FATE 1: LOVE, LIES AND FATE...

By WeirdyGurl

499K 13.9K 1.5K

When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruined by love and lies... More

MUST READ
The Fading Red Strings of Fate
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
NOTE
Repost: Chapter 22
Repost: Chapter 23
Repost: Chapter 24
Repost: Chapter 25
Repost: EPILOGUE

Chapter 23

11.8K 353 47
By WeirdyGurl

BALIW talaga ang isang 'yon. Kita na ngang buntis siya pero kung ano-ano pang pinapagawa sa kanya. Nasa labas siya ng bahay nila Lance. 'Yong bahay na sinadyang pinagawa nito para kay Alyce. Tila nakilala siya ng guard ng subdivision dahil madali lang siyang pinapasok nang wala man lang tanong.

Ipinarada niya ang kotse sa 'di kalayuan at minatyagan ang buong bahay. Mukhang wala namang tao. Matagal na yatang walang taong pumupunta doon.

Tila wala namang nagbago sa bahay. Bigla ay nakadama siya nang matinding kalungkutan. I missed this house. I missed the memories we had in this house. She can't help but sighed. Memories na hanggang sa mga alaala na lamang. Lumabas siya ng kotse at tinungo ang bahay.

Makulimlim na ang langit. Ano mang oras ay bubuhos na rin ang malakas na ulan. Kailangan na rin niyang magmadali. Kukunin lang naman niya 'yong cook book. If her memory is correct, nasa isa sa mga cupboards sa kusina ang cook book.

Sana nga lang at hindi pa nito pinalitan ang password code ng gate. She tried the old password and it did open. Napangiti siya. Thank God! Pumasok siya at dumiretso agad sa bahagi ng front garden kung saan naka display lahat ng mga flower pots. Alam niyang may duplicate key. Nakatago 'yon sa isa sa mga kaang na nandoon. Na kay, Lance kasi ang isa. Sinadya niyang iwanan 'yon doon para 'di niya maiwala at 'di mahirapan maghanap.

Napangiti naman siya nang makita ang kaisa-isang flower pot na may smiley. 'Yon ang naging palatandaan niya. Mabilis na inabot niya 'yon at iniangat mula sa puwesto nun. Lalong lumapad ang ngiti niya nang makitang nakabaon pa rin doon ang susi. Gosh! Thank you Lord. Pasalamat ka Darwin at mahal ako ng Dios kaya makukuha ko pa 'yong cook book mo.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras dahil ramdam na niya ang ulan na may dala pang paminsan-minsang pagkulog. Mabilis na pumasok siya sa loob ng bahay. Agad naman siyang binati nang matinding katahimikan.

Ganoon pa rin 'yon. Maliban sa mga picture frames na nakadikit noon sa pader sa sala na ngayon ay wala na. Naibaling niya ang tingin sa paanan ng hagdanan. Naingat niya ang tingin doon. Ganoon pa rin ba ang ayos ng kwarto nila? Muling kumulog dahilan para mabalik ang atensyon niya sa kung anong pakay niya sa bahay na 'yon.

No Allysa, focus! Stop thinking about the past. 'Yong cook book ang kailangan mo. Saway niya sa sarili. Tama! 'Yong cook book. Pinuntahan niya ang kusina at inisa-isa ang mga cupboards na buksan. Nadismaya siya nang wala siyang cook book na nakita doon. Hindi siya tumigil at naghanap pa siya sa mga sulok. Imposibleng wala sa kusina ang cook book. Doon lang niya 'yon iniwan.

Natigilan siya nang mapansin ang isang pamilyar na lunch box sa kitchen counter. Hindi siya pwedeng magkamali. 'Yon ang lunch box na lagi niyang natatanggap tuwing umaga sa condo unit niya. Lumapit siya at hinawakan ang lunch box. Ito nga 'yon. Dumako naman ang mga mata niya dalawang karton ng itlog. Halatang nabawasan na ang mga 'yon.

Was it really Lance? Pero bakit? Bakit niya ginagawa 'yon?

Natigilan siya nang marining ang ugong ng sasakyan mula sa labas. Mabilis na sumilip siya mula sa bintana sa salas. Talagang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sasakyan ni Lance sa labas. Agad niyang isinirado ang pinto at in-lock 'yon. Naisandal niya ang likod sa katawan ng pinto.

Dios ko! Bakit nandito si Lance? Anong gagawin ko? Saan ako magtatago? Napa-panic at sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Napangiwi siya. Malamang, bahay 'to ni Lance. Bwesit ka Lance! Kung saan-saan kita hinahanap, nandito ka lang pala. Narinig niya ang pagbukas ng gate. Kung 'di hahanapin saka naman magpapakita. Maingat at mabilis na pumanhik siya sa itaas.

Nalito siya kung saan siya magtatago. Sa masters bedroom ba o sa isang vacant room sa itaas. Natutop niya ang noo. Hala, ha? In-i-stress n'yo ang buntis. Kasalanan mo talaga 'to Darwin Fate! Kapag talaga nakalabas ako nang matiwasay dito, mapapatay talaga kita.

Right, definitely not the masters bedroom. I'll go to the other room.

Pagkapasok niya ay sobra siyang natigilan. Bumungad sa kanya ang isang silid na punong-puno na ng mga gamit for baby. Naka wrap pa sa plastic ang halos mga gamit doon. Magulo pa ang ayos pero alam niyang gagawin 'yong baby's room. Pero bakit? Vacant room lang 'yon dati. Si Lance ba ang bumili ng mga 'yon?

Mayamaya pa ay bumuhos na ang ulan. Mula sa sliding window sa silid na 'yon kitang-kita niya ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Mukhang matatagalan pa bago tumila ang ulan. And here she was, trap inside Lance's house. Great!

Napaupo siya sa gilid ng kama. She made sure she locked the door in case Lance tries to get in, may time pa siya para magtago. Which she doubt. Sooner or later, malalaman din ni Lance na nandito siya.

Ilang segundo pa ay naramdaman na niya ang panaka-nakarang pagkirot ng braso. Ipapakain niya talaga ang bwesit na cook book na 'yan kay Darwin kapag nakita niya 'yon.




GUTOM na gutom na siya. Putik! Alas sais na ng gabi. Kung hindi lang siya buntis, baba talaga siya mula sa bintana. Idagdag pa ang panaka-nakang pagkirot ng braso. Hindi siya pwedeng uminom ng pain reliever dahil buntis siya. Kailangan niyang magtiis. Lumapit siya sa pinto at maingat na binuksan 'yon. May naririnig siyang ingay sa ibaba – sa kusina. Nagluluto ba si Lance? May naamoy siyang pagkain.

Bakit ba kasi siya nagtatago? Wala naman siyang kasalanan. May dahilan naman siya sa pag-trespass niya. Hello, may gamit pa naman siyang naiwan. Masamang kunin? Baby, bakit ba ang hirap intindihin ng papa mo? Na-i-stress na ako. Tadyakan na natin 'tong ama mo at nang matauhan.

Maingat na lumabas siya at isinarado ang pinto sa likod. Busy pa si Lance sa kusina. Hindi na siguro nito mapapansin ang paglabas niya. Susuongin na niya ang ulan. Nasa malapit lang naman niya ipinarada ang sasakyan. Maingat at tahimik na pumanaog siya.

Nasa tapat na siya ng pinto nang marinig niya ang boses ni Lance.

"Al?"

Napangiwi siya.

"Allysa? Is that you?"

Fine, 'di harapin si Lance. Lihim na bumuga siya ng hangin. Kinalma niya muna ang sarili bago hinarap si Lance.

"Lance,"

"What are you doing here?" kunot-noong tanong nito. "Kanina ka pa ba?"

"Well, kukunin ko sana 'yong ibang naiwan kong gamit. 'Di ko alam na nandito ka pala. Hindi ako nagtago, ha?" Shuks, Allysa. "I did," amin niya. "Pero aalis na ako. Bye!"

Tinalikuran na niya ito at hinawakan ang knob ng pinto.

"Stay!" bigla ay pigil nito sa kanya. "Please stay, Allysa." Mahinahon at malumanay na pakiusap nito.

Pagkatapos mong mawala, gusto mong mag-stay ako? Hinarap niya ito. "Tapatin mo nga ako Lance."

"Are you hungry? May hinanda akong pagkain –"

"Hindi, gusto kong magtapat ka sa akin. Let's stop beating around the bush. Ano ba talaga ang gusto mo? Ano ba talaga tayo?"

"Al –"

"No, Lance. Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip mo. Hindi ako manghuhula. Hindi ko kayang hulaan ang nasa isip at puso mo. I want you to tell me everything. Be honest with me. Ano ba talaga ako sa'yo? Is this your kind of revenge on me?"

"Mahal kita," bigla ay sabi nito na sobrang ikanagulat niya. Lumapit ito at hinawakan siya sa kamay. "Na sabi ko na, kumain ka muna. Alam kong kanina ka pa sa itaas. Nakita ko ang sasakyan mo sa labas." Hinila siya nito papunta sa dining area.

Napamaang siya. "P-Paano mo nalaman –"

"I've been secretly following you Al. Alam ko kung saan ka pumupunta. Alam ko na malapit ka doon sa may-ari ng Dolce Fate."

"Kay Darwin?"

"Yes, siya nga."

"Bakit mo ako sinusundan? Wala ka bang trabaho?"

"Isn't it obvious?"

"Pagkatapos mo akong layasan? Sasagutin mo ako ng, isn't it obvious?" Masasapak ko 'to eh! Marahas na binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. "Tabi ka nga." Sinadya niyang tamaan ang braso ni Lance nang lagpasan niya ito. Akala mo, ha?!




NASA labas ang tingin ni Darwin habang in-enjoy ang isang mainit na tasa ng kape. Bigla siyang napangiti nang maalala ang ginawang pagsugod ni Lance sa kanya kahapon. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Literal na nga na nagtataguan. Nagtataguan pa ng totoong feelings. Ang love story ng dalawang 'yon ang sobrang nagpasakit sa utak niya.

Twenty minutes after Allysa left, biglang dumating ang galit na galit na si Lance del Valle. Dire-diretso itong lumapit sa kanya. Lance seemed like he wanted to rip him apart. Woah! Scary. Parang kailan lang nang ibalita nito sa kanya na magiging ama na ito.

Ang saya-saya pa nito! If his memory serves him right, kakabukas lang ng Dolce Fate nang umagang 'yon. Mukha pa itong walang tulog. So he took it as a sign na naging maganda ang pag-uusap nito at ni Allysa nang gabing magkita ang dalawa.

He did not mention it to Allysa. He was enjoying watching their love story slowly unfolding on its own. Well, nakaka-inis lang at 'di pa rin pala nagpapakita ang 'sang 'to kay Allysa. Hayan tuloy, napa-praning 'yong isa.

"Who are you?!"

May ngiting inangat niya ang tingin kay Lance. "I'm Darwin Fate." He gestured his hand on the seat across his. "Maupo ka muna Lance. Walang gamot sa varicose veins."

Tumalima ito at naupo sa katapat na upuan.

"I know," iritadong tugon nito. Jealous Lance? "Anong relasyon mo kay Allysa?" he rephrased. Mukhang nakuha rin nito na mali nga naman ang pambungad na tanong nito sa kanya.

"I'm his fiancé." He lied.

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Napansin niya ang pag-igting ng mga panga nito. He saw how his hands turned into fist. He seemed like Lance was battling between punching him straight on the face or just kill him on the spot. Ahh, finally, nakita ko na rin nang mas malinaw ang mukha ng isang taong in-love. Good job, Lance!

Well, he did promise that he will never manipulate again. But, you know. There are some things that still need a little push. He knew what he's doing. He's sure that these two loves each other. At alam niyang sa pagkakataon na 'yon hindi siya bibiguin ni Lance.

Why?

Because Lance had already found the real Al that took his heart.

"Ikaw, kaano-ano ka ba ni Allysa?" inosente niyang tanong dito. Come on, Lance! Fight me. Where's the spirit?! Laban! "Hindi niya kasi nabanggit sa akin na may iba pa siyang kaibig –"

"I'm his husband."

Tumayo ito at diretsang tinitigan siya sa mga mata.

"Wala akong pakialam kung fiancé ka niya. I'm taking my wife and child with me."

Tinalikuran siya nito at dire-diretsong lumabas ng café. Naisandal niya ang likod sa back rest ng upuan at napangiti. He did a round of applause in his mind. Lance! Lance! Lance! Finally. He crossed his arms over his chest. Na saan na nga ba 'yong cook book na hiniram ni Allysa?

Lalong napangiti si Darwin. Hindi siya sigurado kung nagpang-abot nga ang dalawa sa bahay, but what are the chances? Alam niyang doon umuuwi si Lance nitong nakaraang araw. Busy ito sa plano nitong renovation sa home sweetie home nito para kay Allysa at lalong lalo na sa magiging silid ng mga anak nila.

Iniangat niya ang mug hanggang sa labi. He carefully sipped on his coffee. Naaliw siya sa iba't ibang kulay ng mga fate lines ng mga tao sa paligid niya. Now that he had learned a lot from his long stay here on earth, mas na appreciate niya ang ganda ng mga tadhana ng mga tao.

Well, I guess, my father's job isn't really that boring. Masakit lang sa ulo. Pero, masaya.




"DOES your arm hurts?" basag na tanong ni Lance sa kanya. "Umuulan, 'di ba kumikirot ang kanang braso mo kapag malamig?"

"H-Hindi naman gaano." Kaila niya.

Tapos na silang kumain. Walang imikan. Grabeh ang experience na 'yon. Mag-a-alas otso na pero 'di pa rin tumitila ang ulan sa labas. Lalo pa 'yong lumalakas. Unos na yata. Pasimple siyang napapangiwi sa tuwing nararamdamam ang pagkirot ng kamay.

Nasa kwarto silang dalawa ni Lance. Umakyat siya pagkatapos nilang maghaponan. Nakaramdam siya nang sobrang pagod. Madalas siyang ganoon nitong nakaraang buwan. Madali siyang mapagod. Kahit na ang pakikipag-away kay Darwin ay sobrang nagpapakapagod sa kanya. Madalas ay nakahiga lang siya sa bahay at kumakain.

Bahala si Lance sa buhay nito. Mukhang 'di naman ito seryoso nang sabihin nito na mahal siya nito. Napapagod siyang makipag-argumento rito. Itutulog na lang niya ang lahat.

"Here," naramdaman niya ang paglubog ng kutson nang umupo si Lance sa gilid ng kama. "Gising ka muna diyan. Let's wrap this in your lower arm." Humugot ito nang malalim na hininga nang hindi siya tumalima. "Allysa, sige na." Anito sa mahinahong boses.

Umayos na siya ng higa. Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama. Inabot ni Lance ang kanang braso niya. He gently wrapped the warm towel on her lower arm. Naramdaman niya agad ang init sa balat. Gumaan ang pakiramdam niya.

"Feeling better?"

Tipid na tumango lang siya.

"You look pale," may pag-aalala sa boses nito dahilan para mapatitig siya sa mukha nito. Nakikita niya ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. "Are you okay? Do you need anything?"

Umiling siya. "I'm fine, ganito lang talaga ako. My pregnancy makes me look sick all the time. But I'm fine, Lance. I'm just a bit tired." Ngayon niya lang din napansin na nakahawak pala sa kamay niya ito. "Lance, 'yong kamay mo." Duh, choosy? Hindi pa sila ayos. Kailangan pa nilang mag-usap. Tinatamad nga lang siya.

Binitiwan nito ang kamay niya.

Kahit seryoso ang mukha. Napakagwapo pa rin ng papa mo, anak. Nakakabuwesit! Ang gulo kasi kausap. 'Di na lang siya nito diretsahin at nang matapos na sila. Para silang nagtataguan. Oo, nagtataguan ng feelings.

"Why did you runaway?" mayamaya ay basag niya.

"I didn't runaway. I needed more time to –"

"Lance, you don't need to force yourself on me. Pwede ka pa ring maging ama sa anak natin kahit na hindi tayo magkasama."

"Easy for you to say."

Tila na inis pa ito sa sinabi niya dahil sa uri ng pagkakakunot ng noo nito.

Duh, ano ba kasi ang gusto mo? Sa tingin mo, madali rin sa akin 'to? Gusto kitang makasama pero ayokong hilingin 'yon sa'yo. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko. At hindi lang naman ako ang nag-iisang single mother sa planet earth? Like, hello! Na i-imbyerna na ako.

"Eh, ano ba ang gusto mo?"

"Let's talk when you're feeling okay."

"I saw the other room. What was it for?"

"It's for our baby."

"Why?"

"I want you back."

Pareho silang natahimik. Tama ba ang naririnig niya. Seryoso ba talaga 'tong si Lance? His face seemed like he was damn serious about what he's saying to her.

"Ayoko ng makipag-away sa sarili ko. Nakakapagod na ring makipagtalo sa puso ko."

Lumipat ito sa kabila at nahiga sa tabi niya. His scent filled her lungs. God, how she missed Lance's scent. Hinila siya nito sa para sa isang yakap. Agad niyang naramdaman ang init ng mga bisig nito. He like the warm feeling of being in his arms.

"I'm not giving you up Allysa." He whispered. Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang masuyong paghagod ng isang kamay nito sa buhok niya. It was making her really sleepy. "Believe me, it's the only honest feeling I have in my heart right now."

Humigpit pa ang pagyakap nito sa kanya.

"Let's just stay like this, Al. I really missed you."

Lance?

"I mean it."

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
13.7M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
326K 5.2K 33
This book was published back in 2014. Happy reading ",)
100K 5.8K 35
Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should pay all her misdoings. Darwin, the misch...