Getting His Attention (Comple...

By pinky_jenjen

311K 9.9K 2.1K

Jillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce an... More

Getting His Attention
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Author's Note

Chapter 15

5.7K 195 22
By pinky_jenjen


GHA Chapter 15

"Ikaw si Jillian Chen Cojuangco? Pinapatawag ka sa OSAS."

Kakatapos lang ng break time namin at hindi pa kami nakakapasok ni Kyela sa loob ng classroom, ito na agad ang bumungad sa akin.

Kyela nudged my side and leaned closer to me. "Anong ginawa mo?"

Nagkibit balikat ako. Wala talaga akong ginawa na kalokohan ngayong araw. Hindi ko inaasahan na may lalapit sa akin na student officer para ipaalam sa akin na pinapatawag daw ako sa discipline office.

Baka... binilang na nila lahat ng record ko roon at ngayon nila sasabihin na kick-out na ako?

"Puntahan ko muna, baka may surprise sila sa'kin," pabiro kong paalam sa kaibigan.

"Good luck Chen!"

Napailing ako at sumunod na sa student officer patungo sa OSAS. Tatlong pares ng mga mata ang bumaling sa akin paglapit ko sa table ni Mrs. Prima.

"Pinatawag niyo raw po ako Mrs. Prima?" paninigurado ko na tinugon niya ng simpleng pagtango at pagpapa-upo sa akin sa bakanteng upuan na nasa tapat niya.

"Uhm... Anong mayro'n? Open forum?" basag ko sa katahimikan sabay lingon sa dalawa pang naka-upo na sina Errol at Arby.

"Nag-away ang dalawang lalaki na ito sa loob ng classroom ninyo," dismayado niyang pahayag. Salitan niyang tinignan ang dalawang lalaki at napa-iling.

"And I'm involved because?"

"They were fighting because of you, Jillian," mariin niyang tugon.

Umarko nang bahagya ang aking kilay at pinasadahan ng tingin ang dalawang lalaki na hindi magawang salubungin ang mga mata ko, marahil nahihiya sa akin either dahil sa ginawa nila o sa itsura nila ngayon.

Pasimple akong napangisi sabay hawi sa ilang hibla ng aking buhok. The amount of attention I am getting is quite overwhelming.

"I want to hear your side or opinion regarding this issue. As much as possible, dapat pinag-uusapan ninyo ito nang maigi para hindi humantong sa gulo. Kailangan ma-settle na ito ngayon," seryosong sambit ni Mrs. Prima habang matalim kaming tinititigan.

I don't know what to react. Hindi ko plano na mag-away silang dalawa at wala akong kamalay-malay na ako ang ginawa nilang dahilan. Nakakaabala sila sa totoo lang.

"Dito ka muna maupo Alfante. Printing na ang hinihingi mong documents. Hintayin mo na lang dito, kung ayos lang sa'yo."

"No problem, sir."

Nagawi ang tingin ko sa pinanggalingan ng ingay.

May dalawang lalaki ang lumabas sa Guidance and Testing Center, isa itong extension office for recording of student information and requesting of documents. Nasa gilid ito ng table ni Mrs. Prima kaya kitang-kita ko kung sino ang lumalabas at pumapasok dito. Lalo na ang mga umuupo sa waiting area...

Gaya ni Cyron.

I felt like I wanted to hide or vanish right away when his eyes met mine. Fuck... I was caught off guard! He caught me looking at him!

"Are you listening, Jillian?" Bumalik ang aking tingin sa harapan at wala sa sariling tumango.

I can't focus. I know for sure that he might have heard us; he might have witnessed my, yet again, embarrassing moment!

Sana pala hindi na ako pumunta rito. O kaya, sana hindi siya nagpakita. Wrong timing talaga! Sinusubukan ko na nga pagandahin ang imahe ko sa kaniya, nangyari naman ito! Ano na lang ang iisipin niya?

"What's the story again, Abrego?"

"Galit na sumugod sa classroom namin si Errol at bigla akong sinuntok nang walang sapat na dahilan. Sa inis ko rin po, ginantihan ko na," sagot ni Arby kaya si Errol naman ang binalingan ni Mrs. Prima.

"Tell us your reason Ledesma."

"Dapat lang sa kaniya ang ginawa ko dahil inagaw niya ang girlfriend ko!" singhal niya habang matalim pa rin ang tingin kay Arby.

"See his behavior Jillian? Mabuti hiniwalayan mo na 'yan!"

"Anong sabi mo!—"

"Stop it! Or else, both of you will be suspended!" sigaw ni Mrs. Prima sabay hampas sa lamesa na nakapagpatigil sa dalawa bago pa magka-initan muli.

Mariin akong napapikit. They're stressing me out! Misunderstanding ang nangyayari. Dahil hindi maka-move itong si Errol, nag-e-eskandalo at napiling pagbuntungan ng galit si Arby dahil iniisip niyang siya ang dahilan ng break-up namin.

But explanation doesn't matter anymore to me. I need to escape! Cyron is fucking watching us!

"You want to say something Jillian?"

I bit my lips and slightly bowed my head. Gusto kong mag-explain at talakan ang dalawa dahil nadamay ako, but I opted not to talk 'cause I might say something offensive. Adding fuel to the fire would surely cause dramatic tension, and I don't want that to happen—not now that Cyron is around.

Hindi ko rin naman puwedeng sabihin ang totoong storya. Na trip at for fun lang ang pagpatol ko kay Errol at bigla ko siyang hiniwalayan dahil na-bored na ako at nag-stick sa ibang lalaki na itago na lang natin sa pangalang 'supladong future engineer' na mas challenging compare sa kaniya at sa lahat ng mga ex ko.

Ewan ko na lang kung 'di mag-backfire sa'kin ang sitwasyon. Lalo pa na nasa sofa lang si Cyron, hindi kalayuan sa pwesto namin.

"This is your second issue with boys, Jillian. Mag-iisang buwan ka pa lang rito, yet your record is already alarming. You must discipline yourself. I hope you're learning somehow from your mistakes."

Kung puwede lang pagsabihan si Mrs. Prima na ipagpaliban muna ang sermon sa akin, ginawa ko na. But the least that I can do right now is to remain silent and let myself drown in embarrassment.

Pasimple kong sinilip ang direksyon kung nasaan si Cyron. From my peripheral vision, he's still there, and now arranging some papers that the officer gave to him.

He's busy, huh? Hindi niya na siguro binibigyang pansin ang nasa paligid niya. Maybe he's not actually listening nor watching us? Right! I'm just assuming things.

"I'm so disappointed. Sana hindi na ulit mangyari ito. Nasa higher year na kayong tatlo. Huwag na kayong gumawa ng dahilan para hindi kayo maka-graduate on time."

My attention snapped back to our strict head discipline officer. Hindi na rin nakaimik ang mga kasama ko. Natauhan at natakot na ata dahil usapang punishment na.

"Be mature enough. Discipline yourselves! Take note of that," huling binitawan na pangaral ni Mrs. Prima bago tapusin ang counselling session niya sa amin. "Let's call it a day. Maiwan kayong dalawa boys. Pumirma muna kayo bago umalis. Jillian, you may leave now."

"Thank you po." I gave her a faint smile, then let out a deep breath when my eyes landed on the now empty sofa.

Nakaalis na pala siya. Mabuti naman.

I stood up from my seat and gave my fucking ex-boyfriend a death glare for dragging me into this mess. Bakit ko ba pinatuluan ang gagong lalaki na 'yan? Kairita talaga!

"Ay, gago!"

Halos mapatalon ako sa gulat pagtapak ko sa labas ng office at naabutan sa gilid ng pinto si Cyron.

He was putting the papers inside his bag and was about to zip it up, but got distracted by my abrupt reaction. Napatingin siya sa akin.

I slapped my mouth and laughed nervously.

"Hindi kita minumura, ah!" paglilinaw ko. "And in fact, hindi ako pala-murang babae. Expression ko lang minsan..."

He didn't respond. Mas lalo tuloy akong nataranta dahil iba 'yung pananahimik niya ngayon. He's usually silent, but now, with looming emotions I couldn't name.

"Uhm... About sa nangyari kanina sa loob, kung may narinig ka, wala lang 'yon—"

"I'm not asking an explanation."

Oh. Right...

"Huwag kang mag-alala. Wala akong narinig," dagdag niya sa iritadong tono at inayos na ang pagkakasukbit ng kaniyang bag. 

I just watched him strode along the hallway. Hindi ko na sinundan dahil halatang may inaasikaso siya ngayon.

Walang buhay akong bumalik sa classroom at pabagsak na umupo sa upuan.

"I already know what happened. Boys fighting over you. Sweet!"

"It's not sweet as you think," maktol ko kay Kyela. Mas nangingibabaw ang inis ko sa mga desperadong lalaki. They're giving me a headache!

Hanggang uwian, nakasimangot ako dahil walang nangyaring maganda sa mga nakalipas na oras. I miss enjoying my leisure time. 'Yung after school, uuwi o kaya gagala na lang. Hindi gaya ngayon na stress na nga sa school, dadagdag pa ang trabaho.

"Diretso ka na sa restaurant Chen?"

"Yeah. Baka ma-late. Heavy traffic na naman for sure."

"Bakit 'di na lang kayo magsabay ni Cyron pumasok?" May inginuso si Kyela kaya nilingon ko ang tinutukoy niya.

Umaliwalas ang aking mukha nang matanaw ko si Cyron. Nasa dulo siya ng hallway at patungo na rito sa exit ng academic building kung nasaan kami nakatayo ni Kyela.

"Nice idea. Thank you!"

"Paano ba 'yan... una na ako. Have a nice trip with him!" Napangisi ako sa sinabi niya.

Nang makaalis na ang kaibigan ko, inabangan ko na si Cyron. Sinadya kong humarang sa daraanan niya nang makalapit na siya sa pwesto ko.

"Hi!" I smiled cutely at him. Kahit sa dalawa niyang kasama na mga lalaki, nginitian ko na rin.

Sinulyapan ni Cyron ang mga katabi niya na nagkakantyawan. Sinuway niya ang mga ito at sinenyasan na mauna na. Kung tropa niya ang mga 'yun, well, masasabi kong siya ang pinaka seryoso sa kanila.

When they were all gone, Cyron shot me a stern and dangerous look.

Ano na naman ang nagawa ko? My mere presence is really enough to annoy him, huh.

It seems like his anger keeps on escalating to the highest peak for an unknown reason. Tinalo niya pa ako sa pagka-moody.

"Having a bad day? I feel you! Nakaka-stress talaga mag-aral. Kahit ako na hindi katalinuhan, nai-stress din ako. Ano ka pa na matalino, right? Pero syempre, dapat 'di natin dinadala sa trabaho ang init ng ulo. Good vibes lang!" motivate ko sa kaniya.

Really, Jillian? Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko maitawid lang ang conversation namin.

"Anyway, sasabay pala ako sa'yo pumasok sa store. Mag-isa lang kasi ako at nagko-commute pa. It's better to have a partner, right? I mean... someone you are comfortable with, while going off somewhere..." mahinhin kong sambit sabay hawi ng aking buhok.

"Sabay na ako, ha? Please?"

"Ganiyan ba ang ginagawa mo sa iba pang lalaki?" may pang-iinsulto niyang tanong.

My brow arched in puzzlement. Naramdaman ko bigla 'yung tensyon sa tono ng pananalita niya at sa paraan ng pagtitig sa akin.

"W-Why so serious?..." I chuckled, trying to lighten up the mood and hide the uneasiness in my voice.

Cyron clenched his jaw and shut his eyes for a second.

Bakit nandi-distract? And why did I find him attractive with that small gesture?

I shook my head and reminded myself that I was having a serious conversation with him.

"You think you can include me in your list of exes?"

"W-What?"

He clicked his tongue. "I'm not a fool, unlike your boys. Pinag-aagawan at pinag-aawayan ka nila. Isang bagay na hindi mo dapat aasahan sa akin."

Napakurap ako at sandaling napatulala. W-Wait... Akala ko ba wala siyang narinig kanina?!

Bakit nga ba ako nakampante? Bingi na lang ang hindi makakarinig sa sigawan nina Arby at Errol, pati ang malakas na sermon ni Mrs. Prima.

Cyron probably thinks that I'm a good damn playgirl. Una pa lang, pansin niya na. Mas napatunayan niya lang ngayon... I know, hindi siya tanga para paniwalaan pa na iba ang intensyon ko sa kaniya, na seryoso ako sa mga binibitawan kong salita, which is obviously not, and that's quite challenging for me to continue this madness.

"I-I broke up with that guy... because I like you," lakas loob na sambit ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Cyron smirked without any hint of humor.

"Tapos ka na makipaglaro sa kanila kaya ako naman ang sinusubukan mo. That statement is more acceptable to me," malamig niyang tugon sa sinabi ko.

"Think what you want. Basta ako, inamin ko lang ang nararamdaman ko sa'yo. I already made it clear to you na gusto kita. Maniwala ka man o hindi," I countered.

He's good at shooting words, alright, but he's talking to none other than me—the woman with lots of lies and excuses.

"You like me?" Cyron slightly tilted his head. "Then tell me... anong nagustuhan mo sa'kin?"

That's the time na nahirapan ako sumagot. Anong nagustuhan ko sa kaniya? Hindi na ako magpapasikot-sikot pa—itsura. He's a good-looking man. 'Yun ang unang dahilan kung bakit niya naagaw ang atensyon ko.

Another one is the fact that he piques my curiosity and interest... I like challenge, and I've found it from him.

Gano'n kababaw ang pagkagusto ko sa kaniya, kahit sa ibang lalaki. I'd be straightforward here, kung hindi dahil sa itsura, hindi ko siya mapapansin. Hindi ko rin pagtitiisan ang inaasta niya pagdating sa'kin.

He's rude and hard to deal with. Ang sungit-sungit niya! Aside from that, he's cheap. Pansin ko na hindi siya mayaman, hindi gaya sa mga naging ex ko o manliligaw. But, because he's a freaking handsome creature, I set aside his personality and social status.

"Huwag mo na sagutin," iritado niyang sambit sabay humakbang na.

Nataranta ako at agad siyang pinigilan umalis.

"I like you because of..." my voice trailed off. Nangangapa pa ako ng magandang isasagot and I came up with a freaking lame answer.

"... because of who you really are..."

Nakagat ko ang aking labi at saka inilihis ang mga mata sa ibang direksyon.

Pinahihiya mo talaga ang sarili mo Jillian!

Nag-ipon ako sandali ng lakas ng loob bago muling sinalubong ang kaniyang nanghahamon na tingin.

Cyron's gaze lingered on me for a second. He then shook his head and strode away from me... again.

His coldness holds too much rejection.

Darating din ang araw na siya ang maghahabol sa'kin...

Kapag nangyari iyon, ako naman ang tatalikod at maglalakad palayo sa kaniya. I swear that!



_

©pinky_jenjen

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 189 44
" I have so many reasons of why I started to fall for you..." I said," But it only takes a single reason you made for me to end my feelings for you."
3K 272 35
[Darcena Boys Series #1] "Age doesn't matter as long as i will be tied to you"-Ivion. Skylla Vindrell is a girl who can easily get a man by her seduc...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5K 1.1K 36
Si Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at...