Tanging Mahal [BxB/Complete]

By maharettisthename

469K 9.3K 703

Enjoy Reading. xoxo -M More

Tanging Mahal (Prologue)
Tanging Mahal (Chapter 1 : First Impression Lasts)
Tanging Mahal (Chapter 2 : Awkward...)
Tanging Mahal (Chapter 3: Ang Welcome Committee)
Tanging Mahal (Chapter 4: Ang Lihim ng Team)
Tanging Mahal (Chapter 5 : Ang 'Reunion')
Tanging Mahal (Chapter 6 : Round Two)
Tanging Mahal (Chapter 7 : Basa-basa Din Kase 'Pag May Time)
Tanging Mahal (Chapter 8 : Hindi ako OK)
Tanging Mahal (Chapter 9 : T G I F)
Tanging Mahal (Chapter 10 : Ang Imbitasyon)
Tanging Mahal (Chapter 11 : Expect the Unexpected)
Tanging Mahal (Chapter 12 : Kaya pa ba Mike?)
Tanging Mahal (Chapter 13 : Habang Wala Ka, Ako'y...)
Tanging Mahal (Chapter 14 : Watch Me Come, Watch You Go)
Tanging Mahal (Chapter 15 : Sorry, the Number Can (Not) be Reached)
Tanging Mahal (Chapter 16 : I Am Number Four)
Tanging Mahal (Chapter 17 : Too Fast, Too Curious)
Tanging Mahal (Chapter 18 : In-Denial Stage)
Tanging Mahal (Chapter 19 : Missing You)
Tanging Mahal (Chapter 20 : I Know What You Did Last Saturday)
Tanging Mahal (Chapter 21 : With A Smile)
Tanging Mahal (Chapter 22 : It's Not You, It's Me)
Tanging Mahal (Chapter 23 : Break Away From You)
Tanging Mahal : A Not-So-Special Chapter
Tanging Mahal (Chapter 24 : V E R S U S)
Tanging Mahal (Chapter 26 : 1-on-1)
Tanging Mahal (Chapter 27 : Ang Housemate)
Tanging Mahal (Chapter 28 : One Two Three - Ken Ren and Jerry)
Tanging Mahal (Chapter 29 : Kung Alam Mo Lang...)
Tanging Mahal (Chapter 30 : For Your Eyes Only)
Tanging Mahal (Chapter 31 : This Can't Be)
Tanging Mahal (Chapter 32 : Kiss... and Ken)
Tanging Mahal (Chapter 33 : Ano, Masaya Ka Na?
Tanging Mahal (Chapter 34 : Confused)
Tanging Mahal (Chapter 35 : Di Pa Ba Sapat ?)
Tanging Mahal (Chapter 36 : Can You Keep A Secret?)
Tanging Mahal (Chapter 37 : Reve' et Parapraxis)
Tanging Mahal (Chapter 38 : Who's Your Daddy Now?)
Tanging Mahal (Chapter 39 : Tayo, Sila, Kayong Dalawa)
Tanging Mahal (Chapter 40 : Ano Ba'ng Nakita Mo?)
Tanging Mahal (Chapter 41 : The Kids Are Not Alright )
Tanging Mahal (Chapter 42 : Riot)
Tanging Mahal (Chapter 43 : . . . Na Naman?)
Tanging Mahal (Chapter 44 : I Can't Believe You)
Tanging Mahal (Chapter 45 : I Got A Boy)
Tanging Mahal (Chapter 46 : Moments From The Future)
Tanging Mahal (Chapter 47 : Did You Miss Me?)
Tanging Mahal (Chapter 48 : Is It Too Late To Apologize?)
Tanging Mahal (Chapter 49 : First Time)
Tanging Mahal (Chapter 50 : Salamat)
Tanging Mahal (Chapter 51 : Suddenly...)
Tanging Mahal (Chapter 52 : The Two Of Us)
Tanging Mahal (Chapter 53 : Surprise Ng First Love)
Tanging Mahal (Chapter 54 : Dito Ka Sa Tabi Ko)
Tanging Mahal (Chapter 55 : Paano 'To?)
Tanging Mahal (Chapter 56 : ...Matulog Ka Na...)
Tanging Mahal (Chapter 57 : Tuparin Mo)
Tanging Mahal (Chapter 58 : All This Time)
Tanging Mahal (Chapter 59 : ...Someone Who Loves You)
Tanging Mahal (Chapter 60 : Hinding - Hindi)
Tanging Mahal (Chapter 61 : Ang Unang Minahal)
Tanging Mahal (Chapter 62 : Makakaya Ko Ba?)
Tanging Mahal : A Very Special Chapter
Tanging Mahal (Chapter 63 : Ang Regalo)
Tanging Mahal - Chapter 64 : Nandito Na Ako [Pre-Finale]
Tanging Mahal - Chapter 65 : Hindi Na Nag-iisa [Finale]
Tanging Mahal (Epilogue)

Tanging Mahal (Chapter 25 : The Sleepover)

6.7K 141 8
By maharettisthename

Isang tango at pagkamot sa ulo na lang ang naging sagot ni Jerry habang pinagmamasdan si Martin sa pagpa-park ng kotse. Sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang pagliwanag ng isang bintana at napabuntong-hininga muli siya.

Haaaaayyyy ano bang ginagawa mo?, bulong ni Jerry sa sarili sabay lakad papasok ng gate.

------------------------------------------------------

 

 

Chapter 25 : The Sleepover

 

Si Ren

Eto ako ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama at nagbabasa sa text ng usisera kong friend na si Ruby.

Nag-text siya kasi kanina matapos yung tawag ni Mike, tungkol daw sa UN contest, ang gulo nga eh ewan. Haha! Di bale kakausapin ko na lang siya sa Monday about that – nga pala kasi merun kaming dalawang classmates na entries for the contest. We had that kind of celebration also in my old school but Iwas not able to witness it because I got hospitalized, hindi na ako umabot sa date of contest. Kaya ngayon excited ako kasi yung kaklase namin na sina Melissa at Theodore ang pares to represent our class. The actual contest will be held a day after ng Quartely Examinations, which is only a week from now. Sana manalo yung classmates namin. Todo effort pa nga yung section naming sa paggawa ng banners and props para sa dalawa eh.

Kakatapos lang din ng dinner kanina kasama si Jerry. Isang oras mahigit na lumipas pero ayoko pa muna matulog kailangan lang magpababa ng kinain, masama daw kasi matulog ng busog. Speaking of him, teka nga? bakit ba siya sinama dito ni kuya Mart? Ano bang gusto niyang mangyari?

At itong si Jerry ay hindi ko talaga mawari ang gusto! Nakakainis. Kanina sa kotse parang gusto ng makipagbati tapos bigla naman magwo-walk out nung sinagot ko ang tawag ni Mike. Tss. Haaayst! Aaminin ko kinilig talaga ako nung tinulungan ako ni Mike after ko makabangga si Jerry sa entrance door ng main building. Pero nung ipinagtanggol niya ako at dinepensahan sa pagsusungit nun ay feeling ko ‘dead-on-arrival’ ako sa sobrang kelegs!

Sa kabilang banda ay natakot din ako na makita yung nanlilisik sa galit niyang mata. Ewan ko ba, sa pagkakaalam ko kasi ay mag-besfriends silang dalawa pero itong si Jerry din kase tila may topak. Ano ba yung alalayan niya akong tumayo kanina - sa halip ay ininis pa niya lalo si Mike! Teka lang ah – pero nagseselos ba siya kay Mike? E paano naman mangyayari yun e straight siya? Duh! Feeling ko naman... Merun na siyang Aila haller??? Kilala ko si Jerry, alam kong hindi mainitin ang ulo nun, kaya talagang nagtataka ako sa kilos niya. Hmmmm hindi kaya merun pang pinag-awayan tong dalawa na hindi ko pa alam.

Pero mabalik ako kay Mike. Duh???? Kanina lang, emegeeeeeesh! He asked me kung wala ba daw siyang goodbye kiss. Gosh! Hindi ko alam ang isasagot o magiging kilos bilang reaksyon. Sana hindi niya napansin ang pamumula ko. Nakakahiya. Pero nung sinabi niya na biro lang yun parang gusto ko sana seryoso na lang siya nun. Kaya lang natakot talaga ako dahil alam ko sa sarili ko ay bibigay na ako kaya mas mabuti na yung binawi niya agad ang sinabe niya. Pero aaminin ko talaga kinilig ako super sa tagpo naming iyon.

Sa mga nagdaan na linggo ay talagang naging super close kami ni Mike. Hindi ko alam sa kanya pero talagang napalapit na siya sa akin. Matapos ko ma-ospital ay hindi naman na ako inaya niya na maglaro muli ng basketball. Pero, mabuti na lang din bumisita ang parents niya at nagkalinawan sila ni Mommy kaya ayun OK na sa kanya na kaibiganin uli si Mike. Subalit gusto ko talagang matutunan ang basketball para sa kanya dahil alam kong malapit sa puso niya ang sports na yun pero wala talaga eh –sorry, it’s not for me, gurl kaya ako. Char!

Gusto ko din na lagi siyang kasama dahil para matulungan ko din siya kahit papaano na maging masaya dahil sa pag-alis ni Tito Miguel at kuya Arthur. Nalulungkot ako for him pero wala akong ibang maisip na paraan kundi ang samahan siya at pasiyahin siya. Ang kaso lang kung hindi sa arcade ay basketball at MMORPG ang inaatupag, as if naman may alam ako doon – oo, naglalaro ako sa PS3 games like MVC at Tekken pero hindi naman ako pang master-level, yung tamang pindot lang sa controller. Kung tutuusin pareho pa silang tatlo - siya,  sina Kuya Mart at Jerry na mga adik na gamers. Hayzz!

**tok **tok **tok

Ay teka! sino ba itong istorbo sa monologue ko?

Bumangon ako sa kama para tignan kung sino. Hmpf! Istorbo! Sana lang hindi na nang-iistorbo kasi gabi na po di ba? Teka, wala na ata, hindi na kumakatok e... teka kung si mommy yan dapat kanina pa sya nasalita habang kumakatok... Kung si kuya yan nako, hindi naman kakatok ng ganyan kase madalas kakatok yun tapos papasok na agad kahit di ko sabihan na pumasok. At never ako nag-lock ng door, what for? Hmmm.... pero parang kakaiba yung katok, sa pinto ko ba talaga kumakatok? pero anlakas eh.

**tok **tok **tok

Aysh! Oh no! Don’t tell me....

 

As if naman may iba pa akong choice, nawala na yung pag-moment ko kaya ayan binuksan ko na pinto.

 

 

 

...at kung minamalas ka nga naman!

 

 

----- ----- ------ -----   

Si Jerry

Bad trip naman tong si Kuya Mart oh!

Mag-aaya ng laro tapos siya din pala itong unang susuko. Tsk! Mag-a-ala-una na ng umaga tapos ayaw pa akong patulugin sa kwarto niya. Kesho ayaw daw niyang may katabe at hindi daw kami kasya sa kama niya e, queen size kaya yun? Damot lang amputs! Kaya eto nasa sofa ako sa sala, buti na lang nakahirit pa ako ng unan. Ano na kaya ginagawa ni Baby ko? Matawagan nga. Ay potek! Andun pala cellphone ko sa pants ko sa kwarto. Kaasar!

Eto bangon ako paakyat sa kwarto ni kuya Mart para kunin yung cellphone ko. Tatawagan ko si Baby ko baka kasi nag-aalala yun dahil hindi ko pa siya nakausap mula kanina paglabas sa school. Baka nagtatampo na yun – mahirap na hehe. Eto ako ngayon hinay-hinay sa pagkatok sa pinto ni Kuya.

**tok **tok

 

‘Kuya Mart, pasok  ako, yung cellphone ko kukunin ko lang.’, paalam ko sabay pihit ng doorknob.

Shit! Naka-lock. Tae!

Kumatok uli ako dalawang beses pero wala talaga. Kaasar na!

Tae! nilalamig na din ako. Boxers lang kase suot ko, mainit kase kanina kaya nag-alis na lang ako ng damit habang nalaro kami ng PS3 – eh ano pareho naman kami lalaki ni kuya Mart. Loko kasi yun paalisin ba naman ako dahil matutulog na daw siya... amputs! Gusto niyo malaman kung bakit nagkaganito? O eto.

. . . f l a s h b a c k  

 

‘Oy Jerry antok na ako bukas na ulet.’, si kuya Mart na humikab.

 

‘E wala ka pala e...’,  asar ko sa kanya.

 

‘Sya-sya sige patayin mo na yan, tapos labas ka na.’, utos niya.

 

‘Huh? Bakit ako lalabas, di ba matutulog na? Ikaw nga tong unang inantok e.’, sagot ko.

 

‘Oo matutulog na ako. Sige na paki-patay nalang lahat yan. Ge bro.’, humiga na siya sa kama ng pataob.

 

‘Tignan mo to, maka-utos. Tulugan agad ako!?’, sabi ko habang ino-off yung PS3 at inaayos yun mga controller.

Pagkatapos kong mag-ayos ay sumampa na din ako sa kama kahit nakataob siya ay wala akong pakialam basta matutulog na din ako, buti malaki talaga yung kama nang...

 

‘Aypotek!’

Nahulog ako sa kama? Lumindol ba?

Hindi, dahil sinikad lang naman ako ni kuya Mart. Sarap i-Anaconda Choke tapos Throw!

Yan yung feborit moves ko na ginagawa ni Chris Weidmann ng UFC.

 

‘Ano pa ginagawa mo dito?’, tanong ni kuya Mart habang nakataob pa din.

 

‘Tae naman kuya, malamang, tutulog na!’, inis kong sabi, sakit ng balakang ko e.

 

‘Dun kana sa kwarto ni Ren, masikip dito, atsaka kelan ka pa natulog sa kwarto ko?’, diretsong saad niya.

 

‘Tss, damot neto.’, inis kong sabe.

 

‘Sigurado inaantay ka na nun sa kabila.’, pahabol pa niya.

 

‘Tulog na yun, tsaka gabi na oh!’, kontra ko dahil naantok na talaga din ako, kakahawa e.

 

‘Gago, di ba OK na kayo, nag-usap na kayo kanina di ba? Alis! Sibat na!’, sabay bato ng unan sakin.

Dahil ayoko ng makipagtalo, sa antok ko na din ay mabilis kong dinampot ang malaking unan na binato niya sabay labas sa silid at diresto pa baba sa sala dahil doon na lang ako matutulog sa may sofa.

 

. . . e n d   o f   f l a s h b a c k

Dito sa harap ng pinto ng silid ni Kuya.

Nakita ko yung oras sa wallclock malapit sa kwarto niya. Lampas 1AM na pala kaya pala nilalamig na ako. Takte! Wala akong kumot, unan lang naburaot ko. Tapos boxers lang suot ko.

Kumatok uli ako medyo nilakasan ko na talaga para magising si kuya Mart kasi kelangan ko yung cellphone ko at nilalamig na din ako, syempre haharbat na din ako ng kumot. Yown!

**tok **tok **tok

 

‘Kuya Mart pabukas sandale may kukunin lang ako.’, sabi ko pa na malakas na, naiinis na din ako konte.

**tok **tok **tok

Taena wala talagang sumasagot, tulog na talaga! Paano to!? Yaters!

Tapos may narinig ako yung tunog ng bumubukas na pinto – bumukas ang pinto ng silid ni Ren. Magkatabi kasi yung kwarto nilang magkapatid, mga 5 hakbang lang ang layo ng pinto nila sa isa’t isa. Kaya ayun, medyo lumingon ako sa direksyon ng pinto ni Ren at lumapit na ako, napalakas ata pagkatok ko at ang boses ko kanina kaya naistorbo ko tulog niya.

E wala eh.

 

‘Hi, hehe.’, bati ko kay Ren.

Hindi ko masabi kung anong klaseng reaksyon ng mukha niya basta, hindi siya naka-smile nun. Patay. Galit ata. Tado kasi itong si Kuya Mart e! Hindi siya sumagot sa sinabe ko, basta nakatingin lang siya sa akin.

 

‘Ah nagising kaba? Sensya ka na, yung cell—ah naiwan ko kas---‘, sabi ko, paano ba ito, kainis.

Wala, hindi pa din nasalita si Ren. Pero nag-iba ang facial expression niya, basta. Yung parang hindi na galit ganun. Ewan!

 

‘Sige, tulog ka na. Sensya na ule.’, nahiya ako bigla.

Kaya ayun lakad na ako pababa sa hagdan. Bad trip talaga tapos nilalamig pa ako!

Medyo nakalayo na ako at nakailang hakbang na ako sa hagdan pababa nang may narinig ako sa likod ko at may tumama naman sa batok at ulo ko pero malambot yun.

 

‘Magdamit ka nga!’

----- ----- ----- -----

 

Si Ren

Nye!

Wala naman palang tao - hindi pala sa pinto ko . Anu yun imagination lang? Pero narinig ko may kumatok e.

 

‘Hi, hehe.’, sabi ni Jerry na biglang lumitaw sa harap ko.

Ayay! Bakit andito tong mokong na to at ---

Bakit halos hubo’t hubad na siya? Boxers lang suot talaga?!

Ano ito? Gago to ah! Nang-aakit ba siya? Di ba dapat tulog na to? Bakit nasa labas pa siya?

Ayoko sanang tumingin pero ano magagawa ko e, nasa harapan ko siya, alangan naman pumikit ako. Hindi ko naman pwede takpan mata ko, ano yun, pa-virgin kunyare? Girl lang ampeg?

Nakakainis naman tong si Jerry bigla-bigla na lang lilitaw ng naka-boxers lang? Di ba niya alam na awkward para sa akin itong moment na ito? Hayst! Pero infairness, kaya ko nga din siya nagustuhan kasi nga yummy siya e. Pero andun din yung mabait siya, caring, smart. Kyaaaaaaaa! Ano ba itong nasa isip ko? Pwede ba Lorenzo delos Santos, magtigil ka nga! Control your thoughts. Remember, he dumped you a year ago, at straight yan!

Magsasalita na sana ko pero---

 

‘Ah nagising kaba? Sensya ka na, yung cell—ah naiwan ko kas---‘, sabi niya na parang wala sa hulog.

Ewan ko ba hindi ako makapagsalita. Kainis, kinakain ata ako ng kaba at pagka-ilang sa kanya kasi naman yung hubad niyang katawan ang nakabungad e.

‘Sige, tulog ka na. Sensya na ule.’, dugtong niya na malungkot ang mukha tapos nagkamot sa batok saka tumalikod at lumakad papalayo.

Ewan ko ba kung anong espiritu ang sumapi sa akin at nakita ko nalang ang sarili ko na naghahalungkat sa aparador ko then lumabas ako sa room ko papunta dun sa hagdan. Sa inis ko ibinato ko yung hawak ko sabay sabi sa kanya na---

 

‘Magdamit ka nga!’

Tapos ayun hinawakan niya yung t-shirt na binato ko tapos lumingon siya at nag-smile.

Baliw lang?!

 

‘Salamat.’, sabi niya habang hawak lang yung shirt at lumakad muli.

 

‘Hoy san ka pupunta?!’, tanong ko, whaaaat? Bakit ko ba nasabi yun, kainis.

‘Ah sa baba matutulog na.’, mahinang sabi niya pero may kaunting ngiti.

Tinaasan ko lang ng kilay itong si Jerry tapos lumingon ako sa pinto ni kuya Mart. Naka-off na yung ilaw sa sala ng second floor namin pero maliwanag kahit paano dahil sa ilaw ng poste sa labas na tumatagos sa salamin na bintana.

 

‘O anong nanyare? Sa baba? Ikaw? Dun ka matutulog? Saan? sa sofa?’, putol-pitol na tanong ko. E sa hindi ko ma-gets yung drama niya e.

 

‘Oo.’, tipid niyang sagot na nakayuko.

Ano ba tong si kuya Mart?! Akala ko ba maglalaro sila ng PS3, e bakit nasa labas tong si mokong! At ano daw sa sofa siya matutulog, nagpapatawa ba siya? Oo walang lamok sa bahay pero ang lamig kaya tapos ganun pa suot niya – hello, ano na lang sasabihin ni Ninang pag nalaman niyang sa sofa natulog to? Kainis talaga!

 

‘Ge na.’, sabi ni Jerry na pababa pa rin sa hagdan pero siyempre andun na ako e.

Ano pa bang dapat kong gawin? Ano pa bang ang tamang gawin? Hayst! Humanda ka sa akin kuya bukas!

 

‘Hep hep! Tara na, bilisan mo at nilalamig na ako.’, sabi ko na mataray ang boses pero hindi naman pasigaw.

 

‘Huh?’, takang saad ni Jerry habang nakatingin sa akin.

 

‘Slow ka lang talaga noh? Sabe ko tara na sa loob, pumasok ka na at inaantok na din ako.’, sabi ko.

Hindi ko na inantay ang sagot niya at di ko na din siya tinignan.

Pagkasabi ko nun ay bumalik na ako sa kwarto ko at sumampa sa kama, iniwan kong bukas ang pinto para makapasok na siya. Mamya-maya ang narinig kong sumara na yung pinto pero madilim na yung kwarto. Hindi ko na rin binuksan pa yung ilaw dahil hindi naman na kelangan – matutulog na kami di ba?

Nakasuot ako ng pair of pyjamas ko pero di ko na in-On yung aircon kasi malamig na naman kanina pa. Nakahiga na ako nun nang marinig ko na gumalaw yung kama ko.

DUG BUG DUG BUG DOG DU DUG BUG BUG DOG

Ay bakit ganito, kinakabahan ako. Gosh!!! Si Jerry lang yan, ano ba Lorenzo, kumalma ka! Ewan, basta bigla akong kinabahan na di ko mawari. Sanay na akong katabi itong mokong nato kahit noong bata pa kami dahil madalas kami mag-sleepover sa bahay ng isa’t isa noong andun pa kami sa lumang bahay namin. Pero dito sa bago naming bahay ay first time nyang makitulog. Haaayyyyy! Bahala na.

DUG BUG DUG BUG DOG DU DUG BUG BUG DOG

Nanahimik na ako dahil gusto ko na din matulog talaga, ang sarap dahil malamig, yung tipong sakto lang ang lamig kaya napayakap ako sa unan ko na sandayan. Hindi na din gumalaw yung kama kaya tulog na din siguro si Jerry.

DG BUG DUG BUG DOG DU DUG BUG

Patuloy pa din ang kaba sa dibdib ko nang...

Ay shete! Bakit mabigat? mainit!? Anu yun?!

Si Jerry biglang nakayakap sa akin at nakadantay pa ang hita niya sa legs ko. Ano to – kelan pa ako naging unan? Aber?! Oo minsan gusto maglandi pero hindi sa ganitong paraan, at teka bakit parang --- Ay potek! Wala pa din suot si mokong, kaya pala ramdam ko yung init ng balat niya, at talagang hindi niya sinuot yung shirt na binigay ko kanina. Bagong laba po iyon, hmpf!

DUG BUG DUG BUG DOG DU DUG

Ay teka! Bakit ayaw maalis na braso niya. Mabigat na ah. Balak ba niya akong i-rape? Hhahaha rape agad?

Igagalaw ko sana yung braso ko para alisin ang pagkakayakp niya pero hinigpitan niya ang pagyakap at ganun din sa hita niya. UFC lang! Tapos lalo pa niyang dinikit katawan niya sa akin. Ramdam ko tuloy yung junjun niya sa likod ko. Alam nyo na yun... Ganito ba talaga pag nasa bingit ka ng pagtulog at sobrang antok kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko?

DUG BUG DUG BUG DOG

Waaaaaaaaaaaaa! Rape!

Medyo naiinis na ako pero medyo kilig pero naiilang na din ako – ewan!

Sisigaw na sana ako nang—

 

‘I love you Ren.’, bulong niya sa tenga ko.

DUG BUG DUG BUG BOG

Ramdam ko yung mainit na hininga niya sa batok at tenga ko. Nakikiliti ako e. Kainis. Nakayakap pa din siya. Di na to tama – may gf siya; bakla ako; ayokong madala sa tukso. At isa pa, hindi niya ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya so anong ibig-sabihin ng ginagawa niya ngayon?  Naiirita na ako kaya dapat na akong magsalita.

DUG BUG DUG BUG BOG

Gosh super lapit niya, yakap niya ko ng mahigpit at alam ko ramdam niya yung lakas ng kabog ng puso ko, shit naman e!!!! Kaasar! Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Kalma lang Lorenzo!

 

‘Pwed---‘, naudlot yung sasabihin ko.

 

‘---as my bestfriend, I’m really sorry... bati na tayo ah?’, seryosong bulong muli niya.

Ewan ko ba pero feeling ko kahit hindi ko nakikita mukha niya ay talagang malungkot ito sa tono pa lang. Unti-unting nabura sa isip ko ang inis. Matagal ko na din nakakasama sa pagtulog itong mokong na ito. kahit nung sinaktan niya ako, I mean eversince I got busted, hindi pa din nawala yung pagka-miss ko sa kanya – coz he’s my bestfriend after all... before I started to fall inlove to him.

Hindi muna ako gumalaw, tinitimbang ko ang mga salitang sasabihin ko bilang sagot sa binulong ni Jerry. At ayoko na din mag-away kami.

Inaamin ko malungkot ako nung tinanggihan niya ang pag-ibig ko. Pero nami-miss ko siya eh. He is my bestfriend, kahit isang taon ko siyang di kinausap noon, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at hindi ko iyon maitatanggi. Sa sandaling iyon, alam ko wala na akong galit pa kay Jerry. Ang nais ko lang ay makapagsimula na talaga kami na maayos at masaya pare-pareho – ika nga nila ‘move on’. E sa ganun talaga, At siyempre merun na akong iba – andyan na si Mike. Mike is different. Mabigat na talaga ang  mga mata ko, parang nagsa-shutdown na isip ko.

Pero may narinig pa muli ako, mahina lang iyon.

 

‘Miss mo na yakap ko ano?’, bulong muli ni Jerry.

DUG    BUG   DUG    BUG

 

‘Goodnight Jerry.’, sagot ko na lang.

Nawala ang mabilis na kabog sa dibdib ko at alam ko isang pangalan lang ang nasa isip ko bago ako tuluyang makatulog ng gabing iyon na mapayapa ang puso at isip.

Mike...

Wala na akong ibang nasambit pa.

Itutuloy....

Author’s Note:


Eto na po yung sinasabe ko.
Ren’s and Jerry’s POVs.
Sana hindi po kayo nalito.
Ilang chapters lang po yan,
mga 3 or 4, limited only haha.
Hirap pala mag-compose
in this format,  Wew!

<(^_^)/

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 31.1K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
267K 4.6K 23
Dice and Madisson
796K 38.2K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...