bow sya.

"Miss hindi mo na namang kailangang mag bow eh, at isa pa wag ng Young Lady, Danna na lang." Nginitian ko sya. Ngumiti rin naman sya samin.

"Pwede po bang Miss Danna na lang?" Naka tungo nyang sabi.

"Sige kung dyan ka mas komportable eh."

"Sige po Miss Danna, so kukunin nyo na po ba ito?" Tanong nya samin.

"Oo, eto yung card ko. Thank you" sabi ko at nginitian ko sya.

"Sige po Miss Danna"

"Bes sayo yung violet tas sakin yung pink" sabi ni Kian. Ang hilig nya talaga sa pink.

"Oo na bes haha." natatawa kong sabi

"Eto na po Miss Danna. Thank you po Miss Danna at Miss Kian" nakangiti nyang sabi.

"Sige mauna na kami. Thanks"

Umuwi na kami ni Kian. Magka tapat lang naman ang bahay namin eh.

Kumain kami at saka ako umakyat sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na to.

Continue Reading

You'll Also Like

52.1K 1.4K 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
46.1K 3.1K 26
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
Riptide By V

Teen Fiction

331K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
84.4K 289 13
As the title says