Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 11

17.6K 627 143
By jaysanj




"Hello Boracay!" sigaw ni Louise pagkababa namin ng eroplano.

"Wala pa tayo sa Boracay wag kang excited." sabi ko sa kanya. Napa-pout lang sya nung natawa ang mga kasamahan namin. Except syempre sa dalawang cold. Si Ate Kill at si Japan.

Kasama si Ate Kill kahit na sobrang brokenhearted sya. Napilitin sya ng mga seniors na sumama samin dahil puro na lang sya gym na nagpapakapagod sa paglalaro ng basketball. Doon na sya halos tumira sa gym ng boys. Hindi nga iyon magamit ng boys simula nung naghiwalay sila Ate Kill at Ate Avey dahil nandoon si Ate Kill at ayaw nya ng istorbo.

Wala naman kaming magawa kundi hayaan sya. Sobra syang nasaktan sa nangyari. Kahit ako masasaktan kapag nangyari 'yon sakin. Yung kasal na lang ang kulang tapos maghihiwalay pa. Saklap non.

"Kill ayos ka lang?" napatingin ako kay Ate Noimi habang kausap si Ate Kill na nakatingin sa hindi ko alam kung saan.

"No." ang honest nya lang. "Lalo ninyo lang ako sinasaktan sa pagsama ninyo sakin dito." natahimik ang lahat ng seniors at kami na rin mga rookies.

"Bear naman. Gumising ka nga, sinama ka namin dito para maaliw aliw ka naman. Hindi puro nasa gym ka lang." sabi ni Ate Shiela na tila iiyak na. Nasasaktan din siguro sya dahil nagkakaganyan ang bestfriend nya.

"Sana nga. Gumising ako at panaginip lang ang lahat." moment of silence again.

Naaawa na ako kay Ate Kill. Kita sa mukha nya na sobra syang nasasaktan. Sana. Sana maging okay na ulit sya katulad ng dati.

"Tara na." pabasag katahimikan ni Ate Abby. Sumunod na kami sa kanya palabas ng airport.

Tahimik ang lahat hanggang sa makarating kami sa resort. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik nila. Hindi sila ganyan lalo na ang mga rookies, maiingay sila pero ngayon para kaming nasa library na bawal mag-ingay.

Binigay samin ni Ate Joey ang susi ng kwarto namin. Ganon pa rin ang settings ng magka-roommate. Kung sino ang roommate sa camp ay ayon pa rin dito sa resort, so si Japan pa rin ang ka-roommate ko.

Sabay-sabay kaming pumunta sa mga kwarto namin.

"Kill saan ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad at tumingin kanila Ate Shiela.

"Sa kwarto ni Avey." sagot ni Ate Kill habang patuloy sa pag-akyat sa taas.

"Kita mo 'to, sya 'tong sinasaktan ang sarili nya sa ginagawa nya eh." nag-aalalang sabi ni Ate Rachel.

"Hayaan mo na." malungkot na sabi ni Ate Shiela.

Napabuntong hininga ako. Naglakad na ako papunta sa kwarto namin ni Japan.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay hinubad ni Japan ang damit nya. Napatingin agad ako sa katawan nya.

"Flat chested ka?" tanong ko bigla. Napatingin sya sakin.

"Damn! Close the door!" nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis kong sinarado ang pinto. Nakakagulat naman kasi sya. Makasigaw wagas.

"Sorry." nag-peace sign ako sa kanya pero inirapan nya lang ako. Sumimangot ako at napatingin ulit sa katawan nya.

Inaasahan ko na may abs sya pero flat tummy lang tapos...

"Flat chested ka pala talaga Japan?" tanong ko ulit. Hindi nya ako sinagot kaya napasimangot ulit ako.

Nakasuot kasi sya ng sports bra tsaka may sinabi sakin si Jayden na isang buwan lang nakakaraan bago kami pumasok ng camp nung magpagupit panlalaki si Japan dahil sa dare ni Torey. Babaeng babae raw si Japan at hanggang bewang ang buhok. Napagtripan nilang magpagupit ng buhok dahil may nakita silang gwapong tomboy kaya ayun, gusto nilang maging gwapo. Sa totoo lang daw, si Torey at si Jayden lang ang gusto non kaso dahil magkakaibigan sila, hinamon nila si Japan na kapag hindi nya naubos ang luto ni Jayden na hindi masarap, magpapagupit din sya ng panlalaki at magbibihis lalaki hanggang sa humaba ang buhok nila at maging babae ulit.

Kaya nagtaka ako na ah...wala syang hinaharap? Hindi naman kasi agad-agad mawawala ang dibdib nya ng ilang buwan lang. Si Torey at Jayden, halatang may dibdib habang sya wala. Akala ko may umiipit lang sa dibdib nya kaya hindi halatang may dibdib sya pero sa nakita ko. Kaonti lang ang umbok ng dibdib nya.

"Japan." pacute ko. "Flat chested ka?" tanong ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Paki mo ba?" inirapan nya ako at pumasok ng cr.

Napakamot ako ng ulo. Sungit talaga non. Pero pfft! Flat chested sya. Hindi ko maiwasan tumawa.

Tumigil ako sa kakatawa nung may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko 'yon. Nagulat ako na si Ate Kill ang bumungad sakin. Namamaga ang mata nya na halatang galing sa iyak.

"Nasaan si Japan?" malamig na sabi nya. Jeez, kung kay Japan hindi ako epektado sa malamig nyang boses pero kay Ate Kill, nagsisitaasan ang mga balahibo ko.

"Nasa cr po." saktong kakalabas naman ni Japan sa cr.

"Sumunod kayo sakin." sabi nya at naglakad paalis. Napatingin ako kay Japan at ganon din sya.

Bakit kaya?

Sumunod na lang kami ni Japan kay Ate Kill.

"Bakit kaya tayo pinapasunod ni Ate Kill?" tanong ko kay Japan pero hindi ako pinansin. Napa-pout ako. Sungit naman nitong bansang 'to. Ipatapon ko kaya 'to sa Japan?

Nakarating kaming tatlo sa isang court dito. Nagtaka ako kung bakit dito kami napadpad pero nung batuhin kami ni Ate Kill ng bola na nasalo ko naman ay mukhang maglalaro kami nito.

"One vs two." tipid na sabi ni Ate Kill. Napakamot ako ng ulo. Hindi ako ready 'no, nakasuot pa ako ng pantalon at nakasandals lang ako. Kung alam ko lang na maglalaro kami edi sana nakapagpalit ako. Mabuti pa si Japan ay nakajersey na short at tshirt.

"Sa tingin ko ay hindi makakalaro si Zoe sa suot nya." sabi ni Japan. Yiee! First time na banggitin nya ang pangalan ko.

"I need two people to play with me." sabi ni Ate Kill. Napabuntong hininga ako.

"Maglalaro ako." sabi ko. Tumingin sakin si Japan pero walang expression akong nakikita.

Mabuti na lang ay may suot akong cycling short at wala masyadong tao rito kaya okay lang na ganon ang suot ko. Kaso magpapaa ako. Alangan naman na magsandals ako 'di ba?

Hinubad ko ang pantalon ko at sandals ko. Napansin kong nakatingin sakin ang dalawang cold kaya napatingin ako sa kanila.

"Saan mo na kuha 'yang peklat mo sa hita?" tanong ni Ate Kill. Napatingin ako sa hita ko.

"Ah sa papa ko." sabi ko. Kumunot ang noo nila. Grabe parehas talaga sila.

"Why?" nagulat ako sa tanong ni Japan. Wow nagtanong sya ah.

"Ah kailan ko bang sagutin 'yan?" hindi sa ayaw kong sabihin sa kanila, ayaw ko lang makita ang magiging reaksyon nila once na sabihin ko sa kanila.

Nagulat ako na hawakan ni Japan ang peklat ko sa hita. May kakaiba akong naramdaman nung hawakan nya ang peklat ko sa hita. Parang akong nakuryente na napapaso sa init ng palad nya.

"Anong ginawa nya sayo?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. Bakit parang concern sya?

"Japan, ano...privacy?" ayon na lang ang nasabi ko. Tumingin sya sakin tapos napabuntong hininga.

"Wag mo ng pilitin pa. Hindi pa sya handa." sabi ni Ate Kill. Ngumiti naman ako sa kanya. "Nandito lang kami." sabi nya pa. Tumango ako at ngumiti.

"Tsk.." sabi ni Japan at lumayo sakin. Sungit nito.

"Mag-umpisa na tayo." sabi ni Ate Kill kaya pumwesto na kami sa gitna.

Nasakin yung bola habang nakabantay sakin si Ate Kill at nasa ilalim ng ring si Japan.

Naghahanap ako ng tyempo para ipasa kay Japan ang bola kaso ang higpit ng bantay ni Ate Kill. Mukhang napansin naman iyon ni Japan kaya pumunta sya sa likod ni Ate Kill at hinarangan para makalagpas ako. Mabilis akong pumunta sa ring at nag-lay up kaso biglang na block ni Ate Kill.

"Ang bilis." sambit ko. Nakuha ni Japan ang bola pero naharangan sya ni Ate Kill. Grabe ang bilis talaga.

Na-steal ni Ate Kill ang bola kay Japan tapos pumunta sa kabilang court na ikinagulat ko.

"Akala ko half court lang?" tanong ko na ma-shoot nya ang bola.

"Wala akong sinabing half court." sabay smirk nya. Tumingin ako kay Japan na naka-smirk din. Sila na nagkakaintindihan.

Kinuha ni Japan ang bola at agad akong pinasahan. Dahil medyo malayo si Ate Kill, kahit malayo din ang ring shinoot ko pa rin ang bola.

Syempre, hindi iyon shoot. Galing ko 'no?

Napayuko ako at napahawak sa ulo ko. Takte ang sakit naman ng paltok ni Japan.

"Umayos ka." sabay irap nya.

"Bakit mo ako pinaltukan?! Sana hinalikan mo na lang ako!" sakit kaya.

"Kiss your face." irap nya ulit.

"Damot mo." sabay pout ko. Kumunot ang noo nya at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. "Cute mo." napa-poker face sya sa sinabi ko.

"Tama na yang landian nyo." sabat ni Ate Kill. "Hindi kayo bagay." napanganga ako sa sinabi ni Ate Kill. Grabe na realtalk ako don ah! Hindi kami bagay ni Japan?

Napa-pout ako habang si Japan ay ngumingisi sakin. Kainis naman.

"Stop flirting me. Hindi tayo bagay." madiin na sabi nya sa bagay tapos ngumisi sya.

"Hindi naman talaga tayo bagay. Tao tayo." ako naman ngayon ang ngumisi saming dalawa.

Natawa ako nung iripan nya ako. Ang cute.





------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

731K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
616K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
172K 5.7K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
389K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...