The Virgin and the Playgirl (...

Galing kay TheCommanderWobin

2.3M 41.1K 3.1K

Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patul... Higit pa

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
A/N (**MUST READ**)
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
FINAL CHAPTER
** BONUS CHAPTER **

Chapter 61

24.4K 407 58
Galing kay TheCommanderWobin


FRIDAY FLYDAY nadaw sigaw ng mga kasama ko sa work. Unti unti na kasi silang nagsi-alisan hanggang sa ako nalang naiwan sa office. Tinatapos ko pa kasi tong icompose ang email na isesend ko sa head namin. Habang abala ako sa pagproofread ay bigla naman may kumalabit sakin.

"Ay dagang lumilipad!!" Napasigaw tuloy ako at napaigtad sa kinauupuan ko. Lumingon ako and I felt a shiver down my spine na nakapagpatayo ng mga balahibo ko sa braso.

"Sorry Winona." Sabay tawang reaction niya sakin. "Nabigla pa kita."

"Mam Hannah?" Nasurpresa ako ng makita ko siya. Tumaba siya ng konti pero ganun pa din, walang pinagkaiba, ang ganda niya pa din. At yung smile niya, I see something more beautiful than the stars. Waaa Winona ano ba yan! Natotomboy ka na naman sa kanya.

"How are you?" Pukaw niya sa kahibangan ko. Gusto ko sanang sagutin siya ng Okay lang namiss kita. Ang feeling ko naman kaya saktong okay lang sagot ko.

Si Hannah Sandoval ang kambal ni Hailey. At kung naalala niyo pa, sila yung nakasuntukan ni Giselle at Gabrielle sa isang bar.

"Tara samahan moko sa office ibibigay ko pasalubong ko sayo." Hinawakan niya kamay ko at biglang nakuryente naman ako sa nararamdaman ko. Pinagsamantalahan ko yun at hinawakan ko ng maigi. It's now or never. Pangalawang beses ko pa siya nakaholding hands. Nung una hinila niya ako kasi muntik akong mabunggo sa kasalubong ko. Grabe ba't ang manyak ko na? Ilang buwan din siyang wala kaya itodo ko na to.

Pagdating sa office ay kinuha niya ang isang bag para sakin, alam niya kasi mahilig ako sa mga bag. At inabot niya ito.

"Thank you so much Mam Hannah." Habang yakap ko ang bag. Itatabi ko po to matulog Ma'am.

"Welcome. Namiss kita Winona!" Sabay biglang yakap niya sakin. Muli na naman akong kinilig. Gusto ko sana siyang yakapin din pero pesteng bag to, hadlang eh! Grabe di ko na kayang pigilan nararamdaman ko.

"A-ako din Mam." Sagot ko na nauutal.

Bumitiw siya ng pagkakayakap at humarap sakin hawak mga braso ko. "Pauwi ka na ba after? Hatid na kita ha. Tatapusin ko lang din tong papers." Para akong matutunaw sa mga titig niya. Pwede ba Mam? Tama na po. Mahihimatay na po ako sa kilig.

"Su-sure ka po Mam?"

"Oo, sige." At tumalikod na siya. Umalis akong may sigla at ngiti sa aking mga labi. Landi lang!

......

"Sige, thank you po sa paghatid Mam. Ingat po kayo. And welcome back nga po pala." Sabi ko habang akmang bubuksan ang pinto ng kotse niya.

"Thank you din Winona. Goodnight."

Naiwan akong nakatayo ngayon habang pinagmamasdan na makaalis ang sasakyan niya. Grabeng pantasya na to. Grrr! Pagpasok ng bahay ay humiga muna ako sa sofa. Makakatulog na sana ako dun kaya lang narinig ko ang ingay ng busina sa labas ng bahay. Paglabas ko si Roger pala at mga bata.

"Ninang! Ninang!" Sigaw ng mga ito at nakita kong lumabas nadin si Roger.

"Hello! Pasok kayo." Sabay yakap at kiss ko sa mga cuties na to.

Sa loob ay sobrang hyper ng mga bata kahit gabi na, habulan dito at doon. Habang naglalaro sila naguusap naman kami ni Roger. Para sa kaalaman ng lahat, kinasal na si Roger. Yes, happily married na po siya sa ibang babae at ang mga batang kasama niya ngayon ay mga anak niya. Alam naman kasi sa mga sarili namin na hanggang magkaibigan lang. Gayun paman, nananatili padin kaming matalik na magkaibigan.

"Pagkatapos niyo magkita ni Giselle for a very long time, may nararamdaman ka pa ba?" Biglang open niya ng ganyang topic.

Yumuko lang ako at nagpapakabusy maglaro ng color switch sa phone. "Alam mo na ang sagot diyan, hindi nawawala."

"So kung byuda na si Giselle, ibig sabihin pwede na siya? Ba't di nalang kayo magbalikan. Total sabi mo sa text kahapon sinundo kapa talaga niya sa gitna ng baha. Nag eeffort na yung tao oh." Sabay niya hablot sa phone ko.

"Ihhh, ewan ko." Yun lang naging sagot ko. At binawi ulit ang phone.

"Dahil ba to sa crush mo sa office?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi naman siguro."

"Ang tagal mong hinintay yung tao. Ngayon kapa magdadalawang isip. Gulo mo."

"Hoy FYI Roger, matagal na akong nagstop hintayin siya."

"Pero umasa nung byuda na siya?"

"Ihhh ayoko naman ako yung nangunguna! Ano ba? Kaibigan ba kita?"

"Wag kang OA, panahon mo na yan. Tska mahirap lunukin ang pride, lalo na kung bareta." Sabi pa nito.

Ng makaalis na sila Roger ay napagisip isip kong tawagan si Giselle. Buong araw din siyang hindi nagparamdam matapos ng nangyari samin kahapon.

"Hello, Giselle?"

"Winona? Napatawag ka?"

"Kukumustahin lang sana kita."

"Hindi ako okay eh." Halata sa malungkot niyang boses.

"Ha? Bakit naman?"

"Andito ako sa hospital. Yung baby ko kasi, si Luke, mataas ang lagnat."

Matapos kong marinig yon, agad akong nagbihis at dumiretso sa hospital kung san naka confine ang anak ni Giselle. Pagpasok ko ng kwarto, na abutan ko si Giselle naka upo kaharap ng baby niya at nakayuko.

"Giselle?" Mahinang tawag ko nito. Agad naman siyang lumingon at tumayo.

"Winona?"

Inabot ko sa kanya ang dalang prutas at tubig na galing sa bahay pati nadin pagkain kasi baka hindi pa siya kumakain. "Thank you lab. Hindi mo naman kelangan gawin to."

Lumingon ako sa baby niya, nakahiga lang ito at makikita mong sobrang himbing ng tulog kahit na may nakakabit na aparatus sa kamay nito. Mataimtim ko tong pinagmasdan. Yung mga mata at labi nito ay kuhang kuha kay Giselle, at ibang features naman ay parang galing sa Daddy nito. Hindi ikailang magiging habulin ito ng mga babae paglaki, pero wag naman sanang maging katulad ng Mommy niya dati na playgirl.

Umupo ako at tinitingnan lang si Giselle na kumakain. Halatang wala pa siyang pahinga o tulog dahil nagkaroon na siya ng konting dark circles sa ilalim ng mga mata niya. Gulo gulo pa ang buhok nito na nakapusod.

Nakikita kong sobrang mahal ni Giselle ang mga anak niya. Kahit na nagugutom siya ngayon patuloy padin ang pagmamasid niya sa anak niya na mahimbing pang natutulog. Sa mga mata niyay halata ang pagkaalala. Nagbago na talaga si Giselle, naging responsable at higit sa lahat mapagmahal.

"Lab?" Pukaw niya sakin. Nahuli niya ata akong nakakatitig sa kanya. "Okay ka lang ba? Kung antok ka na, uwi ka na. Ayoko mapagod ka."

Umiling lang ako. Sa katunayan andito talaga ako para samahan siya. "Pwede bang dito na muna ako? Samahan kita."

"Sure ka?" Sabi niya. Tumango lang ako. Ilang sandali matapos siyang kumain ay tumabi na siya sakin.

Huminga muna siya ng malalim. "Ang bigat sa damdamin makita ko siyang ganyan." Tingin niya sa anak niya.

"Gagaling din siya Giselle. Wag ka masyado magalala."

Ngayon tuloy nakikita kong may bahid na ng luha ang gilid ng mga mata niya. Hindi na ako nag dalawang isip na hawakan ang mga kamay niya. Pinatong naman niya ang ulo niya sa balikat ko.

Sobrang nakaramdam tuloy ako ng pagkamiss sa babaeng to. Kahit naman anong nangyari samin, nananatili padin ang pagmamahal at pagaalala ko dito.

Ilang sandaling katahimikan ay gumalaw siya at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Lab, thank you ah?"

Bulong niya.

Nakangiting lumingon ako, hinawi ko ang buhok niya na natatakpan ang mga mata niya at sa sandaling yon nagkatitigan lang kami.

....

Winona and Roger in the attached image. ✌🏼️

Ayan! Klaro naman siguro na walang Roger and Winona dito db?

Little side story lang.

Maybe you would like to back read a bit on Chapter 49, where Giselle saw Hannah and Winona. Baka dun nag start magkagusto si Winona, but may girlfriend si Hannah that time. 🤔

Yun lang. Gusto ko lang talaga gulohin mga isip niyo. Hahaha

Question: Bakit madali lang para kay Winona tanggapin si Giselle?

This chapter dedicated to my Sis:
yezcee

....

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

170K 1.8K 43
Love at first sight??? Pwede din. Pero WAR at first sight ang nangyari sa tatlong bida sa story na to. Kung paano?? Basahin nyo. ENJOY!:D
582K 8.3K 55
Uso ba yung "us against the world"? Paano kung yung nag-iisang bagay na gusto mong makuha eh ipinagkakait sa'yo? Yung tipong kahit anong gawin mo...
98.6K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...