NO HUMAN: The Dawn of Mutants

By msBRAID143

984 77 16

Huli nang malaman ni Cassidy ang buo niyang pagkatao.Isa siyang mutant at yun ang hindi niya mababago. Isang... More

Prologue
CHAPTER 1 Torn
CHAPTER 2 Secrets
CHAPTER 3 Fairmont
CHAPTER 4 Questions
CHAPTER 5 Answers
CHAPTER 6 Power Academy
CHAPTER 7 Focus
CHAPTER 8
CHAPTER 9 Threat
CHAPTER 10
CHAPTER 11 Team
CHAPTER 12 Fly
CHAPTER 13 Wildest Dream
CHAPTER 15 The New Start
CHAPTER 16 Confusion
CHAPTER 17 Changes
CHAPTER 18 Promise
CHAPTER 19XD
CHAPTER 20 Dilemma
Chapter 21 Feels
Chapter 22 Shadows from behind
Author's Note

CHAPTER 14 Perfect look

19 3 0
By msBRAID143

Author's Note: At last here it is. Hindi ako mahilig maglagay ng note pero medyo matagal din since nag-update ako. To all readers, keep the spirit! At sana hindi kayo magsawa. Love you all!


Ting! Ting! Ting!

Ngayon na ang simula nang World Match. Nagkalat sa buong lugar ang mga mutant ng ibat' ibang mundo. Nasa kanya-kanyang kasuotan na halos kita na kahit kaluluwa. Kailangan ba talagang ganun? Habang nililibot ko ang aking tingin, napansin kong may mga tatoo nga ang bawat mutant sa bawat parte ng kanilang katawan, simbolo nang kung saang mutant world sila nabibilang. Tumingin ako sa aking dibdib, nandoon ang simbolo ng aming mundo, ang gemini - simbolong kumakatawan sa pagiging patas ng fairmont pagdating sa mga bagay-bagay.

"Enjoying the fun darling?" nagulat ako sa babaeng biglaan lang sumulpot sa aking harapan. Nakita ko na siya dati, isa siya sa -- "By the way, I am victoria, ang Reyna ng Friza. Bakit ka nag-iisa darling?" sabi ko na nga nakita ko na siya.

"Uhm. Nagparegister lang sila Rayco? Yung iba, bumili ng food, yung iba nagbihis, ako lang ang nagpaiwan." nahihiyang sabi ko.

"Ganun?" eksaharada siya magsalita. Para siyang si Carly kung magsalita. Parang bakla na nakulong sa katawan ng isang babae. "Kawawa ka naman." sabi niya na sinundan ng taas babang tingin niya sa akin.

"Queen Victoria, may mali po ba sa damit ko?"

"Hmm. Wala naman. Walang mali pero, may hindi tama ..." nakasuot kasi akong simpleng shirt na may spongebob print paired with tights, boots as foot wear at leather jacket. Oo inaamin ko na, ako na ang baduy. "Darling, naisip ko lang, hindi ka ba tinuruan ng Mama mo kung paano siya magdamit tuwing World match?" umiling ako at napabuntong hininga siya.

"Po?" tanging nasabi ko nalang dahil para wala naman akong isasagot. Walang ano-ano'y hinila ako ng magandang babaeng ito sa kung saan. "Mahal na reyna, baka hinahanap na ako ni Justine baka --" kahit anong sabihin ko parang wala lang din siyang naririnig.

Matagal kaming naglakad hanggang makarating kami sa pinakamagarang bahay na pwede kong makita dito sa lugar ng Amores. Kasing laki ito ng palasyo at maraming alalay ang nakaabang sa pagdating ng isang mahalagang panauhin.

"Magandang umaga mahal na Reyna Victoria at sa iyo mahal na binibini " bati pa nila na sinagot ko lang ng tango dahil hinihila parin ako ng mahal na reyna.

Pumasok kami sa isang silid kung saan bawat sulok ay salamin ang laman.

"Victoria, anong kaguluhan ito, pinalabas mo daw ang lahat ng damit sa --" isang napakataas at matipunong lalake ang sa pintuan ay pumasok kasunod namin. Para siyang si Ian Veneracion. Eduardo. Amp. "Cassidy? Victoria, bakit nandito si Cassidy, araw na ng kompetisyon!"

Naalala ko na, isang hari ang isang to, nakita ko na siya nung huling beses na dumalaw siya sa Fairmont. Siya ang hari na si Spack, ang seryosong mama noong huli.

"Spack, will you please calm down? Hindi magsisimula ang world match nang wala ako. I am the only rose among the thorns. Ang kakapal naman ng mukha nila kung gagawin nila iyon diba?"

"Victoria, alam mong ayaw na ayaw ni Jakken ang late, lalo na si Rufus, gayung anak-anakan pa niya ang kinaladkad mo sa iyong kalokohan."

"Shh. Pwede ba, tumahimik ka, gagawa ako ng isang himala. Si Felice ay muling magbabalik sa katauhan ng kanyang anak."

"Bahala ka, mauna na ako, di tulad mo, ayaw kong makita ang galit na mukha Jakken mamaya."

"Whatever. Mauna ka na at susunod na lang kami." kumuha ng ilang damit sa closet si Reyna Victoria, humarap sakin at ngumiti ng nakakaloko. "Darling from now on, call me Auntie Tori."

"Auntie Tori?"

"Yep. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal ang mama mo. She is truly a good friend of mine. So please..."

"Okay po. Gets ko po. Auntie Tori." ngumiti siya ng napakalapad at niyakap ako ng mahigpit. "You're indeed a smart girl and gorgeous young lady. Papagandahin kita, ilalabas kita sa shirt na spongebob at di kagandahang pants na suot mo. Are you ready Hija?"

*lunok*

Mukhang hindi maganda ang kakapuntahan nito.

------------------------------------

Hestia POV

"Sampung minuto nalang at magsisimula na ang laban niya, nasaan na ang babaeng iyon!?" nandito ang ilan sa amin tent ng Fairmont, nakikinig sa walang tigil na pagsermon ni Justine. Kasalukuyan, nasa laban si Rayco, Razul at Aiden kaya kung bibilangin anim na tenga lang ang nakikinig sa walang tigil na bunganga niya. "Hestia, wala ka ba talagang alam kung nasaan ang kapatid mo? Kung saan-saan nagpupunta, nakapatay pa yung cellphone."

"Justine, hindi ba kayo-kayo ang magkakasama kanina? Ikaw nga ang dapat kong tanungin diba? Anong nangyari at bakit hindi niyo siya kasama?"

Sa talas ng tanong ko halos sabunutan nalang ni Justine ang sarili. Dahil kahit ang siya hindi masagot ang katanungan na tinatanong niya. 'Nasaan na nga ba si Cassidy.'

"Alam kong kapatid ko si Cassidy, pero diba, ikaw na nga angnagsabi matanda na yun at kaya na niya ang sarili niya."

"But the point is, may laban siya Hestia, mababaon tayo sa default dahil wala tayong puntos naiintindihan mo ba?"

"Darating siya, nagtext siya kanina lang diba? Kung sinabi niyang darating siya, darating siya." halos magtagpo na ang mga ilong namin sa lakas ng tensyon na pumapagitna samin. Walang gustong magpatalo. Siyempre naman, ako papatalo kay Justine? Never!

Nag-aaway kami at walang umaawat sa apat na nakikinuod samin. Si Carly, Yannie, Aihla at Alvin.

"Sorry, guys, kung nalate ako? May limang minuto pa naman diba?" isang napakagandang babae ang sa tent ay pumasok. Nakasuot ng damit na panlaban niya. Take note: Nakapush up ang boobs niya at nagpakita siya ng balat. I mean, kapatid ko ba ang nasa harap ko?

"Dyosa --" sabi ni Alvin. "Aray" na sinundan kaagad ng batok ni Aihla.

"Cassidy, ikaw ba yan?" napatayo si Carly at kay Cassidy ay lumapit.

"Carly, ano ba ako nga ito." Niyakap siya ni Carly at napangiti nalang ako. Oh well, maganda nga naman ang lahi namin. Habang nakatitig, naalala ko si Justine, natahimik lang siya, at pareho naming lahat nakatingin din kay Cassidy. Ang saya sa puso ko ay napalitan ng lungkot.

Teka bakit ganito ang nararamdaman ko. Ano naman ngayon sakin kung namamangha Justine kay Cassiidy? Ano ba ako? Ano niya ba ako?

"Sinong may gawa ng ganitong transformation mo? Ang ganda mo girl!" carly.

"Sabihin na nating, fairygod mother?" at sinundan ng tawa ng lahat maliban kay Justine.

"You're late. Pinag-alala mo silang lahat. Hinanap ka nila kung saan-saan. Bakit nakapatay ang cellphone mo?"

"Justine --" lumapit si Cassidy kay Justine at nagpaliawanag, "Sorry ha. Kung nag-alala kayo."

"Anong kayo? Sila lang, hindi ako nag-alala. Huwag mo ko isali."

"Ah, okay. Sorry guys, kung nag-alala KAYO." diniinan pa ni Cassidy ang salitang kayo, tulad nadin ng sabi ni Justine. Kani-kanina lang, ang lakas-lakas ng boses niya para hanapin si Cassidy. Hindi naman kami ang naghanap kundi siya, bakit ngayon iniiba niya ang kuwento? Para bang ayaw niyang aminin na ... no. Ayaw kong magconclude, baka mali ako. "Nakita kasi ni Reyna Victoria ang ayos kanina, hindi niya nagustuhan kaya ito, inayusan niya ako. Pa-pangit ba?"

"Hindi pangit." biglang sabi ni Justine kaya tumingin kaming lahat sa kanya. Nang magtama ang aming tingin, umiwas siya sa akin at binawi ang sinabi. "Hindi lang bagay sayo." sabi pa at tumalikod sa direksyon namin.

"Ganun ba, papalitan ko ba?"

"... para susunod na event, tinatawagan ang mga kalahok ng Amores at Fairmont, sina Cassidy at Paige kung maari, pumunta na kayo Amphi 6. Magsisimula ang laban sa loob ng limang minuto." tumunog ang speaker sa loob ng tent na hudyat na magsisimula na ang laban ni Cassidy.

"Wala nang oras. Ang gawin mo, galingan mo mamaya, sa oras na matalo ka dahil sa kapabayaan mo. Lagot ka sakin!"

"Cassidy, tara na, ihahatid na kita."Anyaya ko at hinila na siya palabas.

------------------------

Cassidy POV

Nasa loob na ako ng ring. Nakapalibot ang maraming mutant sa buong Amphi Theatre. Ngayon na ang araw na maipapakita ko ang lakas ko at galing. Hindi ko pwedeng bigu-in si Justine, si Hestia, si Haring Rufus. Gusto ko sa pagbalik ni Mama sa Fairmont may isang karangalan akong maibabahagi sa kanya.

"Cassidy ng Fairmont! Handa kana ba?" tawag sakin ng Referee.

"Handa na"

"Ikaw Jaron ng Amores, handa ka na ba?"

"Handa na."

Ang laban ng mga mutant, hindi tulad sa mundo ng mga tao, babae laban sa babae, lalake laban sa lalake. Dito, mapababae man o lalake, walang gender preferences ang kalaban na maari mong kaharapin. Ang mahalaga sa dulo ng laban, ang matira ang matibay.

"...kung gayon kung handa na kayo, ang laban ay magsisimula na!!!!"

Unang umatake ang lalake dala ang napakatalim niyang sibat. Hindi ako gumalaw, tumayo lang ako at huminga ng malalim. Hinintay kong saktong makalapit siya. Bawat apak niya sa lupa randam ko ang pintig ng puso niya. Ang hiningang inilalabas niya ang mga matang nanlilisik upang ako ay puksain. Narito na siya papalapit na papalapit.

"Ahhh!!!!" sigaw niya at ibinato sakin ang sibat. Itinaas ko ang aking kamay. Umayon sakin ang hangin.napigilan ko ang sibat. Nawala siya sa paligid. May kapangyarihan siyang magteleport. Magaling ang kanyang kapangyarihan. Mabilis siya, subalit hindi siya kalakasan. Alam ko, aatakihin niya ako mula sa itaas, ramdam ko parin ang bawat galaw niya.

Binaliktad ko ang sibat at pintamaan ang tiyan nang lalakeng kalaban ko. Nagulat siya.

"Paanong --"

"Paano? Anong klaseng tanong yan?" maangas kong sabi at sa harapan ko'y lumipat siya, tinangka niya akong suntukin, subalit napigilan ko. Hinawakan ko ang kamao niya at binaliktad siya at ibinagsak sa lupa. Muli siyang bumangon at naglabas ng patalim, galit na galit na siya. Umatake ulit, napigilan ko ulit at ako naman ang sumuntok sa sentro ng mukha niya, nagdugo ang ilong niya at napa-oohhh ang mga tao. Napaatras siya, pinunit ang damit at namula ang kanyang mga mata.

"Grrr." Mula sa malago niyang buhok, lumabas ang mga sungay na tila sungay ng kalabaw. Umuusok ang kanyang ilong. Unti-unting lumaki ang bawat laman ng kanyang katawan. Namula hanggang naging anyong toro na nga ang buo niyang pangngatawan.

Ayaw ko ng patagalin pa ang laban. Dapat ko na itong tapusin.

Bumuo ako ng energy ball sa aking mga palad. Malaking hangin ang nag-ipon para ako'y tulungan. Mali pala ako, isang toro ang isang to. Ngayon ramdam ko na ang lakas niya. Humahanda na siya sa pag-atake.

"Ano na, atake na. Gusto mo na akon tapusin tama?" pinainit ko pa lalo ang kanyang ulo para kusa siyang lumapit sakin at magawa ko ang plano ko sa kanya. Mas malapit mas mainam.

"Grrr." papalapit na siya ulit, nangangapoy sa galit. Bawat hakbang ay napakalakas na enerhiya ang kanyang pinararamdam sa akin.

"Grrr!!!"

"Arghhhh!!!!" Sinalubong ko ang malakas niyang atake at nagbanggaan kami sa gitna. "Ako si Cassidy! Hindi ako mahinaaaaaaaaaaaaaa!!!"

*Boom*

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Umusok ang buong paligid.

Buhay pa ba ako? Ang bigat ng bagay na nakapatong sa akin. Anong nangyare?

"Cassidy? Cassidy!!!!!" Naririnig kong may umiiyak sa labas ng ring. Isinisigaw ang pangalan ko. Umusok parin kaya hindi ko makita. Malamang si Hestia na yun. "Bitawan mo ko, gusto ko lang malaman kong napano ang kapatid ko. Isa ang prinsesa ng fairmont! Hayaan mo kong makapasok."

"Patawad, subalit hindi pa tapos ang laban."

"OOOOHHH" Sabay-sabay na sabi ng mga tao ng makita kung anong kinalabasan matapos ang laban.

"Cassidy? Cassidy!? Ikaw na ba yan?" inangat ng mga medic ang lalakeng walang malay na sa akin ay nakapatong. Napaubo ako sa tindi ng usok. "Teka, sinong nanalo?"

Natulala ang buong Conga sa nangyare sa kanilang kababayan. Balita ko, beterano na sa laban ang Jordan na nakalaban ko. Kaya siguro ganun nalang ang pagkahinayang nila. Natagalan bago nakapagsalita ang Emcee. Maging ang mga judge ay hindi malaman kung anong numero ang itataas.

"Mga -- mga Kababayan. Mutants! Tapos na ang laban! Ganoon kabi-kabilis natapos si Jordan. Bagsak si Jordan." gusto ko sana matamawa pero parang hindi tama. Pinunasan ko nalang ang putok kong labi at tinago sa madla ang aking patagong ngiti "Ang nanalo?! Ang Fairmont!!!!" Unang laban palang. Buti at konting galos lang nakuha ko. Sayang naman itong make-up ko.

"Hestia --" hindi ako nakapagsalita ng yakapin niya ako sa labas ng ring.

"Sis, nag-alala ako dun grabe!!!" Umiyak siya sa pagkakayakap sakin.

"Grabe naman, mas iyakin ka pa ata ka may mama."

"Ehh. Huwag ka nga, alam mo namang ayaw kong nasusugatan at naano ka eh."

"Hestia, nasa World Match tayo, maging ikaw o ako ay makakaranas ng galos at sugat. Naglalaban tayo sa ngalan ng karangalan at kapayaan" Nagulat ako dahil hindi ko siya napansin sa likuran ni Hestia, si Justine. "Pwede ba, huwag kang OA, na para bang bata pa yang kapatid mo."

Kasunod sa likuran niya ay ang ibang kasamahan pa naman na nagsasabi ng congrats. Nakita ko sa isang gilid sila Razul, Rayco at Aiden, panalo rin sa mga laban nila, si Rayco may headband na sa ulo. Nakakatuwa, ngayon palang nagsisink-in. Panalo ako.

Tumingin ako kay Justine. Gusto ko marinig kung anong masasabi niya sa laban ko. Seryoso lang siya. Parang may hindi tama akong nagawa. Naghihintay akong pagalitan niya ako. Yumuko ako.

"Ayaw ko ng itanggi. Magaling ang ipinakita mo." napaangat ako at ngumiti. "Subalit unang laban palang. Maaring tsamba, swerte o ewan. Pero hindi na masama. Pagbutihin mo sa iba mo bang laban." inabot niya ang kanyang kamay upang makipagkamay sakin.

"Justine --"

"...tinatawagan si Justine ng Fairmont at Celsus ng Conga sa amphi 8, magsisimula ang laban sa loob ng limang minuto." hindi ko natuloy ang pagsasalita ng tinawag na nga ang pangalan niya. Tumalikod na siya.

"Mamaya nalang. Magpahinga na kayo." Naku, hindi ko man lang naabot ang kamay niya? Ang sama ko ata.

"Manunood kami." Sigaw naman ni Carly. "Uhh, Good luck Justine." sabay tingin kay Hestia na inirapan naman siya.

"Tsk. bahala kayo."

Ang gusto ko sanang sabihin ay Salamat Justine. Salamat dahil hindi ka sumuko sa pagtuturo sakin. Salamat dahil kahit galit na galit at nauubos ang pasensya patuloy mo parin akong tinuturuan. Sa mismong oras na ito, ganap ko nang niyayakap ang pagiging mutant ko.Kung mayroon mang bagay na handa kong gawin para sayo --

"Doon tayo Sis, nang makanood tayo ng maayos." yaya sakin ni Hestia.

"Sige, Hestia. Susunod ako. Kukunin ko lang ang gamit ko."

Gagawin ko ang lahat para maging maligaya kayo ni Hestia sa piling ng isat' isa. Mahal mo siya, mahal ka niya. Nararapat lang na maging para rin kayo sa isat' isa.

"Cassidy, bilis naman magsisimula na o!"

"Heto na po!"


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
168K 3.1K 83
Snow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She li...