Catch Me! I'm Fallin' For You...

By AkoPoSiDhen

33.7K 340 198

More

CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Must Watch =)
Chapter 27
CHAPTER 28
Chapter 29

Chapter 1

5.2K 36 4
By AkoPoSiDhen

CHAPTER 1

TIN’s POV

“Sa wakas nandito na din na rin ako! ang ganda-ganda talaga dito!”

Ako nga pala si Christine “Tin” Concepcion. Galing ako sa isang probinsya. First time ko dito. Di ko akalain na ganito dito. 22 years old na pala ako. Nagpunta kasi ako sa isang lugar na hindi masyadong pamilyar sa akin, nagpunta ako dito para maghanap ng trabaho at syempre sana palarin ako.

 “Teka, saan naman ako pupunta nito?”, waaa! nawawala na ako! hindi ko alam kung saan na ako pupunta nito. Nakakaloka. Nilapag ko yung mga dala kong gamit sa may gilid ng puno at bumili ako ng maiinom. Pero pagbalik ko wala na yung mga gamit ko at nakita kong tinatakbo na ng isang lalaki yung mga gamit ko.

“Hoy! Anong ginagawa mo sa mga gamit ko! Ibalik mo yan! Hoy! Bumalik ka dito”, hinabol ko yung lalaking kumuha ng mga gamit ko. >.<

“Bumalik ka dito sabi eh”, hinahabol ko pa rin yung lalaki na tumatawid na.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

May bumusina, at napasigaw ako hindi ko napansin na nandito na ako sa gitna ng kalsada.

Bumaba naman yung lalaking nasa kotse. Waaaaaaaa! Bakit ang gwapo niya.

“Hoy Miss! Hindi mo ba nakikita yung traffic lights! Kita mong green pa oh”, traffic lights? ay oo nga pala! stupid! >.< gwapo na sana eh antipatiko naman. Badtrip

“Sorry kasi may hinahabol akong lalaki! Kinuha kasi yung bag ko at mga dala kong gamit” sinabi ko na lang.

“The hell I care! Umalis ka  na dyan dahil nagmamadali ako” antipatiko talaga! Ang sarap lang patayin! Umalis na nga ako at hinahanap ko pa rin yung lalaking kumuha ng gamit ko. Maloloka ako! Bakit kasi dito pa ako nagpunta. Nang umalis na ako sa dadaanan nung lalaki agad agad naman niyang pinaandar yung kotse niya at umalis na.

“Saan ko naman hahanapin yung kumuha nung bag ko!” ay! oo pala pwede kong ireport sa police ang nangyari.

Nagpunta na ako sa police station.

“Hay naku miss, uso na ang nakawan ngayon dito sa Pilipinas kaya dapat ma-ingat ka sa mga gamit mo. Hindi mo dapat nilalapag yang mga gamit mo sa kung saan saan! At tsaka wala kaming magagawa dahil sa marami na rin kaming obligasyon, marami pinapagawa sa amin” sabi ni mamang pulis. Nakakaloka talaga! Pulis sila eh di obligasyon nila yun. Kayak o nga ni-report dito para magawan nila ng paraan pero sinermonan pa ako.

Umalis na lang ako at naglakad-lakad. At ang tanging dala ko na lang ay yung bagpack ko na may mga damit din pati ang wallet ko. Wala na yung mga gamit ko! Lalo na yung mga kailangan ko para sa pag-aaplyan ko trabaho.

 Lakad na lang ako ng lakad at di ko alam kung saan ako pupunta.

SLATER’s POV

“Hello! Yeah! Papunta na ako diyan! Hintayin mo na lang ako”, binaba ko na yung cellphone ko

I’m Slater Stanford and I’m 22 years old. CEO ako sa isang kilalang company ang Stanford Company. Sabi nila antipatiko daw ako at weakness ko daw ang girls pero I think hindi naman.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Bumusina ako kasi may babaeng tumatakbo at muntik ko ng masagasaan! Napasigaw siya at huminto siya sa gitna ng kalsada

Bumaba naman ako sa kotse ko para pagsabihan ang babaeng yun. Nagmamadali ako kung anu-ano kasi ang ginagawa.

“Hoy Miss! Hindi mo ba nakikita yung traffic lights! Kita mong green pa oh” badtrip na talaga ako. Nagmamadali ako tapos ganito pa ang nangyayari

“Sorry kasi may hinahabol akong lalaki! Kinuha kasi yung bag ko at mga dala kong gamit” sinabi naman nung babae na mukhang pagod na pagod.

“The hell I care! Umalis ka  na dyan dahil nagmamadali ako” Badtrip na badtrip talaga ako! Ayaw ko pa namang nalalate ako sa mga appointments ko ako Umalis na yung babae pinaandar ko na yung kotse ko at umalis na.

“I still have 1 hour! Sana nandun pa rin siya. Ano ba kasi yung importanteng sasabihin niya sa akin”

Nakarating na ako sa meeting place namin ng girlfriend kong si Deniese. Pumasok na ako sa restaurant at nakita ko si Den na nakaupo na. Kumaway siya sa akin at pinuntahan ko na nga.

“babe! Ano ba yung mahalaga mong sasabihin sa akin?” tanong ko kay Den, girlfriend ko siya at 3 years and 6 months na!

“Hmmm, babe! Kain muna tayo”, sabi naman ni Den at iyon na nga nag-order na kami ng kakainin namin.

While waiting for our food..

“Babe, if ever na magbreak tayo? Magiging friends pa ba tayo?” tanong ni Den.

“Maybe. Maybe not”, sagot ko naman.

“eh kasi……” di na naituloy ni Den ang sasabihin niya kasi dumating na yung food namin.

“Ano pala yung sasabihin mo?” tanong ko uli.

“Kain na muna tayo, mamaya ko na lang sasabihin after nito” sabi naman ni Den.

After naming kumain nagpunta kami sa isang park.

“Hmmm, babe” si Den “If magbre-break ba tayo ngayon magiging friends pa rin ba tayo?” dugtong pa niya. Bakit ba niya tinatanong sa akin yan.

“I don’t know talaga babe’ sagot ko naman.

“If ever kasing ganun ang mangyari, atleast friends pa rin tayo after all ng pinagdaanan natin together” sabi ni Den.

“Siguro nga” tipid kong sagot.

“Kasi Slater, I want a break-up” sabi agad ni Den. nagulat ako sa sinabi niya.

“Bakit?” tanong ko na lang dahil nasa state of shock pa ako.

“I don’t know? Maybe I can’t feel your love anymore. Wala na yung spark, alam mo yun? Parang basta! “ sabi ni Den.

“………………………………………..” no response ako

“Pero siguro we can remain as friends pa rin” sabi ni Den.

“Okay then, pag-iisipan ko if pwede pa tayong maging magkaibigan” sabi ko sakanya.

“Slater. I’m sorry. See you around. See you soon. sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng tunay ” sabi ni Den at umalis na.

Ako naman nandito pa rin sa park nakaupo sa may swing. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Is it just a dream?

May naramdaman akong tumayo sa harap ko.

“Ui! Ikaw na naman! Hello” sabi nung babaeng nakita ko kanina.

“What are you doing here?” tanong ko.

“Wala naman, hinahanap ko pa rin kasi yung lalaking kumuha ng gamit ko. Nandun kasi lahat ng important things na kailangan ko. Naiinis ako, nauubusan na ako ng oras. wala pa akong nahahanap na matutuluyan ko, haha pero okay lang yun basta mahanap ko lang yung mga gamit ko. at kapag nahanap ko na saka na ako maghahanap ng matutuluyan hehe” sabi naman niya.

“Stupid” nakakairita.

“Ako pala si Christine Concepcion but you can call me Tin” nagpakilala pa. I’m not even interested.

“Di ako interesado sa iyo at sa pangalan mo” sabi ko naman.

“Ito naman, alam mo diyan sa inaasal mo para kang iniwan ng girlfriend mo” exactly! paano niya nalaman?

“Paanong?” tanong ko naman.

“Hahaha! Joke lang” nakakairita na talaga ito. Pero naawa din ako sa kanya. Mga 6 or 7 hours na din siguro nung makita ko itong babaeng ito kanina. Kanina pa niya siguro hinahanap yung lalaking kumuha nung gamit niya. Tumayo na ako at umalis na. Umuwi na ako sa bahay ko.

Yeah! Tama kayo ng basa.  Bahay ko. Binilhan ako ni mommy at daddy ng sarili kong bahay as their gift daw dahil nakapagtapos ako at syempre natapos ko na din ang MBA ko.

Umuwi na ako sa bahay, nagluto ako ng dinner ko and then kumain na. Napaisip ako bigla if nasaan na yung babae kanina. If kumain na siya o kaya nahanap na niya yung lalaking kumuha ng mga gamit niya. Paano kung balikan ko siya doon sa park? Huwag na lang baka wala na din siya doon.

2 oras na ang nakalipas at 9:32 P.M na. Gustong gusto ko ng matulog pero parang nakokonsensya ako doon sa babae! Balikan ko na kaya siya sa park. Baka nandun pa iyon. Wala pa naman siyang matutulugan.

I decided na balikan yung babae sa may park. Wala na siya sa may swing kung saan ko siya iniwan. Hinanap ko siya sa paligid mukhang wala na siya. Aalis na sana ako kaso may nakita akong babaeng nakahiga malapit sa puno. Baka siya na yun.

Nilapitan ko iyong babae at bingo! siya nga. At dito pa talaga natulog. Sabagay sabi nga niya kanina wala siyang matutuluyan. Hay, mukhang ang himbing pa ng tulog niya. Binuhat ko siya at dinala sa kotse ko. Inuwi ko siya sa bahay para doon na lang muna siya makapagpahinga. Dinala ko na siya sa may guest room at ako naman nagpunta na sa kwarto ko. At least ngayon, kampante na ako at makakapagpahinga na ako.

Continue Reading