Roxanne’s POV
“Roxanne. Maniwala ka naman. Hindi ko naman papatulan si Sir Jael. Sabi ko nga sa’yo, ayaw ko siya para sa’yo, sakin pa kaya?”
Hindi na natigil sa pageexplain si Rebecca sa akin ng side niya. Ininterrogate ko kasi siya tungkol kay Sir Jael. About sa kagabi, kung bakit sobrang close ata nila to the point na magsikuhan sila habang kumakain kami. Aba, second round ba ‘to nang pag-aaway naming dahil sa lalaki? Joke. Hindi naman.
“Alam ko naman ‘yun, Bec. Ang akin lang, pasabihan mo ko kung gagamitin mo si Sir Jael kung pagseselosin mo si Sir Rye. Makakaramdam naman ako agad. ‘Wag lang brutalan kapag nasa harapan niyo ko, hano?” sagot ko sa kanya.
Nandito kami sa loob ng Multimedia room para magpractice. Dito rin kami nagpapractice everytime na meron. Nagkataong pareho kaming walang pasok ni Bec sa mga oras na ‘to kaya sabay kaming pumunta. Nandito na rin ang ibang members ng choir. Hinihintay na lang namin si Sir Jael at ang kasama niyang guitarist. Kaya lang, may tinext siya sa isa sa mga member namin na piano raw ang magiging instrument namin for the Christmas program.
Nakaupo kami sa may gilid ng room na ‘to. Isa-isa naming pinipintasan ni Rebecca lahat ng makita naming pangit sa kasama namin. ‘wag niyong gayahin ang ginagawa ko, kung hindi niyo bespren ang kasama niyo. Mahirap nang mabaliktad, ‘di ba?
“Roxanne. Tignan mo ‘yon, akala mo tatakpan na ng face powder ang mukha niya.”
“Onga, Bec. Tignan mo naman ‘yung pang-apat na babae sa kanan niya. Parang hinulma sa bigas ang mukha sa sobrang haba,” sagot ko sa kanya.
Parang wala na lang sakin ‘yung kagabi kay Sir Jael. May tiwala naman ako kay Bec eh. Hindi ko na nga sinentro ang usapan sa kanya at kay Jael ko. Hehe.
Sa dami nang nalait namin ni Rebecca, hindi naming namalayan na dumating na si Sir Jael. May kasama siyang isang payat na babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang kiniss ni Sir Jael nung birthday niya. Ouch. Heto pala ang masakit. Masakit palang magselos sa isang taong lihim mong gusto. Hindi pa nga kami, nagseselos na ako.
Ang sweet niya sa babae. Inalalayan niya pa ito papunta sa loob ng room. Inalalayan miski sa pag-upo nito sa tapat ng organ na gagamitin namin para sa Christmas program. Inalalayan niya pang ipakilala sa amin, isa-isa.
“Brigit, si Roxanne pala ‘to. Siya naman si Rebecca,” at sabay tinuro niya si Rebecca sa tabi ko.
“Hi Roxanne. Hi Rebecca. I’m Brigit Estanislao. New pianist ng choir niyo. Nice meeting you,” inabot niya ang kamay niya sa aming dalawa. Nakipagshake hands ako, pero si Rebecca, tinarayan at inismiran lang siya. Hindi ito nakipagshake hands sa babae na kasama ni Sir. Sana hindi na rin ako nakipagshake hands! Hays! Close sila ni Sir… Bakit…
Sunod namang ipinakilala ni Sir ang iba pang members ng choir. Nang makalayo sa amin si Sir Jael, at ang kasama niyang si Brigit raw, hinila ako ni Rebecca sa sulok ng room.
“Ikaw nga Roxanne. Don’t talk to strangers, lalo na sa katulad niya. ‘Yang babaeng ‘yan, may atraso pa sa akin ‘yan. Last sem, kulang na lang ipabugbog niya na ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang isa siya sa mga babaeng kailangan nating iwasan at tirisin.”
“Ano bang kasalanan ng babaeng ‘yun sa’yo?” tanong ko ulit sa kanya.
“It’s for you to know, BES. Ayoko ng alalahanin. Kasi, sobrang. Argh. Basta. Pero, wait, alam mo bang may good news ako sa’yo?”
“Sige! Ano ‘yun?”
“Hindi mo ba napapansin, wala akong pasok ngayon?”
“Pansin ko. Pero hindi na kasi ako nagtataka eh, kapag tinatamad ka naman kasing pumasok, as if wala ka talagang pasok,”
“Hindiii. Permanently, wala na akong pasok.” Obvious na excited siya magkwento.
“Anong dahilan?”
“Bibigyan na ko ni Chloe ng grade sa subject na nawalan ako ng grade. ‘Yung about sa rare case chuchu? That means, makukuha ko na ang TOR ko. Isn’t it great?”
“Aba. Mabuti naman. Ayokong magkaroon ng bespren na parang minaster na ang bachelor’s degree.”
“Pero may good news pa talaga ako eh,”
“Ano nga?”
“Kinukuha akong staff pansamantala sa College of Education. Manganganak raw kasi ang papalitan ko, temporarily, kaya ako muna kinuha nila. Madali lang daw ang gagawin ko. Tsaka, for this semester lang naman. Before March, tapos na rin.”
Sinabihan ko ng super congratulations si Rebecca. Thankful rin ako dahil hindi na siya repeatedly huhusgahan ng tao sa tuwing naglalakad siya sa hallway ng school. Thankful ako, as a friend, na hindi na siya titignan ng masama dahil nga kay Sir Rye noon, at sa pagkakaroon niya ng back subject.
“Therefore, employed ka na?” sagot ko sa kanya. Halos takpan niya ang bibig ko. ‘wag ko raw ipagsabi, gusto niya kasing maging surpresa ang lahat sa start niya sa office ng College of Education.
“’Ba yan. Kailangan pa bang itago, eh malalaman rin naman ng lahat ‘yan?”
“Aba! Gusto ko kapag bumalik ako sa school next Monday, ibang-iba na ako. No more Railey. Right?” sagot niya sa akin.
Bago ko pa siya mabigyan ng positive remarks, tinawag na kami ni Brigit at ni Sir Jael. Nakatayo kami sa harapan nila, half circle ang position namin. Si Brigit, nagpakilala as student rin sa college na kinabibilangan namin. Okay, she’s kinda conyo and maarte when it comes to speaking. She always uses Filipino words with English words which look like kaartehan for me. I prefer consistency.
Fast forward? Okay lang?
Naging boring ang practice naming dahil sa kaartehan ni Brigit. Panay ang demand niya kay Sir Jael ng kung anu-ano. May time na pinalabas niya pa ito dahil nanghingi siya ng ‘water’ with ‘no ice’ kasi ‘she’s kinda thirsty’ raw. I wanna kill her at that moment. Kung ano mang elemento ng kaartehan ang sumapi sa kanya, gusto ko silang itali.
“Roxanne. ‘yang tingin mo, kung may capability lang pumatay, nakapatay na,” bulong ni Rebecca. “Kalma ka lang. sabi ko sa’yo, alamin mo muna kung anong atraso niya sakin. Mas lalo ka pang maiinis.” Bulong niya ulit.
Natapos kami ng 12:34. Wala pang 1pm tapos na kami. Wala pang 1pm pero andito na si Sir Rye sa loob. May kagat na stem ng rose na may rose (syempre). Nakaitim na longsleeves siya. May clean hair cut. Sobrang gwapong tao. Ibang klaseng nilalang at—
“Rebecca. Tapos na practice, puntahan mo na si Sir.” Ito ang sabi ko sa kanya. Siya naman, parang busy kakausap kay Sir Jael.
“Uys! Bec. Si Sir Rye nga sabi. Nasa may pinto na, puntahan mo na kaya?” sabi ko ulit. Nakatalikod si Rebecca sa akin.
At kausap niya pa rin si Sir Jael.
“Roxanne. May practice pa kaya? Sabi ni Sir Jael. Tuturuan niya raw ako ng voicing sa isang song sa line up natin. Samahan mo na rin ako.” Ito nga lang ang sagot niya sa akin.
Hinatak ko siya sa sulok na wala ulit tao. Kunwari kami lang. Nakakainis kasi ‘to. Ayaw ko na nga kay Sir Rye para sa kanya, pero ayaw ko namang magpapaasa na lang siya basta sa isang taong nandyan naman na. Pwede naman niyang direktahin kung ayaw niyang sumama eh.
“Halika nga dito. Ikaw babae ka, hinihintay ka na ng perslab mo sa may pinto. SABI ko, puntahan mo. Kawawa naman. For sure, napapahiya na ‘yon. Pasalamat ka. Konti lang ang tao dito kaya nagagawa niya ang ‘di niya dapat gawin. Konting awa naman, Bec.” Ito naman ang bulong ko sa kanya.
“Roxanne. Kung napahirapan niya ako noon, papahirapan ko pa siya lalo ngayon. Gusto ko siyang magdusa sa harap ko. Danasin niya na lahat ng kailangan niyang danasin. Kung malampasan man niya ‘yon, tsaka ko siya maaappreciate.”
“Ano? Appreciation lang ang kapalit? How about reconciliation?” tanong ko kay Rebecca.
Hindi na siya nakasagot. Hindi rin ako nakaimik nang hindi siya nakasagot dahil tinawag na siya ni Sir Jael. “Rebecca, ready ka na?” tanong ni Sir Jael sa kanya.
Hinawakan ni Sir Jael ang braso ni Rebecca. Agad kong tinignan ang magiging reaction ni Sir Rye, pero naglaro na siya ng manhid-manhiran para lang hindi magpahalatang nasasaktan talaga siya.
‘Yung kagat-kagat niyang rose kanina, nakita kong nasa sahig na.