Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

30: Twist of Fate

15.1K 182 16
By Lee__Miyaki

Midseason Finale (Char). Kung ang American Series may ganito, syempre, SYM rin. Hanggang dito na lang muna as of now. Seryoso na ko. Kailangan ko na siyang i-edit para sa kinabukasan ko. Chos. Pero sana, 'wag niyong kalimutan si Sir Rye at Rebecca. Kasalukuyan lang namang malelate ang UD, pero hindi mawawala. Iwillalwaystrytofindtimetowriteanupdatehindikolangalamkungkelan. 

Tweet me your feedbacks @imtheweirdapple and don't forget to use the hashtag #SYH. Pretty please? Kahit silent reader ka, or offline reader, please, sana pagbigyan niyo po wish ko. Pamasko niyo na po sa akin. :'>

Let's hope for the best! Ciao. <3

 

Chapter 30: Twist of Fate

 

Rebecca’s POV

December 21. Hindi pa rin nagtetext si Railey. Hindi pa rin siya nangungulit sa akin. Parang kahapon lang, nagpapaabot pa siya ng bulaklak. ‘Yung na ‘yung huli naming conversation. After no’n. Wala na siyang ginawang any move. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa ko. Nasa gilid lang ‘yon ng kama ko. Nag-unat ako ng kamay. Hayy. Umaga na naman. Bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam?

Teka lang. Bakit ko ba siya hinahanap?

Umaga na. Ilang araw na lang, Pasko na. Ilang araw na lang, New Year na. Hindi naman sa nagka-count down ako, pero inaantay ko talagang magbagong taon na. Gusto ko na nagpagbabago.

Bumangon na ako mula sa kama ko. Naligo. Nagbihis. Nagdala ng mga gamit na pinapadala ng secretary sa college of Education. Magiging isa na kasi ako sa kanila. Ito ‘yung inoffer nila sa akin dahil nga mawawala pansamantala ‘yung manganganak na secretary.

Pumunta na ako ng school. I remember the days. 21. Pang-ilang monthsary na siguro naming ‘to. Wala eh. Hindi naman rin nag-work. Siguro. Kahit kailan, hindi na talaga magwowork ang love team namin. Sobra lang akong nag-expect noong una.

Pagkalabas ko ng bahay, nag-commute na ako papasok ng school. Sumakay na lang rin ako ng fx papunta ng school. Malamig sa loob. Palibhasa, magpapasko na kasi. 9:00am na pero malamig pa rin.

Pagkarating ko naman ng school. Konting estudyante na lang rin ang nasasalubong ko. Christmas Break na kasi. Puro empleyado na lang ng school ang papasok. May iilang estudyante naman ang nagkumpleto lang ng requirements, kaya siguro sila nag-stay. I asked Roxanne kung papasok siya. Hindi na raw.

“Good morning, Ma’am.” Ito ang bati ko pagpasok ko ng office ng College of Education. Bumungad naman si Denise. ‘Yung SA ni Dean. At tsaka ‘yung isa pang secretary ng office na si Ma’am Jen. Siya raw ang makakasama ko ayon run sa babaeng nakausap ko tungkol sa offer na ‘to.

“Good morning, Rebecca. Welcome nga pala rito. I’ve heard a lot from you. Mukhang magkakasundo tayo,” sagot sa akin ni Ma’am Jen. Kilala ko siya pero sa pangalan lang dahil sa kanya ako nagpapasa ng requirements noong estudyante pa lang ako. “Upo ka,” dugtong niya.

Umupo naman ako sa may tapat ng table niya. Inabot ko naman ‘yung brown envelope na dinala ko. Kasama na rin dito yung TOR ko. :’> Hindi naman porket recommended na akong tao, hindi na ako magdadala ng resume at ng ibang requirements. Kaya, nagpapakabait na akong tunay. Nagdala na ako ng mga kailangan. Oh well. People change.

“May subjects ka palang naibagsak before. Hmm… I see. Pero bumawi ka rin. That’s good,” sabi ni Ma’am Jen habang nakatingin pa rin sa requirements ko. Hinihintay ko pa rin siyang magsalita na marereject ako. Karamihan kasi sa grades ko, bagsak. ‘Di ba nga, I was a rebel before.

Tumango-tango na lang ako sa mga comments niya. Karamihan naman totoo. Nang matapos siyang magbasa, tinanong niya ako. “Totoo bang kayo ni Sir Railey Medrana?”

“Hindi po,” sagot ko agad. “Hindi kami. At malayong maging kami pa.”

“So naging kayo before?” tanong niya. Binaba niya rin ‘yung mga binabasa niyang requirements ko.

“O-opo. Naging kami. Pero, noon po ‘yun,” sagot ko naman.

“I see. Siguro, naging sila na ni Chloe kaya kayo nagbreak. Tama ba?” aba. Ang kontrobersyal naman ng tanong niya.

“Hindi ko alam Ma’am. What I know is hindi na magkakaroon ng posibilidad na maging kami,” and then I smiled.

Natapos na rin lahat ng tanong niya. Nagtanong rin siya ng mga questions na related sa gawain sa loob ng office. Pagkatapos ng tanungan, pinaliwanag niya na sa akin ‘yung mga gagawin ko. Ako na ang mag-aasikaso sa mga estudyanteng kailangan ng pirma ni Dean. Lahat ng ibang concerns. Ako raw bahala. So far, ‘yun na lang raw muna.

“You can seat beside Denise. She’s our SA dito. Denise, meet Rebecca. Rebecca, meet Denise,” at ngumiti siya sa akin ng ipakilala niya ako kay Denise.

“I know her,” I said.

“Hi, Rebecca. It’s nice to see you again,” Denise said.

“Good thing magkakilala na kayo. Maiwan ko na muna kayo at may pupuntahan lang kaming Christmas Party ni Dean. See you later guys,” at nagpaalam na si Ma’am Jen sa amin.

Magkatapat lang ang table naming ni Denise. Nasa bungad siya, malapit sa pinto. Ako naman, medyo nasa tapat niya nga. May sarili kong lamesa. Ito ‘yung gamit rin ng pinalitan kong secretary for the mean time.

“Kumusta na kayo ni Sir?” She asked.

“Malabo na eh. Malabong-malabo pa sa plastic labo. Tama siguro ‘yung sinabi mo dati,” sagot ko sa kanya. Isinandal ko nang maigi ang likod ko sa sandalan ng upuan.

“Alin? ‘Yung lagi ko silang nakikita last Teambuilding?” tanong niya. May inaayos siyang papel at folder habang kausap ako.

“Oo eh. Sa totoo lang, simula no’n. Naging clingy na si Chloe kay Rayling. Ewan ko ba kung bakit. Miski kahapon, kinausap ako ni Chloe at para bang may gusto siyang ipakahulugan. In short. Inaangkin niya na si Railey sa akin.”

“Tama siguro ‘yung sinabi ko at ang sinabi ni Ma’am Jen. Rebecca. Maybe it’s time for you to wake up. Tapusin mo na ‘yung kahibangan mo sa kanya,” she said.

“Sobrang concern mo naman ata sa akin, Denise?” sagot ko sa kanya. Knowing her, siya ‘yung taong concern lang sa studies, pero heto siya, puro si Railey ang topic sa akin. Hindi ba weird?

“Nag-aalala lang ako kay Kuya Lee. Ayoko kasing makatuluyan niya ang isang Chloe. Kaya mas mainam nang makahanap si Chloe ng ibang lalaki para hindi matuloy ang kasal nila ni Kuya.” Sagot niya sa akin.

“What do you mean?” medyo confused na ako.

“Si Ma’am Chloe at Kuya Lee kasi ay naka-fixed marriage na sa pamilya namin. Mapapawalang bisa lang ito kung magback out si Kuya Lee. Sa palagay ko, ang tanging paraan lang para magquit si Kuya Lee ay kapag nakahanap ng ibang lalaki si Ma’am Chloe. That’s it. No wonder…  Si Sir Rye na siguro ang ipinakilala ni Ma’am Chloe kay Lee. Kaya nga na-cancel na ang kasal.”

Sa haba ng explanation niya, ang tanging naintindihan ko lang ay: Kailangang magkaroon ng boyfriend ni Chloe para hindi matuloy ang kasal nila ni Lee. At nangyari na nga.

“Last day nga, nasalubong ko si Ma’am Chloe. Namamaga na ang mata niya kakaiyak. Pa’no kasi, sinugod siya ng Mama niya sa school dahil sa cancellation ng kasal nila ni Lee. Galit na galit nga ‘yung Mama ni Ma’am Chloe.”

“Eh what happened sa Kuya mo?” tanong ko. Mas lumapit ako sa kanya dahil medyo complicated ang kwento niya.

“Si Kuya Lee na mismo ang nagquit sa kasal. Tinigil niya na rin ang paghabol niya kay Chloe dahil alam niyang masaya na ito kay Sir Rye. Ang complicated, ‘di ba?” tanong niya sa akin.

“Kahit kelan, wala ng nagawang mabuti si Chloe. Buti na lang, hindi siya ang nakatuluyan ng Kuya mo.”

Kaya lang. Si Rye naman ata ang nakatuluyan ni Chloe. Well. Pero wait, si Lee? Siya siguro ‘yung nakasabay ko sa isang waiting shed… ‘Yung lalaking nagpakilala sa akin nang isang gabing umuulan…

“Ang gulo ng pamilya namin no?” sagot ni Denise. “Actually, okay naman kami noon, nang hindi lang ipinilit nila Mama at Papa si Chloe sa buhay namin. Palibhasa, alam nilang patay na patay si Kuya sa babaeng ‘yon, kaya mismong magulang ni Chloe, sinuyo nila para ipaubaya si Chloe kay Kuya.”

“Siguro. Hayaan na natin. Baka. Baka hindi lang talaga si Chloe at ang kuya mo ang tinakda.”

“Sana. Sana nga hindi na sila. Sana. Kaya lang. Sorry nga pala sa nangyari sa inyo ni Sir Rye. Nakikiramay po ako,” sagot niya sa akin.

“Adik. Hindi mo naman kasalanan ‘yon. Sadyang may isang bacteria lang ang pumasok sa utak ni Rye, kaya niya siguro ako iniwan.” Sagot ko naman.

“Pero. Don’t lose hope. May mga bagay na sadyang bumabalik sa dapat nitong kinalalagyan.”

“Sana. Pero, mas naniniwala na ako sa kasabihang mas masarap mag-isa. Mas konti lang ang problema.”

“Alam mo. Ate Bec, ipagdarasal kong mameet mo na ‘yung taong tunay na magpapahalaga sa’yo.”

“Sana naman magkatotoo na ‘yan,” at nginitian ko siya.

***

Habang hinihintay namin si Ma’am Jen at si Dean, inaayos namin lahat ng DTR ng mga teachers ng College of Education. Kailangan raw kasi nilang magsubmit ng time nila for the whole month para maiprocess ‘yung sahod nila. Ganito pala ‘yun. Now I know.

Mag-aalas dose na ng tanghali. Nagugutom na ako. Bumukas ang pinto at bumungad si Ma’am Anna at Sir Rain.

“Advance Merry Christmas, guys!” pambungad ni Sir Rain. “Rebecca? You? Here?” alam kong gulat siya dahil nandito ako.

“Yes, Sir Rain. Dito muna ako nagtatrabaho pansamantala,” I answered. Inabot ni Ma’am Anna sa akin ang DTR niya nang nakangiti.

“So, ayos na pala ang TOR mo? Ang instant naman. Pati, work, meron ka na. Good job,” she said.

“Temporary lang naman ‘to eh. For the mean time. Ikanga. Pero thank you na rin!” I said to Ma’am Anna.

“Heto ang DTR ko, Ms. Rebecca,” sabi naman ni Sir Rain. Nang-aasar ‘yung ngiti niya na may halong sarcasm. Nakakainis. Pero nginitian ko na lang rin siya.

“Bye guys! Merry Christmas,” sabi ni Sir Rain bago pa sila makalabas ng pinto.

“Dalawang teachers na lang ang wala pang DTR. Si Sir Rye at Sir Jael,” sabi naman ni Denise habang naghihintay sa kanila. “Gusto ko ng kumain.” Dugtong niya.

Bago pa ako makasagot, biglang bumukas naman ang pinto.

SABAY. PA. SILANG. DALAWA.

“Good morning, Denise,” bati ni Sir Jael kay Denise. At nang makalingon siya sa akin. “Wow. Rebecca. You’re here,” he smiled.

“Hi. Rebecca. Hindi ko alam na nandito ka pala,” sabi naman ni Sir Rye sa akin. Kung hindi niya pa ako nakita dito, malamang, hindi niya rin ako babatiin o papasinin.

“Heto na nga pala ‘yung DTR ko,” lumapit si Sir Jael kay Denise para iabot ang DTR niya.

“Kay Rebecca niyo po ‘yan ibibigay, Sir,” sagot naman ni Denise sa kanya.

“Oh, Rebecca. Here’s mine,” sagot naman ni Sir Jael.

Madalang lang magsalita si Sir Rye. Pero, dumiretso siya sa akin. Kaya naman parang natakpan niya si Sir Jael nang magpapasa ito ng DTR niya. Hmmm…

“Excuse me,” sabi ni Sir Jael. “I have to pass my DTR, SIR RYE,” Sir Jael said.

“I have to pass mine, too,” Sir Rye said.

Ngayon. Dalawa na silang nasa harapan ng lamesa ko. Oh. No.

Dalawa na silang nag-aabot ng DTR. Ngayon. Confused na ako kung kaninong DTR ang una kong kukuhanin.

“Sir Jael. Akin na po ‘yung DTR niyo,” sabi ko naman.

Nakita ko ‘yung reaction ni Sir Rye. Parang. Poker face, pero nakaextend pa rin ang kamay niya sa akin, hawak ang DTR. Oh well.  Kinuha ko pa rin ‘yung DTR ni Sir Jael.

“Rebecca. Heto anman ‘yung sakin,” sabi naman ni Sir Rye. “Lunch tayo? You want?” tanong niya sa akin.

“NO thanks. Sabay na kasi kaming maglu-lunch ni Sir Jael. ‘Di ba Sir Jael?”

Tinignan ko si Sir Jael ng isang pumayag-ka-ng-maglunch-tayo-or-else na tingin. Alam kong nagets niya naman ‘yung sinasabi ng mga mata ko. Buti na lang. Buti na lang.

“Oo nga, Sir Rye. Sabay na kasi kaming maglu-lunch ni Rebecca. Siguro... Maglunch ka na lang mag-isa.”


Sa sentence na narinig ni Sir Rye, alam kong nainis siya. At mas inis siya dahil ito ang tanging salitang isinagot niya kay Sir Jael at sa akin.

“Do. What. You. Want.”

Continue Reading

You'll Also Like

57.8K 1.6K 51
What will you do if you end up in someone else body?
717K 36.9K 20
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
873K 32.9K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...