The Virgin and the Playgirl (...

By TheCommanderWobin

2.3M 41.1K 3.1K

Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patul... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
A/N (**MUST READ**)
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
FINAL CHAPTER
** BONUS CHAPTER **

Chapter 59

23.3K 465 55
By TheCommanderWobin


Pagkatapos ko kumain ay nilapitan ko si Denise at Jane na naguusap.

"Bakit wala si Abigail ngayon?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Unfortunately, Gab doesn't want to talk about it. Bigla na nga lang naglasing eh." Kwento ni Jane na tumitingin pa sa salamin.

Ilang sandali pa'y lumapit na samin si Giselle. "Lasing na talaga si Gabrielle. Patulong naman, i-aakyat ko sa taas."

"Si Winona nalang. Pauwi na kasi kami ni Jane eh." Suhestyon ni Denise.

"Oo nga, pinapauwi na ako ng asawa ko. Kaya niyo na yan, bye guys!" Paalam ni Jane at umalis na talaga yung dalawa. Naiwan kami ni Giselle ngayon sa table.

"Sige tulungan na kita."

Nakaakbay si Gabrielle saming dalawa ni Giselle habang inaalalayan namin siya papuntang kwarto. Sobrang lasing na talaga.

"Alam niyo, sobrang saya ko lang na nagkita na kayong dalawa. Hindi niyo ba naisip na meant to be talaga kayo? Hindi kagaya namin ni Abi, meant to separate?" Sabi ni Gabrielle na pautal utal ng magsalita at tumawa pa sa kalasingan. Parang gusto ko tuloy itulak tong isang to dahil sobrang awkward na nga dadagdagan pa. Ang nakakainis tahimik lang din si Giselle. Ano kaya iniisip nito?

"Hindi mo ba alam Giselle, nung birthday ko 5 years ago, andito si Winona, lasing! Nag drama pa nga eh. Pero syempre di mo alam yun." Dagdag pa ni Gabrielle.

"Gabrielle nakaka inis ka!" Sabi ko tuloy sa kanya. Sana di nalang ako pumunta dito, napasubok pa tuloy ako. Tiningnan lang ako ni Giselle ng nakakatunaw.

Buti nalang at umabot na kami sa kwarto ni Gab at inalalayan siya ni Giselle humiga. Pero pagkahiga niya agad siyang humikbi.

"Gab tama na yan, matulog kana." Sabi ni Giselle habang hinihimas ang likod niya. Iyak pa din ng iyak si Gab.

"Ang sakit Gi, sakit sakit. Matino naman ako, loyal tapos binigay ko naman ang dapat ibigay pero bakit ganun." Ang sakit din pala makita si Gabrielle na ganito. At the same time parang naramdaman ko yung sakit. Minsan talaga hindi natin nakukuha ang mga gusto natin kahit ginagawa na natin halos ang lahat.

Nakatayo pa ako ngayon habang si Giselle naka upo sa kama katabi si Gab. Napansin ko na umiiyak na din si Giselle. "Gab, kung ano man yung pinagdadaanan mo ngayon, you don't have to worry. Malalagpasan mo din yan. Andito lang ako, hinding hindi kita iiwan. Naalala mo yung umiiyak ako sa kotse? Dalawang beses yun Gab. Db nakita mo ko nun kung gano ako ka-wasak? Binitawan ako ng mga taong akala ko hinding hindi ako iiwan. At sa dami ng nangyari sakin, eto pa din ako ngayon. Kaya pakatatag ka Gab. Iwan man nila ako lahat, basta ikaw wag na wag moko iiwan, dahil ngayon isa ka sa mga taong yun lang ang meron ako."

Hindi ko maiwasang maluha sa narinig ko. Gustong gusto ko umalis sa kinatatayuan ko pero para akong statwa na hindi maalis alis. Dahan dahan ko nalang pinunasan ang mga luha na lumabas sa mga mata ko.

"Wag niyo kong iwan Gi, Winona. Ayoko pati kayo mawala sakin." Sabi ni Gabrielle. Lumapit ako at umupo nadin sa gilid ng kama opposite kay Giselle habang siya nagpupunas na ng luha.

Ilang sandali ay lumingon si Giselle sakin, pulang pula padin ang mga mata niya. "Mukhang tulog na siya. Hatid na kita sa inyo."

Palabas na sana kami ng maka receive ako ng text ni Hailey. Nakalimutan ko, katext ko pala siya kanina. Paglabas namin ng bahay ni Giselle ay biglang may bumusina samin.

"Winona, sakay kana." Sigaw ni Hailey na nasa sasakyan padin nakalabas lang ang ulo sa window. Lumingon ako kay Giselle at nagtaka naman siya.

"May susundo pala sayo?" Tanong niya.

"Ay oo, pasensya nakalimutan kong sabihin." Sagot ko. "Sige salamat nalang Giselle. Mag ingat ka."

Hahakbang na sana ako ng hinawakan niya balikat ko at pinigilan akong umalis. Napaharap tuloy ako sa kanya ng sobrang lapit dahilan para malanghap ko ang pabango niya.

"Si Hailey yun db? Bakit siya maghahatid sayo?" Dagdag niya. Sasagot na sana ako ng bumusina ulit si Hailey kaya kumiwalas na ako sa pagkakapit niya at naglakad papuntang kotse.

"Sorry Giselle." Yun lang nasabi ko. Pero mabilis namang nahawakan ni Giselle ang pinto para pigilan to.

"Sagutin mo muna ako, ba't ka sasama sa kanya? Hatid nalang kita." Nagkatitigan lang kami at nakikita ko sa mga mata niya ang pagaalala. Napansin ko nalang na lumabas si Hailey at nilapitan si Giselle.

"Bitawan mo yang pinto ng maka alis na kami." Sigaw ni Hailey. Tiningnan lang siya ni Giselle. Pero ilang segundo ay hinarap din ito.

"Hailey Sandoval. Tsk tsk, hindi ka pa din talaga nagbabago."

"Excuse me? There's a difference why you're standing there and why I'll be sitting next to her. So back off."

Agad namang umatras si Giselle ng marinig yun. Hindi ko alam pero nakaramdam talaga ako ng awa. Hindi ko na din siya tiningnan ulit dahil nahiya ako. Umalis na kami at naiwan si Giselle naka tunganga sa side walk.

The next day ay naging busy ako sa trabaho. Ng halos matapos ang araw ay sinundo ako ni Roger. Pagkadating ng apartment ay nagpaalam ako sa mga bata. "Bye kids. Mwah!" Sabay yakap at kiss sa pisnge. "Ingat sa pag drive ha."

Abot tenga ang ngiti ko ng lumabas sa kotse pero nawala yun ng makita ko si Giselle na nakasandal sa kotse niya. Lumapit ito sakin.

"Sa mga Sandoval ka pala nagtatrabaho?"

Halos di ako makasagot sa tanong niya. Pero teka pano naman niya nalaman?

"Sorry, pina check ko lang sa secretary ko. Wag ka mag alala, yun lang inalam ko." Dugtong pa niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Dinadalaw ka. Bakit bawal ba?"

Inirapan ko lang siya at maglalakad na sana papuntang gate pero pinigilan na naman niya ako. Hinawakan niya dalawang kamay ko at tinitingnan ito. Sobrang nabigla ako sa ginawa niya at muntik ng lamigin ang kamay ko at bumasa. Ganun pa naman ako basta nininyerbyos.

"You're not yet married. Are you?"

Yun pala dahilan para hawakan niya mga kamay ko. Para tingnan kung may wedding ring ako o wala. Agad kong hinablot yung mga kamay ko sa pagkakahawak at binuksan ang gate. Not minding her question.

"Hindi kapa uuwi?" Sabi ko at nakatayo sa entrance ng gate.

"Hindi pa may isang oras pa ako." Pumasok siya at nilagpasan ako. Nakakainis eto na namang yung Giselle na matigas ang ulo!

Pagpasok namin ng apartment ay nakatayo lang siya habang nililibot ng tingin ang sala. Hinarap ko ulit siya pagkatapos ilagay ang bag sa sofa.

"Ano ba pakay mo dito?"

"Ayoko pang mamatay." Walang ekspresyon na sagot nito habang nakatingin padin sa palibot.

"Ano sabi mo??" Ewan! Hindi ko talaga alam pinagsasabi ng babaeng to.

"Ang sabi ko ayoko pang mamatay. Bingi ka ba?" Ulit naman niya at ngayon naka tingin na ng diretso sakin. Nakatayo padin kami ngayon. Napa-ha? lang talaga ako sakanya sa pagtataka. Lumapit siya sakin at may inabot na card. Nakakunot noo ko naman tong binuksan at binasa.

Dearest Giselle aka Manyak,

Subukan mo lang talaga akong iwan, mapapatay kita.

Happy 1st Monthsary!

Lablab,
Winona

Continue Reading

You'll Also Like

437K 15.4K 92
"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng maga...
700K 15.3K 52
Bawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pin...
2.7M 36.9K 42
Napilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.
1.2M 22.9K 66
Isang masungit na boss at isang isip batang secretary. Magkakasundo kaya sila?