Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

23: Two Sides of Story

16.4K 186 32
By Lee__Miyaki

A/N: Sorry for the delay of this chapter. Hehehe. Natulala lang ako ng lagpas isang linggo sa nabasa ko. Sorry, ang OA ko kasi magreact. Hehehe. Hehehe. :)

This chapter is dedicated to the girl who never gets tired of reading this story. Tadaaan! Ikaw na, DM. :)

Chapter 23: Two Sides of Story

Rebecca’s POV

Nandito ako sa tapat ng school gate. Iniisip ko pa kung papasok ako o hindi. Nawiweirduhan na ako sa sarili ko dahil since nang nagpunta ko sa bahay ni Railey. Napapamura na lang talaga ako habang naiisip kong pinagpalit niya lang ako sa phone call niya kagabi. Nakakabastos ‘di ba?

“Miss. Excuse me nga.”

“Ano ba ‘yan late na ko.”

“Paraan.”

Halos naitulak na ako ng tatlong matatandang professor na nasa likuran ko. Ay. Nasa gate nga kasi ako kaya halos itulak na ako ng mga pumapasok. Nadala naman ako ng tatlong professors na iyon hanggang sa natangay na nila ako papasok ng school. Sign na kailangan ko na ngang pumasok. Isang oras ang iniaga ng punta ko sa school para lang hindi ako ma-late sa pinakafavorite at nag-iisang subject ko. Hmp.

“Alam niyo na ba?”

“Ang alin Ma’am?”

“Si Sir Rye at Ma’am Chloe na talaga.”

“Paano nangyari?”

“No’ng Teambuilding raw ata sila na-develop.”

“Grabe naman, pati pagkadevelop, alam mo.”

“Papaano, sobrang close kaya nila sa isa’t isa.”

“’Yung tipong hindi mapaghiwalay?”

“Correct Ma’am.”

Napahinto ako sa narinig ko. Nauna nang maglakad ‘yung tatlong teacher sa likod ko. Napatigil talaga ako. ‘Yung puso ko, parang nawala. Kaya lang ako si Rebecca eh. Hindi ako dapat umaasta na parang nasasaktan. Hindi ako pwedeng umastang parang nakakaramdam. Tang*na. Lalaki lang ‘yun eh? Bakit ko pag-aaksayahan ng luha? Kinaya ko namang mabuhay nang mag-isa noon, bakit hindi ko ulitin ngayon?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Dumiretso ako sa canteen. Humanap ako ng isang bakanteng upuan upang magpalipas ng oras habang hinihintay si Roxanne na puntahan ako. Wala naman akong ibang kakilala rito bukod sa kanya. Sa tagal ko ring naghintay, tumayo muna ako at bumili ng isang malamig na Iced Tea na kahit kailan ay hindi pumapalyang magpakalma sa akin.

“Ate Bec!” tawag ata sa akin ng babaeng nasa likuran kong nakapila. Dala niya rin ang pagkain niyang obvious naman na isang meal na puro gulay. Ah, si Denise pala ‘to.

“Uy. Ikaw pala. Libre na kita,” random kong sinabi. Nawiweirduhan ako sa sarili ko. Anong cause nito?

“Hindi ate, okay na. Ako na lang magbabayad. Nga po pala, pinapatawag ka nga ni Ms. Soriano sa Registrar’s Office. After lunch ka raw pumunta sa office niya,” sabi niya sa akin habang hawak niya pa rin ‘yung tray na pinaglalagyan ng order niya.

“Ah. Sana naman mabuting balita na ‘yung dala niya no? Nakakatamad ng mag-stay dito. Halos isang buwan na kong nagpapauto sa isang Values Teacher raw sa school na ‘to,” sagot ko sa kanya. Naglalakad na kami. Naghahanap na rin ng mauupuan.

“T-Teka. Si Ma’am Chloe ba ‘yang tinutukoy mo? Teacher ko rin siya sa isang subject dati. Magaling naman siya magturo, ‘yun nga lang, medyo naartehan ako,” sagot niya sa akin.

“Ang keen observer mo naman,” wala sa wisyong sagot ko. Wala pa rin pala akong katinuan. Sh*t lang.

Pumwesto kami sa isang table na mas malapit sa may pasukan ng canteen. Dahan-dahan niyang inilapag ang order niya. Ako rin medyo careful, like Iced Tea lang naman inorder ko. Gusto kong magpalamig.

Habang dahan-dahan rin ang pagkain niya ng meal niya. Tinitignan ko siyang maigi. May naaalala akong sinabi niya sa akin kay Rye simula pa lang nang pumasok ako kunwwari this semester.

TAMA! Siya ‘yung babaeng nagsabi sa akin nang tungkol kay Rye at ang kahina-hinala nitong ginagawa.

“Denise. Ano nga ulit ‘yung napansin mo last vacation with Sir Rye?” tanong ko. Nasamhid siya nang makapagtanong ako. Seryosong bagay nga. So basehan ko talaga ang pagkasamhid. Anyway.

“Yes ate, actually, napapansin kong mas close sila compared sa ibang teacher. Hindi ko po sure kung bakit pero may pagkakataong nakita ko silang magkahawak ang kamay sa loob ng isang kwarto,” sabi pa niya sa akin. Hindi na niya muna tinuloy ang pagkain dahil seryoso siya. Mahina rin ang pagkasabi niya nito.

Napalagok ako ng iniinom ko. Sa totoo lang, nabanggit na sa akin to ni Denise nang minsan. Kaya lang hindi ko pinansin dahil masyadon na ata akong bulag sa katotohanang magkakabalikan pa kami ni Rye ng maayos at hindi tulad ng dati.

“Hawak kamay ba. Hayaan mo, kapag nagkaron na ako ng time para pumatay ng ipis, hindi lang kamay ang tatanggalin ko,” at pagkasabi ko nito, tinuloy ko nang ubusin ang iniinom kong juice. Tumayo na rin ako at tuluyang nagpaalam kay Denise.

Dumiretso na lang ako sa classroom. Tinext ko si Roxanne na hindi ko na siya kikitain. Mamaya na lang siguro kapag nakapunta na ako kay Ma’am sa Registrar’s Office. Hmm.

Pagkapasok ko sa classroom. Nando’n na pala si Chloe. Pwede na bang hindi ko na siya tawaging Ma’am? Tutal, ang mga taong katulad niya, hindi na dapat bigyan ng chance. Nakakainis siya. Hindi na ako magtataka kung bakit may magrereport sa Facebook account niya.

Kahit nasa harapan siya, dumiretso na ako sa upuan ko. Nasa harapan lang ‘yon ‘di ba? Edi kahit nagsusulat siya sa board, hindi ko na siya pinansin. Umupo na lang ako at inilabas ang cellphone ko para magpanggap na nagtetext. Silent protest ikanga. Silent naman di ba?

Tinignan niya ako ng may pagtataray. Umikot ang eye balls niya. Parang monster. Kasabay ng pagtaas ng kilay niya, tinawag niya ako, “Miss Canlas, I think you should be greeting your teacher first once your late in my class, right?”

“Miss Solomon, I think we should be acting normal since everyone’s already looking us, right?” ewan ko ba. Walang connect ang sagot ko sa pagtataray niya. Gusto ko lang matahimik siya sa nag-aambang sermon at pang-iinis niya.

Sa awa naman ng mga anghel na nakapaligid sa akin, hindi na siya nagsalita. Tinignan ko kasi siya ng masama—isang tingin na kayang i-define lahat ng terms sa dictionary. Sa totoo lang, may suspetsa na akong siya ang nagtext at tumawag kay Railey, ayoko lang magsalita. Gusto ko kasing si Railey ang magsabi nito sa akin.

Nagpatuloy siyang magsulat sa board. Actually, dinefine niya lang naman ang isang boring na salita na hindi ko makita sa kanya eh, “Ethics”, kahit Values naman talaga ang subject ko. Siguro, pahapyaw. Pero wala pa rin akong pakialam. Hindi ko siya pakikinggan. Ang hirap kayang makisama sa mga taong ayaw mismo makisama sa’yo. Bakit ko naman pag-aaksayahan ng panahon ang gano’ng tao? ‘Di ba?

Isang oras lang siyang nagdiscuss. Lahat ng gagawin ko, ginagawa ko para i-annoy siya. Pinapaingay ko ang ballpen ko. Binabagsak kong kusa ‘yung bag ko para pulutin ng katabi ko at madistract si Chloe. Nagtatanong rin ako ng mga tanong na ikinakainis niya. Halatang naiinis siya, pero pagharap niya sa side na hindi ako sakop, ngumingiti siya. Sa bagay klase niya kasi ngayon, isa lang akong panggulo.

Isa lang ang masasabi ko. Gusto kong guluhin ang buhay ng babaeng ‘to. At kasabay ng paggulo ko sa buhay niya, kailangan ko na ring tuluyang mag-move on mula sa lalaking nagpaasa sa akin.

Railey’s POV

 

“My dear Rye, anong mukha na naman ‘yan?”

“Wala, Kuya. Stressed lang at pagod siguro.”

“Ehem! Pagod, porket ba iniwan niyo kami last night ni Rebecca?”

“Shh. ‘Wag ka ngang maingay kuya. Kitang nasa Faculty Room.”

Nasa loob nga kami ng faculty room. Sa totoo lang, naiinis rin ako. Kung hindi ko kasi sinagot yung tawag na yon sa harapan ni Rebecca, malamang maayos pa siguro kami ngayon. Anyway, dalawa lang kami ni Kuya sa loob. 11am pa lang at karamihan sa mga teachers may klase. Kami, nagkataong parehong wala.

“Alam ko ‘yang ganyang mata mo, Rayling. Tell Kuya na. Seriously,” he said. Binabasa niya ang librong Romeo and Juliet habang kinakausap ako.

“Papaano ba ko maniniwala sa Seriously mo, Kuya? Eh parang mula sa comedian lahat ng sasabihin mo.”

“Ganyan na ba tingin mo sakin, Rye? Pagdating naman sa seryosong usapan katulad niyan, handa naman akong makinig. Ano na bang nangyari sa inyo ni Rebecca? Ikaw kasi. Kung may plano kang mang-two time, magdahan-dahan ka.”

“Hindi ko pinlano ‘yon. Naipit lang talaga ko kay Chloe. Namimisinterpret ni Rebecca ang maayos na pakikitungo ko kay Chloe, which is hindi naman dapat—I mean, meron rin kaya lang… Ah basta! It’s perfectly complicated.”

“Rayling. Love is not that complicated if there’s trust and honesty. So, sabihin mo sa akin. Ano ba talaga ang conflict ng mala-telenovela niyong love story?” tanong niya sakin at isinara niya rin ang binabasa niyang libro upang ipakita ring seryoso siya.

“Kuya. Chloe and I… We had a one night stand last… vacation… during sa teambuilding ng faculty,” hirap akong sabihin ito at halos ibulong ko na kay Kuya. Napahinga siya ng malalim pero kalma pa rin ang itsura niya sa harapan ko.

“Rayling. Naiintindihan kita. ‘Yan din ba ang dahilan kung bakit halos lahat ng sasabihin niya, pumapayag ka?” tanong niya sa akin.

“Ganun na nga. Ayoko kasing siya ang magsabi kay Rebecca. Kuya, it was nothing. I was that desperate dahil sa pagcool off namin ni Rebecca. Kahit kailan, hindi ko gusto si Chloe. Ginagawa niyang dahilan ‘yon dahil ayaw niyang iwan ko siya. See? It’s really complicated,” sagot ko.

Matagal siya bago magsalita si Kuya. Napangalum-baba siya sa harapan ko at tila nag-iisip ng isasagot sa akin. Napasandal na lang ako sa upuan ko. Napasapo rin ako sa noo. Kasalanan ko naman, at willing naman akong gawin ang lahat para makabawi kay Rebecca. I’m willing to pay for all of my faults.

“Kung ganyan ang naging sitwasyon mo, subukan mong ipaintindi kay Rebecca lahat ng nangyari. Syempre, mahirap ‘yan sa part ng mga babae, pero ligawan mo siya ulit. Take her back. Mahal ka niya at mahal mo rin siya ‘di ba? Gawan mo ng paraan. Gawin mo rin ang imposible para patunayan sa kanya na you’re willing to be with her again.”

“Kaya lang, ang hirap.”

“Walang mahirap. Lahat naman ng bagay na gusto nating makuha o maibalik ay worthy para paghirapan ‘di ba? Si Rebecca pa ba ang susukuan mo? Eh kung sa lahat ng estudyante mo noon, siya ang katangi-tanging sumakay sa kagag*han mo?”

“Anong una kong gagawin, Kuya?”

“Una. Puntahan mo siya, soon. Sabihin mo sa kanya ang lahat ng nangyari. Sabihin mo ang side mo. Kung magalit siya, it’s normal. You deserve it. Kaya dapat mo siyang amuhin katulad na lang ng dati.”

“Minsan, may maganda ka rin palang nasasabi kuya. Ngayon ko lang na-appreciate. Ganyan rin ba ginawa mo kay Anna?”

“Absolutely. ‘Wag kang maniwala sa kasabihang, “Kung tayo talaga, magiging tayo” dahil kung hindi ka rin gagawa ng hakbang, walang ibang magiging paraan para maging kayo.”

I feel relieved. At least, I have something to ponder on before talking to Rebecca. Pero bago mangyari ang lahat ng kailangan kong gawin, I believed kailangan ko munang alisin si Chloe sa tabi ko.

“Hi Sir Rain, Hi Rye! Nag-lunch ka na?”

Speaking of the devil. I think I have to stopped tolerating her attitude.

It’s time for OPLAN: Rebecca.

“Tapos na kong maglunch, Ma’am Chloe. Why don’t you ask other teachers to come with you?” I answered. I stared at Kuya and he just pretended to be reading his book, Romeo and Juliet.

“Mamayang merienda, sabay na tayo ha?” umupo siya sa tabi ko nang sabihin niya ito. Ako naman, tumayo na ako, I think I have to start ignoring her.

“No need. I do have hectic schedule. Ikaw rin maraming gagawin ‘di ba? You also have to deal with Lee, or else your parents will get mad at you,” I answered.

At pagkasabi ko ng “Lee” napatingin siya ng masama. Akala niya siguro sasakyan ko pa siya sa lahat ng gagawin niya. Dun siya nagkakamali. Hindi na ako magiging laruan niya sa lahat ng balak at gusto niyang gawin.

“Lee is just my friend. ‘Wag ka ng magselos.” Sinabi niya ito nang saktong pumasok ang tatlong co-teachers naming sa loob ng faculty. Mukhang nananadya talaga siyang gumawa ng issue sa loob ng faculty room. Well, I simply don’t care. It’s no big deal kung patuloy niyang ipagsisiksikan niya ang sarili niya sa akin. It’s her problem.

Continue Reading

You'll Also Like

65.7K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
96.3K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
54K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022