UNANG ARAW ng linggo ay busy na naman ako sa work. Tanghali na ng lumapit si Hailey para ayain akong mag lunch.
"Maya nalang, tatapusin ko pa to eh." Sagot ko sa kanya habang may iniinput ako sa computer.
"Ngayon na, gutom nako eh." Pagmamaktol pa niya.
"Sige na nga. Pero wait lang malapit na to." Sabi ko. Habang naghihintay siya, kinuha niya cellphone ko na nakalagay sa mesa. Nakita niya kasing may nagtext.
"Text galing sa ex mo."
Agad kong hinablot cellphone ko galing sa kanya at binasa ang text galing kay Giselle. Nagpapasalamat lang naman tungkol kahapon.
"Wag mo sabihing babalikan mo siya?"
Napatigil ako sa ginagawa ko at napaisip, oo nga noh? Hindi ko pa natatanong sarili ko niyan. What if yayain ako ni Giselle makipagbalikan, papayag kaya ako?
"Ba't di ka makapagsalita jan. Alam mong ayaw ko sa Giselle na yan. Pero kung ipupush mo padin yang katangahan mo, eh d go!"
Inirapan ko lang siya. Hindi ko pa kasi alam ang tamang sagot sa ganyang tanong.
.....
Matapos namin maglunch out ni Hailey ay bumalik na ako sa trabaho. Sa totoo lang kanina ko pa hinahanap si Hannah, hindi ko pa kasi siya nakikita. Teka Winona, namimiss mo na ba siya?
Halos patapos na din ang work ko ngayong araw pero wala pa ding ni anino ni Hannah. Kaya nagpasya na akong magligpit ng gamit at umuwi.
Naglakad na ako papuntang elevator at pinindot ang down button ng makarating.
"Mam Winona, hinahanap po kayo ni Mam Hannah. Pinapupunta po kayo sa office niya." Pukaw attensyon sakin ni Manong Guard.
Agad sumigla ang pakiramdam ko ng marinig 'yon. Kaya dali dali akong umalis sa kinatatayuan ko papuntang opisina niya. Kumatok muna ako.
"Ma'am?"
"Winona, pasok ka."
Hindi ko alam kung anong meron siya pero yung nararamdaman ko ngayon parang nakalunok ng ilang gramong vitamins, ang energetic bigla. Sa wakas, nakita ko na din siya ngayon.
"Napadami kasi ng bili yung asawa ko ng pagkain kaya pinatawag kita para may kasabay ako. Alam ko kasing anjan ka pa."
Kung anong sigla naman ako kanina ay siyang tamlay ko ngayon. Parang nagkaroon ako ng lagnat in an instant. Ano daw? Asawa? Nabigla ako sa narinig ko dahilan upang wala kahit isang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Winona? Okay ka lang?" Pukaw niya sakin dahil natulala talaga ako.
"O-okay lang po Ma'am. M-ay asawa na po pala kayo?" Utal kong tanong.
"Yes!" Ngiti niyang sagot. "When I went to the US, I married my girlfriend. Papakilala ko siya sayo soon."
Parang gumuho naman ang mundo ko ng malaman yun. May girlfriend pala siya dati? Tapos ngayon asawa na niya? Hindi kasi siya kagaya ni Hailey na sobrang open. Isa pa, paminsan minsan ko lang siyang nakakasama. Kaya nga siguro nagustuhan ko siya kasi sobrang mysteryoso. Hayst.
Natapos ang dinner namin ni Hannah na hindi ko masyado nagustuhan kumain. Parang in shocked pa kasi ako sa nalaman ko. Pero bakit naman ako sobrang affected?! Eh crush nga lang yun Winona. Kainis! Ang OA ko. Feeling ko hindi pako nanliligaw, basted na agad.
KINABUKASAN ay medyo matamlay akong pumasok ng trabaho. Pero gayun paman, todo kayod padin. Ika nga, life must go on. Since absent naman si Patty at may conference na pinuntahan si Hailey, magisa akong lumabas para mag lunch.
Paglabas ko ng building, naglakad ako papuntang sidewalk dahil kakain sana ako sa katabing fast food. Sa gilid ng sidewalk ay may kotseng nakaparada. Hindi ko matanto masyado kung ano or meron sa kotseng katapat ko pero para kasing nakikilala ko 'to. Binagalan ko ang paglalakad at ng makalapit ay hindi nga ako nagkamali, iniluwa nito ang isang babaeng iniiwasan ko din, yung ex girlfriend ko, si Kim.
Kinabahan ako ng makita siya at ang leche, ngiting ngiti pa sakin. Hindi padin talaga siya nagbabago, ang cute cute niya pa din.
"Hi Winona. Good afternoon." Mahinahon niyang bati. May pagkamahinhin kasi to eh.
"He-llo. Kim?"
"Papunta sana ako sa office mo para ihatid tong pasalubong at coffee para sayo."
Si Kim na naging girlfriend ko a year ago. Pero nagkahiwalay kami dahil lumipad siya ng Australia para magtrabaho. Hindi kinaya ng relasyon namin ang LDR kaya nagpasya akong makipaghiwalay through Skype. 6 months lang ang tinagal ng relationship namin. Isa pa, ayoko talaga ng LDR.
"Winona?" Lumapit siya sakin at inabot ang pasalubong na dala niya at ang coffee. Tinanggap ko naman ito.
"Salamat ha."
"San punta mo? Samahan kita. Pwede?"
Tumango lang ako. Pumayag nako kasi andami ko pang tanong para sa kanya. Ng maka order at maka upo ay nagsimula na akong magtanong.
"Kelan kapa naka uwi? At bakit ka umuwi?" Takang tanong ko.
"Nung Sunday lang ako dumating. Na approve kasi yung leave ko. Mga two weeks ako magbabakasyon dito."
Umayos ako ng upo at nilapit ng konti ang mukha ko sa kanya. "Oh bat pinuntahan mo pa ako dito?"
Napahawak tuloy siya sa batok niya sa tanong ko at yumuko muna. "Ano kasi eh. Ahmm, may sasabihin sana ako."
"Ano naman yun?"
"Mamaya nalang siguro after natin kumain? Medyo nagugutom nadin ako eh. Namiss ko yung pagkain dito."
Nagkibit balikat nalang ako at pinagbigyan siya. Pagkatapos namin kumain ay tinanong ko siya ulit. Nakakacurious eh, hiwalay na kami ng isang taon tapos magpapakita siya ngayon sakin?
"Kasi Winona, mahal pa kita. Hindi na ako nagka-girlfriend nung maghiwalay tayo. Sabi ko sa isip ko, pagnaka uwi ako kakausapin kita." Sagot niya.
Hindi muna ako nagsalita matapos marinig ang sinabi niya. Alam kong minahal ako ni Kim, pero yung pagmamahal ko dati sa kanya pinagdudahan ko pa yun kung totoo ba oh hindi ang nararamdaman ko.
"Winona, alam kong nagulat kita. Pero willing akong maghintay, mahal talaga kita. Kung okay lang sayo, gusto sana kita makasama habang andito pa ako."
Kahit kelan, nakakainis ang kabaitan ng taong eto. Dito talaga ako nadali eh.
"Okay lang sakin pero hindi ko kasi alam kung mahal pa kita. Matagal na kasi tayong hiwalay Kim." Sagot ko.
"Naiintindihan ko Winona. Pero hayaan mo akong makasama ka, please? Sobrang namiss kita. At gaya ng sabi ko, maghihintay ako."
Hindi nako nakipagtalo at pumayag nalang ako sa gusto niya na makasama ako habang nagbabakasyon siya. Ayoko naman din kasi itanggi na namimiss ko din ang taong to. Kahit papano sumigla naman ang buhay ko nung dumating siya.
.....
Okay, start na po ng posibleng bakbakan. So ayun po, yun lang talaga ang role ni Hannah dito. Nililito ko lang talaga kayo kung sino talaga karibal ni Giselle dito. Haha!
Syanga po pala, hindi na po ito aabot ng Chapter 70. Update ko next chapters this week bago yung Final Chapter (na talagang last na, walang extension.) Haha!
Labyu, kbye!