NO HUMAN: The Dawn of Mutants

De msBRAID143

984 77 16

Huli nang malaman ni Cassidy ang buo niyang pagkatao.Isa siyang mutant at yun ang hindi niya mababago. Isang... Mais

Prologue
CHAPTER 1 Torn
CHAPTER 2 Secrets
CHAPTER 3 Fairmont
CHAPTER 4 Questions
CHAPTER 5 Answers
CHAPTER 6 Power Academy
CHAPTER 7 Focus
CHAPTER 8
CHAPTER 9 Threat
CHAPTER 10
CHAPTER 11 Team
CHAPTER 12 Fly
CHAPTER 13 Wildest Dream
CHAPTER 14 Perfect look
CHAPTER 16 Confusion
CHAPTER 17 Changes
CHAPTER 18 Promise
CHAPTER 19XD
CHAPTER 20 Dilemma
Chapter 21 Feels
Chapter 22 Shadows from behind
Author's Note

CHAPTER 15 The New Start

22 3 0
De msBRAID143



Hestia POV

Kakagising ko lang mula sa aking siesta matapos ang nakakapagod na laban ng may isang liham akong natagpuan sa aking tabi. Nasa sobreng kulay pula tulad narin ng paborito kong kulay. Binuksan ko ito, at alam ko sa puntong iyon kay Aiden yun galing. Palagi nalang talaga, he never fails to make me special.

I am his Princess sabi pa niya.

Nagsuklay ako. Tumingin sa salamin at humayo na upang puntahan siya sa nasabing tagpuan na nalagay sa sulat.

"Hestia! Skinny Dipping? Tara!" Yaya sakin ni Aihla. Ngumiti lang ako at sumenyas na may pupuntahan. Tumango naman sila. Masaya silang nagtatalunan sa pool at kay sarap tignan na nagsasayahan sila.

Habang ako'y papalakad sa tagpuan, batid kong padilim narin. Nagtataka, para saan naman kaya itong gimik niya.

  Monthsary ba namin? Hindi naman. Birthday niya? Teka, kailan nga ba Birthday niya?

"Hestia, seryoso? Birthday ng boyfriend mo di mo alam?" Teka, kunwaring boyfriend ko lang pala siya. "Tama, tama. No hard feelings. Di naman kami seryoso, di-ba?"

Naglakad pa ako ng konti hanggang sa narating ko ang restaurant na tinutukoy niya. Restaurant na nakapuwesto sa ibabaw ng puno. Parang Tree house na ginawang restaurant?Basta parang ganun. Dahil mutant nga kami, hindi na uso ang hagdan. Tumalon ako at narating ko ang entrance ng restaurant.

Infairness. Maganda ang concept ng restaurant na ito ha. Pagpasok mo palang, maamoy na ang napakabangong incense na inilalagay nila sa paligid. Ang dilaw na ilaw ang nagbibigay pakalma sa buong lugar. Teka, bakit wala masyadong mutant? Pinareserve ba niya ang lugar para saming dalawa lamang ?

"Buonasera, Seniorita Hestia (Good evening Miss Hestia)." bati ng lalakeng waiter sakin sa salitang italian.

"Buonasera"

"Your date is waiting for you." sabi pa niya.

"Yes I know."

"This way, Seniorita"

Habang hinahakbang ko ang aking mga paa, dumagdag sa excitement ko ang pagtugtog ng biolin ng Symphony No.4 ('Italian') na gawa ni Felix Mendelssohn-Bartholdy. Aaminin ko, kinikilig din ako kahit paano. Very royal, romantic and perfect.

Nakikita ko na siya, nakatalikod. Nang malapit na ako, umikot siya at nakita ko ang makisig at guwapong si ...

What the -- bakit siya ang nandito?

"He-hestia?" gulat na tanong ng lalakeng hindi ko inaasahang dadatnan ko.

"Justine?" sabi ko at napapikit siya ng kanyang mga mata. Sinampal ng bahagya ang noo at muling tumingin.

Nagulat ako, hindi ko alam kung anong sasabihin, akala ko ba si Aiden ang may gawa nito. Bakit si Justine ang nandito. Nakakahiya! Namula ako. Teka bakit parang kakaiba itong nararamdaman ko.

Umiwas ako ng tingin.

"Uhmm. Justine. This must be a big mistake. Wala akong alam dito."

"Kung nandito ka ibig sabihin nakatanggap ka rin ng parehong sulat" natigil ang musika ng makitang mayroon kaming di pinagkakasunduan. Inilabas niya ang sulat na bigay sa kanya. Ganoon narin ang ginawa ko.

Nagkatinginan kami.

"Para malaman mo, hindi ako nagpadala niyan." maangas na sabi niya.

"Of course. Hindi rin ako!" sabat ko naman na sinundan ko ng isang malakas na buntong hininga dahil hindi ko macontain ang tensyon saming dalawa. Pinakalma ko ang sarili ko. "Kung -- kung hindi ikaw o ako ang nagset-up nitong dinner, si-sino?" Malaking katanungan sa aking isipan.

Tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin. Umiwas ako.

Kung sino ka mang may gawa nito. Hindi siya nakakatuwa!

---------------------------------------

Cassidy POV

"Questo tè buon gusto (This tea tastes good)."

sabi ko sabay patong ng tasa ng tsaa sa aking kamay at marahan na inilapag sa mesa sa harapan ko lamang. Masaya ang puso ko ngayon, hindi sa naiinlove na ako, kundi dahil alam kong may dalawang puso akong napapasaya.

"You're happy. Anong meron!?" usisa ni Yannie na nakisalo sakin mula sa pagkakaahon sa pool. Naligo kasi sila.

"Wala naman. Masaya lang ako. Maganda ang gabi ngayon. Malamig, maaliwalas, and this tea... it is perfect." nagsasalita ako ng dumungaw si Alvin sa balcony ng aming villa at nakita si Aiden na nag-iisa.

"Himala ba itong nakikita ko? Si Aiden nag-iisa! Bakit hindi niya kasama si Hestia!?" nagtatakang tanong niya sa sarili. Napangiti ako.

"Maybe, nagmoment lang yung kapatid ko. Alam niyo na nakakastress kasi ang mga araw na nagdaan." sagot ko na ngumingiti ulit. Ha-ha! I feel the triumph!

Nakikita ko ang malaking question mark sa mga mata ni Yannie. May mga katanungang gusto niyang sagutin ko. Magsasalita na sana subalit napadaan sa aming harapan ang magkapatid na Rayco at Razul. Magwowork-out ata.

"Boys!" tawag pa ni Yannie sa kanila. Lumapit naman sila. "... napansin ko lang, medyo kulang kayo yata kayo. Nasaan si Justine?"

Nagkatinginan sila. Tumingin pabalik samin.

"Si Justine? Hindi namin alam." sabay pang sabi. Napatango si Yannie na tila may nabuo nang conclusion sa kanyang utak.

"Kanina, kasama namin siya, pero biglang umalis nung may dumating na ... sulat ata." - Razul.

"Nagmamadali pa." - Rayco.

"Ganun ba?" Napatingin sakin si Yannie kaya napaiwas naman ako ng tingin. "Sige Boys. Okay na wala na akong katanungan. Good luck sa ... work-out?" sabi ni Yannie na napansing nakapangwork out wear ang dalawa. Si Razul labas pa yung bibil sa laki niya.

"Sige." sabay ulit na sabi at nagpaalam na ang dalawa.

Tumahimik ang buong kwarto at kahit nakatingin sa tsaa sa aking baso, ramdam kong tumayo sa harapan ko si Yannie, nakapamewang at may seryosong tingin sakin.

"I have the feeling that you know something."

"What?"

"Tell me..."

"Yannie, wala akong alam sa sinasabi mo."

"C'mon, Cassidy! Can you please stop acting as if hindi obvious na may kinalaman ka sa parehong pagkawala ng dalawa!?"

Bakit galit si Yannie? Ano ba ang masamang binigyan ko lang naman ng time ang dalawa?

"Omg, pinakidnap mo yung dalawa?" Carly.

"Of course not!" sagot ko naman kay Carly na kinabigla ko din. Sa puntong ito, bisto na ako. Pero hindi ko maintindihan, bakit ba galit sila?

"So ano nga. What's the catch!? Anong meron sa plano mo?"

"All I want is to make Hestia happy. Halata namang gusto nila ang isat' isa. So why don't give it a chance?"

"Alam to ni Hestia? Pumayag siya?"

"No, sariling plano ko lang."

"Cassidy! Hindi mo ba naisip ang consequences nito?"

"What? Masama bang gumawa ako ng paraan para maging masaya ang kapatid ko?"

"No. But the hell thought na ang isang prinsesa may boyfriend nakikipaglandian pa sa iba, ano sa tingin mo ang magiging epekto nito kay Hestia?" napatalikod sakin si Yannie. "Carly! Marunong ka magdrive diba?"

"Uh Yes? Saan tayo pupunta!?" - Carly.

"Yannie, bakit ba ganito nalang ang paghihigpit ng lahat kay Hestia? Hindi ba siya pwedeng maging masaya? May criteria ba ang taong dapat at hindi dapat mahalin niya?" - me.

"Of course! Because Justine is not good for Hestia, as Princess! As the future ruler of Fairmont!"

"Kayong lahat, hinuhusgahan niyo si Justine. Wala na ba kayong nakikita kundi ang bad image niya? Hindi pa ba sapat na pinamunuan niya tayo sa World match na to? Pinipilit niyang maging mabuting mutant! Bakit ganyan kayo!?" naiiyak ako. Di dahil naawa ako kay Justine, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na hinuhusgahan.

"Cassidy! You know nothing! You know nothing about your sister at sa palasyo. Hindi mo alam, kung anong hirap ang pinagdadaanan niya para mapanatili ang dignidad at respeto ng mga taga-fairmont sa Royal Family. Hindi mo alam kung anong hirap niya na lumaki na walang ina, habang ikaw meron. Nakita ko yun lahat, Cassidy. Hestia suffered so much, para sirain mo lang ng kisap mata. Now, you tell me... anong alam mo sa lahat ng iyon!?"

"Yannie, all I want is --" natigil ako ng makitang unti-unting lumabas ang matatalim na blades sa kamay niya na pinilit niyang pigilan.

"... next time. You better mind your own kesa maki-alam pa sa iba. Kung gusto mo talaga makatulong sa kapatid mo, you better step out of the way."

"Tama na yan Yannie!" sigaw ni Rayco na patakbong pumasok sa sala at madaling lumapit sakin. "Tulad na nga ng sabi mo, wala siyang alam. This is an honest mistake."

Napaatras si Yannie, umikot at madaling lumabas sa Villa para hanapin si Hestia.

"Tara na Carly!" galit na sigaw pa ni Yannie kay Carly na takot ding sumunod sa kanya. I saw the anger and fire on her eyes. Malapit na siyang magtransform kung hindi niya pinigilan."Carly, maghanda ka ng damage control, kakailanganin natin yun kung sakaling nasundan tayo ng paparatsi dito."

"Cassidy --" bago pa ako makapagbitaw ng salita, niyakap na ako ni Rayco at sa kanyang dibdib, napaiyak nalang ako.

"Mali ba Ray? Mali ba yung --"

"Tahan na. Shh. Alam ko, may mabuting intensyon ka sa lahat ng ito. Siguro nga, ito yung kailangan nung dalawa para malaman kung anong makakabuti sa kanilang dalawa." pagpapatahan niya sakin at pagpapaan sa loob ko.

"Pero bakit ganun? Bakit sa mga mata nila Yannie --" napabitaw ako sa pagkakayakap niya.

"Ano ka ba, nalilimutan mo na ba? Ako yung bestfriend nila Hestia at Justine. Tulad mo yun din ang gusto kong mangyari. Si Yannie, nagalit lang yun kasi overprotective sila kay Hestia. Pero sa tingin ko, ito ang kailangan nilang dalawa, ang harapin ang unresolve issues nila."

"So sa tingin mo tama yung ginawa ko?"

"Well, --" mukhang sa itsura palang ni Rayco parang mali nga ata.

--------------------------------------------------

Hestia POV

"... so kamusta na?" natanong ko kay Justine habang kumakain. Yes, kaumain na nga kami. Total nakareserve na naman ito samin, gutom na ako at gutom narin siya. Gabi na pero sabi ni lilipad nalang daw kami mamaya, ihahatid niya ako deretso sa kwarto ko.

Hindi siya sumasagot.

"Justine, galit ka?"

Hindi parin.

"Honestly, hindi ko talaga alam kung sino sa mga kaibigan kong andito ang may alam tungkol satin."

"Hestia, walang tayo." seryosong sabi niya at masakit na tumingin sakin.

"Okay." sumubo ako ng isang ulam. "Justine, yung totoo kasi, narinig ka kasi nila. Yung araw na..."

"Hestia, that day, it was all a mistake. At hindi ko kayang isipin na mga kaibigan mo ang may gawa nito."

"Mistake? Ang kap --" grabe siya? Mistake ba yun? Langya to ah! Ang romantic pa naman ng feeling ko nun, we even kissed! Tapos mistake?

Control. Control, Hestia. Seryosong tumingin ulit siya sakin.

"It was carly. Siya ang nakarinig satin, sa pag-uusap natin. Well, you know him right? He is the man of surprises, alam mo na --"

"Siguro nga. Pero nakakalimutan mo ba, ayaw nila sakin. Ayaw nilang mapalapit ka sakin."

"Justine, hindi yan totoo. Bakit ka naman nila --"

"Why not? Hindi mo kasi napapansin, Hestia. Dahil hindi ikaw ako. Lahat ng mutant sa Fairmont. Simula noong inuwi ako ng Reyna mula sa --"

"Justine, stop." Hinawakan ko ang kamay niya na agad naman niyang binawi. "Nag-oover think ka na naman. Justine, walang humuhusga sayo. Kung iisipin ikaw lang ang nagpuput down sa sarili mo."

"Nevermind. No one cares for me. No one loves me."

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ba pagmamahal ang binigay sayo ni Mommy? ni Daddy? Si Rayco, kaibigan mo siya. Ako..."

"Gusto ko maniwala. Gusto ko sana isipin na andyan ka para sakin, Hestia. Gusto isipin na di tulad ng lugar kung saan ako galing, ikaw yung pinakahuling tao na tatalikod sakin. Pero anong nangyayare, ikaw yung unang tao nagpatunay na walang magmamahal sa isang tulad ko."

"Justine --" naiiyak na ako. "...look, nandito na ako diba? Ayusin natin to. Pagod na akong cold ka sakin tuwing nagkakaharap tayo. Pagod na akong magkalayo tayo tapos napapalapit ka sa iba. Justine I still love --"

Kring. Kring. Kring.

May tumawag sa phone ko. Si Aiden. Pinindot ang reject.

"Bakit hindi mo sinagot? Si Aiden yun tama?"

"Just --" tawag ko sa pansin niya nung napatayo siya mula sa aming mesa.

"Bakit ba kasi Hestia, hindi nalang natin tanggapin. Ikaw at ako, hindi tayo bagay sa isat' isa. Alipin lang ako, prinsesa ka. Yung bagay sayo, ang tulad ni Aiden, kilala sa lipunan, hinahangaan ng karamihan, and oh! Matino siya kumpara sakin. Mas magiging mabuti kag Prinsesa kung sa kanya ka mapupunta."

"Pano? Pa-pano tayo?"

"Kung dati sana nangyare to, kung dati kahit minsan man lang, nagkaroon tayo ng oras magkasama ng ganito. Baka pwede pa. Pagod na rin kasi ako Hestia, yung hahabol ako tapos lalayo ka, kasi hindi pwede."

Bumuhos ng lalo ang aking mga luha.

"Bakit Just? Me-meron na ba? Mayroon ka na bang ibang nagugustuhan?"

"Hindi ko alam. Sabihin nalang nating, may taong nagpamulat sakin na huwag na ulitin pa ang parehong pagkakamali. Minahal kita subalit mas pinili mong talikuran ako. Minahal kita subalit sa ating dalawa, ako lang pala... ako lang ang nagmahal."

Hinabol ko ang mga kamay niya at pinigilan siya.

"Please Justine... give me a chance? We've been through worst." Bumitaw siya.

"Yun ba ang pinproblema mo? Don't worry, walang makakaalam ng sikreto mo. Maaring pasaway nga ako, pero hindi ako traidor." inalis niya ang natitirang kamay ko sa shirt niya. " Pero tungkol sa chance na hinihingi mo, sorry pero hindi ako miyembro ng gomburza. Hindi ako si Rizal. Mas lalong hindi ako santo."

"What?"

"Ang gusto kong sabihin, hindi ako martyr para umasa pa sayo Hestia. Tama narin to, nakapag-usap tayo. Dahil sa puntong ito, masasabi ko narin -- Paalam Hestia. Sana bukas at makalawa, magawa pa nating maging magkaibigan. Kanya-kanya na, Ikaw Prinsesa, girlfriend ni Aiden at ako... ako ang inyong maging taga paglingkod."

Tumalikod si Justine at mula sa mesa, pinapanood ko ang unti-unti paglaho ng kanyang Prensesya. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.

"Bakit ba pinakawalan ko ang pagkakataong maging masaya, maging malaya."

Flashback

"Mahal na Prinsesa, ilang taon nalang ang gugugulin at maging ganap na Reyna na kayo." -Ministro Yangyang.

"Oo nga po eh. Pinaghahandaan ko na pong pagsilbihan ang buong Fairmont. Sa awa ng diyos magawa kong pamunuan ang buong Fairmont tulad ni Papa."

"Subalit bilang Reyna, kakailanganin mo ang isang Hari. May napupuso-an ka naba Prinsesa?" matagal akong hindi nakasagot. Napapaisip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Papa kung sasabihin kong si Justine ang napupusuan ko?

May ibinigay na sobre sakin si Ministro Yangyang. Binuksan ko ito. Mga larawan namin ni Justine. Mga patagong pagtatagpo, pag-uusap, at huling halikan namin.

"Ministro --"

"Hindi ito alam ng Papa mo tama? Alam kong hindi siya matutuwa, maging ang lahat ng ministro at mga taga-Fairmont. How bad, hindi kayo karapatdapat sa isat' isa ."

"Bakit mo to ginagawa?"

"Prinsesa, alam ko ang lahat. Yung kuwentong, Once upon a time ang Prinsesa at tagapaglingkod ay lumabas ng palasyo. Pinuntahan nila ang nawawalang Reyna kasama ang bago nitong pamilya."

"You stop! Wala akong alam sa sinasabi mo!" tumayo na ako at tumalikod.

" Oh! Anong ginagawa doon ng Prinsesa? Anong nagawa niya at parang namumutla siya ngayon? Oh no! It might be--"

"Tumigil ka! Tumigil ka!!!" Nagiging hysterical na ako. Tinatakpan ko ang tenga ko para hindi ko na marinig ang mga kasunod na sasabihin niya. Ito na yung kinatatakutan ko. Ayaw ko nang maalala pa na minsan akong nakapatay. Ako yung mutant na nakapatay sa Papa ni Cassidy. Patawarin sana ako ng kapatid ko. Hindi ko sadya ang lahat! Hindi! Hindi!

"Masakit bang maalala ang lahat? Sa tingin mo, ano ang magiging reaksyon ng mga tagaFairmont kung malaman nilang ang hinahangaan nilang Prinsesa ay isa palang mamatay? Yung Mommy mo kaya? Si Cassidy! Oh no!"

"Anong kailangan mo! Tell me!" konti nalang, kung hindi ako magpipigil lalagpas ako sa uncontrolled mode.

"Isa lang ang kailangan ko. Isa lang ..." hinawakan niya ako sa magkabilang braso at may binulong. "...hayaan mong maging hari ang anak ko. Siya ang gawin mong Hari at Ikaw ang magiging Reyna. Kung gagawin mo yun, dadalhin ko sa hukay ang sikretong pinakatago-tago mo."

------------------------

"Hestia, roses for you?" masayang tumabi sakin si Justine at inilatag ang picnic basket. "Hestia, nakikita mo ba ang buong gubat na ito? Gusto ko sana balang araw, magawa ko itong palasyo para sayo."

"Justine --"

"Pero siyempre, pagsusumikapan ko pa yun Hestia, chill ka lang. Pinapangako ko balang araw, magiging karapatdapat din ako para sayo."

"Justine sana lagi mong pagkakatandaan..." naluluha ako. "Kahit anong mangyare, walang magbabago satin, kahit anong mangyare palaging nandito lang ako para sayo."

"Uy Bakit ka naiiyak!?"

-----------------------

"Hestia, Bakit? Bakit nakikipagkalas ka? Pagod ka naba? Sorry kung nakagawa naman ako ng kasalanan. Hindi naman ako yung nagsimula ng gulo, pinagtulungan kasi nila ako. Tinawag ba naman ako ng anak niya na salot! Parang hindi naman tama na --"

"Justine! Enough! I am tired of this. Pagod na akong intindihin ka sa tuwing nakakagawa ka ng eksena doon sa harap ng mutants. Gusto kong ipagtanggol ka, pero hindi mo mai-aalis sa mga mata nila ang nakikita nila. Alam mo sa ginagawa mo, pinapatunayan mo lang na tama ang panghuhusga nila sayo!" 

"So ano ang gusto mong sabihin? totoo na salot nga ako? Ganun ba yun?!!!"

"Oo! Ganun ka nga! Kaya hindi pwede na ang isang prinsesa ko ay mapupunta lang sa isang tulad mo!" nagulat ako sa sinabi ko at napatakip ng bibig. Napatango lang si Justine na tila nabigla rin sa sinabi ko. "Justine Sorry. I didn't mean to --"

"No. Bitiwan mo ko. Bitaw! Siguro nga tama ka. Sa wakas, lumabas din mula sayo, salot ang tingin mo sakin."

"Justine, Sorry!"

Flashback ends


Habang umiiyak ako sa loob ng restaurant. Naramdaman ko ang sabay na pagflash ng camera sa paligid ko dagdag pa ang ibat' ibang sentimento. Bakit hindi ko to naisip kanina? Mga paparatsi? Pati pa ba dito sa Amores?

"Diba si Princess Hestia yan ng Fairmont? Diba boyfriend niya yung si Aiden? Eh bakit nakikipagdate siya sa iba?"

"Ano ba yan, naturing na Prinsesa, malandi din pala." 

Nanigas ako sa aking mga naririnig hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagtakip ng blanket sa aking ulo at katawan. "Secure the area boys! Protektahan ang Prinsesa!"

"Aiden? Paano mo nalaman na --" hindi niya ako sinagot, instead niyakap niya lang ako at sa ganoong lagay sumakay na kami sa Super Rocket niya. 


Cassidy POV

Nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog. May naririnig akong ingay. Mula sa gym ata? May nag-eensayo pa sa ganitong oras ng gabi? Alas onse na ng gabi ah. Teka ika-ilang araw na ba bukas?

  ika-apat na araw? Teka para ikatlong araw palang. Kay bilis ng mga araw. 6 wins 2 loses na ang stats namin. Di na masama.   

Bumangon ako. Naglakad ako papunta sa gym at nakita ko doon si Justine. Siya ang nag-eensayo ng mag-isa. Nasa Phoenix state kaya medyo dumistansya ako, baka ako yung matamaan ng mga atake niya. Malakas siya sa ganitong anyo.

"Lumabas ka sa pinagtatagu-an mo at magpakita." teka alam niya ba na nandito ako? "Cassidy?"

"A-ano justine?" lumabas na nga ako.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" pagalit na naman niyang tanong. Kakaiba siya ngayon ha, himala na tong hindi pa niya ako pinapaalis. 

"Ah, ano kasi, medyo masama kasi  ang pakiramdam ko, kaya ayun, hindi ako makatulog."Pumunta siya sa kalapit na bag at may kinuha, tumingin sakin at may tinapon. "Sabayan mo ko."

"Sabayan? Aba! Himala!" natatawang sabi niya at umupo malapit sakin at sumandal sa pader at pumikit. Nakita ko na naman ang maamo niyang mukha. Tinignan ko ang tinapon niya sakin, isang ginger drink. "Mahilig ka sa ginger?" pero bakit ganoon, yung sa kanya inuming totoo naman. yung akin herbal drink.

"May nakapagsabi kasi na maganda yan kung masama ang pakiramdam. Narinig ko kanina, masama yung pakiramdam mo kaya --"

"Ginawa mo to para sakin?" medyo natuwa naman ako. Konti lang. 

"Asa ka naman diba? Marunong ba akong magluto? Binili ko lang." sabi niya na nagsungit na naman. Napayuko ako.

"Justine, sorry nga pala."

"Sorry? Para saan?" tanong niya sabay bukas ng gin na para naman sa kanya. 

"Doon sa pagseset-up ko senyo ni Hestia. Pinagalitan ako ni Yannie. Baka daw kasi machismis si Hestia. Tapos, ako yung naturingan na kapatid eh, ako pa yung may pasimuno. Sorry."

"Tsk. nasindak ka naman ba kay Yannie?" tumahimik lang ako at nakapout na nakatingin sa kanya. "Hahahahahaa"

Tumatawa siya? Seyoso ba itong nakikita ko? Tumatawa si Justine?

"Hindi ako makapaniwala. Si Cassidy na walang kinatatakutan, masisindak kay Yannie na isa lang Lycan. Mas malakas ka kay Yannie kaya huwag kang pasindak. Diba laging kong pinaalala sayo, huwag mong iisipin na mahina ka." panaginip ba to? Dios mio. Parang hindi ako makapaniwala. Si Justine, nakikipag-usap ng maayos sakin. "Tiyaka, tungkol dun sa pagseset-up mo. Sa totoo lang, salamat at ginawa mo yun."

"Huh? Bakit?"

"Dahil, sa wakas, natuldukan ko ang galit ko kay Hestia. Nagkaroon kami ng closure. Mapaparaya ko na ang sarili ko, at ganun narin siya, magiging malaya narin siya kay Aiden." tumahimik kaming pareho. Natanaw sa malayo at parehong walang kumibo. Medyo awkward silence kaya nagsalita ako.

"Mahirap ba?"

"Mahirap ang alin?"

"Mahirap ba mag-move on sa first love mo?"

"First love? You mean si Hestia?"

"Oo?"

"Haha! Hindi ko first love si Hestia at hindi rin naging kami. Magulong-Usapan lang yung samin. Nagustuhan ko siya, ganun rin siya sakin. Kung itatanong mo kung may love, oo siyempre, nasaktan ako eh. Pero hindi siya yung unang babae na minahal ko."

"Tatalaga? Si-sino?" tumingin lang siya sakin at hindi nagsasalita. Ano kaya yun. "Hala! Di na sumagot."

"Teka, andami mo nang tinatanong, yung ginger drink mo di mo pa iniinom."

"Eh sagutin mo muna!"

"Tyaka na. Pagclose na tayo."

"Eh bakit, hindi pa ba tayo close?"

"Ah, hindi." Hinabol ko siya at tumakbo naman siya. Lumipad siya at lumipad din ako. Naghabulan kami habang lumilipad. Kung panaginip to. Ito na yata ang pinakamagandang panaginip na maaring mangyari sakin. "Ano ba ang bagal mo!"

"Hintay ka lang mahahabol din kita!"

Sa mahabang panahon ko siya naging Mutant Buddy, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Justine. Makulit na side. Pero kahit anong side man, gusto ko pareho.

"Justine, mabait ka pala?" sabi ko nang maupo na kami sa pinakamataas na puno.

"Bakit? gaano na daw ba ako kasama sabi ng ibang mutant?"

"Wala! Wala naman silang sinabi. Siguro conclusion ko lang kasi hindi maganda yung unang pagkikita natin. Tiyaka palagi kasi pagalit mo kong kinakausap." tumingin lang siya sakin at kinain ang mansanas na hawak niya. "Oh! Bakit ganyan ka na naman makatingin!?"

"Eh ano ba ang gusto mong pagkikita natin? Tsk."

"Alam ko na, ulitin natin. Magpakilala tayo ulit sa isat' isa." tumayo ako ng dahan-dahan at tumayo sa sanga ng kahoy.

"Anong gimik na naman yan!?"

"Ehem" kumunot ang noo niya at nagsalubong na naman ang mga kilay. "Hi, ako si Cassidy Louise. Half Human, Half Mutant. Mula ako a labasan." umiwas lang siya ng tingin na tila ayaw makisali sa gimik ko. "Ano ba! Magpakilala ka rin!!"

"Ano ba! Hindi ako isip bata tulad mo. Huwag ako."

"Ehh!! Sige na! Wala namang nakatingin satin." Tumayo din siya at binalanse ang katawan gamit ang pakpak.

"Ako si Justine ang phoenix. Paborito ko yung beef stake. Hilig ko ang paglipad." natatawa ako dahil habang nagsasalita eh, panay simangot at parang napipilitan lang. Inabot ko ang kamay niya para makipagkamay.

"Sana, mula sa puntong ito, maging magkaibigan na tayo. Alam kong hindi ko mapapalitan si Hestia bilang bestfriend mo, pero sana bigyan mo ko ng chance?" ngumiti siya at hinigpitan ang pakikipagkamay sakin - tanda ng pagsang-ayon niya sa akin sinabi. "So, friends?"

"Friends".

Continue lendo

Você também vai gostar

118K 8.9K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
285K 21.3K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
771K 30.8K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...