She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.4M 53.4K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 14

23.6K 940 44
By InsaneSoldier

Interpretation

--

"Dahil gaganti ako."

Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagkakasabi niya. Masyadong malapit sa tainga ko ang labi niya, kakaibang kilabot ang dala ng hininga nito sa pagkatao ko.

Nakakakilabot.

Parang nawala yung South na inosente. Pakiramdam ko maraming pumapasok at nagp-process sa isip niya na masyadong madilim at masalimuot.

"South, anong—" Hindi ko na natapos ang sasabibin ko dahil bigla na lang siyang humiwalay sa'kin at iniwan ako pati na rin ang mga gamit niya. "South..."

Napasandal ako at napabuntong-hininga. Ang hirap i-absorb ng nalaman ko. Napapaisip tuloy ako kung si South ba talaga ang kausap ko kanina. I'm pretty sure na siya 'yon, pero ibang-iba talaga ang side niya na 'yon.

Napatingin ako sa sketch pad niya. Wala na, pangit na yung gawa niya dahil sa charcoal. Nagkalat kasi, eh. Ang ganda sana kaso wala na, sayang naman.

Sinilip ko yung first page ng sketch pad ni South. Then, sa next page. Sa pang-limang page ay napakunot na ako ng noo. Hindi tapos 'yung drawing tsaka may mga hard stains din ng charcoal. Katulad ng ginawa niya kanina. Ibig sabihin hindi lang ito yung unang beses na nangyari sa kanya 'yon.

Sa dami ng iniisip niya, siguro nahihirapan din siya na ilabas ang nararamdaman niya. Sinilip ko pa yung ibang pages at may nakita ulit akong mga hindi tapos na artworks. Confirmed. This is not the first time.

Sinara ko ito at binitbit hanggang sa kwarto ko. Tingin ko hindi ako papasukin ni South sa room niya, nag-walk out nga sa'kin, eh. Baka ayaw niya muna ako makita. Tinago ko muna yung gamit niya kasama ng mga books na meron ako bago humiga sa kama at parang ewan na napatulala sa kisame. Hay, Bata, paano kita tutulungan kung napakailap mo?

Pero at least...nakapag-open na siya. Ngayon, anong gagawin ko para mas malaman ko ang lahat? Nako naman. Habang tumatagal ay mas nac-curious ako sa kanya. Normal pa ba 'to? Kulang na lang maging stalker ako, eh.

"Jade?"

Napalingon ako sa may pinto. "North."

Ngumiti siya bago lumapit at umupo sa gilid ng kama. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. "Hindi ka busy? Himala." May halong biro na sabi ko.

Nagkibit lang siya ng balikat. "Tapos ko na lahat. Ikaw parang wala kang ginagawa."

"Awesome ako, eh."

"Baliw."

Hindi na 'ko sumagot. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano? At saka saan ako magsisimula? Paano ko ipapaliwanag ang mga nalaman ko?

"Jade, mukha kang problemado."

Napalunok ako. Pinilit kong hindi magpahalata na may problema nga. Parang hindi pa yata ako ready na magkuwento. "Wala. Pagod lang ako."

"Pagod sa pagiging tamad?"

Napatingin ako sa kanya. Nakataas ang kilay niya habang nakangisi. Aba, mukhang nasa mood 'tong bestfriend ko, ah. "Masarap kaya maging tamad."

"Asa." Inirapan niya ako. "Mas maganda pa rin yung nagsisipag ka para kapag natapos mo lahat ng dapat mong gawin ay mas maaga kang makakapagpahinga."

"Para ka talagang matanda, North." Komento ko sa kanya

"Matanda na talaga tayo." Napanguso ako nang batukan niya ako. Bigat ng kamay, eh. "Huwag ka mag-feeling bata riyan. Dapat nga sa edad nating 'to nag-aasawa na, eh."

"Sus!" Umismid ako. "Sabihin mo 'yan sa'kin kapag may asawa ka na. Ni boyfriend nga wala ka pa, eh."

"Wala akong mapiling matino." Sagot niya na paulit-ulit ko nang naririnig sa kanya.

Sa tagal naming magkaibigan, palagi na lang ganyan ang sagot niya sa'kin o sa kahit na sino kapag tinatanong siya kung kailan niya balak makipagrelasyon. Maarte pa kasi sa maarte, eh. Masyadong mataas ang standard.

"I want someone who's responsible enough, yung walang kalokohan at bisyo, may magandang ugali, yung—"

"Drawing lang 'yang gusto mo, North Baby," Putol ko sa sinasabi niya kaya tiningnan niya ako ng masama. "Walang gano'ng tao! Lahat tayo may flaws. Baka naman babae ang gusto mo talaga." Biro ko ulit.

Napakunot ang noo ko nang manahimik siya bigla. Parang nag-iisip. Huwag niya sabihing kino-consider niya ang sinabi ko?

"Huy, North."

"Not bad." Tumango siya. "It doesn't matter if the person I'll settle with is a he or a she as long as that person can pass on my standard."

"Standard mo naman sobrang taas. Tatanda kang dalaga niyan, eh." Nasabi ko na lang.

Mabuti pang mag-asawa na lang siya ng anime, pwede siyang pumili ng papasa sa standard niya.

"Okay lang. Kung wala akong makikita na katulad ng hinahanap ko, okay lang na tumandang dalaga." Biglang lumungkot ang mata niya. "Ayokong maging katulad ni Mama."

"North, hindi lahat ng lalaki katulad ng Papa mo." Bumangon na ako at tumabi sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

Kaya siguro masyado siyang mapili sa mga tao. Siguro lahat talaga ng nangyayari sa buhay natin ay may kapalit na impact sa atin kahit hindi natin ito gustuhin.

"I know. But then, you can't stop me from that fear."

Fear.

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko na lang siyang sumandal at yumakap sa'kin. Ganito naman talaga kapag magkakaibigan, eh. Nagdadamayan.

"North."

"Oh?"

"Halimbawang nagkagusto ka nga sa babae, tapos straight siya. Anong gagawin mo?" Natanong ko sa kanya. Alam kong para sa'kin ang tanong na 'yon pero siguro kailangan ko rin ng taong sasagot no'n para sa'kin.

Sana naman malaman ko na kung anong gagawin ko dahil dito sa feelings ko para sa kapatid niya.

"Hmm..." Nagkibit siya ng balikat. "Maybe I'll try my luck pursuing her."

Pursuing...sana nga kaya ko.

--

"South?"

Sinubukan ko siyang katukin sa pinto pero walang nasagot. Tiningnan ko ang oras, ten na kaya ng umaga. Don't tell me tulog pa siya? "South."

"Ay, Jade, umalis siya, eh." Napalingon ako kay East na nakangiti agad sa'kin. "Alam ko may practice sila ngayon."

"Practice saan?"

"Badminton."

Oo nga pala. Player nga pala yung maliit na 'yon. "Eh, bakit hindi ko napansing umalis siya?"

"Parang multo 'yon minsan, eh," Humagikhik pa siya sa sinabi. "Biglang nawawala."

Napatango na lang ako at natawa ng mahina. Kung sabagay. Sayang naman, isasauli ko na sana yung mga gamit niya. Tsaka medyo miss ko na siya. Simula no'ng nag-walk out siya kahapon hindi ko pa siya nakikita.

Bakit feeling ko ang clingy ko?

Pagkaalis ni East ay nag-decide akong pumunta na lang sa The Hansen. For sure nando'n din ngayon si North na abalang tumutulong. Wala yatang kapaguran 'yon.

Pagkadating ko sa coffee shop ay kaagad kong pinuntahan yung pwesto ko dati at napangiti nang makita yung magandang babae na ipinakilala sa'kin ni North. "Shann."

Nag-angat siya ng tingin mula sa laptop niya at lalong lumawak ang kanina pa niyang nakangiting labi. "Jade!"

Sinenyasan niya 'ko na lumapit sa kanya na sinunod ko naman. Sinuot niya sa'kin yung isang headset pagkaupo ko at hinarap sa'ming dalawa ang laptop.

"She's my girlfriend, Star."

Ay, wow. Ang ganda naman niya. Sobrang simple ng ayos niya tsaka mukhang mahiyain.

Ngumiti si Star na nakikita namin mula sa screen ng laptop. "Hi."

Para akong na-hypnotize sa ngiti niya pero nagawa ko namang sumagot agad. Ang ganda kasi ng boses, eh. No wonder tinamaan si Shann sa kanya. "Hello. Naikwento ka na sa'kin ni Shann. Star, right? I'm Jade."

"Oh, you're the Jade she's talking about." Ngumiti siya ng matamis. "You have a pretty friend, Shann."

Humagikhik si Shann. "But you're way more beautiful in my eyes." Banat niya rito sabay kindat. Pansin ko naman ang pamumula ni Star kahit sa screen ko lang siya nakikita.

Ang sweet nila masyado. Hay nako, ganyan kaya ka-sweet si South? Nakaka-bitter, eh.

Nagpaalam na muna ako sa kanila para makapag-usap sila ng maayos. I'm sure miss na miss na nila ang isa't isa. Tsaka kitang-kita ko sa mata ni Shann kung gaano siya kasaya. Epal lang ako, eh.

Dumiretso na agad sa gallery at pinagmasdan ang mga gawa ni South. Feeling ko kasi kasama ko siya kapag nandito ako. Naglakad-lakad ako at isa-isang tiningnan yung mga naka-display na paintings. Napahinto ako nang makarating ako sa bandang sulok ng kwarto.

Napatitig ako sa isang artwork na ngayon ko lang napansin. Hindi siya painting, charcoal yung ginamit para sa art na 'to. Ang ganda. Ano kayang ibig sabihin no'ng drawing?

May hagdan na nakaguhit tapos may tao na halos gumagapang na sa hagdan na 'yon. Putol ang hagdan pagdating sa harapan niya, parang debris na nawasak na nagmukhang bangin, then sa baba no'n ay mga buildings na nakatayo. After no'ng broken space sa hagdan ay may isa pang baitang ito na daan palabas sa isang pinto.

Yung taong nakaguhit sa larawan, nakasuot ito ng stripe na damit na black and white, yung parang katulad sa mga preso sa ibang bansa. Then may nakatali ro'n sa leeg no'ng tao, may nakakabit na bakal dito na kumokonekta sa isang malaking salamin sa pinakababa ng hagdan, bandang kaliwa. Para bang hinihila siya ng salamin na 'yon, parang ayaw siyang pakawalan dahil nakagapos pa rin siya.

Sa buong paligid naman ng larawan ay maraming naka-display na picture frames. May mga ulap na madidilim sa taas at umuulan. Ano kayang ibig sabihin niyon? Ang lawak naman ng imagination ni South.

"I like that one particular artwork." Napalingon ako kay Shann na nasa tabi ko na pala. Baka tapos na sila mag-usap ng girlfriend niya. "I'm not good with interpreting arts pero tingin ko naiintindihan ko siya."

"Tingin mo, anong pagkakaintindi mo riyan?" Tanong ko dahil curious na rin talaga ako.

"We can see our reflection in the mirror." Panimula niya, "The chain restraining the person in this art may represent his grip towards his past. The destroyed path can be an unresolved conflict. Buildings can represents fear of height—not literally though—or may represents a certain drive. Drive for satisfaction."

Tinuro niya iyong isang part ng drawing. "Itong pinto naman ay maaring nagpapahiwatig ng panibagong daan na maari niyang tahakin. The clouds and rain can be its emotion, and the picture frames displayed are the memories which may be connected to his reflection."

Past. Path. Door. Fear. Memories. Emotion. Restrains.

Napagsama-sama ni South ang lahat ng 'yon sa isang guhit niya lang. Hindi ko alam kung bibilib ako o mag-aalala lalo dahil sa narinig ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan bang sa mga artworks ko pa malaman kung anong nararamdaman mo, South? Ang bigat-bigat na siguro ng dinadala mo. Parang katulad ng sa mga madidilim na ulap na kapag hindi na kinaya ang bigat ng kanilang dala ay umiiyak na lamang 'yon lang ang magagawa nila.

Katulad no'ng unang beses kong makitang tumulo ang luha niya.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

672K 5.7K 12
Klinn promised himself he'd never fall for his fake girlfriend no matter what, until the changes in Cassy's behavior drove him crazy for her. But wha...
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
76.1K 3.4K 17
Valle d'Aosta Series 5
61.8K 1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...