The Virgin and the Playgirl (...

Da TheCommanderWobin

2.3M 41.2K 3.1K

Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patul... Altro

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
A/N (**MUST READ**)
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
FINAL CHAPTER
** BONUS CHAPTER **

Chapter 51

26.9K 449 74
Da TheCommanderWobin


Sobrang naging busy ang whole day ko sa office. Napaisip ako, ganito ba talaga ang adult life? Parang habang tumatagal nagiging boring pero yung type na boredom na gusto mo din. Dati kayang kaya ko pang makipag umagahan sa bar sa pagpaparty, ngayon parang 9pm pa lang gusto ko ng umuwi para matulog.

Nakaupo ako sa chair ko at malalim na nag isip. Ngunit napukaw ng attention ko sa pag ilaw ng phone na nasa table. Tumuwid ako sa pag upo at kinuha ito.

1 message received
Winona D.: "Good evening Giselle, busy ka ba ngayon?"

Oo nga pala gabi na. Hindi naman ako nagulat na nagtetext si Winona dahil wala naman talagang araw na hindi siya bumabati sakin.

Me: "Yes and good evening too. :)"
Sent.

Tumayo ako at lumapit sa window na overlooking sa city, pinagmasdan ko ang beauty nito. Ilang days nalang Giselle at makakapag solo vacation ka na. Bumalik ako ulit sa table at binasa ang message.

1 message received
Winona D.: "Ay sayang."

Napansin kong mali pala text ko, dapat no ang sagot dun. Magrereply na sana ako ng pumasok si Karen. "Mam eto na po yung ticket niyo."

Inabot niya sakin at tiningnan ko ito.

Giselle Lucas Gomez

From
Manila (MNL), Ninoy Aquino International Airport, Philippines
Wed, Sep 21, 01:00
Terminal: TERMINAL 2
To
Seoul (ICN), Incheon International Airport, South Korea
Wed, Sep 21, 06:00

"Mam nakita ko nga pala si Winona sa labas."

"Huh? Andiyan pa siya?" Sabi ko pagka angat ko ng tingin.

"Parang naglakad na siya paalis Mam pagpasok ko dito."

Agad kong iniwan ang hawak ko sa table at iniwan si Karen sa office. Tumakbo ako palabas pero wala akong nakikitang Winona. Naglakad ako ng mabilis papuntang elevator at nagpress ng ground floor. Habang naghihintay sa loob ay di ko maiwasang magisip kung bakit siya andito. Ting! Ground floor na, lumabas ako at hinanap siya sa lobby, ngunit wala siya dito. Lumabas ako ng building pero wala talaga siya. Nadismaya ako dahil walang anino ni Winona.

Naglakad nalang ako ng malungkot pabalik ng elevator. Nakatayo ako ngayon sa harap nito. Habang naghihintay ulit, kinapa kapa ko bulsa ko. Argh nakalimutan ko cellphone ko, tetext ko sana siya.

Nakatingin lang ako sa sapatos ko at napansin kong nagbukas na ang elevator kaya tumingin agad ako sa taas nito para maka siguro na pabalik 'to sa taas. Nang makita ko ang sign ay maglalakad na sana ako papasok.

Pero.. Napatigil ako ng makita ko siya.

Oh shit! Ang ganda ni Winona!

I frozed while still staring at her beauty. Alam kong nakanga nga pa ako. Hindi ako makapagsalita kasi siya nakatitig lang din, parang nagulat pa siya sa reaction ko.

"Mam?" Sabi ng empleyado na nasa loob ng elevator, nagtataka siguro. "Sa-sakay po ba ka-yo?"

Binaling ko tingin sa kanya at umiling-iling lang.

"Giselle akala ko busy ka?"

Napatingin ako ulit sa kanya.

"So-sorry, actually hindi na. Pa uwi na ako. Ba't ka pala andito?" Sabi ko na nauutal na. Siguro hinihingal pa ako dahil sa paghabol sa kanya kanina, reasons pa more.

"Dadalawin lang sana kita." Hawak niya kamay niya at ang cute cute niya talaga.

"Gusto mo kong makita?" Ow shit. Mali ata yung pagkasabi ko. Pero nagsmile lang siya na nawawala pa yung mata niya. Nagsmile nalang din ako dahil kinilig ako.

Sinamahan niya muna ako sa office para kunin gamit ko at inaya ko siyang mag dinner. Kung saan? Syempre sa paborito naming bulalohan.

"Alam mo, ang bango mo padin kahit gabi na." Sabi ko sa kanya nung tapos na kami kumain. Ang init init kasi sa loob tapos kahit pinagpawisan na siya and all pero ang bango padin.

"Sira! Bulalo ata yang naaamoy mo eh."

Lumapit ulit ako sa leeg niya at inamoy ito. "Hmmm! Hindi eh, ikaw talaga ang mabango!" Pero hinampas lang niya ako sa balikat at tumawa. Nawawala na naman ang maliit niyang mata. "Tara? Samahan mo ko sa mall, may bibilhin ako." Hinawakan ko kamay niya at tumayo. Parang nagulat naman siya sa ginawa ko pero tumayo nadin.

Pagdating namin ng mall ay dumiretso lang ako ng Watsons, may binili ako para pang kilay, wala lang, hindi naman nawawala na may times maarte talaga ako.

Pauwi na kami at on the way na sa boarding house ni Winona. Biglang lumakas ang ulan kaya nag offer siya na magpalipas na muna sa room niya. Habang nasa kwarto ay hindi ko maiwasang tumingin tingin sa paligid. Ganun padin talaga kwarto niya.

"Giselle eto shorts and tshirt oh, bihis ka nalang muna?" Abot niya ng gamit. Agad akong naghubad sa harapan niya exposing my toned tummy and flat boobs, joke. Naah, 32B ako, okay na. Napansin kong nakatayo lang si Winona at halatang gulat na gulat sa ginagawa ko.

"It's not like hindi mo nakita 'to." Sabi ko habang nagsuot na ng tshirt at shorts niya. Umiling iling lang siya at humiga sa kama niyang maliit pa din, jusko. Umupo ako pero humarap sa kanya. "Gusto mo ba dito nalang ako matulog?"

"Ewan, malakas pa ulan eh."

"Siguro nagpray ka lumakas noh para katabi mo ko matulog?" Pangungulit ko. Umirap lang siya at tumagilid. Kahit kailan pakipot talaga 'tong babaeng 'to. Humiga na ako katabi niya.

Hindi ako mapakali kaya niyakap ko siya. "Ano ba Giselle?"

"Maginaw eh, tsaka namiss kita lab." There I finally said it. Hindi na siya sumagot pero naramdaman kong kinilig siya ng slight. Bawing bawi talaga ang stress ko sa trabaho ng makasama ko si Winona.

Kinabukasan, gumising nako, nakatulog ako ng diretso kagabi sa room ni Winona. Since wala na naman din ulan ay umuwi na ako. At dahil weekend ngayon, tinext ko siya pati si Gab na samahan ako mag lunch. Nagkita kita kami sa isang mall.

"Gi, buntis pala si Ate Steph noh?"

Tumango lang ako while looking at the menu. Na eexcite akong isipin na may pamangkin na ako. Kasama ko ngayon si Gab, Abi at si Winona sa harap ko. Habang busy ako sa pamimili ay biglang may kinawayan si Gab sa labas. Si Winona at Abi busy din sa pagkwentuhan.

"Si Finn!" Tumayo siya sa pagkakaupo at lumabas saglit ng restaurant. Hindi ko maiwasang kabahan, nawalan tuloy ako ng gana mamili ng kakainin. Minsan talaga nakakainis si Gab, at this point I'm questioning her loyalty, alam naman niyang Finn cheated on me.

Bumalik si Gab na kasama si Finn. Nilapitan ako ni Gab at bumulong siya. "Okay lang ba dito lang muna saglit si Finn? May hinihintay daw siya." Tumango lang ako na di siya tinitingnan. Ano pa nga ba magagawa ko?

She put me in a position where it's hard to say no. Naglakad si Finn lagpas sakin at tumabi kay Winona. Oh great! Katabi ko na ngayon dalawang ex ko. Nakayuko lang ako na nagpapanggap na namimili ng pagkain, sa totoo lang wala nakong maintindihan sa binabasa ko dahil ng lakbay na ang isip ko.

Sumimple lang ako ng tingin kay Finn. She still looked beautiful as ever. Bwisit! Napaka swerte ni Richard!

Ilang minutong torture at nagpaalam nadin si Finn, dumating na daw friend niya. Buti nalang dahil nakahinga ako ng maluwag. Siniko ako ni Gab, "Sorry Gi, friend ko padin kasi."

"Okay lang." Kahit sa totoo lang sarap lang niyang bigwasan!

Natapos ang lunch date naming apat na wala na ako sa mood, si Winona nakaramdam din. Naaawa tuloy ako dahil hindi niya ako makausap ng matino. Ang gulo lang talaga ng isip ko. Halos two months na ang nakalipas at namimiss ko padin si Finn. Gustong gusto ko siyang kausapin ulit kahit sobrang sakit ng ginawa niya. I guess mahal ko padin talaga siya.

Ang hirap naman ng ganito. Ako na nga ang iniwan, parang ako pa 'tong madaling nagpatawad sa ginawa niya. Ako na talaga ang dakilang tanga.

Congratulations Giselle, karma na nga!

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.6M 18.8K 53
Minsan pakiramdam mo may kulang sayo, pakiramdam mo hindi ka buo, kahit nasayo na lahat ng gusto mo may kulang parin. May hinahanap ka na kaylangan...
22.8K 666 22
after 3 years since they broke up, muli nagkrus ang landas nila. kung saan nagsimula ang lahat, binuo magkasama ang mga pangarap pero ito din ang nag...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...