Dedicated to xMacrophobiax and carlvinz18
Xander's Third POV
Dalawang malakas na lipi ang yumanig sa pwersa nila. Sa isang iglap ay nagawa ng Manggako na paslangin ang karamihan sa kanila. Gustuhin man niyang baguhin ang pangyayari ay wala na rin siyang magagawa pa.
"Nandito pa ko, hari ng Acrania!" Sigaw ng kalaban niya na mabilis na inespada siya ng sunud-sunod. Nagawa naman niyang sanggain ang bawat pag-atake nito.
Ginamit niya ang pambihirang bilis para makalipat ng pwesto pero ikinagulat niya ng mabilis din siyang nasundan ng kalaban.
"Hindi mo ko matatakasan!" Saka bumuo ng boltahe ng kuryente sa kaliwa nitong kamay.
Mabilis siyang bumuo ng bola ng itim na apoy sa kaliwa niyang kamay. Nang pakawalan ng kalaban niya ang boltahe ng kuryente ay pinawalan din niya ang bola ng itim na apoy. Nagsalubong ang dalawang atake at nagkaroon ng isang nakasisilaw na pagsabog.
Mabilis siyang dinikitan ng kalaban niya at muling winasiwas sa kaniya ang espada nito. Nagawa niyang sanggain ang bawat wasiwas pero tinadyakan siya nito sa kaliwang tagiliran na ininda niya. Kaagad siyang lumayo pero nagagawa siyang sundan nito sa isang iglap.
Ibinaling niya ang paningin sa direksyon ni Arfiona subalit pati ang prinsesa ay may nakaharap na kalaban. Nang muli niyang balingan ang kalaban ay mabilis itong nagpakawala ng suntok sa kaliwa nitong kamao. May halong kuryente ang suntok nito na tumama sa kanang pisngi niya. Sinundan pa ito ng malakas na tadyak na may halo pa rin na kuryente. Napaatras siya ng sampung metro.
"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo, hari ng Acrania?" Nakangising tanong nito.
Naasar siya sa kalaban. Tahasan nitong ipinamumukha sa kanya na hindi niya ito kakayaning talunin. Pero nagsisimula pa lang ang labanan sa pagitan nilang dalawa. Batid niyang hindi pa nito inilalabas ang tunay na lakas. Pero ganoon din siya. Hindi pa siya nag-iinit sa laban nilang dalawa. Kung iniisip nitong mahina siya ay patutunayan niyang mali ito. Tatalunin niya ito at ipamumukha ang kayabangan nito.
"Naisahan mo lang ako!" Angil niya at sa isinuksok ang Escarion. Gagamitin na niya ang karmosa. "Gargamus." Naging espada ang karmosa niya sa kanan at bumulusok ang tunay na lakas ng technique niyang satsude. Noon pa man ay batid na niyang kalahati lang ng pwersa ng technique ang nagagamit niya kapag hindi niya pinapalabas ang karmosa.
Tiningnan niya ang kalaban at saka biglang nawala. Ang kasunod noon ay ang bumubulusok na pagtalsik ng kalaban niya. Binigyan lamang niya ito ng isang malakas na sipa. Bumawi lang siya.
Malayo ang narating ng kalaban niya ng tumalsik. Pero hindi na niya sinundan pa ang pag-atake. Batid niyang nagpipigil lang din ang kalaban niya. Nang muli itong lumitaw sa harap niya. Napansin niyang naging seryoso na ito. Limang metro ang pagitan nilang dalawa.
"Bakit hindi mo ipakita ang tunay mong lakas?" Hamon niya. "Tutal naman ay nakuha ko na ang atensyon mo."
Ngumisi ito at saka nasimulang balutin ng malakas na kuryente ang buong katawan nito. "Ako si Ethos ang hari ng Manggako. Ako ang papaslang sayo, hari ng Acrania!" Saka biglang nawala.
Mabilis niyang isinangga ang espada. Nagtagumpay siyang harangin ang mapamuksang atake ng kalaban. Bigla kasi itong lumitaw sa harap niya at inespada siya. Nang mabigo ito sa pag-atake ay sinunod-sunod na siya nito. Lalong bumilis ng maraming beses ang kilos nito. Subalit gamit niya ang satsude. Nagagawa niyang makita ang mga pag-atake ng kalaban. Nang hindi umepekto ang mga pag-atake nito ay lumayo ito at bumuo ng malaking bola ng kidlat. Pagkatapos ay inihagis ito sa direksyon niya. Pero tinabig lang niya ito ng sariling espada pataas. Ang sununod ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kalangitan. Nahawi ang makakapal na itim na mga ulap.
Dalawang heneral sa hanay ng Manggako ang kaagad na lumitaw at sinimulan siyang atakihin ng walang patid. Tulad ni Ethos ay balot din ng kuryente ang buong katawan ng dalawa. Wala siyang ginawa kundi sanggain ang pag-atake ng dalawang heneral. Si Ethos naman ay pinalakas ng maraming beses ang boltahe ng kuryente sa espada nito. Pagkatapos ay sumugod na din ito. Tatlo na ang kinakalaban niya pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
Mabilis siyang pumaitaas at nasundan siya ng tatlong kalaban. Kaasar! Parang kape lang! 3in1!
Nagpatuloy ang depensa niya. Ilang beses niyang sinubukang lumayo pero hindi siya tinatantanan ng tatlo. Lamang naman siya sa bilis pero parang pantay lang ang bilis nilang apat. Halos sa lahat ng diresyon nanggagaling ang mga pag-atake. Wala na siyang pagpipilian pa. Kailangan niyang talunin ang mga kalaban niya. Itinodo niya ang bilis at inespada sa dibdib ang nasa gawing kaliwa niya. Pagkatapos ay lumayo.
Hindi nahati ang katawan ng naespada niya pero nagkaroon ng malaking hiwa ang baluti nito sa parteng dibdib. May hiwa din ang dibdib nito na ininda ng kalaban. Napaluhod ito sa lupa at nahihirapan ng makatayo.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Ethos at ang natitira nitong heneral. Kaagad na sinugod siya ng dalawa pero bago pa man makalapit sa kanya ay nakakilos na siya ng mabilis. Nasa likod na siya ng natitirang heneral. Mabilis niyang tinusok ng espada ang likod ng heneral at tumagos sa dibdib nito. Mabilis siyang inespada ni Ethos pero nagawa niyang hugutin ang espada sa katawan ng heneral ay sinangga ang atake ng hari ng mga Manggako.
"Wala na ang dalawa mong asungot!" Sabi niya at saka tinadyakan sa sikmura ang kalaban. Ininda ito ng katunggali at napaluhod.
Kahit saang anggulo ay mskikitang lamang siya sa kapangyarihan. Hindi na siya kakayanin pa ng kalaban. Inihanda niya ang espada para pugutan ito ng ulo. Subalit isang malakas na kidlat ang tumama sa likuran niya ng hindi niya inaasahan. Nagawa nitong patalsikin siya ng ilang metro. Napasubsob siya pero agad din naman siyang nakatayo. Nang balingan niya ang kalaban. Nakita niyang nagawa ng makatayo ng natitirang heneral na may malaking hiwa sa dibdib. Nag-iipon na naman ito ng malakas na boltahe ng kuryente. Nang pakawalan nito ang naipong pwersa ng kuryente sa direksyon niya. Nagawa niyang sanggain ito ng mabilis gamit ang espada. Nagtalsikan ang mga malalaking hibla ng kuryente sa paligid hanggang sa tuluyan na itong naglaho. Nang muli niyang balingan ang dalawang kalaban. Nakita niyang tinulungang makatayo ng heneral ang hari nito.
Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis siyang nawala sa pagkilos ng mabilis pa sa kidlat. Sa isang iglap ay nagawa niyang wakasan ang buhay ng sugatang heneral. Inespada niya ito sa leeg at napugutan ng ulo. Magkasunuran na bumagsak ang ulo at katawan nito sa lupa.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa dalawa kong heneral!" Malakas na sabi ni Ethos.
Tinitigan niya ito. Batid niyang nasa hangganan na ito ng kapangyarihan. Hindi siya mapapaslang ng hari ng Manggako. Pero nanghihinayang siya na ang isang malakas na hari na tulad ni Ethos ay naging kalaban niya. Aminado siyang malakas ang lipi nito na hanggang ngayon ay pinagtutulungan pang kalabanin ng pwersa nila.
"Ikinalulungkot kong sabihin pero hanggang dito ka na lang." Pagkatapos ay nilapitan niya ang kalaban at inespada. Pero lakibg gulat niya ng isang malakas na pwersa ang pumigil sa espada niya at isang itim na kidlat ang tumama sa dibdib niya at nagawa siyang patalsikin. Napahiga siya sa lupa.
"Masyado mo kong minamaliit, hari ng Acrania!" Balot na si Ethos ng itim na kidlat. Naglalabas na ito ng isang malakas na pwersa. Isang pwersang hinigitan ang lakas niya.
Nagkamali siya ng akala. May itinatagong lakas pa pala ang kalaban niya. Tama ito sa sinabi na minaliit niya ang kakayahan nito. At ngayon ay nagtataglay na ng pwersang mas malakas pa sa kanya. Nang makabangon siya ay nakita niyang nagwawala ang itim na kidlat na bumabalot sa buo nitong katawan.
"May itinatago ka palang lakas." Amin niya.
Ngumisi si Ethos. "Hindi lang ikaw ang makapangyarihan sa buong Elfiore, hari ng Acrania!"
"Kahit gaano ka pa kalakas. Tatalunin pa rin kita!"
Tumawa ito ng nakakaloko. "Kung ganon ay hayaan mong iparamdam ko sayo kung paano mamatay sa pinakamahirap na paraan!"
Batid niyang hindi nagbibiro ang kalaban. Balak nitong pahirapan siya ng husto bago patayin. Pero hindi niya hahayaang mangyari ang gustp nito. Malaki ang papel na gagampanan niya sa buong Elfiore. At ang isa sa nakaharang at pumipigil sa hangarin niyang pagbabago ay kaharap na niya ngayon. Hindi lang si Ermidion ang dapat niyang talunin. Dapat niyang unahin ang alagad nito na nasa harapan niya. Kailangan na niyang kumilos at siguraduhin ang kapakanan ng nakararami. Magiging hari siya ng dalawang lipi. Pero bago yon ay kinakailangan muna niyang humarap sa matinding pagsubok at harapin ang banta ng kamatayan.
###