Everything Has Changed (The N...

By jglaiza

1.4M 25.6K 748

PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eu... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Epilogue
Special Chapter
Published under Pop Fiction

Thirty-Eight

17K 268 11
By jglaiza

Chapter 38
Melon

**

Positive ang resulta ng pregnancy test. Sa tatlong iyon, puro positive lahat.

"Eunice, anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Bree sa akin. Pareho sila ni Saff na nakatingin sa akin ngayon at mukhang naghihintay ng sagot.

Umiling ako at agad na pinunasan ang luha ko. "Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako, Bree. Anong gagawin ko?"

Napabuntong-hininga si Bree at napatingin kay Saff na mukhang nag-iisip.

"Saff, any suggestions?" tanong niya rito. Tumingin si Saff nang diretso sa akin.

"You have to tell Niel about your condition."

Mabilis akong umiling. "No! Hindi pwede. Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito. Mas lalo lang magugulo ang lahat."

"Eunice, sana naisip mo iyan nang ibigay mo ang sarili mo sa kanya. Sana naisip mo na pwede talagang magulo ang lahat dahil sa ginawa niyo. Hindi mo man lang naisip na pwede kang mabuntis dahil doon? At ngayong buntis ka, gusto mong itago sa kanya ang anak niya? He deserves to know because that's also his child!"

"Alam ko, Saff. Believe me, gusto ko rin namang sabihin sa kanya. Pero sa sitwasyong ito, kasal siya sa Ate ko. Ano na lang ang mangyayari sa oras na malaman niya ang tungkol sa bata?"

"But he has the right to know. And you can't hide it forever. Lalaki ang tiyan mo, Eunice. Of course, he'll think that that's his child. And what about your parents? Ano ang sasabihin mo sa kanila kapag nakita nilang lumalaki ang tiyan mo?"

Umiling ako at napaiwas ng tingin. Napalunok ako.

"I can always deny it. Pwede kong sabihin na… na nabuntis ako ng iba."

Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Saff.

"What? Nasisiraan ka na ba? Tingin mo maniniwala si Niel sa'yo? Pwedeng maniwala ang parents mo pero si Niel? I think not."

Napabuntong-hininga ako. Tama si Saff. Hindi nga maniniwala si Niel kapag ganoon ang sinabi ko. Halos araw-araw kaming nagkikita dahil sa trabaho. Lagi rin kaming magkasama sa bahay. Ni minsan hindi niya ako nakitang sumama sa ibang lalaki kaya imposibleng maniwala siya na hindi niya anak ang batang dinadala ko.

"I'm sorry, Eunice. Pero tingin ko ay tama si Saff. Niel deserves to know your condition. Anak niya rin iyan," sabi ni Bree.

"Pero girls, hindi nga ganoon kadali. Alam niyo naman ang sitwasyon, 'di ba? Kasal sila ni Ate Bea. Ano na lang ang sasabihin ng parents ko sa akin at kay Niel kapag nalaman nila ang tungkol sa bata? Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa amin? Okay lang naman sa akin na sabihin kay Niel ang tungkol sa anak namin pero I think, hindi pa ngayon. Siguro… siguro palalakihin ko na lang munang mag-isa ang bata? Tapos kapag malaki na siya saka ko sasabihin?"

Saff groaned. "Iyan na lang ba talaga ang naisip mong paraan? Tingin mo ba makabubuti sa anak niyo iyan?"

"Makabubuti iyon kay Niel, Saff. Alam kong magagalit siya pero gagawin ko ito para sa kanya. Ayoko na siyang guluhin," sagot ko. Saff sighed.

"Alam mo, nakakainis ka na. Pero ano bang magagawa ko? Desisyon mo pa rin iyan. Pero Eunice, hindi talaga ako sang-ayon sa gusto mo. Malay mo, kapag sinabi mo kay Niel ang tungkol sa anak niyo, makaisip siya ng paraan, 'di ba?"

Ngumiti ako nang malungkot.

"Ayokong sabihin sa kanya dahil baka maguluhan lang siya. Baka mas lalo lang siyang mahirapang maka-move on. Paano kung kay Ate pala siya sasaya?"

"Oh, anong balak mo ngayon? Lalaki ang tiyan mo, Eunice. Lalaki rin ang bata. Anong sasabihin mo sa parents mo?" tanong ni Bree.

Kanina pa may pumapasok na ideya sa utak ko pero hindi ko alam kung tama ba iyon o kung kaya ko ba iyon. Sa ngayon, iyon na lang muna ang sasabihin ko sa kanila.

"Balak kong umalis at tumira sa ibang bansa. Siguro sasabihin ko na roon na ako magtatrabaho. Tapos doon ko palalakihin ang anak ko. Tapos siguro kapag nakita kong masaya na si Niel at wala na siyang gusto sa akin, saka ko sasabihin sa kanya at sa parents ko."

"Alam mo naman sigurong magagalit ang parents mo sa oras na malaman nila ang tungkol sa anak mo, 'di ba?"

Tumango ako.

"Alam ko. Pero umaasa ako na maiintindihan nila." Sana nga maintindihan nila ang gagawin ko. Tumingin ako sa kanila. "Kaya girls, pwede bang itago na lang muna natin ang tungkol dito?"

Tumango si Bree. Bumaling naman ako kay Saff. She rolled her eyes.

"Alam mong ayoko sa ideya mo, Eunice. Mas gusto ko pa rin kung sasabihin mo kay Niel na anak niya iyan dahil may karapatan siya. Pero sige, susubukan kong huwag sabihin. Pero kilala mo ako, Eunice. Sa oras na makita kong nahihirapan ka, sasabihin ko talaga sa kanya. Siya dapat ang nag-aalaga sa'yo," pagbabanta niya. "Naku talaga! Kapag nakita ko ang Niel na iyan, sasapakin ko talaga siya!"

Kinabahan ako sa sinabi ni Saff. Alam kong tototohanin niya ang sinabi niya. Tahimik lang si Saff kapag siya ang nasasaktan pero kapag nakita niyang nasasaktan na ang mga mahal niya sa buhay, hindi siya mananahimik lang sa isang tabi. Palaban si Saff. Kaya alam kong kaya niyang sabihin kay Niel ang tungkol sa kalagayan ko kapag nakita niyang nahihirapan na ako.

But I'll trust her words. Siguro kailangan ko na lang munang maging maingat para hindi na siya magkaroon ng rason para sabihin kay Niel ang nalalaman niya.

Pag-uwi namin sa bahay ay nagbilin sila na ingatan ko ang sarili ko. Sa araw ng day-off ko ay sasamahan nila ako sa OB para magpa-check-up at para na rin malaman kung ilang araw na ba akong buntis. Ayaw nga sana nilang magtrabaho pa ako pero ang sabi ko ay kailangan ko iyon para sa anak ko. Kailangan kong mapaghandaan ang binabalak kong pag-alis.

Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kina Mommy at Daddy ang tungkol sa balak ko. Itutuloy ko ang balak kong manirahan sa ibang bansa at doon ko palalakihin ang anak ko. Sa ngayon, kailangan ko munang maging handa para roon.

Sa mga lumipas na araw ay mas lalo kong naramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis. Medyo lumala ang morning sickness ko at madalas din akong antukin lalo na sa trabaho. Mabuti na lang at hindi ko naman napapabayaan ang trabaho ko. Iyon nga lang, madalas naman akong pagod pagdating sa bahay at halata na ang stress sa mukha ko.

Medyo lumakas na rin ako sa pagkain na napansin naman nina Mommy. Napansin din nila ang madalas na pagkain ko ng melon pero hindi naman sila nagreklamo. Marahil ay nagtataka lang sila kung bakit madalas ay melon ang gusto kong kainin.

Nalaman kong one week na pala akong buntis nang bumisita ako sa OB. Nang sinamahan ako nina Saff at Bree sa OB ay napansin din ng doctor ang pagiging stressed ko. Nagbilin siya na huwag kong hahayaan ang sarili kong mapagod nang husto at kung maaari ay sa bahay na lang. Sinabihan din niya ako ng mga dapat kong kainin at mga hindi dapat kainin pati na rin ang mga dapat na gamot para sa akin.

Nang sumunod na araw ay maaga akong pumasok sa trabaho. Birthday ng General Manager namin kaya naman busy ang lahat sa Accounting Department para sa surprise party para sa kanya. Balak naming sa umaga ice-celebrate ng taga-Accounting Department at F & B Department ang birthday nito at sa hapon kami magre-resume sa pagtatrabaho. Sa hapon naman ay celebration naman ng General Manager kasama ang mga nasa Housekeeping Department at Front Office Department. Of course, sila na ang nag-isip ng gagawin nilang celebration sa hapon.

Busy kaming lahat sa pagde-decorate ng conference room at office ng General Manager. Mga ilang sandali lang ay dumating naman ang ibang employees ng F & B Department na may dalang pagkain. Hindi kasi pwedeng lahat ng employees ang makiki-celebrate dahil kailangang may magbantay sa mga iniwan nilang pwesto. Pero mamaya naman ay sila naman ang papasok para kumain.

Pagpasok pa lang ng mga chefs ay si Niel agad ang una kong nakita. Nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero heto na naman 'yong feeling na naiinis ako sa kanya. Parang ayaw ko siyang makita. Probably pregnancy hormones.

Pansin kong lahat ng chefs ay naka-t-shirt. Siguro ay naiinitan sila kaya ganoon. Pumasok sila sa conference room para iayos sa mahabang mesa ang mga hinanda nilang pagkain. Nang pumasok si Niel ay nagpasya akong sa Office of the General Manager na lang tumulong sa pag-aayos. Promise, ayoko talaga siyang makita.

Ayos na ang lahat nang dumating ang General Manager. Sobra siyang na-surprise sa ginawa namin. Nagpasalamat siya sa amin at saka kami nagsimulang kumain. Dahil wala namang inihandang upuan sa conference room, nagpasya kaming sa kanya-kanyang table na lang namin kami kumain. Dahil wala namang table rito ang mga taga-F & B Department, naki-table na lang sila sa aming mga nasa Accounting Department.

Nagtaka naman ako nang walang naki-table sa akin. Pero pansin kong mayroon din namang mga walang kasama sa kanilang table. Oo nga pala. Hindi lahat ng employees sa F & B Department ay narito.

Habang kumakain ako ay napatingin ako sa mga lumalabas sa conference room na mukhang kakakuha lang ng pagkain. Lumabas mula roon ang isang ka-officemate kong babae habang tumatawa. Nang tingnan ko kung sino ang katawanan niya ay nagsalubong ang dalawang kilay ko. Well, si Niel lang naman ang katawanan niya at mukhang enjoy na enjoy silang dalawa sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Iniwas ko ang tingin ko nang mapansing napadako ang tingin niya sa akin.

Marahas kong tinusok-tusok ang cake na nasa plato ko. Ugh! Huwag siyang titingin-tingin diyan at naiinis ako sa kanya!

"Bakit mo minu-murder iyang cake mo? Ayaw mo ba niyan?" tanong ng isang ka-officemate ko nang mapadaan ito sa pwesto ko.

Napatingin ako sa cake ko at nagulat ako nang makitang halos durog-durog na iyon. Ngumiti ako nang alanganin sa officemate ko.

"Hehe. Okay lang iyan. Gusto ko kasi durog-durog, eh."

Nagkibit-balikat lang siya saka pumunta sa pwesto niya. Napatingin ulit ako sa cake ko at napasimangot. Kainis! Nadurog na tuloy 'yong cake ko.

"Hey, okay lang bang maki-share ng table?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang taong kinaiinisan ko ngayon. Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha niya na ang extrang upuan na nasa gilid at ipinatong ang kanyang pagkain sa mesa ko. Wow! Hindi pa ako sumasagot, ah?

Inirapan ko siya. "Ba't di ka maki-share ng table kay Kimmy?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Kimmy? Sino 'yon?"

I rolled my eyes. "Hindi mo kilala si Kimmy? Katawanan mo lang siya ngayon-ngayon lang tapos hindi mo siya kilala?"

"Ah. Kimmy pala pangalan niya."

"Oh, alam mo na ang name niya. Lumipat ka na sa table niya," sabi ko at saka ko nilantakan ang fried chicken.

"Teka nga. Nagseselos ka ba?"

Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Agad kong ininom ang tubig ko. Pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin.

"At bakit naman ako magseselos? Naaawa lang ako kay Ate Bea dahil asawa mo siya tapos nakikipagtawanan ka pa sa ibang babae," palusot ko. Oo na! Nagseselos ako!

Tinaasan niya ako ng kilay. "Pero hindi ganoon ang nakikita ko sa reaksyon mo. Para ka talagang nagseselos, eh."

I groaned. "Ugh! Bahala ka na kung anong gusto mong isipin basta hindi ako nagseselos. Tumahimik ka na nga lang diyan kundi papaalisin kita. Akin na nga lang ito," sabi ko bago kinuha ang isang fried chicken niya. May isa pa naman siya. Hindi naman siya nagreklamo nang kunin ko iyon.

Mabuti na lang at nanahimik naman siya. Pero maya't maya ay napapansin niya akong masama ang tingin sa kanya. Napapakunot-noo siya pero hindi naman siya nagtatanong. Basta naiinis lang kasi talaga ako sa pagmumukha niya!

Nang matapos ang celebration ay umalis na rin sila at bumalik sa trabaho. Nagpatuloy na rin kami sa pagtatrabaho. Nang dumating ang lunch time ay kaunti lang ang nagpasyang kumain. Mga busog pa kasi karamihan sa amin. As for me, dahil buntis ako at dalawa na kaming kumakain, nagugutom ako. Nakaramdam din kasi ako ng sakit ng ulo dahil sa pagtatrabaho kaya nagpasya akong magpahinga habang kumakain. Nagpunta ako sa canteen para roon kumain.

Nang makarating ako sa canteen ay nagulat ako nang makita roon sina Saff at Bree. Nang makita nila ako ay napatayo sila at sinalubong ako.

"Hi, girl!"

"Saff, Bree, ba't kayo nandito?" tanong ko bago bumeso sa kanila.

"Naisipan ka lang naman naming dalawin. May dala kaming pagkain," sabi ni Bree. Hinila nila ako sa dulong mesa kung saan walang masyadong tao.

"May melon?" tanong ko.

"Of course. Alam naman namin kung anong pinaglilihian mong pagkain," sabi ni Saff. Agad ko naman siyang sinaway.

"Shh… Baka may makarinig sa'yo," sabi ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang mukhang wala namang nakarinig sa sinabi niya.

"Kaunti lang naman ang tao rito, 'no. Bakit nga ba kaunti ang tao?" tanong niya habang inilalabas ang dalang pagkain.

"Birthday kasi ng General Manager at nagkaroon ng maliit na celebration. Karamihan mga busog pa kaya hindi na sila kumain," sabi ko saka nilantakan na ang melon. Ito na lang ang kakainin ko. Ayoko nang kumain nang kanin.

Sinabayan naman akong kumain nina Saff at Bree dahil hindi pa sila kumakain. Tinanong ko sila kung paano sila nakapasok dito. Hindi kasi pinapayagang pumasok ang bisita dito hangga't hindi naitatawag sa amin. Wala namang tumawag sa akin kanina kaya hindi ko alam kung paano sila nakapasok. Ipinaliwanag nilang kay Lolo sila nagpaalam at sinabing balak nila akong sorpresahin kaya nakapasok sila.

Malapit ko nang maubos ang melon na kinakain ko nang biglang may kung sinong tumabi sa akin. Paglingon ko, bigla na namang nag-init ang ulo ko.

"Melon na naman?" nakakunot-noong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pakialam mo? Saka bakit ba nandito ka na naman?"

"Malamang break time," aniya bago bumaling kina Saff at Bree. "Hi, girls. Bakit kayo nandito?"

Bago pa sila makasagot ay ako na ang sumagot para sa kanila. "Binibisita nila ako. Ikaw, bakit ka nandito?"

Napatingin siya sa akin at iritado na ang kanyang mukha.

"Teka nga. Ano bang problema mo? Kanina ka pa, eh. Ano bang ikinakagalit mo sa akin? Nagseselos ka ba talaga kay Kimmy?"

Mas lalong nag-init ang ulo ko nang banggitin niya ang pangalang iyon.

"Hindi nga sabi ako nagseselos! Basta naiinis ako sa'yo, okay? Naiirita ako sa pagmumukha mo," inis na sabi ko.

"Wow! Sa gwapo kong ito, naiirita ka? Ugh! Ang gulo mong kausap," sabi niya sabay walk-out.

Ayan! Mabuti nga umalis ka na! Ah! Nakakairita talaga!

"Hoy, Eunice. Anong eksena iyon? Ni hindi kami nakapagsalita dahil sa away niyo," sabi ni Bree.

"At sino naman si Kimmy?" tanong ni Saff.

Umirap ako at kumain ng melon. "Officemate ko na katawanan niya kanina."

"So, nagseselos ka nga?"

Oo, nagseselos ako pero hindi ako aamin, 'no. "Hindi. Naiinis lang ako kasi may asawa na siya pero nakikipagtawanan pa siya sa ibang babae."

Napatango-tango ang dalawa pero halata sa kanilang hindi sila naniniwala sa akin. Hindi ba kapani-paniwala ang sinasabi ko?

"Sige, Eunice. Sabi mo, eh."

"Oo nga. Naniniwala naman kami," sabi naman ni Saff.

Pero halata namang hindi sila naniniwala. Inubos ko na ang huling piraso ng melon saka tumayo para bumalik na sa trabaho. Napatayo rin sila.

"Oh, aalis ka na?" tanong ni Bree.

"Oo. Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. Marami pa akong gagawin."

"Oh, sige. Huwag kang magpapakapagod, ha?" paalala ni Bree. Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila.

Pero hindi pa man ako nakalalayo ay nakaramdam ako ng hilo. Napakapit ako sa isang upuan para kumuha ng suporta. Narinig ko naman ang mga yapak ng paa na palapit sa akin.

"Eunice, okay ka lang?" dinig kong tanong ni Saff sa gilid ko.

"Okay lang ak—"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang dumilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...
3.2K 206 26
For years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, s...
130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...